Lover's Moon Chapter 20

Unti-unting nagbago ang kaanyuan ng halimaw na nakahandusay at walang malay sa lupa. Mula sa mga kuko nito sa kamay at paa,unti-unting nagkakahugis katulad sa isang tao. Ang mga balahibo nitong nalalagas sa katawan nito. Maging ang nakakatakot nitong bibig at pangil ay lahat nagbago sa mismong paningin nila.

Tumambad sa kanila ang isang babae,ang mahabang buhok nito ay nakasabog sa mukha nito, hanggang dibdib na sapat upang matakpan ito. Sa tulong ng kadiliman ng gabi hindi tuluyang natambad sa kanila ang buong kahubdan nito.

"Zari..."

Halos pabulong lang iyon ngunit parang malakas na bomba iyon sa pandinig ni Margaret. Nakatalikod sa kanya ang binata kaya hindi niya makita ang reaksyon ng mukha nito.

"Tama ba ko ng narinig?si Zari iyan na taga Arectia?" Hindi makapaniwala na tanong niya.

Hindi sumagot ang binata, humakbang ito palapit sa babaeng walang malay. Hinubad nito ang jacket at saka itinakip sa kahubdan ng babae.

Tahimik na tinatahak ng magkasintahan ang daan pauwi sa bahay. Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan,naaaninag nila ang daan na kanilang nilalakaran. Nauuna ang dalaga sa paglalakad habang si Haru ay nakasunod na buhat ang wala paring malay na babae.

Napalingon ang dalaga sa binata,saglit nagtama ang kanilang paningin ngunit binawi din ng dalaga at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang makarating sila ng bahay ay walang imikang naganap.

"Zari?" Mulagat naman ang mata ng matandang babaylan ng makilala ang kargang babae ni Haru.

Agad dinala nito sa isang silid sa taas ang babae. Hindi na siya sumunod pa sa mga ito. Nakita niyang nakatulog na si Adrian sa sofa,marahil sa paghihintay sa kanilang makabalik ay dito na inabot ng antok.

Ngayon niya nararamdaman ang hapdi ng mga sugat na sumabit sa mga sanga ng puno sa pagtakbo niya kanina. Agad niyang kinuha ang bulak at gamot upang linisin ang mga sugat.

Akma nang lalagyan ng alcohol ang bulak na hawak nang may umagaw nito kanya.

"Ako na ang gagawa." Sabi ng binata

"Kaya ko naman___."

"Kasalanan ko kung bakit ka nasugatan ng ganyan kaya hayaan mo na ako, nang makabawi naman ako sa'yo." Nagsusumamo ang mga mata nito sa pagkakakatitig sa kanya.

"Sige..ikaw ang bahala.." sabay iwas niya ng tingin.

Napapapiksi siya tuwing dadantay sa sugat niya ang bulak na may alcohol,inihipan naman nito ang kanyang sugat. Kahit papaano nawawala ang hapdi nito, hanggang matapos malagyan nito ng gamot ang mga sugat niya.

Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong,baka kung hihintayin niya pang ito ang magsalita baka abutin pa ng siyam-siyam.

"Haru,bakit kaya nandito si Zari?"

"Hindi ko rin alam.. malalaman natin pag nagising na siya." Hindi tumitingin sa kanya ito kaya pakiramdam ba ng dalaga ay may tinatago ito sa kanya.

Kinabukasan,nasa silid na pinagdalhan kay Zari ang lahat maliban kay Adrian. Nakaupo sa kama ang babae habang nakayuko ito. Nasa tapat naman nito ang babaylan na nanatiling nakatayo, si Haru at Margaret naman ay magkatabing nakaupo.

"Umpisahan mo na Zari ang pagpapaliwanag." Utos ng babaylan sa babae.

"Ano bang gusto niyong malaman?" tanong nito sa mahinang boses,nakayuko parin ito.

" Bakit kailangan mong saktan si Margaret?" biglang napalingon si Margaret sa katabing binata,nahimigan niyang may galit sa pagtatanong nito.

Biglang umangat naman ang ulo ni Zari mula sa pagkakayuko at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanila. Kinilabutan naman si Margaret sa paraan ng pagkakatingin sa kanila nito.

"Kung hindi ka dumating kamahalan di sana napaslang ko na ang babaeng yan!!"

Nagulat naman ang dalaga sa rebelasyon ng babae,di yata't balak talaga siya nitong patayin. Inakala pa naman niya na hindi siya nito nakilala.

"Lapastangan.." mahina lang pero nagngangalit ang mga ngipin ng binata habang nakatingin kay Zari.

Hinawakan niya ang braso ng binata, naramdaman niya ang paninigas ng kalamnan nito sa tinitimping galit.

Isang tikhim ang pinakawalan ng matandang babaylan bago bumaling kay Zari.

"Kahit narito ka pa sa mundo ng mga tao,ang kamahalan parin ang hari ng Arectia. Kaya matuto kang yumukod Zari."

