Tumingin muna ang binata kay Adrian bago sumagot.
" Isang magsasaka ang nag report sa mga pulis tungkol sa kotse na nakaharang sa daan. Ayon sa pulis na may hawak ng kaso wala silang nakitang tao sa loob ng kotse. Naghanap din sila sa paligid, maging sa loob ng gubat ngunit wala silang nakitang anumang bakas."
"Sigurado ako na ang halimaw na iyon ang____". Hindi matuloy ni Adrian ang gustong sabihin. Ilang beses itong napalunok sa pagpipigil na huwag maiyak.
Awang-awa naman ang magkasintahan sa bata.
"Huwag kang mag alala. Bibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa mga magulang mo. Ako mismo ang papatay sa halimaw na iyon." Saad ni Haru sa bata.
"Talaga kuya Haru. Pangako iyan huh."
"Pangako iyan." Sinabayan pa ng tango ng binata.
Napatitig naman ang dalaga kay Haru. Alam niyang tutuparin nito ang pangako kay Adrian.
"Sinabi mo bang nasa atin si Adrian?" Naitanung bigla ni Margaret.
"Ou,pumayag sila na sa atin muna ang bata. Nabanggit ko kasi wala ng kamaganak ito. Hiningi nila ang cellphone number ko just in case na may update sa kaso. Di kaya may maghanap sa bata."
Pagkagaling nila sa Police station. Dumaan sila sandali sa isang tindahan ng mga damit at binilhan si Adrian ng mga kailangan nito. Saka lang sila umuwi sa bahay.
Pagdating sa bahay, nagulat sila dahil nadatnan nila na naghihintay ang babaylan na gumaganap na lola ni Haru sa mundo nila.
"Bakit hindi po kayo nagsabi na pupunta pala kayo dito?" Tanong ni Haru.
"Sa palagay nyo kaya matapos kung marinig ang sinabi mo mapapanatag ako. Sumunod ako dito upang alamin kung sinu ang halimaw na sinasabi niyo." Napatingin ito sa batang kasama nila na ngayon lang napansin nito." Sino naman ang batang ito?"
Si Margaret ang sumagot." Siya po si Adrian. Niligtas siya ni Haru sa halimaw sa gubat."
"Ganun ba." Muling binalik nito ang tingin sa binata." Iba ang pakiramdam ko sa nangyayaring ito. Noong makaharap mo ang halimaw,sino siya sapalagay mo? Saan kaya siya nagmula?"
"Kalahating tao at lobo ang kanyang itsura. Hindi ganun ang halimaw ng Arectia." Sagot ng binata habang nakatiim bagang.
"Sabi po ng kausap namin na tindera sa bayan. May palagay sila na simula daw po noong pumula ang buwan na parang dugo. Noon lang din lumitaw ang halimaw,mag iisang taon nang nakakalipas." Sabad naman ni Margaret sa dalawa.
Napamulagat ang mata ng babaylan sa narinig ngunit hindi ito sumagot. Tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip.
"Alam niyo na po ba kung saan nagmula ang halimaw?" Tanong ni Haru.
"Hindi pa ko nakakatiyak sa ngayon. Ngunit gusto kong pauwiin mo muna si Margaret sa kanila." Tumingin ito kay Adrian." At ang batang ito saan mo siya iuuwi? Ang gusto ko ay walang ibang tao dito maliban sa atin. Masyadong mapanganib pa kung mananatili pa sila dito."
Hindi naman kaagad nakaimik ang tatlo sa sinabi ng babaylan.
"Hindi ko maaring iwan dito si Haru."
Napatingin naman ang binata sa dalaga.
"Tama ang babaylan. Mapanganib kung mananatili pa kayo dito. "
"Hindi makakakilos ng maayos ang kamahalan kung pati ikaw ay iintindihin pa niya. Sana naman maunawaan mo Margaret."
Tahimik lang nagmamasid sa kanila si Adrian. Hindi niya nauunawaan ang takbo ng pinag uusapan nilang tatlo.
"Tama ang babaylan. Masyadong mapanganib kung nandito parin kayo ni Adrian." Basag ni Haru sa panandaliang katahimikan.
Tumitig lang dito si Margaret. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagtutol na kailangan nilang umalis. Umiwas naman ng tingin ang binata dito.
Ayaw din niyang magkalayo sila ng babaeng minamahal kahit panandalian lamang. Ngunit hindi niya maari isapanganib ang buhay nito.
"Hindi naman magtatagal eh magkakasama naman kayong muli." Turan naman ng babaylan.
Nang gabing iyon sa hapunan, tahimik lang ang magkasintahan. Ang babaylan at si Adrian ang madalas na nag-uusap. Mukhang nagkasundo agad ang dalawa dahil marahil sa natural na pagkagiliw ng matanda sa bata.
Napag-kasunduan nilang sasama muna ang bata kay Margaret sa kanila. Nais ng babaylan na bukas din ng umaga sila umalis sa bahay na iyon.
