Ilang araw pa ng lubusan nang gumaling si Dondon sa mga tinamo niyang pinsala. Sa pamamalagi sa bahay ni Haru,nakilala niya narin ang matandang babaylan na tumatayong lola ni Haru sa mundong ito. At si Zari na madalas na matalim ang tingin na pinupukol sa kanilang lahat.
Isa pa sa kinababahala ni Margaret ay ang babae. Habang lumilipas ang mga araw,kapansin-pansin ang kakaiba nitong kilos. Para itong mabangis na hayop na lagi nang gustong manakmal tuwing lalapit sila.
"Hindi niya makontrol ang pagbabago sa kanyang sarili,at hinahayaan din niya na manaig ang galit at panibughong kanyang nararamdaman." Minsan paliwanag ng babaylan sa ikinikilos nito.
Minsan silang tatlo lang ang nasa bahay, umalis ang dalawang lalaki at nagtungo sa bayan. Kinausap ng masinsinan ni Margaret ang babaylan tungkol sa sitwasyon ni Zari.
"Bakit po ba ayaw niyo pa siya na ibalik sa Arectia?"
Narinig ni Margaret ang bigat ng pagbuntong hininga nito bago sumagot sa kanya. Nakatingin ito sa kawalan na para bang doon naghahanap ng kasagutan sa kanya.
"Lingid sa inyo,ilang beses ko nang ginawa ang sinasabi mo. Ngunit sa hindi malaman dahilan lagi pa din siyang nakakabalik dito."
Manghang napatingin ang dalaga dito,gumagawa naman pala ito ng paraan. Alam nila ni Haru na sa kanila ito panig, turing nga niya dito ay Fairy Godmother nila. Hindi niya makakalimutan na ang babaylan ang dahilan ng pagkakapunta niya sa mundo ng Arectia,at makilala ang binata. At ito rin ang dahilan kung bakit muli silang nagkasama ng binata.
Nakikita niya sa mukha nito ang paghihirap, waring mayroon itong tinatago.
"Hindi ko po maintindihan kong bakit kailangan ipagpilitan ni Zari ang sarili niya sa taong hindi naman siya gusto!" hindi niya maiwasan malangkapan ng inis ang tono ng boses niya.
Napatingin sa mukha niya ang babaylan," hwag mong hayaan na maging tulad ka ng babaeng iyon. Nagpadala sa kanyang nararamdaman." turan nito.
Naisip ni Margaret na tama naman ito,hindi niya gagawin ang inaasta nito. Pero hindi parin maiwasan na mag-alala sa kakaibang kinikilos nito. Daig pa kasi nito ang may sapi.
"Margaret," untag sa kanya ng babaylan.
Nilingon niya ito,may ngiti sa labi nito pero hindi umabot sa mga mata.
"Mayroon po ba kayong nais sabihin?"
"Kahit ano pa ang mangyari sa pagitan n'yo ng kamahalan, pakatandaan mo ikaw lang ang babaeng itinakda niya sa kanyang puso."
Inuulit-ulit niya ang sinabi nito sa kanyang isip.Habang sinusundan niya ang papalayong likod nito. Naging kakaiba narin ang kilos nito simula ng dumating si Zari sa mundo nila. Hindi maiwasan ni Margaret ang maguluhan sa mga nangyayari.
NASA tapat siya ng pinto ng silid ni Zari,alumpihit kong kakatok ba siya o tatalikod nalang. Baka hindi lang maging maganda ang kanilang paghaharap. Pero may nais lang siyang malaman dito. Hindi kasi siya kumbinsido sa mga sinabi ng babaylan sa kanya. Nais niyang malaman sa mismong bibig ng babae kung bakit ayaw pa nitong bumalik sa mundong pinanggalingan. Sa naisip,lakas loob siyang kumatok at inalis ang pag-aatubili.
Tatlong katok ang ginawa niya bago may sumagot sa loob. Nang makapasok ang dalaga,nakita niya si Zari na nakaupo sa kama nito. Nakasuot lang ng oversized t-shirt ang babae at nakade kuwatro,kaya naman kita ang maputi at mabilog na mga hita.
Ang mga mata nito ay puno ng pang-uuyam habang nakatingin sa kanya. Ang mga labi nito ay nakatikwas, bahagyang nakataas ang mukha na para bang nagmammalaki sa kanya.
Matagal siyang napatitig sa suot nitong oversized t-shirt,nanlaki ang mga mata niya nang matanto na kay Haru ang damit na suot ng babae. Biglang nag-init ang kanyang ulo sa babaeng kaharap.
