Lover's Moon Chapter 24

Parang ipinako si Dondon sa kanyang kinatatayuan. May pagkakataon siyang tumakas habang nagbabago ng anyo ang halimaw, pero mas malakas ang kagustuhan niyang makita ang totoong anyo ng halimaw ng San Martin.

Pilit pinangibabaw niya ang matinong kaisipan kesa magpadala ng takot. Mabilis hinugot ang pistol niya,saka pinaputukan ang halimaw. Hindi niya ito tinigilan hangga't may bala ang kanyang baril.

Sa panggigilalas niya ni galos walang natamo ang halimaw. Lalong nanlisik ang mga mata nito at umatungal ng malakas na daig pa ang tigreng maninila ng biktima. Inilang hakbang nito ang pagitan nila, namalayan na lamang niya halos bumaon na kuko nito sa kanyang leeg.

Nabitiwan ni Dondon ang hawak kaninang baril. Pilit tinatanggal ang kamay nitong nasa kanyang leeg. Nagpapapasag pa ang kanyang mga paa nang iangat siya nito sa ere. Nang pakiramdam niya ay mapupugto na ang kanyang paghinga,hinagis siya nito sa pader. Halos mamilipit siya sa sakit ng tumama ang likod sa matigas na semento.

Pilit siyang bumabangon sa magkahalong sakit at dinadalahit pa ng ubo dahil sa pagkakapigil ng hininga sa pagkakasakal ng halimaw sa kanya. Muli siyang nilapitan, hinawakan ang kanyang kanang binti,para lamang siyang bagay na iwinasiwas nito saka muling hinagis. Tumama siya sa cabinet ng kusina kung saan naroon ang mga stocks niyang pagkain tulad ng delata.

Nahulog pa sa kanya ang mga laman ng cabinet. Nagdidilim na ang kanyang paningin,sumuka na siya ng dugo at may pumuslit narin dugo sa kanyang ulo. Sa nanlalabo niyang paningin,gumapang siya sa may pintuan. Muli siyang dinaklot ng halimaw at makailang beses ininuntog sa pader ng bahay. Bago muling bumagsak.

"Dudurugin ko ang mga buto mo sa katawan at saka kita lulunukin ng buo!"

Sa kabila ng panghihina dahil sa mga natamong pinsala. Nagawa pa ng lalaki tumawa at sumagot," p-para ka palang anaconda,"bahagya pa siyang napaubo sa pagsasalita.

Ang sinabi niya ay lalong nagpagalit sa sa halimaw. Pinagsalikop ng dalawang kamay ng halimaw ang kanyang katawan. Hindi niya mapigilan sumigaw sa natitira niyang lakas. Pakiramdam niya mahahati ng dalawa ang katawan niya. At muli na naman inihataw ng halimaw ang katawan niya sa pader ng bahay.

Bago pa magdilim ang lahat sa lalaki l, Isang puting nilalang ang nakita niyang dumaluhong sa halimaw.

Napalingon ang nilalang na may puting balahibo sa lalaking duguan na nakahandusay sa sahig. Lalapitan niya sana ito ng hatakin ng halimaw ang buntot niya.

"Sino kang pakialamero!" Ikaw ba ang alaga ng lalaking ito!"

Iwinasiwas ng halimaw ang nilalang na may puting balahibo. Agad itong nakabawi at sumugod sa kanya,kinagat nito ang braso niya. Napaigik siya ng bumaon ang mga ngipin nito sa kanyang laman.

Halos magwala ang halimaw para lang matanggal ang nakabaon na ngipin nito sa kanyang braso. Makikita naman ang galit sa puting nilalang kung paano lalong ibaon ang mga ngipin nito sa katunggali. Ang isang kamay na malaya ay isinakal niya sa leeg nito ang matutulis na kuko. Naging dahilan para mabitiwan ang kanyang braso.

Isang sigaw na parang nag mumula sa kailaliman ang ginawa ng halimaw. At isang alulong naman sa nilalang na may puting balahibo.

Matalim ang titig ng halimaw sa kaharap. Pakiramdam ba nito nagkaharap na sila dati,pero natitiyak niyang ngayon lang niya ito nakita.

"Uunahin kita at saka ko isusunod ang pakialamero mong amo!"

"Hindi mangyayari 'yon. Dahil ako ang tatapos sa'yo!"

Labis na nagulat ang halimaw ng marinig na nagsasalita ang kaharap. Inakala niyang pangkaraniwan aso lang ito at kakaiba ang laki. At isang tapat na alaga na nais ipaghinganti ang sinapit ng amo.

Hindi agad siya nakakilos ng umatake itong muli. Wala siyang nagawa ng ang leeg niya ang puntiryahin nito. Sumirit mula doon ang sariwang dugo. Niyakap niya ang katawan nito,buong lakas niyang piniga ang katawan nito. Nagtagumpay naman siyang mapakawalan nito.