Nang mga sandaling iyon,nag uusap sina Haru at Margaret. Hindi tumitingin ang dalaga dito.
"Alam kong nagtatampo ka dahil pumayag akong pauwiin ka.Pero tama ang babaylan,mapanganib kung mananatili pa kayo dito ni Adrian."
"Ayuko lang kasi na magkahiwalay tayo. At isa pa nag aalala ko sa'yo baka __." Hindi magawang ituloy ng dalaga ang naiisip na pwedeng mangyari sa binata.
Sinapo ni Haru ang mukha ng dalaga, upang matitigan niya ito.
"Nag aalala ka ba sa'kin? "
"Ou naman."
"Walang masamang mangyayari sa'kin. Pinangako ko kay Adrian na bibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa magulang niya. At ayuko rin na marami pang mabiktima ang halimaw na iyon sa bayan na ito. "
"Naiintindihan ko. Kaya lang hindi mo maiaalis sakin ang hindi mag alala."
Hinalikan ni Haru ang noo ng katipan. Matatamis na salita ang kanilang pinagsaluhan.
Samantalang sa isang parte ng madilim na gubat muling nagbago ng anyo ang halimaw. Mas naging mabagsik ang itsura nito ngayon. Nang makompleto ang pagpapalit anyo nito isang alulong ang pinakawalan at sumisingasing na tumakbo sa isang bangin malapit sa dagat. Mula sa kinatatayuan tanaw niya ang isang bahay. Naaninag niya sa salaming bintana ang dalawang taong magkayakap.
Napabitiw si Margaret sa pagkakayakap sa binata at napatingin sa bintana. Mula sa kanilang kinatatayuan tanaw niya ang kagubatan. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib.
"Bakit?" tanong ng binata sa kanya.
"Wala naman." Sabay iling.
"Gusto mo na bang magpahinga na?"
"Titingnan ko lang muna si Adrian sa kuwarto niya."
"Ok sige,pupuntahan ko lang sandali ang babaylan sa ibaba. Baka may kailangan siya." Inihatid muna siya ng binata sa tapat ng pintuan ng silid ng bata bago tumalikod na.
Hinintay naman muna ng dalaga na makababa ng hagdan at mawala sa paningin niya ito bago marahan kumatok sa pinto.
"Adrian gising kapa ba?" Pinihit ni Margaret ang doorknob ng pinto saka pumasok.
Nakita niya si Adrian na nakatalukbong ng kumot at nanginginig. Agad siyang lumapit dito.
"Bakit Adrian?" tanong niya na agad naman yumakap sa kanya.
"A-ate nan-di-to ang hali-maw..." Nanginginig nitong sabi.
Hinaplos naman Margaret ang likod ng bata. Inakala niya na maaaring nananaginip ito o bunga ng imahinasyon na dulot sa nangyari sa mga magulang nito.
"Hindi makakalapit ang halimaw dito. Huwag ka nang matakot."
"Nan-di-to lang siya sa pa-ligid."
May kilabot naman na gumapang sa dalaga ng marinig ang sinabi nito,pakiwari ba niya nagtayuan ang lahat ng buhok niya sa katawan.
May ilang sandali siyang nakayakap sa bata bago inilayo ito sa kanya. Tinitigan niya ang mga mata nito na puno ng takot.
"Gusto mo bang ikuha kita ng gatas?"
"Ayuko po,"sagot nito na sinabayan pa ng iling,"hwag niyo po akong iiwan mag-isa," sabi nito na humawak pa sa braso niya.
"Hwag ka ng matakot,hindi kita iiwan."
Inihiga niya ito at kinumutan hanggang dibdib. Hinaplos haplos pa niya ang buhok nito. Nakita niya na parang napanatag naman ito sa kanyang ginagawa.
Nakita niya sa peripheral vision na gumagalaw ang bintana ng silid kaya naman napalingon siya at nakitang bahagyang bukas ang bintana. Tumayo siya upang isara na sana ito nang napatingin siya sa ibabang bahagi ng bahay sa may bandang may mga tanim na bougainvillea.
Napaatras siya ng makita ang mga pulang mata na nanlilisik sa pagkakatitig sa kanya.
"Ate bakit?"
Napapitlag pa siya ng marinig ang boses ni Adrian. Napalingon siya dito na nakaupo na sa kanyang higaan at nagtataka ang mga matang nakatunghay sa kanya.
"Wa..wala naman." Pilit niyang hinahamig ang sarili at ngumiti dito. Maaring namalikmata lamang siya kanina.
Lumapit siyang muli sa bintana saka mabilis itong isinara nang hindi tumitingin sa ibaba ng bahay. Nang maisara na ito muli siyang lumapit sa higaan ni Adrian at umupo sa gilid ng kama.
"Adrian,bakit mo nasabi na nasa paligid lang ang halimaw?"
Titig na titig naman sa kanya ang bata.
"Kasi ate kanina pa ko nakakaramdam na parang may mga matang nakatingin sakin."
"Kung ganoon.." hindi maituloy ng dalaga ang sasabihin niya. Ayaw niyang lalong matakot ito kung sasabihin niya pa ang nakita.
