KINABUKASAN, maagang kinatok ni Haru ang silid ni Margaret. Nagpapahinga na ito kagabi ng dumating sila ni Dondon. Nagtataka man sa sinabi ng babaylan na nagbilin ito,hindi nalang siya nag-usisa pa.
Nakailang katok na siya pero hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. Nagtataka naman na pinihit niya ang seradura, bukas ito kaya pumasok na siya. Nagtaka siya na maayos ang higaan nito, tumingin siya sa banyo. Walang indikasyon na may tao sa loob.
Agad siyang lumabas at hinanap ito sa lahat ng parte ng buong bahay ngunit wala ito. Nakasalubong niya si Dondon na may mga gamit sa pagkakarpintero.
"Nakita mo ba si Margaret?"
"Hindi eh,bakit?"
"Wala siya sa kanyang silid,"sagot niya.
"Baka nasa labas lang."
Hindi umimik ang binata,"ano bang gagawin mo?" biglang naitanong nito ng makita ang mga bitbit niya.
"Balak ko kasing ayusin ang verandah niyo,para kahit papaano makabawi man lang." turan nito.
"Hindi mo kailangan gawin yan."
"Ok lang pare,wala naman akong gagawin ngayon umaga."
Tumango nalang ang binata,pansin ni Dondon na parang wala sa sarili ito ngayon. Napapailing na lang ang lalaki na batid kung bakit ang aga-aga ganito ang binata.
Sabay silang napalingon sa babaylan na galing sa kusina.
"Maagang umalis si Margaret,may bibilhin lang daw siya sa bayan."
Nagdilim naman ang mukha ni Haru sa narinig.
"Bakit niyo siya pinayagan? Masyadong delikado na mag-isa lang siyang pumunta ng bayan. Susundan ko siya." Mabilis na tinungo ng binata ang pinto,hindi pa man niya napipihit ito ng isang matigas na bagay ang tumama sa likod ng ulo niya.
"Sinong bumato sa akin?" Madilim ang anyo na nagpalipat-lipat ang mata niya sa dalawa. Agad umiling si Dondon na parang sinasabing hindi siya ang may gawa noon. Natuon ang tingin niya sa matandang babaylan na matalim din ang pagkakatingin sa kanya.
"Ayaw mo kasing papigil. Hayaan mo muna siya,wala naman masamang mangyayari sa kanya." May diin ang bawat salita nito kaya naman kinutuban siya ng hindi maganda.
"Mabuti pang tulungan mo nalang ako sa pag-aayos ng verandah niyo, habang hinihintay mo si Margaret." sabat naman ni Dondon,para mabaling sa ibang bagay ang atensyon ng binata.
Nagpatianod nalang si Haru,pero ang isip niya nasa dalagang minamahal.
"Maari mo naman siyang kausapin pagdating,"sabi ni Dondon na hindi tumitingin sa kanya.
Nagpakawala ng buntong hininga si Haru,bago ibinaling sa kawalan ang paningin. Pakiwari ba niya napakatagal ng oras. May kaba siyang nararamdaman,ayaw lang tanggapin ng utak niya ang pumasok na ideya sa isip niya. Kung bakit kagabi pa siya iniiwasan ng dalaga.
"Minsan ganyan talaga ang mga babae. Ayaw sabihin kung ano ang ikinagagalit o kinatatampo. Basta na lang ayaw makipag-usap,minsan umiiwas pa ng hindi mo alam kung bakit." untag sa kanya ni Dondon ng hindi siya umimik.
"Kakausapin ko siya mamaya."
Sakto naman na pumasok ang dalaga at dala ang ilang plastic bag ng pinamili. Nagtama ang kanilang mga mata,agad umiwas ng tingin ito. At walang salita na dumiretso ng kusina.
"Mukhang matindi ang tampo sa'yo pare." nanunudyong saad ni Dondon. Iniwan niya ito at sumunod sa kusina.