"Inaasahan ko pa naman na ang kamahalan ang papasok sa silid ko. Tsk,ikaw lang pala."
"Bakit mo suot ang damit ni Haru?" hindi niya pinansin ang sinabi nito, sobrang pagtitimpi sa sarili na hwag lumapit dito at sapilitan na hubarin ang damit nitong suot.
Napalabi pa ito sabay tingin sa suot na damit bago tumingin ulit sa kanya,hinaphaplos pa nito ang damit na parang nasa isip nito ang binata.
"Ito ba? Siya mismo ang nagpasuot sa akin ng damit niya,"sabay hagod sa kabuoan niya,"mas tipo ko naman na ganito ang isuot kaysa naman na pahiramin mo ko ng damit mo."
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito,pasimple niyang tiningnan ang suot niya. Isang maiksing maong short na may tastas sa dulo at simple na cotton shirt at rubber shoes. Kita ang ang mahahaba niyang legs na may mga pinong balbon na isa sa mga asset niya.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Kung gusto nito na makipag giyera sa salita,pagbibigyan niya.
"Isa iyan sa mga dahilan na hindi ka nababagay sa mundo namin. Sa mga damit palang na isusuot,wala ka nang alam. Paano pa kaya ang mamuhay ng normal dito. Kong ako sa'yo, bumalik kana lang sa Arectia,doon lang nababagay ang mga katulad mo." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa na nakataas ang kilay.
Nabura naman ang nang-uuyam nitong ngiti sa labi dahil sa mga sinabi niya. Matalim siya nitong sinulyapan,kung nakakamamatay lang ang titig nito, malamang kanina pa siya bumulagta sa sahig.
"Kahit ano pang sabihin mo,hindi ako susuko para makuha ang kamahalan."
Itinaas niya ang kanyang kamay at saka ipinakita ang kanyang singsing. Nangunot naman ang noo nito sa pinakita niya.
"Alam mo kung ano ito? Sa mundo namin,tradisyon nang bigyan ng lalaki ang babaeng kanyang pakakasalan ng singsing,bago ang kasal. Si Haru niyakap niya ang tradisyong iyon para sa akin."
Huminto muna siya sa pagsasalita, binaba ang kamay. Sinundan pa ng babae ang kanyang daliri kung nasaan ang kanyang singsing. Nang bumalik ang tingin nito sa kanya,naaninag niya sa mga mata nito ang panibughong nararamdaman. Nilabanan niya ang awang gustong kumawala sa kanyang dibdib para dito.
"Makinig ka sa akin Zari, naging magkaibigan tayo sa Arectia. At hanggang ngayon itinuturing pa rin kitang kaibigan. Sana naman sumuko kana sa nararamdaman mo para kay Haru. Alam mong hindi niya masusuklian ang pagmamahal mo sa kanya." Mahinahon niyang sabi,naisip niyang baka sa ganitong paraan makumbinse ang babae.
Muling bumalik ang nang-uuyam nitong ngiti sa labi saka tumayo at humakbang palapit sa kanya.
"Nagkakamali ka Margaret,matututunan rin niya kong mahalin oras na magkasama na kami. Kapag hindi kana niya nakikita at nakakasama. Ikaw ang sumuko sa pagmamahal mo sa kanya."
Nagbilang hanggang sampu sa isip ang dalaga. Para kasing mauubos na ang baon niyang pasensya bago humarap sa babae. Ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong klase na babae na abot hanggang langit ang pagka confident.
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Look Zari,maganda ka. Sigurado naman marami pa rin ang magkakagusto at magmamahal sa'yo. Kaya tigilan mo na sana si Haru. Kahit anuman ang mangyari hindi ko siya isusuko sa'yo!"
"Talaga lang huh Margaret. Hahayaan mo bang mawala ang balanse ng dalawang mundo dahil sa'yo. Batid kong hindi ka iiwan ni Haru kahit ano pa ang maging kapalit. Pero ikaw Margaret,makakaya mo bang maging buhay na libingan ang mundong kinagisnan mo? "
Kinilabutan si Margaret sa kislap ng mga mata nito. May sumibol din na kaba na hindi maipaliwanag dahil sa mga sinabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ikaw ang magparaya Margaret,iwan mo si Haru," biglang nagbago ang tono nito ng pananalita,na para bang simple lang ang hinihingi nito sa kanya.
