Ito pala si Haru! sabi ng isip ni Margaret. Nang sulyapan niya ang lalaki nakatingin pa rin ito sa kanya, hindi tuloy maiwasang mailang ng dalaga rito.
"Tama lang ang pagdating ko sapat para marinig ko ang sinabi ng binibini." Sagot nito ng hindi inaalis ang pag kakakatitig sa kanya.
"Haru siya pala si Margaret, ito naman si Haru ang nagdala sa iyo dito kagabi." Pagpapakilala ni aling Isyang.
Bahagyng lumapit si Margaret sa lalaki saka inilahad ang kamay.
"Nice meeting you Haru." Ngunit tiningnan lang ni Haru ang kamay niyang nakalahad saka bumalik ang tingin sa mukha niya.
Walang pasintabi na tumalikod na lang basta ang lalaki at saka pumasok sa loob ng bahay.
Naikuyom naman ni Margaret ang kamao dahil napahiya sa sarili.. bastos!! tungayaw ng isip niya.. kala mo kung sinong gwapo at may abs!
Maya-maya lang niyakad siya ni aling Isyang na pumasok muna sa loob ng bahay at meron daw silang mahalagang pag-uusapan. Nagngingitngit pa rin ang kalooban na sumunod na lamang. Hindi man lang napansin ng dalawang matanda ang tensyon na nangyari.
Prente naman nakaupo ang herodes na lalaki!
Magkatabi naman umupo ang mag-asawa.
Inalok siya ni aling Isyang na maupo ngunit hindi siya sumunod. Mas gusto niyang tumayo..!
" Tutubuan ka ng ugat kung hindi ka uupo,may katagalan din ang ating pag uusapan." Maawtoridad na sabi ng lalaki na nag pataas naman ng kilay ng dalaga.
Walang gumagamit ng ganoong tono sa kanya,lagi nang ang mga lalaki sa paligid niya ay mga nagsusumamo sa pakikipag usap sa kanya lagi.
Sasagot sana siya ng masulyapan niya ang mag-asawang nakatingin din sa kanya at wari'y nagtataka sa inaasal niya. Bumuntong hininga muna siya bago umupo sa isang bilog na kahoy kaharap ng antipatikong lalaki! Hindi na lang niya ito tiningnan. Inip na inip na yung pakiramdam niya kung ano bang mahalagang pag-uusapan nila.
"Alam mo ba kung nasaan ka ngayon binibini?" panimulang tanong ni Haru na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Sinalubong naman ng dalaga ang titig nito.
"Nasa bayan ako ng Arectia.Gusto ko na nga sanang makauwi samin. Ihatid niyo na lamang ako sa sakayan at ako na ang bahala sa pag uwi ko.Nag-aalala na sigurado ang parents ko sa akin." Hindi mapigilang mabasag ang boses niya ng maalala ang pamilya lalo na ang ama baka mapano ito sa pag-aalala sa kanya.
"Hindi kasi namin alam kung paano ka babalik sa iyong mundo." Si Aling Isyang ang sumagot. Nabaling ang tingin ni Margaret dito umaasang nagkamali lang siya ng dinig.
Nagpatuloy si Aling Isyang, "nakakatiyak na kami na galing ka sa ibang mundo ikaw ang sinasabi sa hula ng mga babaylan daan taon na ang nakakalipas____".
"Wait a minute." Putol niya sa pagsasalita ni aling Isyang. Tinaas pa ang kanang kamay, "kong ito po ay isang prank ng kung sino man please lang wala po akong time sa mga ganitong bagay." Nasabi niya dahil uso ang mga prank ngayon. Pero sino naman ang gagawa nito sa kanya.
Nagkatinginan naman ang tatlo,mga seryoso ang mga mukha ng bumaling ulit sa kanya.
" Kung ang gusto mong ipahiwatig ay isang biro lamang ito nagkakamali ka binibini." Sabi ni Haru sabay halukipkip.
Parang sasabog ang ulo niya gusto niyang isiping panaginip lang ito at magigising din siya. Pag gising niya ang mga mukha ng magulang ang mabubungran niya.
Ngunit nagpatuloy si Aling Isyang. Gusto sana niyang patigilin muli ito sa pagsasalita pero may awtoridad na naman siyang sinabihan ni Haru na makinig muna sa paliwanag ng matandang babae. Natikom naman ang bibig niya,nag ngingitngit man ang kalooban pinili na lang muna niyang manahimik at makinig.
Ayon sa salaysay ni aling Isyang ayon sa hula ng mga babaylan daan taon ng nakalipas. May isang dalagang manggagaling sa ibang mundo ang magiging itinakda. Ang tanging palatandaan na ibinigay ng babaylan noon ay isang pulang liwanag ang magmumula sa kalangitan ang magdadala sa dalagang galing ibang mundo.
" Nakita namin ang isang pulang liwanag na gumuhit sa kalangitan at nahulog sa kagubatan. Sinundan ito ni Haru at ikaw ang kanyang natagpuan." sagot naman ni mang Tibo.
