Love, Lust and Cherry Knots Chapter 7

"O Arthur Lance, akala ko ba ayaw mo dun sa kaibigan ni Leigh?"

"Tinawag mo pa siyang chicks na pinaghalong giraffe at gagamba."

"At sabi mo, ayaw mo sa babaeng weirdo."

"Kinain mo ngayon ang lahat ng sinabi mo dati?"

"Nabusog ka ba?"

Kanya-kanyang pang-aalaska na naman ang mga kaibigan ni Arthur Lance nang makapasok siya sa resident's quarters.

Nalaman kasi ng mga kunehong to ang tungkol sa pakikipaglapit niya kay Guinevere.

"Siguraduhin mo lang na seryoso ka."

"Leigh would definitely not like it kung sasaktan mo ang kaibigan niya."

Napahinto si Arthur Lance sa paghuhubad ng polo. Nilingon niya ang mga kaibigan.

"Kaibigan ko lang si Guinevere," sa wakas ay nasabi niya.

Ang bigat sa loob na ikabit kay Guinevere ang salitang kaibigan. He wanted more. Pero alam naman niyang hindi pwede.

Panibagong heartbreak lang ang maibibigay niya dito kung sakali.

"Kaibigan?" hindi naniniwalang tanong ni Cupid. "Kaibigan lang talaga?"

Tumango siya kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. "Oo, kaibigan lang."

"Eh di bawal ang sex? Di ba, rule number two, bawal pumatol sa kaibigan," nakangising sabi ni James Carlo.

He shrugged. Stupid rules.

Technically, hindi pa naman sila magkaibigan ni Guinevere nang may mangyari sa kanila kaya hindi niya nilabag ang rule number two.

Isa pa, hindi naman kasama doon na bawal magpantasya. Kasi pigilan man niya, naiisip at naiisip niya ang dalaga.

Her long hair, her soft lips, her tiny waist, her flesh.

He saw her naked once. He felt her nakedness against the palm of his hand. And he tasted her too. Only he was a little drunk.

Nanuyo ang lalamunan ni Arthur Lance sa alaalang iyon.

It was so hard to turn desire into good intentions. It would be like turning diamonds to gold.

Pero susubukan niya. Hindi dahil ipinangako niya iyon kay Leigh at sa sarili. The truth was, habang nakikilala niya si Guinevere, nag-iiba ang tingin niya dito. It was like seeing her in a new light. She was not simply that beautiful girl with a broken heart.

Mabait ito, madaling pakisamahan, at hindi maarte. Minsan ay palabiro din ito at… maalaga.

Napangiti si Arthur Lance sa huling salita. Nanariwa sa isip niya ang huling beses na nagkasama sila.

Nag-alala siya nang piliin nitong manood ng romantic film dahil baka maalala nito ang ex. But she surprised him. Nawawalan ito ng imik saglit pero hindi naman ito mukhang malungkot. Parang nag-iisip lang.

Malas lang ni Arthur Lance at tinalo siya ng antok. Nakatulog siya bago pa man magsimula ang palabas. Sana ay na-obserbahan niya si Guinevere. Para naman may ideya siya sa estado ng pagmo-move on nito.

Pero nang matapos ang pelikula at makalabas na sila ay mukha namang walang luhang lumabas mula sa magagandang mata ng dalaga. She looked a little bothered though.

Nang magyaya siyang bumili ng kape para di na siya antukin ay muntik na siya nitong pagalitan.

Naalala pa nga niya ang sinabi nito.

“Kape? Paano ka makakatulog niyan? Suicidal ka ba? Umuwi ka na nga at matulog.”

It was cute.

Kaya kahit ayaw pa ni Arthur Lance na mahiwalay kay Guinevere ay wala siyang choice kundi sundin ito. Hinatid niya si Guinevere bago siya umuwi sa sariling condo at ipinatuloy ang date nila ng dalaga sa panaginip niya.

“Uy, may malalim na iniisip ang nagbibinatang si Arthur Lance,” panunukso ni Cupid na pumutol sa daloy ng isip niya. He gave his friend a smug face. Lalo lang itong natawa.

“Huwag mo nang pakawalan pare,” singit naman ni James Carlo.

Pabagsak na nahiga siya sa kama, nakasimangot. “Paano ko pakakawalan, eh hindi naman akin?” bulong ni Arthur Lance bago tinakpan ng unan ang mukha para hindi na niya marinig ang panunukso ng mga kaibigan.

-----------------------------------------------------------------------------

Kasalukuyang tinitingnan ni Guinevere ang website ng Kysses nang marinig niya ang dalawang sunod na katok. Malamang ay iyon na ang taong ipinadala ni Leigh.

May dinaluhang conference kasi ang kaibigan sa Palawan. Sinabi ni Leigh na mapapanatag lang ang loob nito kung may makakasama siya habang wala ito. Kaya kahit di naman kailangan ng tagabantay ay pumayag nalang si Guinevere. Para na rin sa peace of mind ni Leigh.

Handa na ang ngiti ni Guinevere para sa bisita pero agad na naglaho iyon ng makita niya kung sino ang nasa likod ng pinto.

You gotta be kidding me!

Nalaglag ang panga niya nang makita ang mukhang binubulabog ang isip niya sa puntong gusto na niyang iuntog ang ulo minsan. She's been seeing this guy's face on the wall, at the ceiling, and worse, in her dreams.

Tapos ngayon-

This is mental torture.

Gustong lumuha ni Guinevere ng dugo.

"Alam ko namang pogi ako pero, ikalalaki na yata ng ego ko ang reaksyon mo Barbie doll."

Noon lang niya naalalang kumurap.

Napatitig siya sa maamo nitong mukha na agad ngumiti nang magtagpo ang kanilang mga mata.

He was wearing a grey polo shirt. Ang kanang kamay nito ay may hawak na white coat, ang kabila naman ay may bitbit na itim na duffle bag.

Napalunok si Guinevere. Ilang oras pa nga lang niyang makasama si Arthur Lance ay napa-praning na siya at pinagpapawisan ng malapot. Kamusta naman ang isang linggo? At sa iisang bubong pa talaga?

Abot hanggang Pluto ang pagiging conservative ni Leigh kaya naman naisip ni Guinevere na babae ang ipapadala nito.

Pero si Arthur Lance?!

Seriously, what has gotten into Leigh? May kasalanan ba siya sa kaibigan at pinaparusahan siya nito sa katauhan ng pinsan nito?

"Sabi ni Leigh, bantayan daw kita," anito nang tuluyan nang makapasok at pansamantalang mailapag ang gamit sa sahig. Naupo ito sa couch. Magkasiklop ang dalawang kamay nito at matamang nakatingin sa kanya.

Napaupo rin si Guinevere sa katapat na couch. Trying to get a grasp of the situation. Nahilo yata siya bigla.

Seryoso ba talaga to? Hindi ba to isang prank?

Pasimple niyang pinisil ang sarili, umaasang panaginip lang ang lahat.

But hell, she felt the sting of her effort.

Gising siya at ito ang realidad na kailangan niyang harapin sa susunod na mga araw.

How can she actually live under one roof with a guy she once slept with?

Living with Arthur Lance... damn.

Arthur Lance is wearing Jo Malone perfume but all Guinevere could smell is disaster.

So, help me God.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.