"Mabuti pa sa kuwarto ko na lang ikaw matulog ngayon gabi. "Pinasigla pa niya ang boses. Nakita naman niyang natuwa ito sa kanyang sinabi.
"Sige po." Agad na itong tumayo.
Binuksan ni Margaret ang pinto, ngunit hindi pa man sila nakakalabas ay may narinig silang tila nabasag na kung ano sa ibaba.
Mabilis silang nagtungo sa ibaba, ngunit nasa hagdan na sila nang mapatda din sa kinatatayuan nang makita ang halimaw na nakatayo sa gitna ng sala. Ang pagkabasag ng salamin na bintana sa verandah ang narinig nilang nabasag. Nakatitiyak ang dalaga na kagagawan ng halimaw ito, maaring doon ito nagdaan upang makapasok sa kanilang bahay.
Nanlilisik ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanila,ang matatalim nitong pangil ay nakalabas lahat. Tumutulo pa ang malapot nitong laway mula sa bibig.
Naramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Adrian sa likod niya. Parang sa kanya ito kumukuha ng lakas. Naalala niya bigla, nasaan ang binata at ang babaylan? Nagpalinga-linga siya ngunit mukhang sila lang dalawa ni Adrian ang tao sa bahay.
Bigla silang napapitlag nang makita nilang humakbang palapit sa kanila ito. Sumisingasing pa ito habang palapit ng palapit sa kanila
"Umakyat ka sa taas,doon ka magtago. Magpapahabol ako sa halimaw palayo dito sa bahay." Bulong niya dito nang hindi lumilingon.
"Pero ate..."
"Sumunod kana lang."
Itinulak niya ito paakyat sa taas. Siya naman sa kusina tumakbo,kagaya ng inaasahan hinabol siya ng halimaw. Sa may pintuan sa kusina siya dumaan palabas at sa kagubatan siya tumakbo. Walang lingon-lingon siyang tumatakbo,alam niyang hinahabol siya nito dahil naririnig niya ang mga yabag nitong palapit sa kanya at maging atungal nitong nakakakilabot.
Halos pangapusan na siya ng hininga pero lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Hindi na niya inalintana ang mga siit at madawag na tinatakbuhan niya. Ilang beses din siyang nag muntik muntikang madapa at mawala ng balanse dahil sa pagtakbo sa madilim na gubat.
May Ilang sandali din siyang walang tigil sa pagtakbo nang marating niya ang bangin kung saan tanaw ang malawak na karagatan,at ang ibabang bahagi nito ay batuhan na.
Lumingon siya sa pinag galingan, naririnig niya ang mga siit na naaapakan at ang hingal ng kung sino man ang nasa masukal na bahaging pinanggalingan.
Nakita niyang nahawi ang halaman saka lumabas ang halimaw. Mula sa liwanag na nagmumula sa buwan mas lalong naging mabalasik ang itsura nito.
Bawat hakbang nito sa kanya siyang atras naman niya. Naririnig na niya ang mga hampas ng alon sa likuran nang lumingon siya Ilang hakbang nalang ay pwede na siyang mahulog kung aatras pa siya.
Ilang beses siyang napalunok,at pilit hinahamig ang sarili. Muli na naman naalala ang panaginip niya, parang ganito ang eksena at dito rin sa lugar na ito.
Ito naba talaga ang katapusan ko? Nasaan kana ba Haru?
Ilang beses niyang nahiling na sana nga panaginip lang ito. Ngunit nang makapa niya ang brasong may sugat na marahil ay sumabit habang tumatakbo siya kanina ay alam niyang hindi lang ito basta panaginip.
Nang makita niyang ito'y lumundag papunta sa kanya napapikit na lamang siya.
Ngunit ang inaasahang pagdaluhong sa kanya ng halimaw ay hindi nangyari.
Pagmulat niya ng mga mata,ang halimaw at si Haru ay nagpapambuno. Nakita niyang lamang ang lakas ng binata kaysa sa halimaw.
Ngunit hindi parin maiwasan mag-alala ni Margaret sa lalaking minamahal.
Isang bigwas sa sikmura ng halimaw ang pinakawalan ng binata dito. Ngunit kahit nakahandusay na ito ay nanlilisik parin ang pagkakatingin kay Haru.
Hinawakan nito ang ulo ng halimaw upang pilipitin ang leeg.
"Para ito sa mga magulang ni Adrian."
"Huwag..."
Napalingon naman ang binata kay Margaret,may pagtataka sa mga mata niya sa pagkakatingin dito. Hindi parin niya binibitiwan ang ulo ng halimaw kahit hindi na ito gumagalaw. Humihinga pa ito maaring nawalan lang ng malay. Binitiwan niya ito at saka humarap sa dalaga.
"Bakit mo ko pinigilan? Nangako ako kay Adrian na____"
"Hindi siya ang halimaw na pumatay sa mga magulang niya."
Hindi maitago ni Haru ang pagkabigla sa sinabi niya.