AHHHHH!!!!
Pakiramdam ni Margaret walang katapusan ang pagbulusok niya paibaba.
Nang sa wakas tumigil siya sa pag bulusok. Parang may mali sa paraan pagbagsak niya para siyang nakalutang sa hangin ng patiwarik!
Napagtanto niya nasabit sa sanga ng puno ang suot niyang jumper kaya nakatiwarik siya ngayon!
Pilit siyang kumakawala,narinig niyang lumalangitngit ang sanga sa ginagawa niyang paglilikot. Kinakabahan naman siyang baka biglang mabali ang sanga at mapasama ang bagsak niya sa lupa. May kataasan pa naman ang babagsakan niya kung sakali.
Luminga linga siya sa paligid, nagbabakasakali na may makita siya ng taong pwedeng tumulong sa kanya. Sa kasamaang palad ay puro puno lang ang nakikita niya.
Paano kung nasa gitna na naman ako Ng. Kagubatan tulad ng una kong dumating dito!!
"Tulong! Tulong!" Sigaw ni Margaret.b? Baka sakaling may makarinig sa kanya.n
Ngunit ilang sandali pang lumipas wala pa rin nakakarinig sa kanya. Baka nga nasa gitna siya ng kagubatan. Naisip niya paano kung mga itim na lobo ang ang makarinig sa kanya lalo siyang mapahamak. Minabuti na lang niya manahimik. Tiningnan niya ang sanga at tinantiya ang babagsakan.
Samantala natigil naman sa ginagawang pagsasampay si aling Isyang. Tumingin sa dako ng kagubatan.
"Parang narinig ko ang tinig ng itinakda."
Huminto naman sa ginagawa si mang Tibo at tumingin sa asawa na may pagtataka sa mga mata nito.
"Wala akong naulinigang anu pa man. Baka iyong guni-guni lamang." Sagot nito sa asawa.
Hindi na muling tumugon sa asawa si aling Isyang.
Mula sa loob ng bahay lumabas si Haru na puno ng binalot na tela ang katawan. Halos mamilipit sa sakit habang naglalakad palapit sa mag asawa.
Nagulat naman ang mag-asawa ng makita siyang lumabas ng bahay. Iniwan kasi nila itong natutulog sa higaan kanina.
"Kamahalan,bakit kayo bumangon?" . Agad dinaluhan ni mang Tibo ang binata. Si aling Isyang naman nakamata lang . Hindi malaman ang gagawin.
"Narinig ko ang boses ni Margaret. Nandito na siyang muli." Sabi ni Haru kahit hirap sa pagsasalita at kinakapos sa paghinga.
Napatingin naman si Mang Tibo sa asawa na nakangiti. Parang bang sinasabi nito na tama ito.
"Para nga pong naulinigan ko ang boses ng itinakda,parang nanggaling sa gubat.
Lumingon naman sa kanya ang binata. Walang ano-ano humakbang ito papunta sa direksyon ng gubat. Humabol naman ang mag asawa dito.
"Ako nalang kamahalan ang paparoonbaka kung mapaano pa kayo." Pigil dito ni mang Tibo.
Pero tiningnan lang sya nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi man lang ininda ang sakit na nararamdaman ng katawan.
Walang nagawa ang mag asawa kundi sumunod na lamang sa kanilang kamahalan.
Samantala kahit hirap pinipilit ni Margaret mag-isip ng paraan kung paano siya makakaalis sa pagkakasabit sa puno. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon niya. Sasabit nalang nga nakatiwarik pa talaga.
Narinig niya ang pag langitngit ng sanga ng puno kung saan siya nakasabit.
Hanggang sa hindi na nga kinaya ng sanga ang bigat niya. Isang impit na tili ang lumabas sa bibig ng dalaga!
Ang inaasahang pag lagapak sa lupa ay hindi nangyari. May mga brasong sumalo sa kanya nang tingnan niya kung sino.