"Sinabi ko na___."
"Kung hindi mo gagawin,mga mahal mo sa buhay ang magdurusa dahil sa katigasan ng ulo mo."
"Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto mong sabihin. Pero hangga't nasa akin ang pagmamahal ni Haru,hindi ko siya isusuko sa'yo. At hindi ako natatakot sa mga sinasabi mo. Nasa panig namin ang babaylan."
Matagal niya muna itong tinitigan bago tinalikuran. Nasa may pintuan na siya nang bigla itong magsalita,ang mga sinasabi nito ay nagpayanig ng tuluyan sa buong pagkatao niya.
"Balak sakupin ng mga itim na lobo ang mundo niyo. Anuman sandali ay maaari na silang sumalakay. Hudyat ko lang ang hinihintay nila. Alam iyon ng kamahalan, maging ng babaylan."
Dahan-dahan ang ginawa niyang pagharap muli dito. Sinusukat niya kung gaano katotoo pinagsasabi nito. Baka disperada lang itong makuha si Haru kaya kung ano-ano na lang ang sinasabi sa kanya.
"Hindi kapa rin naniniwala?" tila nang-iinis pa nitong tanong. " Tanungin mo mismo ang babaylan. Alam niya ang lahat,kaya nga kinukumbinsi niya ang kamahalan dati na ako ang piliin nito para sa kaligtasan ng dalawang mundo. Buti pa siya may malasakit sa mundo niyo. Samantalang ikaw na minsan ng nahirang na maging itinakda sa kabilang mundo ay sariling kapakanan lang ang iniisip."
Naikuyom na lang niya ang mga kamao, sobrang pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para hindi ito sugurin ng mag-asawang sampal.
" Kung totoo iyang mga pinagsasabi mo,mas lalo kang naging kaawa-awa. Kailangan mo pa talagang gumamit ng hukbo para makuha ang lalaking iniibig mo na wala naman ni katiting na pagmamahal sa'yo!"
Nalukot ang mukha nito sa sinabi niya. Nagmukha tuloy itong matanda, naisip niya hindi naman talaga ganoon kaganda lalo na pag nakasimangot.
Hindi na niya hinintay na magsalita ito,baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig nito. Agad na siyang lumabas ng silid nito, narinig pa niya ang parang pagkalabog ng pintong sinara at pagkabasag ng bagay sa loob. Hindi mahirap hulaan kung anong ginawa nito.
Siya naman parang nauupos na kandila na napasandal sa nakasarang pinto. Hinayaan niyang dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung para saan ang mga luha na iyon. Tiningnan niya ang palasingsingan na nasa daliri niya.
Lihim naman nagmamasid ang babaylan sa di kalayuan. Naaawa ito sa sitwasyon ng dalaga. Pero nasa kanya ang huling kapasyahan. Nasa balikat na niya ngayon ang magiging kapalaran ng dalawang mundo. May tiwala siya sa magiging kapasyahan nito.
"Totoo po ba lahat ng sinabi ni Zari?" hilam sa luhang humarap siya sa babaylan.
Agad niya itong hinanap pagkagaling sa silid ni Zari.
"Oo. Kaya nga nais ko na paglayuin muna kayong dalawa upang makapag-isip ng maayos ang kamahalan. Alam naman natin pag nandyan ka lang sa tabi niya,puro kapakanan mo lang ang iisipin niya." Nakatungo lamang ito habang nagsasalita,ni ayaw salubungin ang mga tingin ng dalaga.
"Ano ang gagawin ko?" hindi niya matiyak kung tinatanong ba niya ang sarili o ang kaharap. Gulong-gulo ang isip niya sa mga natuklasan.
Hindi umimik ang babaylan. Siguro nga para sa sarili niya ang tanong na iyon. Buong buhay niya ngayon lamang siya naging totoong masaya. Bakit ba ang daming balakid sa pagmamahalan nila ng binata? Kung sa iisang mundo kaya sila nagmula, ganito pa rin kaya ang kinasusuungan nilang mga suliranin? Baka hindi ganito kakomplikado.
Nang gabing iyon nagpasabi nalang siya na maaga siyang magpapahinga. Ayaw niya muna na makaharap ang binata. Gusto niya munang mapag-isa,at limiin ang mga kaganapan sa buhay niya. Nasa mga kamay niya ngayon ang magiging kapalaran ng dalawang mundo.
Pag-ibig ang pinag-ugatan ng lahat. Pag-ibig din kay ang magiging solusyon?