“Leigh!”
Halos mapalundag si Guinevere mula sa kama nang sa wakas ay sagutin ni Leigh ang tawag niya.
“Hi,” sabi lang ni Leigh sa kabilang linya na para bang wala itong ginawang desisyon na nagpapataas ng lebel ng ka-praningan niya ngayon.
“Wala na bang iba?”
“Huh?”
“Bakit?" Lumabi siya kahit hindi naman iyon makikita ng kaibigan. "Bakit si Arthur Lance?"
Lumipas ang ilang segundong katahimikan bago nagsalita si Leigh. “Don’t worry Guinevere. You’re safe with that rabbit.”
Safe? Paano siya magiging safe sa isang bagay na self-inflicted? Well, not totally self-inflicted dahil malaki ang papel ni Arthur Lance kung bakit natataranta yata ang lahat ng molecules ng katawan niya sa tuwing malapit ito. Like some stupid magnetic force or whatever they call it in Physics.
Narinig ni Guinevere ang pagbuntong-hininga ng kaibigan sa kabilang linya. Leigh sound like he wasn't completely happy about it.
Parang napipilitan lang ito sa dahilang hindi niya alam.
“Arthur Lance promised me he wouldn’t seduce you.”
Napaawang siya. Nagbibiro ba ang kaibigan niya? Or was her attraction obvious?
Worse, alam na kaya ni Leigh ang nangyari sa kanila ni Arthur Lance dati?
Sumimangot siya. “Leigh, mukha ba akong magpapa-seduce sa pinsan mo?”
“I hope not."
“H-hindi talaga.” Ramdam ni Guinevere ang kakulangan sa conviction ng mga salita niya. Hindi niya kayang i-imagine si Arthur Lance na inaakit siya. Baka ikamatay na iyon ng dangal niya.
Like seriously, his lips alone could create havoc to her sanity. Idagdag pa ang makasalanang ngiti nito.
Arthur Lance was like her vulnerability personified. It's insane.
Kaya pinili ni Guinevere na magkulong muna sa silid habang hindi pa bumabalik sa normal ang ritmo ng kanyang puso.
Napahiga siya at sinimangutan ang imahe ni Arthur Lance na nabuo sa kisame. Gusto niyang magalit dito. Gusto na niyang matigil ang kahibangang to.
She curled up in bed in a fetal position. Niyakap niya ang mahabang unan.
It would be easier if he would be a jackass.
Malas lang ni Guinevere at matinong tao ito. Minus his record with girls, Arthur Lance was a nice guy.
Kaya ang hirap magkaroon ng dahilan para pakisamahan ito ng masama.
Isang katok ang narinig niya na sinundan ng pagtawag ni Arthur Lance sa pangalan niya.
Hindi siya sumagot. Pero kumatok lang uli ang binata. And so she lazily leave her bed to get the door.
Arthur Lance was standing outside the door in his light blue Nike sando and black cotton shorts. He looked relaxed and fresh.
Bagong-ligo ito. Amoy baby cologne at mukhang masarap gawing baby.
Nanlaki ang mga mata ni Guinevere sa huling naisip at mabilis na kinutusan ang sarili.
What was she thinking? Gawing baby? Yes, Arthur Lance was three years younger. Pero wala naman siyang balak maging sugar mommy.
Yuck.
"Dinner?" pukaw ni Arthur Lance. Maaliwalas ang mukha at present na naman ang makasalanang ngiti sa mapupulang mga labi.
Hay.
Biglang nakaamoy si Guinevere ng masarap. Well, maliban sa kaharap niya.
Dumako ang tingin niya sa direksyon ng kusina pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Arthur Lance.
"Marunong kang magluto?" She was amused.
He sheepishly grinned. "Marunong akong um-order."
Sa halip na ma-disappoint ay natagpuan nalang ni Guinevere ang sarili na tumatawa ng malakas.
God, it felt good to laugh. Parang ang tagal na mula nang marinig niya ang sariling tawa.
It was like hearing her old happy self again.
"Pretty..."
Natigil siya sa pagtawa at napatingin sa binatang titig na titig sa kanya. His eyes seemed to sparkle a little. Or was it just the light?
"May sinabi ka?"
Isinuksok nito ang dalawang kamay sa bulsa at ngumiti. Nasa kanya pa rin ang mga mata nito. Bahagya itong yumuko hanggang sa halos magdikit na ang mga noo nila. Pagkatapos ay bumulong. His voice sent shivers down her spine.
Sexy.
"Laugh a lot, will you?"
--------------------------------------------------------------------------------------------
"Anong gusto mong gawin pagkatapos?" tanong ni Arthur Lance habang sabay nilang nililigpit ang mga pinagkainan.