Haru..bulong ng isip niya. Para siyang namamalikmata sa pagkakakatitig dito. Pakiramdam niya napakatagal ng panahon ng huli niya itong makita. Hindi niya mabawi ang pagkakatitig dito. Maging ito man ibat-ibang emosyon ang nababasa niya sa mukha nito.
Isang tikhim ang nagpabalik sa kasalukuyan kay Margaret. Nasilip niya ang mag asawa sa likuran ng binata.
Bumulong siyang sa binatang pwede na siyang ibaba. Parang hirap itong pakawalan siya ng mga sandaling iyon.
Lumapit ang mag-asawa,nabaling naman ang pansin niya sa mga ito. Masayang kumustahan ang naganap. Nakita niyang labis din ang pagkagalak ng mag asawa sa muli niyang pagbabalik. Si Haru naman tahimik lang nakamasid sa kanila.
"Tara na sa bahay.. ayos kalang po ba kamahalan?" Ani ni mang tibo habang nakatingin kay Haru.
Doon lang napagmasdan ni Margaret na maraming nakataling tela sa katawan ng binata. May isang bahagi pa ng tela na may bahid ng dugo.
"Anong nangyari sayo?" Napalitan ng pg aalala ang kaninang masayang pagkikita.
"Wala lang ito." Matipid na sagot ng binata.
Habang naglalakad pauwi inaalalayan ni mang Tibo ang binata. Naisip bigla ng dalaga baka lalong napasama ang lagay nito dahil sa pagsalo sa kanya kanina.
Nang makarating sa bahay kinuwento ni mang Tibo ang nangyari sa binata. "Sa huling engkwentro nila laban sa mga itim na lobo labis ang pinsalang tinamo ng kamahalan. Hindi siya makalaban ng husto dahil ginamit ng mga kalaban ang mga babaeng bihag."
Nalaman niyang anim na buwan na simula ng magbalik siya sa kanilang mundo. Labis naman namangha ang dalaga. Samantalang sandali lang siyang nawala at parang nanaginip nga lang siya.
"Labis na ang kasamaan ng hari at ng kanyang kampon." Dagdag pang sabi ni mang Tibo.
"Sa muli naming pagtutuos sisiguraduhin ko ang kanyang katapusan." Tiim bagang na sabi naman ng binata habang ang mga mata ay nakatingin sa kanya.
"Maaasahan niyo ang tulong ko."Sabi naman ni Margaret.
Napatango naman si Haru sa kanyang sinabi.
Sa dako paroon,dalawang nilalang naman ang lihim na nagtagpo sa pusod ng kagubatan. Halos hindi na nakakapsok ang sinag ng araw sa makakapal na dahon.
"Nakatitiyak ka ba na yan ang iyong nais.?" tanong ng babae. Naka kuyom ang palad nito at matalim ang pagkakatitig sa kaharap.
"Tiyak ang aking sagot. Hindi ito magbabago kailanman. Ang katapatan ko ay mananatili sa dating hari at matalik na kaibigan." matatag na sagot ng lalaki.
"Batid kong iniibig mo parin ako hanggang sa ngayon at ikaw pa rin naman ang aking iniibig____"
Pinutol ng lalaki ang sasabihin ng babae saka mapaklang ngumiti ito.
"Wala kang ibang inibig kundi ang sarili mo lamang. Ang paghahangad sa kapangyarihan ang siyang nag layo sa'tin." may bahid ng lungkot sa boses ng lalaki.. " Ito na ang huling pag-uusap natin. Kahit buhay ko pa ang maging kapalit sa susunod na pagkikita natin tatapusin ko ang kasamaan mo".
Tumalikod na ang lalaki nang akmang aalis na ito. Muling nagsalita ang babae.
".. alam kong hindi mo magagawa ang paslangin ako."May pang-uuyam na ngiti sa mga labi nito bago humalakhak.