Ngunit hindi man lang natinag ang babae,tinapunan pa nito ng masamang tingin si Margaret bago muling yumuko.

"Paano ka napunta dito?"tanong ng babaylan dito.

"Nandito ako ..."lumunok muna ito,"dahil sa kamahalan."

Bigla naman nakaramdam ng kaba si Margaret. Parang nahuhulaan na niya ang gustong ipahiwatig ng babae. Alam niyang may pagtingin ito sa binata noon pa. Ngunit inakala niyang tanggap na nito ng maluwag na siya ang mahal ni Haru. Parang hindi yata niya matatagalan ang susunod nitong sasabihin.

"Gusto ko lang ipaliwanag mo sa'min kung paano ka nakatawid sa mundong to." muli ay turan ng babaylan dito.

Tiningnan sila isa-isa ng babae bago huminto ang tingin nito kay Margaret. Sinalubong naman ng dalaga ang mga tingin nito.

"Kung ang kamahalan ay nagawang tawirin ang magkabilang mundo alang alang sa pag-ibig sa'yo Margaret, magagawa ko din ang lahat para sa pag-ibig ko sa kanya." Anito nang hindi humihiwalay ang pagkakatingin sa kanya.

"Ehem.. ang mabuti pa lumabas muna kayong dalawa." Utos ng babaylan sa magkasintahan.

Naunang tumayo si Haru at inilahad ang kamay sa dalaga. Ilang sandali niya munang tiningnan ito at nagpatianod nalang. Nasa may pintuan na sila ng magsalita si Zari.

"Gagawin ko ang lahat upang maagaw ko lamang sa'yo ang kamahalan Margaret. Hindi kayo nababagay na dalawa. Natitiyak ko sa'yo ako ang pipiliin niya sa huli."

Iginiya na siya palabas ng binata.

"Alam mo bang may katumbas na kaparusahan ang kalapastanganan ginawa mo sa harap ng kamahalan." Litanya ng babaylan kay Zari.

Bigla naman umilap ang mga mata nito at saka yumuko.

"Patawad mahal na babaylan,nadala lamang ako ng aking damdamin." Sabi nito sa mahinang tinig.

Masusi siyang pinag-aralan ng babaylan. Kahit ito man ay naguguluhan na kung bakit nagawa nitong makatawid sa mundong ito.

"Hindi pa rin malinaw sa'min ang pagkakapunta mo dito. At isa pa wala kang karapatan na umasta ng ganoon sa harap ng kamahalan at sa harap ni Margaret. Nasa Arectia palang,alam mong si Margaret na ang pinili ng kamahalan." panganagaral pa nito sa kanya.

Parang natauhan naman ang babae sa kanyang mga tinuran dito.

"Kailangan mong humingi ng paumanhin sa kanila lalo na kay Margaret."

Napatingin naman si Zari sa kaharap,nasalubong niya ang nanunuring tingin nito sa kanya. Hindi niya matagalan ang pagtitig dito kaya umiwas ng tingin ang babae.

"Gagawin ko po dahil sa iniuutos niyo."

Hindi naman nakaligtas sa paningin ng babaylan ang pagkuyom nito ng kamao ngunit hindi na lamang umimik.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Paano kang nakatawid sa mundong ito?"

"Hindi ko rin alam,basta ang alam ko lagi akong nasa kagubatan. Naghihintay sa pagbabalik ng kamahalan baka sakaling hindi niya maibigan ang klase ng pamumuhay dito. Baka mabatid niyang hindi siya nababagay kay Margaret. " Para itong nangangarap ng gising habang nagsasalita.

Tumingin pa ito sa labas ng bintana bago ibinalik ang tingin sa kaharap.

"Katulad ni Margaret.. ang buwan din ang nagdala sa'kin dito kung paano siya nakarating sa mundo natin noon. Alam kong kinatigan ako ng tagapangalaga ng Arectia dahil hinayaan niyang masundan ko dito ang kamahalan." May kislap sa mga mata ng babae habang isinasalaysay niya ang pagkakapunta sa mundong ito.

"Hindi ka basta makararating dito dahil lang sa mga pinagsasabi mo. Maliban na lang kung...hindi maaring___." Nanlalaki naman ang mga mata ng babaylan sa naisip.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Zari sa matandang babaylan na para bang sinasabi nitong tama ang nasa isip nito.

Narinig nila ang mga yabag sa may hagdan. Sabay na napalingon ang magkasintahan sa matandang babaylan na pababa.

"Nais kong makausap ng mag-isa ang kamahalan." Saad nito ng makalapit at sumulyap kay Margaret na para bang humihingi sa kanya ng pahintulot.

Tumingin muna ang dalaga sa binata ngunit hindi ito sumusulyap sa kanya. Diretso lamang itong nakatingin sa kaharap,nakita niya ang pag igting ng mga panga nito sa mukha.