"Ikaw nga kaya ang Itinakda ayon sa hula?" tanong ni Haru sa kanya sa mapanuring mga mata.
Sinalubong ni Margaret ang titig nito. Bakit ba parang nahihipnotismo siya sa mga titig ng mokong na ito.. Hindi kaya.. Erase! Erase! Sigaw ng utak niya.
"Aba malay ko sa hula hula na yan!! " tumayo siya at hindi mapigilang makaramdam ng inis. Kanino siya naiinis? Tanong ng isip niya,sa nangyayari marahil!
" Ang gusto ko lang makauwi na samin pihadong nag-aalala na ang parents ko sakin." Gusto na niyang maiyak sa sitwasyon niya.Ano ba kasi ang nangyayari at bakit ako napunta sa lugar na ito?!
Nagkatinginan lamang ang mag asawa sa awa sa kanya. Naaawa sila dito pero hindi naman nila alam kung panu ibabalik ang dalaga sa mundong pinanggalingan nito. Kung ito nga ang itinakda talaga ayon sa hula pihadong hindi na ito makakabalik sa kanila.
Akmang tatalikod na si Margaret at tutunguhin ang pinto palabas. Nagulat pa siya ng nasa harapan na niya agad ang lalaki. Nakaharang ito sa may pinto,nagmukha tuloy siyang unano sa taas na 5'3 sa pagkakalapit nilang iyon. Nakayuko ito sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya habang siya ay nakatingala dito. Tigagal kung bakit nasa harapan na niya ito samantalang nakaupo lang ito kanina sa upuan.
May superpower siya!! Nagtutumiim sa utak niya.
"Kung ikaw nga ang itinakda hindi ka maaaring umalis"
Naistatwa sa kinatatayuan niya si Margaret ng marinig ang sinabi ng lalaki. Hindi pa rin nahuhulasan ang nadaramang pagkagulat sa nasaksihan kung bakit ganoon kabilis nakapunta sa harapan niya ang lalaki. Pinilig ang ulo at determinado sa gustong gawin.
"Wala akong pakialam sa kung anong meron sa inyo at sa mga sinasabi niyo. Huwag kang humarang. Sa ayaw at sa gusto mo uuwi ako samin." Matigas niyang sabi.
Bahagya naman napangiti ang lalaki sa determinasyong na nakita sa mukha niya.
Sa bahagyang ngiti na iyon bakit biglang nagliwanag ang paligid. Nang sulyapan niya ulit ang lalaki seryoso na ulit ito at salubong pa ang makakapal na kilay. Matagal ang naging titigan nila bago bumuntong hininga ito bago nagsalita.
" Kagaya ng pagkakasabi sayo ng mag asawa. Hindi namin alam kung paano ka makakabalik sa mundo niyo. Gustuhin ko man ngunit hindi ko alam kung paano." Nahimigan niya kahit paano ang paglambot ng tono ng boses nito sa kaniya.
Para siyang nanghihina sa mga naririnig niyang rebelasyon. Laylay ang balikat parang gusto niyang pumalahaw nalang ng iyak. Nakayuko siya kaya hindi niya nakita ang paglambot ng ekspresyon ng mukha ng kaharap sa pagkakatitig sa kanya.
Lumapit sa kanya si Aling Isyang hindi malaman kung ano ang gagawin sa sitwasyon.
" Tama si Haru. Mabuti pang magpahinga ka muna sa iyong silid, sasamahan kita."
Walang nagawa si Margaret kundi magpatianod nalang sa pag giya sa kanya ng matandang babae sa silid. Nakasunod naman ang mga mata ni Haru sa kanilang dalawa.
"Anong plano mo kamahalan? "
"Wala sa ngayon".
Sa silid naman hindi mapigilang umiyak ni Margaret. Naiisip niya kasi ang naiwang pamilya. Ayaw pa rin tanggapin ng isip niya ang nangyari sa kanya. Marami pa rin katanungan sa isip niya ng mga sandaling iyon. Umaasang isang panaginip lang ang lahat ng ito. Kagaya ng lagi siyang nananaginip tungkol sa mga lobong umaatake sa kanya sa panaginip, at nagigising din kalaunan sa sarili niyang higaan.
Naawa naman sa kanya si aling Isyang.
"Gusto mo bang marinig ang kasaysayan ng aming bayan?" tanong nito sa kanya.
Tumingin muna siya dito bago tumango. Baka sakaling maunawaan niya ang kinasasadlakang sitwasyon kung maririnig niya ang ikukwento nito.
Umupo naman sa isang upuan malapit sa kanya si Aling Isyang habang siya nakaupo sa higaang papag.