Dali-daling tinungo ng halimaw ang pinto ng bahay at saka lumabas. Hahabulin sana ito ng puting nilalang ng nasa bungad na siya ng pinto ng makarinig ng ungol. Napalingon siya sa lalaking walang malay na nakadapa sa sementong sahig.

Tinanaw niya ang halimaw na nawala sa dilim. Nag ngingitngit man na nakawala na naman sa pangalawang pagkakataon ang halimaw mas mahalaga ang buhay ng lalaki. Kailangan magamot agad ito.

"Hindi ba natin siya dadalhin sa hospital?"tanong ni Margaret habang pinagmamasdan ang lalaking nakahiga sa kama. Puno ng sugat ang buong katawan nito.

"Hwag kang mag-alala. Ginamitan ko siya ng mahika para bumalik sa dati ang mga nabali niyang buto. Bugbog na lang ang kailangan pagalingin sa kanya." turan naman ng matandang babaylan.

Napahinga ng maluwag si Margaret sa sinabi nito,kahit paano nabawasan ang pag-aalala para sa lalaki. Lumapit sa kanya si Haru at inaya na siyang lumabas ng silid na iyon.

"Salamat naman ayos na ang lagay ni Dondon. Paano mo nga pala nalaman na nasa panganib ang buhay niya?" tanong ng dalaga.

"Nagtext siya sa'kin na nasa bahay niya ang halimaw. Alam ko hindi ako aabot kong kotse ang gagamitin ko. Kaya huminge ako ng tulong sa babaylan." paliwanag ng binata.

"Kaya pala nakaanyong lobo ka ng dumating kanina." Naalala niya nang mapagbuksan ang malaking lobo na kumikinang ang maputing balahibo nito. Nasa likod nito ang duguang si Dondon.

"Nagulat ka ba na nakita mo ko ulit sa anyong lobo ko?" banayad nitong tanong sa babae.

"Medyo," pag-amin naman agad niya,"huli kitang nakita na nasa anyong lobo ay noon pang nasa Arectia pa tayo." Muling nagbalik sandali ang mga alaala ng nasa mundo pa siya ng mga ito.

Napangiti ang lalaki,kahit siya man naalala ang mga sandaling nasa Arectia pa sila. Lalo na iyong unang pagtatagpo nila ng dalaga,kung paano ito nahimatay nang magsalita siya sa harap nito.

Nagkatititigan sila ng matagal bago nagtawanan. Mukhang iisa ang laman ng kanilang isip ng mga sandaling iyon.

SAMANTALA, ang halimaw na nakasagupa ni Haru sa anyong lobo niya,ay nasa isang kubling lugar. Nag-aapoy ang mga mga mata nito sa pagkakatitig sa bahay. Natitiyak niyang ang malaking puting lobo na tumulong kay Dondon, ay ang lalaking kanya rin nakaharap na tumulong sa bata noon sa gubat.

Lihim siyang nagmanman sa mga ito, mukhang ang babaeng lagi nitong kasama ay ang kasintahan nito. Ang kislap sa mga mata nito ay waring nagbabadya ng masamang balak.

Isang pekeng ubo ang nagpatigil sa dalawa sa ginagawang lambingan. Napatingin sila sa matandang babaylan na nakatunghay sa kanila.

"May kailangan po kayo?" tanong ni Margaret.

"Nais ko sanang makausap ang kamahalan," kay Haru ito nakatingin ng sumagot, "nang kami lang dalawa,kung ipahihintulot mo Margaret." Dagdag nito.

Tumindig naman ang dalaga, upang sana iwan sila ngunit hinawakan ni Haru ang kamay niya. Napalingon naman ang dalaga dito na nangungusap ang mga mata.

Binitiwan naman nito ang kanyang kamay, mukhang nakuha agad nito ang nais niyang ipahiwatig.

"Maiwan ko na po muna kayo," saka tuluyan tumalikod ang dalaga.

"Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa kanya ang bilang itinakda noon ng Arectia," turan nito habang sinusundan ang dalagang palayo.

"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ng binata na hindi pinansin ang sinabi niya.

Tumingin sa kanya ang matandang babaylan.

"Hindi mo pa ba balak pauwiin muna si Margaret sa kanila? Nakakaramdam ako ng panganib para sa kanya."

"Wala ka bang tiwala sa akin na hindi ko siya maipagtatanggol kung sakali man?"

"Alam kong kaya mo? Ngunit habang nandito siya,hindi ka makakahanap ng paraan upang masolusyunan ang ating suliranin kay Zari. Buong atensyon mo ay na kay Margaret lamang." Napapailing pa ito.

Ilang sandali muna ang lumipas bago nagsalita ang binata.

"Siya ang buhay ko,ang puso ko ay pumipintig lang para sa babaeng itinakda."

