Lover's Moon Chapter 5

Sa isang piyestahang bayan dumalo ang mag-ina. Nais ng babae na ipasyal at makabawi man lang sa anak. Lagi nalang kasi silang nasa kabundukan at malayo sa mga tao.

Tuwang-tuwa naman ang kanyang anak sa palabas sa plaza sandali siyang nagpaalam dito para bumili ng makakain. Nagbilin siyang wag aalis sa inuupuan at tumango naman ang anak.

Natagalan sa pagbili ng makakain ang babae dahil sa haba ng pila nang sa pagbalik niya sa pwesto nila wala na ang anak. May kabang biglang bumundol sa dibdib nito.

Nang iwanan siya ng ina para bumili ng makakain may nahagip siyang isang taong ewan ba niya may kung anong damdamin ang pumukaw sa kanya. Naisip niyang sundan ito at nakarating siya sa isang eskinita na walang tao.Nang biglang kung saan may mga itim na lobong umatake dito. Hindi nakahuma ang lalaki sa pag atake dito kaya nasugatan ito sa balikat. Mula sa pinagkukublihan kita niya ang iniindang sugat nito. Pinaikutan narin ito ng tatlong lobo,sa nakita hindi na siya nagdalawang isip na tulungan ang lalaki. Nagpalit anyo siya bilang lobo at umalulong ng malakas bago sinagupa ang tatlong itim na lobo. Nagulat ang mga ito sa biglang pagsulpot niya at isa-isa niyang kinagat ang mga ito. walang magawa ang mga ito kundi tumakbo upang tumakas. Ang isang lobo lumingon muna sa kanya bago nawala sa paningin niya.

Labis naman nagitla ang lalaki sa nasaksihan. Hindi ito kumikilos sa kinatatayuan nito dahil nagulat din ito sa biglaang pagsulpot niya.

Hindi pa niya gaanung nakokontrol ang kakayahan niyang magpapalit palit ng anyo.

Sa harapan mismo ng lalaki nagpalit siyang bilang tao.

"Isa kang taong lobo.." manghang bulalas ng lalaki sa nasaksihan.

"Haru." Mula sa malayo narinig niya ang pagtawag ng kanyang ina agad na siyang tumalikod sa lalaki at sinalubong Ang Lee kanyang ina.

Hahabol sana ang lalaki ngunit napatigil sa kirot na dulot ng sugat.

Mula sa malayo natanaw pa niya ang mga itong naglalakad palayo.

Sino kaya ang batang iyon? naalala ang pangalang sinigaw ng babae na marahil ang ina nito.

Samantalang hindi na ikinuwento ni Haru sa ina ang nangyari ayaw niyang mag-alala pa ito. Nag dahilan nalang siyang nainip sa paghihintay dito kaya naisipan niyang hanapin ito. Naniwala naman ang kanyang ina, sa likod ng isipan niya hindi maalis ang mukha ng lalaki. Magaan ang pakiramdam niya dito. Kaya niya sinundan ito kanina dahil naramdaman niyang may panganib na nakaabang dito.

Samantalang ang lalaking tinulungan ni Haru ay kasalukuyang kausap ng hari sa isang lihim na silid.

Iniulat niya ang pangyayari dito, ito man ay labis na nagulat sa kanyang salaysay.

"Pero sinu ang batang iyon?kilala natin kung sinong mga taong lobo saming angkan."

" Nakatitiyak ako mahal na hari sa iyong angkan galing ang batang iyon" Sabi ng matapat na alagad at kaibigang matalik ng hari

Naging palaisipan sa mahal na hari ang naging ulat ng matapat na alagad. Nag utos siya ditong alamin ang pagkakakilanlan ng batang iyon sa lalong madaling panahon ngunit dapat maging lihim ang lahat. Sa kasalukuyan ito lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan dahil sa tagal na nilang magkaibigan at isa pa parang kapatid na ang turing niya dito.

Samantala sa pagsisiyasat para malaman kung sino ba ang batang lobong tumulong sa lalaki sa kanyang pagtatanong nalaman niya kung saan nakatira ang mag-ina. Ayon sa kanyang napag tanungan madalang bumaba sa bayan ang mag-ina madalas pa nga ang babae lang ang bumababa para bumili ng kanilang kakailanganin marahil.

Mahaba-habang oras din ang kanyang nilakbay gamit ang kanyang kabayo bago makarating sa isang kagubatan sa gitna ng bundok. May nakita siyang bahay na nakatayo malapit sa isang talon.

Malayo palang ang lalaki ay naamoy na ito ni Haru pamilyar sa kanya ang amoy nito. Hanggang matanaw niya itong papalapit sa kanilang bahay.

Nagulat siya dahil ito ang kanyang tinulungan sa bayan at nagtataka kung anong ginagawa ng lalaki sa kanyang teritoryo. Mula sa pinagkakublihan lumabas si Haru hindi siya napansin ng lalaking nakatayo na siya sa likod nito.

