Lover's Moon Chapter 4

Bago lumabas ng silid nagbilin muna si aling Isyang na magpahinga muna at tatawagin nalang para sa tanghalian.

Paglabas ng silid nabungaran niyang naghihintay si Haru sa labas ng pinto. Tumango lang ang matandang babae saka ito nagpatiuna ng maglakad. Sumunod naman ang lalaki dito.

"Mabuti iyong nakumbinsi ang ating panauhin." Saad nito habang nakasunod sa matandang babae.

Lumingon dito si aling Isyang bago sumagot.

" Siya ang itinakda. Hindi niya maaring takasan ang nakatadhana sa kaniya. Isa pa maaring pagkatapos ng kanyang tungkulin dito sa Arectia kusa na siyang magbabalik sa kanyang sariling mundo. " Mahabang sagot nito.

Hindi na ito sumagot pa.

Samantalang sa silid na inuukupa ni Margaret hindi pa rin mawala ang mga alalahanin niya. Iniisip din kung tama ang pumayag siyang maging ang itinakda. Ang kagustuhang makauwi na sa kanila kaya agad siyang pumayag.

Kinuha na lang niya ang cellphone sa bag.Tiningnan na lang niya ang pictures nilang mag anak. Iyon ang huling kuha ng larawan na magkakasama sila. Napa buntong hininga na lang siya. Naisip niya wala rin naman siyang choice. Habang nandito siya maghahanap na lang siya ng pwedeng gawin. Naisip niyang bigla si Haru. Ano kayang magiging papel niya sa buhay ko? Naitanung nalang ni Margaret sa sarili.

Naisip niyang mamasyal para malibang naman siya. Lumabas siya ng silid saka hinanap ang mag asawa, natagpuan niya ang mga ito sa kusina ng bahay.

Nagulat pa ang mga ito ng magpaalam siyang mamamasyal. May pag aalinlangan sa mga mukha ng mga ito kung papayagan ba siya. Ngunit hindi pa nakakahuma ang dalawang matanda ay nakalabas na siya ng bahay. Ang akmang pagpigil sa kaniya ni aling Isyang ay napigil sa ere.

Samantala malayo layo na rin ang nalalakad ni Margaret. Pinagsawa niya ang kanyang paningin sa mga magagandang tanawin. Lahat luntian ang natatanaw ng kanyang mga mata. Masarap din ang hanging nalalanghap, sino mag aakala na may lagim na nagaganap sa bayang ito?

Habang patuloy sa paglalakad lakad ay may narinig siyang lagaslas ng tubig. Sinundan niya ang naririnig papasok sa kagubatan,dala ng kuryosidad hindi na niya naalintana ang panganib na pwedeng dumating sa kanya.

WOW! Hindi napigilan ng dalaga ang mamangha sa kanyang nakikita. Isang water falls at napakalinaw ng tubig para itong buhay na larawan! Naisip niyang babalik siya dito sa ibang araw para maligo.

Grrrr.....

Pinanginigan ng tuhod si Margaret sa kanyang narinig na angil sa kanyang likuran.Biglang bilis din ng sasal ng dibdib niya,dahan dahan ang ginawang paglingon sa nilalang sa likod niya.

Labis ang kanyang takot. Heto na naman.. naiusal sa sarili naalala ang nangyari sa gubat.

Nakita niyang unti-unting humahakbang ang lobo palapit sa kanya,para naman siyang naistatwa sa kinatatayuan niya. Nahagip ng mga mata niya ang isang malaking bato sa tabi ng kanang paa niya. Agad niya itong dinampot saka binato sa lobong nasa harap niya. Ngunit napakabilis nitong nailagan ang batong hinagis niya. Mukhang lalong kinagalit nito ang ginawa niya nakita niyang tumalon ito papunta sa kanya. Isang impit na tili ang lumabas sa bibig niya habang nakapikit na lang.

Ngunit ang pangyayaring pagdaluhong sa kanya ng lobo ay hindi nangyari. May isa pang lobo ang dumating.