Hindi nakaimik ang babaylan,tila sa mga binitiwan nitong salita ay nakapaloob na doon ang lahat ng kasagutan. Handang isakripisyo nito ang sariling mundo para sa babaeng pinakamamahal.

Mapaklang ngumiti ang babaylan,wala na siyang naisip na ibang solusyon.

"Wala akong tutol sa inyong pagmamahalan, ngunit may misyon kang dapat gawin. Nag-aalala lang ako sa kaligtasan niya. Lalo't nasa paligid lamang ang halimaw."

"Alam ko."

Napataas naman ang kilay ng babaylan sa tinuran niya.

"Simula nang bumalik ako sa pagiging lobo,mas lumakas ang aking pang-amoy at pandama. Alam kong lihim siyang nagmamasid sa atin dito. Sa muli naming paghaharap,hindi ko na siya bubuhayin!" Marubdob na sabi ng binata na nakakuyom pang itinaas ang isang kamao nito.

Nanatili lamang na nakatingin sa lalaki ang babaylan. Batid nito na sa pagkakataong ito,kayang patumbahin nito sa isang iglap ang halimaw. Tama lang ang kanyang ginawa na muling hayaan na magamit nito ang pagiging lobo,kahit nasa mundo sila ng tao.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? " tanong ng dalaga kay Dondon na nakasandal sa headboard ng kama. Dito siya dumiretso ng iwan niya ang dalawa upang makapag-usap.

"Medyo masakit pa rin ang mga bugbog ko," nakangiti nitong tugon sa kanya," nagtataka lang ako nang magising ako ay narito sa silid na'to. Akala ko katapusan ko na sa halimaw na iyon."

"Ang lola ni Haru ang gumamot sa'yo. Naisip niyang dito ka na idiretso."

"Ah ganoon ba," bigla itong tumahimik at parang ang lalim ng nilakbay ng isip. Nagtaka naman ang dalaga pero hindi isinatinig ang gustong itanong.

"Ahm Margaret,bago kasi ako mawalan ng malay. May nakita akong malaking aso na puti ang kulay. Sigurado ako na siya ang nagligtas sa akin."

Nakatitig ang lalaki sa mga mata niya kaya pilit pinapakalma ng dalaga ang sarili. Baka mahalata nitong may nalalaman siya sa sinasabi nito. Hindi siya dapat ang magsabi dito,saka kailan lang nila nakilala ang lalaki.

"Mamaya pupunta dito si Haru."

Napakunot noo naman ang lalaki sa sagot niya. Ibubuka sana nito ang bibig upang magtanong at muli rin isinara. Nagbago ang isip, hihintayin nalang niyang magkaharap sila ng binata. May palagay siyang si Haru ang makakasagot sa kanyang katanungan.

Hindi nga naglaon, pumasok ang binatang kani-kanina lamang ay topic nila ng dalaga.

"Kumusta na?" bungad nito sa kanya.

"Ok na ako, salamat nga pala sa inyong pag-aalaga sa'kin."

"Hwag mo nang isipin iyon,ang mahalaga ay hindi ka napatay ng halimaw."

Ilang sandali muna ang pinalipas ni Dondon nang muling ungkatin ang tungkol sa inaakala nitong pangkaraniwan aso lamang.

"Alaga mo ba iyong malaking aso na tumulong sa akin?"

Nakita naman ni Dondon ang pagkaasiwa ng magkasintahan sa tanong niya. Bahagya din umilap ang mga mata ni Haru,saka sumulyap sa katabi nitong nobya.

Alam niyang may kakaiba sa sulyapan ng dalawa,hindi lang niya matukoy sa isip kung ano. At saka bakit ba hirap silang sagutin ang tanong niya.

Tumingin muna sa kawalan si Haru bago ibinalik ang tingin sa lalaki.

"Ang nakita mo ay isang lobo," turan ng binata, walang kakurap-kurap na nakatitig siya sa mukha nito," at ako ang lobong iyon."

Napamura nalang si Dondon sa narinig,hindi ito ang inaasahan niya. Pero utang niya sa binata ang buhay niya.

"Totoo ang sinabi ni Haru. Sana manatiling lihim ito." sabat ni Margaret na nagsusumamo ang tingin sa kanya.

"Syempre naman Margaret, utang ko kay Haru ang pangalawa kong buhay,"anito na sa kanya nakatingin," puno talaga ng hiwaga ang mundo,ang dating nababasa mo lang sa libro,ngayon ay ganap ng makatotohan."

Marami pang tinanong si Dondon tungkol sa pagiging taong lobo ni Haru,na sinagot naman nito lahat. May nakita silang kasiyahan na nagdaan sa mga mata nito, dahil mas malaking pag-asa daw na matalo nila ang halimaw sa bayan na iyon.

.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.