Hindi na sumagot pa ang lalaki saka nagpatuloy sa paglisan. Hanggang tuluyang naglaho sa paningin ng babae.
Samantala nasa labas ng bahay sina Haru at Margaret habang nakatanaw sa buwan sa langit.
Nalaman niya dito ilang buwan na pala silang nakikipag-digma sa kasalukuyang hari at sa mga itim na lobo.
Nababatid daw nila na bumalik na ang dalaga sa kanilang mundo. Sinamantala daw ng hari ang kanyang pagkawala.Sa loob daw ng anim na buwan lahat ng nayon sinalakay ng mga itim na lobo. Ang mga mamamayan ng Arectia napilitan magtago sa mga bundok at kagubatan.
"Bakit nandito pa kayo ? Masyadong delikado kung nandito pa kayo."Sabi ni Margaret.
"Alam ko, pero itinalaga kung dumito muna ang mag-asawa para hintayin ang muli mong pagbabalik. Nakasisiguro kong dito ka ulit dadalhin ng pulang liwanag. Ayukong babalik kang wala kang madadatnan isa man samin."
Hindi agad nakapag salita ang dalaga. Nanunuot hanggang kaloob looban ang mga titig ng binata sa kanya.
Muling nagpatuloy ang binata. Nais daw nito gawin na ang ritwal kung ito lamang daw ang paraan para mahinto na ang ginagawa ng pang kasalukuyang hari. Si Margaret lang daw ang pwedeng gumawa ng orasyon.
Sumang ayon naman agad siya. Hihintayin daw ulit nila ang darating na kabilugan ng buwan at doon gaganapin ang seremonyas ng ritwal.
"Sa ngayon hintayin natin ang aking gurong si ginoong Markis. Siya ang nakakaalam kung paano ang gagawing seremonyas."
Kahit papaano natutuwa si Margaret na dinatnan pa rin kumpleto ang mga tinuring nang kaibigan sa mundong ito. Kahit wala sa mga oras na iyon.
Kanina agad niyang hinanap ang iba pa maging si Zari. Tumutulong daw ito sa panggagamot sa mga mamamayan na nasusugatan sa pagsalakay ng mga lobong itim.
Bukas daw pupunthan nila ang gubat kung saan ang kuta nila Haru. Pag-asa daw ang dala ng kanyang pagbabalik sa mundong ito.
Samantala sa kaharian ng pang kasalukuyang hari.
"Mahal na hari alam na po ng espiyang pinadala niyo ang kuta ng mga kalaban."sabi ng isang alagad nito.
"Magaling alagad! Ihanda niyo lahat ng ating kawal!" Malagom nitong utos. Sabay halakhak.
Ako ang maghahatid sa'yong huling hantungan kapatid ko!!
Sa palasyo ang pangkasalukuyang hari ay naghahanda ng malawakang pagsalakay sa kuta nila Haru.
"Naaamoy ko na ang iyong tagumpay mahal kong anak." Kay tamis ng ngiti ng inang reyna habang nakatunghay ito sa anak.
"Ngayon palang inang reyna pwede kanang magdiwang. Isasama ko ang ulo ng aking kapatid sa mga koleksyon ko ng mga ulo ng mga taong lobong ayaw pumanig sakin." may talim nitong turan sa ina.
Pagdakay kumuha ng dalawang kopitang may lamang alak ang inang reyna at binigay ang Isa sa hari. Pinagpingkian nila ito bago sabay na ininum.
Sa tarangkahan ng palasyo ng tipon-tipon ang mga kawal ng hari at mga itim na lobo. Sabay-sabay nilang sinisigaw ang pangalan ng kanilang hari. Walang tigil din sa pag alulong ang itim na lobo.
"Muli nating padadanakin ng dugo ang buong Arectia! Ubusin lahat ng kalaban!!". Sigaw ng hari. Sigaw naman ang tugon ng mga kawal at muling umalulong ang mga itim na lobo.