Naabutan niyang nagsasalansan ng mga pinamili ang dalaga. Hindi man lang sumusulyap sa kanya. Parang hindi siya nakikita. Nang matapos ang ginagawa nito, akmang lalampasan siya nito ng iharang niya ang braso. Nagtama ang mga paningin nila ng tumingala ito sa kanya.
"May problema ba tayo Margaret?"
Umiwas ito ng tingin," padaanin mo ko,may gagawin pa ko sa taas." Malamig pa sa yelo nitong saad.
Hinigit niya ang baywang nito palapit sa kanya. Iniharang naman ng dalaga ang mga kamay nito sa pagitan ng kanilang mga dibdib. Bago pa ito makapag salita,sinakop ng mga labi niya ang mga labi nito.
Naramdaman niyang sandaling natigilan ang dalaga. Sa banayad niyang paghalik dito, naramdaman na niya ang pag ganti nito sa kanya. Lalong lumalim ang halik niya nang maramdaman gumaganti ito.
Isang tikhim ang nagpahiwalay sa kanila. Nakatayo si Dondon na kunwari nakatuon ang pansin sa ibang bagay. Nahihiyang nagpaalam ang dalaga,hindi tumitingin na dire-diretso itong lumabas ng kusina.
"Pasensiya na pare, nakalimutan ko ang martilyo dito eh." Itinaas nito ang hawak na martilyo,saka ngumiti, "nakaabala ata ako sa inyo." Painosenti nitong dagdag.
Tiningnan lang siya ni Haru saka tumalikod na para sundan ang dalaga.
Nagkibit balikat nalang si Dondon.
ISANG katok sa pinto ang naulinigan ni Margaret,batid niya ang binata ito. Alam niyang hindi habang buhay ay maiiwasan niya ito. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto. Hindi nga siya nagkamali ng ito ang kanyang mapagbuksan.
"Puwede ba tayo mag-usap?" napatitig nalang siya sa nagsusumamo nitong mata. Umalis siya sa pagkakatayo sa may pintuan upang makapasok ito,ang binata narin ang nagsara.
Mula sa likod bigla nalang siyang niyakap ni Haru. Hindi niya inaasahan ang gagawin nito,ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang batok. Nagbibigay ito ng kakaibang kilabot sa buong pagkatao niya.
"Hindi ko kayang ganito ka sa akin…" bulong nito.
Iniharap siya nito, habang ang mga kamay ay nasa kanyang beywang.
"Bakit mo ba ko iniiwasan?" malumanay nitong tanong.
"Hindi naman ah," kaila niya sabay iwas ng tingin. Hindi niya matagalan ang nakakapaso nitong titig.
Isang pilyong ngiti ang namutawi sa labi ng binata. Alam ng dalaga na hindi ito naniniwala sa kanya.
Kinunutan niya ito ng noo. Ang pilyong ngiti nito ay naging malutong na tawa. Parang musika sa pandinig niya ang tawa nito. Kaya napangiti na lang din siya.
"Sasabihin mo na ba sa akin kung bakit mo ako iniiwasan?" muli nitong tanong.
Kumawala siya sa mga yakap nito at naupo sa gilid ng kama niya. Nanatili laman nakatayo ang binata habang hinihintay siyang magsalita.
"Alam ko na ang lahat…" saad ni Margaret sa mahinang tinig. Nakayuko siya kaya hindi niya nakita ang reaksyon ng binata.
Naramdaman niyang tumabi ito sa kanya.
"Sino ang nagsabi sa'yo?"
"Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi sa'kin. Bakit kailangan mong ilihim?" tanong din ni Margaret.
"Ayuko ko lang na alalahanin mo pa iyon. Gumagawa naman ako ng paraan,"anito.
"Paano kung ang paraan lang ay ang sinasabi ni Z-Zari." halos ayaw lumabas sa bibig ni Margaret ang mga salitang binanggit.
Hindi agad nakaimik si Haru,nang sulyapan ito ng dalaga. Madilim ang anyo, salubong ang mga kilay.