They had crabs and Chicken inasal for dinner. Nagkamay ito. Mas msarap daw kasing kumain kapag nagkakamay. Mukhang totoo naman kasi ganadong-ganado itong kumain. Kaya ibinaba rin ni Guinevere ang mga kubyertos at ginaya si Arthur Lance.
It was fun.
Somehow, Arthur Lance has a way of making her feel comfortable.
"Hindi ka ba pagod?" sa halip ay tanong niya. Alam niyang galing ito ng duty bago pumunta sa condo ni Leigh.
Kumunot ang noo nito bago dinala ang mga plato sa lababo. Sumunod naman siya.
"Sigurado kang marunong kang maghugas ng plato?"
It's weird to see this good-looking guy doing house chores. Mas bagay dito ang pinagsisilbihan.
"I've been living on my own for a few years now. Dapat lang na may alam ako sa gawaing bahay di ba? My mom taught me."
Napangiti siya at naalala ang sariling ina. Bago pa man siya magsolo ay tinuturuan na siya ng kanilang ina ng mga gawaing-bahay. Tinuruan din sila nitong magluto. May ilang pinoy dish siyang alam lutuin na ayon sa kanyang ina ay family recipes pa daw.
"Hindi ka ba kumukuha ng helper? Kahit stay out lang?" Tanong niya nang damputin ang isang basong nasabunan na para banlawan. "I mean, you're probably tired from the hospital. May oras ka pa bang maglinis?"
"Well, yes. Besides, cleaning is my sort of therapy." Kibit-balikat na sagot nito. "Pero kapag tinatamad ako o out of the country, nagre-request ako ng cleaning lady," he added grinning.
Tumango-tango siya. Ini-imagine niya si Arthur Lance na may hawak na walis at basahan. Kahit siguro maligo ito sa dumi at alikabok ay pogi pa rin ito.
"Sigurado ka talagang wala kang gustong gawin?" paninigurado nito nang patapos na sila sa paghuhugas. It was an innocent question pero nilumot yata ang utak ni Guinevere.
Bigla kasing nagdikit ang mga braso nila, nagkatinginan, napahawak ito sa gilid ng baba niya, bahagyang yumuko-
Ang korny ng slow mo sa pelikula pero yun yata ang nararamdaman ni Guinevere. Biglang bumagal ang ikot ng mundo. Her heart was beating like crazy.
Hahalikan ba siya ni Arthur Lance?
Ito ba ang gagawin nila?
Parang gustong magpaka-insensitive ni Guinevere sa sleeping needs ni Arthur Lance. Baka pwede itong magpuyat ng slight tapos-
"May bula," sambit ni Arthur Lance.
Napakurap si Guinevere. "Huh?"
Gusto niyang maglaho na parang bula nang ma-realize ang nangyari!
Stupid soap bubbles. Ipinahamak pa siya.
Marahas niyang pinahid ang anumang bulang sinasabi ni Arthur Lance at lihim na napaismid. Kumunot ang noo ni Guinevere nang natawa ang binata.
"Ayan, dumami."
Ininguso ni Arthur Lance ang kanang kamay niya. Kuyom ang palad na hawak pala niya ang sponge.
At ang kamay niyang iyon ang ginamit niyang pamunas ng mukha, which obviously doubled the bubble population on her face.
"Let me." Hinarap siya ni Arthur Lance at maingat na inalis ang dumi sa kanyang mukha gamit ang likod ng kamay nito. Pakiramdam ni Guinevere ay four years old siya na pinupunasan ng yaya pagkatapos maglaro.
Napatingin siya sa mukha ng binata na ilang pulgada lang ang layo sa kanya. She sigh.
Ang swerte naman ng aalagaan ng taong to.
"For a five foot ten inches adult, you are cute," anito na tila nasisiyahan sa ginagawa. Napailing naman si Guinevere sa ginamit nitong adjective.
Cute? Siya?
Naging inappropriate na yata ang salitang iyan simula nang mawala ang edad niya sa kalendaryo.
Nang matapos na ang paghuhugas at ang bubble incident, nagpaalam na si Guinevere na magpapahinga. Maliban kasi sa nakaka-praning ay nakakapagod din pala ang pagpapantasya.
Naii-stress ang kanyang utak sa nilalakbay ng kanyang imagination. Kapag siguro nagpa-CT scan siya ng ulo, baka puro lumot na ang makita doon.
Hinatid siya ni Arthur Lance hanggang sa tapat ng pinto ng ino-ukupa niyang silid. Huminto ito nang kalahating metro mula sa kanya.
"Matutulog ka na talaga?" Napatingin si Arthur Lance sa suot na relo. "Nine palang ah." He cocked his head to the right. "Is that a part of your beauty regimen or something?"
Hindi. Part to ng brain detoxification ko.
Kung alam mo lang ang polusyong hatid mo sa utak ko, baka ipinasok mo na ako sa oxygen tank para maalis ang lustful radicals na tino-torture ako ngayon.