Bago sumakay sa likod ng isang lobo ang hari humalik muna ito sa kamay ng inang reyna.
Samantala sa kutang pinagtataguan ngayon ng grupo ni Haru. At maging ang mga nag silikas at tumakas sa mga pagsalakay ng mga itim na lobong mamamayan ng Arectia.
Nasa ilalim ng mayabong na puno si ginoong Markis. Nakatingin sa langit at sa buwan na natatakpan ng maitim na ulap. N a siyang naging dahilan para maging madamot ang buwan sa pagbibigay ng liwanag. Ang hangin ay may kalamigan sa balat na nagdadala ng kakaibang kilabot.
Naisip niya si Haru dahil sa paglisan sa mundo nila ng dalagang itinakda. Alam niyang ang puso ng kamahalan ay kasama nitong naglaho. Kahit anong tago ng nararamdaman nito mababanaag niya sa mga mata nito ang lungkot at pangungulila. Maaaring hindi pa man dumarating ang dalaga sa mundong ito idinambana na niya ito sa kanyang puso.
Nahinto sa pagninilay nilay si ginoong Markis, nang makarinig ng kaluskos sa bandang kanan niy a mula sa makapal na halamanan. Agad niyang hinawakan ang sandatang espada.
Parehas pa silang nagkagulatan ng lumabas ang kung sino man sa halamanan.
"Sardox!".
"Ginoong Markis?".
Sabay pa nilang nabigkas ang pangalan ng bawat isa.
"Anong ginagawa mo dyan?diba ang bilin ko ay magmanman sa paligid?". Nang makabawi ay tanung ni ginoong Markis.
Tumingin muna sa langit at sa buwan si Sardox bago binalik ang mga mata sa kaharap.
"Iba ang pakiramdam ko. Maging sina Eschaves,Rio at Maru. Iba ang pakiramdam nila sa hangin." Seryusong saad nito.
"Anu ang iyong nais ipabatid?"Alam ni Ginoong Markis na mas malakas makaramdam ng panganib ang mga katulad nitong taong lobo.
" Hindi kami nakatitiyak ngunit mas mabuti ng maging handa sa anumang pagsalakay ngayon gabi. "
Tumango si GINOONG Markis tanda ng pagsang ayon dito.
Nagsipaghanda ang lahat sa anumang pagsalakay na pwedeng mangyari ng gabing iyon. Pinalikas ang mga bata, kababaihan at matanda. Malapit sa kanilang kuta may isang talon at sa likod nito ay may nakatagong kweba.
Doon nila dinala ang mga ito para maprotektahan. Ang mga kalalakihan naman ay nagboluntaryo ng pagtulong sa pakikidigma sa kalaban.
Habang lumalalim ang gabi lalong nakatitiyak si Sardox at iba pa na may parating ngang panganib. Naaamoy nila ang masansang na amoy na tanging sa mga itim na lobong halimaw lang maaring maamoy.
Matagal na silang handa at mas naghanda pa sila sa mga oras na iyon.
Malapit na ang mga kalaban sa kuta. Nagsikalat na ang iba sa kanila. Ang mga itim na lobo mga nag-uunahan sa pagtakbo papunta sa kuta ng kalaban. Waring sabik na naman makakain ng laman ng tao.
Ang hari naman ay nagpalit anyo na bilang lobo habang tumatakbo. Naaamoy niya ang masarap na laman ng tao. Lalong naglaway ang hari saka lalo pang binilisan ang takbo.
Malapit na sila sa kuta ng mga kalaban. Tumigil silang lahat sa isang burol kung saan tanaw nila ang mga ginawang kubo ng mga ito.
Ngunit may naramdaman siyang kakaiba mukhang tahimik.
Isang alulong ang pinakawalan ng hari at umalulong narin ang mga itim na lobo! At nag-uunahan ang mga ito sa pagsalakay sa bawat kubo ng mga tao.