" Noong unang panahon mapayapa naman namumuhay ang mga taga rito. Maging ang mga lobo sa kagubatan. Isang araw nagkaroon ng digmaan,nais ng hari ng Arectia noon na sakupin ang kagubatang tinitirhan ng mga lobo. Dahil na rin sa paniniwalang may nakatagong kayamanan sa mga teritoryo ng mga ito. Matagal na panahon ang naging sagupaan ng mga tao at lobo walang gustong magpatalo. Kaniya-kaniyang pagtatanggol sa bawat teritoryo ang mga ito. Hanggang ang mga lobo ay bumaba sa kapatagan sa mga nayon saka pinatay ang mga inosenting mamamayan. Na tahimik lamang namumuhay at ayaw makisali sa digmaang nagaganap. Ang tagapangalaga ng Arectia sa kauna- unahang pagkakataon ay nagpakita. Labis na nagalit sa mga taong nagpasimuno ng digmaan. Pagkamuhi sa mga lobong pumatay ng mga inosenting mamamayan.
Sinabi niya wala ng katahimikang magaganap kung patayan ang nais ng naninirahan sa bayang ito. Hanggang hindi nalilipol ang mga nilalang na nakatira dito hindi matatapos ang digmaan.
Sinumpa niya ang lahi ng hari. Lahat ng lalaking galing sa kanyang dugo magiging taong lobo at lahat naman ng mga lobo magiging hayok sa laman at dugo katulad ng isang halimaw sa kabilugan ng buwan.
Simula noon naghari na ang takot sa mga mamamayan. Sa mga halimaw na sumasalakay tuwing kabilugan ng buwan. Pagkamuhi naman sa pamilya ng hari dahil lahat ng isinilang na sanggol na lalaki ay naging taong lobo. Ang ibang hindi matanggap ito'y kanilang pinapaslang sanggol palang."
Huminga muna ng malalim si aling Isyang bago nagpatuloy sa kanyang kwento.
" Pero nagkaroon ng pag-asa ang bayan dahil ang sunod na nahirang na hari ay hindi gahaman sa kapangyarihan. Walang paghahangad sa anumang uri ng yaman. Ang nais lamang niya ay kapayapaan sa buong kalupaan ng Arectia. Nais niyang magkaroon ulit ng kapayapaan sa pagitan ng tao at mga lobo. Umaasang dahil doon mawawala ang sumpa.
Marahil nakita ng tagapangalaga ang kabutihan sa puso ng bagong hari kaya binigay niya ang kanyang mensahe sa isang babaylan.
Darating ang isang itinakdang manggagaling sa ibang mundo na tatapos ng sumpa. Ang dala niya ay kapayapaan at kasaganaan sa lupain ng Arectia. Pulang liwanag ang magdadala sa kaniya sa lupaing ito." Tumingin pa sa kanya si aling Isyang matapos sabihin ang huling pangungusap.
" Ngunit ang mabuting hari ay malubhang nasugatan matapos ang isang madugong pag atake ng mga lobo isang kabilugan ng buwan. Ang kanyang anak na itinalaga na susunod na hari sa kanya ng mga panahon na iyon ay nasa malayong lupain at nagsasanay. Sa pagbabalik ng prinsipe ay may bagong hari na ang Arectia.
Ang kanyang kapatid sa ama ang mas matanda sa kanya ng limang taon. Huli na ng malaman niyang nakipagkasundo ito sa pinuno ng mga lobo para maagaw ang tronong para sana sa kanya. At ang pagsalakay sa kaharian ang kapatid din ang nasa likod. Ang mga hindi sang ayon sa kanyang pamumuno ay pinapapaslang niya sampu ng sambahayan ng mga ito. Simula noon namayani ulit ang kaguluhan sa bayan na ito."
Hindi makapaniwala sa mga naririnig na rebelasyon si Margaret para siyang nakikinig ng kwentong pantaserye. Ang kaibahan lang ito'y totoong nangyari sa kasaysayan ng bayan na ito.
"Wala po bang ginawa ang prinsipe para mapigilan ang kanyang kapatid?" hindi maiwasang itanong ni Margaret.
Tumingin muna sa kawalan si aling Isyang bago muling binalik sa kanya ang tingin.
"Maraming pagkakataon ang nagsagupa ang magkapatid ngunit laging nananaig ang bagong hari. Dahil nasa panig niya ang mga lobo at nasa kanya ang mahiwagang hiyas na sagisag ng Arectia. Ang tanging pag- asa para bumalik sa dati ang kapayapaan ng bayang ito ay ang itinakda."
Umiwas ng tingin si Margaret alam niyang siya ang tinutukoy nito. Pero baka nagkakamali lang sila. Pangkaraniwan lang ang buhay niya at wala siyang super power katulad ng kay Haru na iyon.
"Kong tatanggapin mong maging itinakda maaaring iyon din ang maging daan para makabalik ka sa mundo niyo, pag isipan mong mabuti."
Napamata naman sa narinig si Margaret maaaring tama ito kung ang dahilan kung bakit siya nandito dahil siya daw kuno ang itinakda eh di pag natapos na ang misyon niya makakauwi na siya sa kanila, napatango tango naman sa sarili si Margaret.
Buo na ang desisyon niya kong iyon lang ang tanging paraan.
"Sige po payag nako maging tinakda niyo!"
Bakas naman sa mukha ni aling Isyang ang kasiyahan sa naging pasya niya.
Habang sa labas ng pinto ng silid mataman namang nakikinig si Haru, isang misteryosong ngiti ang namutawi sa labi nito.