Ang puting lobo ay sinakmal ito sa leeg at hinagis sa malayo. Impit na napadaing ang lobong gustong umatake sa kaniya, bahag ang buntot na kumaripas ito ng takbo palayo.

Hindi na naman ito tinangkang habulin ng puting lobong sumagip sa kanyang sa ikalawang pagkakataon.

Sa likod ng isipan ng dalaga nakakatiyak siyang ito ang lobong nagligtas sa kaniya nuon sa kagubatan hindi siya maaring magkamali. Para siyang itinulos sa kinatatayuan habang nakatitig lang sa mabalahibong nasa harapan niya.

Ang puting lobo sa mismong mata niya ay unti- unting nagpalit ng anyo na labis niyang kinamangha ng mapag sino ito.

"Haru.. " hindi siya makaapuhap ng sasabihin dito napako ang tingin niya sa mukha nito. Hindi maaring bumaba kahit magka stiff-necked pa siya. Ang isa pa ang galit na nakikita niya sa mga mata nito. Bakit?

Lumapit ito sa kanya ng ilang dangkal nalang ang layo nito sa kanya hinaklit nito ang braso niya. Nasasaktan siya sa higpit ng hawak nito. Nagtataka kung anong nagawa niya para magalit ito ng ganoon.

" Paano kung hindi ako dumating sa tamang oras?" tanong nito na nagliliyab ang mga mata sa galit!

"Eh dumating ka naman sa tamang oras para iligtas ako,anong problema?" pamimilosopo niya sa pagalit ding tono.

Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Napapangiwi naman siya sa sakit.Nang makita ang ekspresyon sa mukha niya lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa braso niya hanggang sa bitiwan na siya nito.

"Simula ngayon hindi kana maaaring lumabas kung hindi ako kasama." Maya maya lang ay sabi nito. Lumambot narin ang tono nito maging ang galit ay nawala narin.

Pag-aalala ba ang nahihimigan ko? tanong ni Margaret sa sarili.

Maya maya pa may mga yabag na papalapit. Nakita nila na hangos na tumatakbo ang dalawang matanda palapit sa kinaroroonan nila.

"Ayos ka lang ba iha? " may pag aalala na tanong ni aling Isyang sa dalaga ng makalapit ang mga ito sa kanila.

" Ok lang po ako" Sagot naman niya.

Binalingan naman ni mang Tibo si Haru,

"Kamahalan heto po ang inyong kasuotan."

Naalala na naman ni Margaret na wala nga palang anuman saplot si Haru. Nang maalala labis namula ang pisngi nagpatiuna na siyang naglakad pauwi. Sinabayan siya ni aling Isyang. Ilan sandali lang nasa likod na nila ang dalawang lalaki hindi niya mapigilang sulyapan si Haru. Nakasuot na ito ng pang ibaba at boots katulad ng una nilang pagkikita wala itong pang itaas. Siguradong papasa itong model sa mundo nila naalala niya ang mga model sa mga billboard. Nakatingin ito sa kanya na walang mababakas na kahit anong ekspresyon sa mukha, binawi niya bigla ang tingin dto.

Nang makarating sa bahay agad siyang nag paalam na papasok ng silid. Ramdam niyang nakasunod sa kanya ang mga mata ng lalaki.

Pabagsak siyang nahiga naglalaro sa isipan na taong lobo si Haru.

Ilang sandali lang may kumatok sa pinto. Si aling Isyang ang napagbuksan niya may dala itong inumin. Ayon dito mula sa pinaghalong katas ng prutas at gatas ng baka ang inuming dala. Nang matikman niya napaksarap nito parang katulad ng dutch mill sa mundo nila, nga lang mas masarap itong iniinum niya.

Nagpasalamat siya dito. Lalo tuloy niya namimiss ang ina sa ginagawang pag aasikaso nito sa kanya.