"Ah...ano. H-habit." She snapped her fingers. "Tama. Habit ko ang matulog ng maaga."
Tumango-tango si Arthur Lance. Pigil ang ngiti sa mukha, as if telling her that he knew better than to believe her lousy alibi.
Nagpapaka-gentleman lang siguro ito kaya hindi na kumontra.
"Good night then."
Kinapa ni Guinevere ang doorknob sa likuran niya saka ngumiti. "Good night."
For some vague reasons, hindi niya pinihit ang doorknob para buksan ang pinto. She just stood there, looking idly at Arthur Lance.
Ang binata naman, hindi rin umaalis sa kinatatayuan.
Guinevere pumasok ka na.
Ano pa ba ang hinihintay mo? Good night kiss?
Nang maisip ang salitang kiss at ang nangyari kanina sa lababo ay sing-bilis ng kidlat na binuksan niya ang pinto at pumasok doon.
Dumiretso si Guinevere sa kama at nagtalukbong sa ilalim ng comforter. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang maliit na insidente ng pagpapantasyang naganap kanina hanggang sa tuluyan na siyang tangayin ng antok.
"Maligo ka na mister. May trabaho ka pa." Napatingin siya sa wall clock. "O, late ka na."
Niyakap siya ni Arthur Lance mula sa likuran. "Sabay na tayo misis." Hinalikan nito ang balikat niya. Tumayo ang lahat ng balahibo ni Guinevere sa katawan.
Bago pa man siya makapag-isip ay kinuha na ni Arthur Lance ang kamay niya. Dumiretso sila sa banyo. Isinara nito ang pinto at binuksan ang shower. Tumapat sila sa ilalim niyon. They started kissing and touching each other.
Isinandal siya nito sa tiled wall. Naghubad ito ng t-shirt. Puno ng apoy ang mga mata ni Arthur Lance nang mapatingin sa katawan niyang balot pa ng puting t-shirt. Wala siyang bra sa ilalim kaya bakat na bakat ang dibdib niya. Doon napatitig ang binata. He cupped both breast, played with them and watched her moan with pleasure. Hindi na siya nakatiis.
Tinanggal ni Guinevere ang suot na t-shirt. Parang ang laking sagabal kasi ng manipis na tela sa pagkikita ng balat niya at ng palad nito.
Nakita ni Guinevere ang pag-angat ng sulok ng labi ni Arthur Lance na tila naaliw sa pagiging impatient niya. Binalikan nito ang kanyang labi. Napahawak siya sa leeg nito, pushing him closer. Napasinghap si Guinevere nang maramdaman ang mapangahas na mga daliri ni Arthur Lance sa gitna ng kanyang mga hita. Kneading two fingers against her wetness. Bumaba ang mga labi nito. Sa leeg, sa gitna ng kanyang dibdib, sa puson at sa-
Nahigit niya ang hininga nang halikan siya ni Arthur Lance sa pinaka-sensitibong bahagi ng kanyang katawan. Para siyang nakuryente pero sa halip na sakit ay tamis ang dumaloy sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. Kinarga siya nito at ibinaba sa bath tub. Pumuwesto ito sa harap niya. Nakaupo siya samantalang nakaluhod naman ito. Itinaas ni Arthur Lance ang dalawang paa niya at ipinatong ang mga iyon sa balikat nito. She still has her undies but she felt so exposed.
Arthur Lance kissed her heel up her thighs. Tila sinisigurado nitong walang bahagi ng katawan niya ang magtatampo dahil hindi nabigyang pansin. Habang papalapit ang mga labi ng binata sa bagay na iyon sa gitna ng kanyang hita ay pabilis naman ng pabilis ang paghinga niya. Tumigil saglit si Arthur Lance para tuluyang hubarin ang natitira niyang saplot. Halos masabunutan niya ito nang muling bumaba ang mukha nito at tumbukin ang sentro ng kanyang pagka-babae. Sunod-sunod na ungol ang kumawala sa kanyang bibig. Nakakaliyo ang sensasyong ibinibigay sa kanya ni Arthur Lance. Para siyang mababaliw sa sarap. And damn his tongue for its glorious expertise. Para itong nag-masters sa cunnilingus. Hingal na hingal siya nang marating niya ang sukdulan.
Napatingin siya kay Arthur Lance na napasandal sa kabilang dulo ng bath tub. Habol din nito ang hininga. Gumalaw si Guinevere. Siya naman ang lumuhod sa pagitan ng mga binti ng binata. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng pang-ibaba nito. Napamulat si Arthur Lance sabay tingin sa kamay niyang hawak na ang alaga nito.
"Returning the favor?"
"Nah, just practicing my skills."