Nagulat pa ang dalaga ng hawakan nito ang kanyang braso ng akmang hahakbang palayo.

"Dito kalang."

"Hindi niya maaaring marinig ang pag-uusapan natin." Saad ng matandang babaylan.

"May karapatan marinig ni Margaret ang anumang sasabihin mo." Sumulyap pa ang binata sa kanya bago ibinalik ang mga mata sa matandang babaylan.

Hindi tuloy malaman ng dalaga kung ano ang gagawin sa sitwasyon.

"Ok lang Haru,saka na tayo mag-usap."

"Pero__."

"Alam kong mahalaga ang sasabihin ng mahal na babaylan. Naiintindihan ko kung hindi ko to maaaring marinig." Siya na mismo ang nagtanggal sa kamay nito na nakahawak parin sa braso niya.

Nasundan na lamang siya ng binata habang palayo. Binalingan niya ang kaharap.

"Nakakalimutan mo na yata kung sino ang kaharap mo?"

"Paumanhin kamahalan," yumukod ito ng bahagya bago muling tumingin sa kanya.

"Ano ang sinabi sayo ng babaeng iyon?"

"Makinig ka kamahalan saking sasabihin. Alam kong mahirap para sa'yo ang pagiging kapasyahan ngunit ito lang ang tanging paraan kung nais mong mailigtas ang babaeng iyong pinkamamahal."

Napalingon si Margaret sa bahay. Naisip niya kung tapos na kaya mag-usap ang dalawa. Kasalukuyan silang nasa tabing dagat ng batang si Adrian.

Napalingon siya kay Adrian habang naglalaro ng buhangin. Gumagawa ito ng kastilyo,lumapit siya dito at sumali narin.

Mula sa di kalayuan,nakatanaw si Haru sa mga ito. Nakita niya ng biglang tangayin ng alon ang ginagawa ng mga ito na kastilyong buhangin. Napa kuyom ang kanyang mga kamao. Naalala ang mga sinabi ng matandang babaylan na kailangan niyang iwan ang dalaga. Paano ang mga nabuo nilang pangarap?

Biglang napalingon sa kanya si Margaret,nagtama ang kanilang mga mata. Umiwas ng tingin ang binata sa kanya saka tumalikod upang pumasok sa bahay. Nagtataka naman na nasundan nalang ito ng tingin ng dalaga.

Isang oras din naglagi sa tabing dagat si Margaret at Adrian bago nagyakad ng bumalik ng bahay ang dalaga. Napasukan niya si Zari na nakaupo sa sofa. Habang palapit sila dito hindi naman sila nito nilulubayan ng tingin.Sinabihan niyang pumasok muna ito sa kanyang silid na agad naman sumunod sa kanya.

Lumapit si Margaret kay Zari na hindi tumitinag sa pagkakaupo sa sofa. May ngiti ng pang-uuyam sa labi nito na nagpataas ng kanyang kilay. Pilit pinipigilan ang nag-uumpisa nang bumangon na inis para sa babae.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Ok na." Sagot nito. Tumayo ito at inilibot ang paningin sa buong bahay saka nagtagal ang pagkakatitig sa salamin na nabasag sa verandah.

Bumalik ang tingin nito sa kanya, " kailan ka aalis dito?"

Hindi naitago ni Margaret ang ang pagkabigla sa tanong ng babae.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Makinig ka sa'kin Margaret___." Nahinto ang kung anuman sasabihin nito at nanlalaki ang mga mata na lumampas kay Margaret ang tingin nito.

Nang lumingon siya,nakita niya si Haru na nakatayo sa kanyang likuran. Nababanaag niya ang galit nito sa mga mata.

Humakbang ito palapit sa kanila. Nararamdaman niya ang tensyon ni Zari nang sulyapan niya ito.

"Wala kang anumang sasabihin kay Margaret hanggat hindi ko pinahihintulutan. Isang salita pa mula sa'yo, ako mismo ang magbabalik sa'yo sa pinanggalingan mo." Mabigat ang bawat salita na lumalabas sa binata na hindi maunawaan ng dalaga. Naalala tuloy niya ang dating Haru sa Arectia noon.

Nang sulyapan ni Margaret si Zari,bakas sa mukha pagkapahiya at galit sa mga mata. Yumukod ito sandali sa harapan ni Haru bago walang paalam na tumalikod sa kanila. Nasundan nalang ng dalaga ang babae habang paakyat ng hagdan.

Bahagya siyang napapiksi ng hawakan ni Haru ang braso niya. Nang tingnan niya ito,titig na titig ito sa kanyang mukha. Bahagya naman siyang nailang sa pagkakatitig nito.

"Gusto mo bang pumunta ng bayan?"

Natigilan naman si Margaret sa tanong ng binata. Naisip niya na mabuti pa ngang umalis muna sila sa bahay na'to. Saka nais din niyang makausap ito ng sarilinan.

"Ah sige.. gusto ko yan." Nakangiti niyang tugon dito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.