"Huwag mong isipin 'yon. Hindi mangyayari ang gusto ng babaeng iyon!" Madiin nitong saad.
Hinawakan siya ng binata sa mga balikat at iniharap dito. Ang mata nitong masidhing nakatitig sa kanya.
"Mangako ka sa akin Margaret,hindi ka gagawa ng desisyon ng hindi pinapaalam sa akin. Mangako kang... hindi mo ko iiwan." mahihimigan sa bawat binibigkas nitong salita ang pangamba.
Ngayon lang narinig ni Margaret na nagsalita ng ganito ang binata. Nararamdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa magkabilang balikat niya.
Alam niyang sobrang mahal siya nito,ganoon din siya. Ang maisip palang na hindi na sila magkakasama nito, tila punyal na humihiwa sa puso niya.
Mahigpit niyang niyakap ang binata, natigilan sandali ito bago gumanti narin ng yakap. Hindi din makakaya ni Margaret na mawala sa kanya ang binata.
ISANG araw muli ang lumipas,nasa kanyang silid lamang niya si Margaret. Kasalukuyan niyang ka chat ang kanyang ina. Gustong-gusto na niyang sabihin dito ang nangyayari pero alam niya oras na malaman ng mga ito ang sitwasyon niya. Ora-orada ang mga itong pupunta ng San Martin. Ayaw naman niyang malagay sa panganib ang buhay ng mga ito,lalo na't may halimaw na gumagala sa bayan na ito.
Nang matapos ang pag-uusap nila ng kanyang ina. Isang chat galing sa kaibigan ang binasa niya. Galing kay Selene na kasamahan niya dati sa Men's Club na kanyang kinakantahan dati. May tatlong araw na daw itong nakakabalik ng Pilipinas. May dalawang taon din ito sa Canada,for good nadaw ang pananatili nito dito sa Pilipinas. Tinatanong nito kung maaari ba daw itong sumunod sa kanya dito sa San Martin. Sinabi niyang may gumagalang halimaw dito, ngunit isang nakatawang emoji lang ang sinagot,sabay sabing baka mabighani sa ganda niya ang halimaw.
Isang ideya ang pumasok sa isip ni Margaret. Agad lumabas ng silid at hinanap si Haru,natagpuan niya itong kausap si Dondon sa may likod bahay. Agad itong ngumiti ng makita siya.
"Akala ko hindi maayos ang pakiramdam mo?" bungad nito
"Ayos nako," iyon lang kasi ang dinahilan ng dalaga upang hindi lumabas ng silid,"meron sana akong sasabihin sa'yo."
Isang tikhim ang ginawa ni Dondon bago nagsalita, "baka importante iyan,maiwan ko muna kayo."
Akmang tatalikod na ito nang pigilan ni Margaret," hwag ka ng umalis,ok lang naman kung marinig mo. Ipagpapaalam ko lang sana kung pwede na pumunta dito ang kaibigan ko."
Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki.
"Huwag kayong mag-alala,hindi siya magiging pabigat dito. Gusto ko lang may makasama pag wala kayo."
"Hindi naman sa ayaw ko," tila nag-isip ito sandali bago magsalita hi baby muli," sige papuntahin mo dito ang kaibigan mo."
Sa sobrang saya napayakap siya sa binata.
"Salamat! Sige maiwan ko muna kayo. Mukhang may mahalaga kayong pinag-uusapan," agad nang pumasok sa loob ng bahay ang dalaga.
Nasundan na lang siya ng tingin ng binata, "sobrang saya niya."
"Hindi ba masyadong delikado na pupunta ang kaibigan niya dito. " Seryusong saad ni Dondon.
Bigla din sumeryuso si Haru.
"Mabuti narin iyong may makakasama siya dito. Kaysa naman na siya ang umalis."
"Hindi sa nangingialam ako, pero tingin ko mas makakabuti ngang lumayo muna sa lugar na ito si Margaret. Mas ligtas siya kung nasa malayo siya."
Napatitig si Haru sa lalaki.