Natawa si Arthur Lance. "Ang yabang-oooh, shit!" Guinevere went down on him.
Napabalikwas ng bangon si Guinevere.
What was that?!
Nanuyo ang lalamunan niya kasabay ng pagbuo ng malalaking butil ng pawis sa kanyang noo.
Bakit lumala yata ang panaginip niya? Dati ay mukha lang naman si Arthur Lance ang kanyang napapanaginipan. Ngayon ay may nakakalokang R-18 na mga eksena nang involved!
At talaga bang mister ang tawag niya kay Arthur Lance at misis naman ang sa kanya?
Ano iyon? Mag-asawa sila?
Ganito ba ang epekto ng kinikimkim na pagnanasa?
Napasandal si Guinevere sa headboard at napatingin sa maliit na orasan sa bedside table. Alas-kuwatro palang ng umaga. Six pa siya gumigising.
Pero wala na siyang balak matulog ulit. Baka magkaroon pa ng continuation ang panaginip niya, mahirap na.
Inabot ni Guinevere ang cell phone at tinawagan ang best friend niyang si Tonette.
Hindi pa niya naikukwento dito ang tungkol kay Arthur Lance. Akala naman kasi niya ay di naman big deal ang binata. Just a passing fancy or something like that. Pero nakakatakot na yata ang involvement ng wet dream sa eksena. Kailangan na niya ng advice. ASAP.
"Tonette!" Halos tumili si Guinevera nang pagkatapos ng apat na ring ay sinagot na rin ng kaibigan ang tawag niya. Nahalata yata nito ang urgency sa boses niya. Nabahiran kasi agad ng pag-aalala ang boses ni Tonette.
"Gigi?" sambit nito sa palayaw niya na ito rin ang nagbigay. "Is everything okay?"
Kababata at business partner niya si Tonette sa Kysses. They were practically sisters. Modelo itong kagaya niya at kalahating Pinoy din.
"Feeling ko nababaliw na ako."
"May kinalaman ba yan kay Frank?"
Umiling siya saka lumabi. "Wala. Ibang lalaki ang involved."
Napalitan ng excitement ang boses ni Tonette nang marinig ang salitang lalaki. "Oh. There's a new guy..." Nahimigan ni Guinevere ang panunukso. "So, tell me about this new guy. Is he handsome?"
Napabuga siya ng malalim na hininga bago nagsimulang magkwento. Uncut version ng ka-praningan niya kay Arthur Lance ang ikinuwento ni Guinevere kay Tonette. Mula sa one night stand hanggang sa katatapos lang na wet dream.
Isang malutong na halakhak ang narinig niya pagkatapos. Puno ng excitement at kilig ang boses ng kaibigan niya. Agad pa nitong tiningnan sa google ang larawan ng binata. Wala kasing social media account si Arthur Lance.
"Gigi, he's gorgeous!" tili nito. "At ang mga labi niya...I would love to be kissed by those lips."
Napansin din pala ni Tonette ang makasalanang bahaging iyon ng mukha ni Arthur Lance.
"Kaya nga ang sarap magbigti. Hindi ko yata kayang mag-isip ng matino sa tuwing nakikita ko siya. He's so distracting!"
"Honestly, hindi ko alam kung ano ang problema. I mean, you're obviously attracted to him. What's stopping you?" saglit itong natigilan nang tila ay may naisip. "Is he married?"
"He's not." Napasandal siya sa headboard. "But I can't entertain any romantic possibility between us. I'm too old for guys like him," pagsasatinig niya ng sentimyento.
Parang nai-imagine na ni Guinevere ang pagkunot ng noo ni Tonette. "What do you mean?"
"He's a playboy."
"So? You were a playgirl once," pagpapa-alala pa nito ng history niya sa mga lalaki. But that was a long time ago.
"That was then. I take relationships seriously now."
"Malay mo naman magbago din siya."
Naisip din iyon ni Guinevere. But guys mature later than girls. Mas maraming panahon ang mga ito na maglaro dahil wala namang obaryong magtatampo kung sakali. Samantalang siya, ilang taon nalang at mahihirapan na siyang magbuntis.
"I like him for you though. I mean, he takes your stupid ex-boyfriend off your mind. Mukhang naka move on ka na at ready nang maki-mingle ulit," anito nang hindi siya nagsalita.
Tama naman si Tonette. Dahil kay Arthur Lance, parang kagat nalang ng langgam ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing maaalala ang ex. Tila naging isang insignificant na pangyayari na ang break-up nila. Na para bang hindi niya iyon iniyakan ng ilang linggo.
God, it felt so good to have finally moved on.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Tonette ay lumabas na si Guinevere ng silid at piniling magluto nalang habang iniisip kung paano pipigilan ang nakakabaliw na damdaming nagpupumilit sumibol.
---------------------------------------------------------------