Nang maubos ang dalang inumin akma na sanang lalabas ang matandang babae ng pigilan niya.

" May kailangan kapa ba iha?" tanong nito.

" Si Haru po pala ay isang taong lobo. Si ya po ang nagligtas sa akin mula sa mga gustong umatake sa aking mga lobo sa gubat at siya din po ang nagdala sa akin dito" . Mahabang sabi ni Margaret.

"Tama ka iha sa iyong mga tinuran at siya din ang kapatid ng hari sa kasalukuyan. Ang kamahalan sana ang dapat na nakaluklok na hari ngayon kung hindi ito inagaw ng kanyang kapatid." May pait na turan ng matanda.

Labis namang nagulat ang dalaga sa isa pang natuklasan tungkol sa lalaki.

"Batid namin na alam na ng hari ang iyong pagdating sa mundong ito. Hindi siya papayag maging ang mga lobong kaanib niya. Hindi sila sang ayon sa pagbabalik ng kapayapaan sa bayang ito, gagawin nila ang lahat para ikaw ay mapaslang."

Ano bang gulong pinasok ko?..sigaw ng utak ni margaret.

"Huwag kang matakot poprotekhan ka ng aming kamahalan. Hindi ka pababayaan ni Haru. Ngayon nandito kana sa bayan namin ay pag-asa ang dala mo sa mundong ito. Alam namin hindi mo kami bibiguin." Ngumiti pa ang matanda sa kanya sa huling sinabi nito.

Sa kabilang dako naman galit na galit ang hari ng Arectia sa mga alagad nito.

"Mga inutil! Isang babae lang hindi niyo pa magawang paslangin!! " Sigaw nito nakayuko naman ang mga alagad. May isang alagad na naglakas loob magsalita.

"Laging nasa tabi ng babae ang iyong kapatid"

Lalo naman ng apoy sa galit ang hari. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa galit..lalo na ng marinig ang sinabi ng alagad.

"Kung ganun isama nyo narin paslangin ang aking kapatid!!"

Sa isip nito dapat nun pa niya pinaslang ang kapatid hindi na sana umabot sa ganito.

Hindi ako makakapayag na mabawi mo sakin ang trono!! Akin na ito!

Para hindi mainip sa loob ng bahay ni Margaret naisipan niyang tulungan si aling Isyang at isa pa gusto niya rin makipag kwentuhan dito. Ang dami niyang gustong malaman sa mundong ito,kong ano ba ang dapat niyang gawin bilang ang itinakda,at maging kay Haru, marami siyang gustong malaman tungkol dito.

"Aling Isyang kaano- ano niyo po si Haru?"

Tanong niya habang nakaupo lang at pinapanood ang pagmamasa ng arena ng matandang babae,gagawa daw ito ng tinapay gusto sana niyang tumulong kaso sabi nito manood na lang daw siya.

"Ako ang itinalagang tagapagsilbi niya simula noong dumating siya sa palasyo laging masasakitin kasi ang kanyang ina. Hanggang kailangan ng mamuhay sa malayong lugar ang kanyang ina dahil sabi ng manggagamot hindi na rin ito magtatagal. Hindi man lang niya ito nasilayan bago mawala. May batas kasi ang kaharian kung hindi nabibilang sa dugong maharlika hindi ka pwede mamatay sa loob ng palasyo. Kung ikaw ay magkasakit ng malubha at wala ng itong lunas kailangan sa ibang lugar ka mamatay."

"Pero di po ba anak ng dating hari si Haru."Naguguluhan sabi ng dalaga hindi niya maintindihan ang batas na sinasabi nito.

"Pero ang kanyang ina ay hindi, isa lamang ito sa naging babae ng hari. Anak ng isang magsasaka ang kanyang ina at isa sa mga napili para dalhin sa palasyo upang paglingkuran ang hari noon." Dagdag na paliwanag nito sa dalaga.