"Mas ligtas si Margaret kung kasama niya ko." matigas nitong sagot sa lalaki.
Hindi narin sumagot si Dondon. Nauunawaan niya kahit papaano ang damdamin nito. Ayaw niyang malayo sa babaeng pinakamamahal nito. Katulad niya noon. Ipinilig ng lalaki ang ulo upang maputol ang pagdaloy ng isang mapait na alaala.
Nang hapon iyon,sinundo ng magkasintahan si Selene sa terminal ng bus.
Agad nagyakapan at nag beso-beso ang magkaibigan. Tahimik naman nagmamasid si Haru sa mga ito.
Napadako ang tingin nito kay Haru, saka bumulong.
"Oh my! Saan planeta mo siya napulot? " kinikilig nitong tanong,pinapungay pa ang mga mata sa lalaki.
"Sa Arectia…" natatawang sagot ni Margaret.
Agad na lumapit ang babae sa binata na nakapamulsa habang nakatayo lang sa tabi ng kotse.
"I'm Selene.. nice to meet you Haru right? Margaret fiancee," sabay abot sa nakalahad na kamay nito.
Agad inabot ng binata ang kamay nito,at matipid na ngumiti. Mabilis na pinasadahan nito ng tingin ang babae.
Kasing puti ng labanos ang kutis nito na bumagay sa burgundy na kulay ng mahabang buhok nito. Lihim siyang napangiwi ng makita ang kapal ng make up nito.
Natatawa naman si Margaret sa reaksyon ng binata sa kaibigan niya. Kilala niya ito pag hindi kursunada ang kaharap.
Niyakad na lang niya ang kaibigan na sumakay na ng kotse.
"Baka masira pa ang kutis mo sa init," biro niya.
"Ay oo nga… ang init parin dito kahit hapon na." sa likod ito sumakay.
Binuhat naman ni Haru ang mga bagahe nitong dala at saka nilagay sa likod ng kotse. Nasa passenger seat na siya, habang hinihintay nilang sumakay ang binata.
"Friend,gwapo sana ng fiancee mo pero bakit ang suplado? " Nakanguso nitong bulong sa kanya na ikinatawa na lang niya.
"Ganyan lang siya sa umpisa." sagot naman niya dito. May gusto pa sana itong sabihin pero itinikom muli ang bibig ng sumakay na ang binata.
" Ok kalang ba d'yan? " tanong ng binata kay Selene.
"Ayos nako dito." Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang iginawad ng babae dito. Pormal naman na tumingin kay Margaret ang binata bago pinaandar ng kotse.
Habang daan,walang tigil ang pagkukwento ni Selene sa naging buhay nito sa Canada. Masarap daw sana at malaki ang kita nito ngunit matinding kalaban niya ay ang homesick. Kaya naman nang makaipon,nag-alsa balutan na agad para umuwi ng Pilipinas.
Ang dami pa nitong kinuwento,panaka-naka nitong tinatanung si Haru at matipid naman na sinasagot ng huli. Natigil lang ang pagkukwento nito nang makarating sa bahay.
Hindi nito maitago ang pagkamangha sa bahay. Lalo na nang naglalakad sila sa batong hagdan papunta sa entrance ng bahay.
"Wow friend, sa'yo na ang bahay na'to?"
Nanlaki naman ang mga mata ni Margaret sa tanong ng kaibigan.
"Naku,hindi ah… nandito lang kami para magbakasyon."
Nakahinga ng maluwag si Margaret ng hindi na ito muling nag-usisa. Sinulyapan niya si Haru na nauuna sa kanila at bitbit ang maleta at isang maliit na bag ni Selene.
Nang makapasok sa loob,sumalubong sa amin si Zari na matalim ang pagkakatitig sa amin ni Selene. Kung umasta parang siya ang may-ari ng bahay. Nakipagsukatan ng titig dito si Margaret. Napansin naman ni Selene ang tensyon na namamagitan sa dalawa. At napataas nalang ng kilay.