"Eh bakit po si Haru ang napiling maging sunod na hari sana noon? Bakit po inagaw ito ng kanyang kapatid? " sunod-sunod niyang tanong. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis sa kapatid nitong nang agaw ng trono na dapat para dito.

Bumuntong hininga muna si Aling Isyang,nilagay ang minasang arena sa malalim na lagayan at tinabi ito. Umupo sa katapat na upuan ng dalaga.

Ayon dito ang unang reyna ay namatay ng hindi nabigyan ng magiging tagapagmana ng trono ng hari. Ang pangalawang asawa ay may isang anak na nang panahon na iyon ay anim na taong gulang at inaasahang ito ang susunod na hari. Ngunit ang ina nito ay may maitim na budhi, ang hangad lamang nito ang kapangyarihan makakamit oras na maluklok ang anak bilang hari. Ang anak naman nito ay nakuha ang ugali ng ina. Malupit makisalamuha sa mga tao at lahat ng masamang kapintasan nasa kanya na.

Nag-aalala ang konseho na kung ito ang papalit sa hari anung bukas ang naghihintay sa Arectia. Baka ang pansamantalang katahimikan nararanasan ng bayan ay tuluyan ng mawala. Sa tingin nila hindi ito karapat dapat mamuno sa buong Arectia. Magiging malupit lamang itong hari. Isinatinig nila ang kanilang pangamba at ito naman ay pinakinggan ng butihing hari. Maging siya man may agam-agam sa susunod na hari ngunit wala siyang ibang tagapagmana sa kanyang trono. Naisip ng hari noon kung may iba sana siyang naging anak.

Lingid sa kaalaman ng hari ay may isa pa siyang anak na lalaki. Nang malaman ng babae na ito ay nagdadalangtao tumakas ito sa palasyo. Ang dahilan ng kanyang paglayo ay ang takot sa pangalawang asawa ng hari. Nalaman kasi nito ang kanyang pagdadalang tao. Nakaramdam ng pangamba ang pangalawang asawa ng hari baka maging hadlang sa kanila ang sanggol na iluluwal ng babae.

Noong una balak niyang lasunin ang babae para hindi matuloy ang pagdadalang tao nito ngunit batid ng babae ang balak ng pangalawang asawa ng hari. Nagmakaawa siya dito na wag ituloy ang binabalak nito. Nagmakaawa itong hayaang mabuhay ang kanyang anak.

Napahinuhod naman ang pangalawang asawa ng hari ngunit may binigay itong kundisyon na magpapakalayo layo ang babae at kahit anong mangyari hindi aamin kung sino ang ama ng kanyang anak.

May pinagawa itong orasyon sa isang salamangkero. Oras na nabunyag ang pagkakakilanlan ng bata ang buhay ng babae ang magiging kapalit.

Simula noon hindi na nagpakita ang babae. Maging sa kanyang mga magulang sa takot na pati ang mga ito'y madamay..sa malayong lugar niya isinilang ang sanggol.

Labis ang pagkamangha ng nagpaanak sa kanya. Ang lalaking sanggol na kanyang isinilang sa isang kisap mata ay naging sanggol na lobo at ilang saglit pa muli ang lumipas bumalik sa taong sanggol.

Batid ng nagpaanak sa kanya na ang batang isinilang ay sa angkan ng hari nagmula. Pinili muna nitong manahimik sa nasaksihan.

Lumipas ang mga taon. Ang batang isinilang ng babae ay sampung taong gulang na ngayon. Hindi nalilingid sa bata na isa siyang taong lobo na maraming espesyal na kakayahan na hindi kayang gawin ng normal na mga batang kaedaran niya. Isa na dito ang pagiging maliksi, malakas din ang kanyang pang amoy at kahit milyang layo kaya niyang matanaw.

Ngunit kabilin bilinan ng ina na huwag ipamamalas ang kakayahan sa harap ng ibang tao. At walang dapat na makakaalam na isa siyang taong lobo. Hindi man maunawaan sinunod nalang ng bata ang bilin ng ina.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.