Pinapakiramdaman ng lalaki kung may tao sa bahay pero mukhang tahimik maging ang paligid. Marahil wala ang mag-ina hihintayin na lamang niya ang mga ito. Sa kanyang pagpihit nagulat siya at ang batang lobo ang nabungaran na nakatitig sa kanya. Agad naman nakabawi ang lalaki sa pagkagulat.

" Ikaw talaga ang aking pakay sa pagparito ko."

" Kung nais mong mag pasalamat hindi ako naghihintay ng kung anu pa man ginoo. Kung dahil lang doon masyadong malayo ang iyong nilakbay para magtungo pa dito."

" Isa yan sa mga dahilan ng pagparito ko tanggapin mo ang aking pasasalamat utang ko sayo ang aking buhay." Bahagya naman yumukod ang lalaki sa harapan niya bilang tanda ng pasasalamat.

" Ako nga pala si Markis at ikaw naman si Haru narinig kong yan ang tinawag sayo ng marahil ay iyong ina."

Hindi sumagot ang batang si Haru. Hindi kalaban ang pakiramdam niya sa kaharap pero alam niyang may iba itong sadya kaya sinuong ang sarili sa pagtungo dito. Marahil ang pagiging taong lobo niya ang pakay nito.

Nang hindi pa rin tumutugon ang batang si Haru ay muling nagpatuloy ang lalaki.

"May nais sana akong malaman tungkol sayo maari bang makausap ko ang iyong ina?"

Tumalim naman bigla ang tingin ni Haru sa lalaki.

"Kung ang pagkakatuklas mo sa pagiging taong lobo ko ang isa mo pang sadya ay nilagay mo lang sa kapahamakan ang iyong sarili sa pagtungo dito ginoo." May pagbabanta sa tono ng batang lobo ngunit hindi man lang nakitaan ang lalaki ng anumang bakas ng takot.

"Wala akong hangad na masama sa aking pagtungo dito nais ko lamang malaman kung saang angkan ka nagmula."

Sabay na napalingon ang dalawa sa isang singhap at pagkahulog ng kung ano sa lupa.Ang ina ni Haru tutop ang bibig at gulat ang mababanaag dito at maging takot dahil narinig niya ang huling tinuran ng panauhin.

Agad lumapit sa ina ang bata at sinamsam ang bumagsak na basket na lagayan ng inaning gulay nito.

Nagulat din ang lalaki ng mapagsinu ang babaeng ina ng bata hindi siya maaring magkamali kahit may ilang taon ng lumipas ng huli niya itong makita. Agad umiwas ng tingin ang babae. Batid niyang nakilala din siya ng babae. Humakbang siyang malapit sa mga ito.

"Hndi ako maaring magkamali ikaw si Myume." naibulalas ng lalaki. Namangha ang lalaki sa pagkakatuklas na si Myume ang ina ni Haru. May tiyak ng kasagutan na nabuo sa isipan nito kung kanino nagmula ang pagiging taong lobo ng bata.

Pinaglipat-lipat naman ni Haru ang tingin sa dalawa. Ang ina naman hindi makatingin sa lalaki.

"Kilala niyo ang bawat isa?"

"Pakiusap ginoo. Kami inyong lubayan ang tanging nais namin ay mamuhay ng tahimik." Pagkasabi ng babae agad hinawakan ang kamay ng anak at hinila itong papasok ng bahay. Wala naman nagawa si Haru kundi sumunod sa ina. Nilingon pa niya ang lalaki na naiwan na nakasunod ang tingin sa knila.

Naghahanda ng hapunan si Myume samantalang ang batang si Haru ay nakasilip sa pagitan ng mga kahoy ng dingding ng kanilang bahay. Tinitingnan niya ang lalaki na nakaupo sa harap ng apoy na ginawa nito. Buong akala niya umalis na ito kanina pero naaamoy parin niya ito kaya nalaman niyang hindi pa ito umaalis. Mukhang dito magpapalipas ng gabi ang lalaki.

"Haru tigilan mo ang ginagawa mong panunuod sa ginoo."

"Magkakilala kayo ni ginoong Markis bakit ayaw niyong makipag usap sa kanya?

Umiwas lamang ng tingin ang kanyang ina.

"Mabuti pang kumain na lamang tayo."

Tahimik naman sumunod si Haru sa ina.

Mabilis nakatapos kumain ni Haru at nagulat ang ina nitong binalot sa dahon ng saging ang natirang pagkain at saka agad lumabas ng pinto. Hindi na nakahuma ang ina sa ginawa ng anak alam niyang para sa ginoo ang pagkaing binalot nito.

Lihim naman napangiti ang babae sa kabila ng pagiging taong lobo ng anak alam niyang may busilak na puso ito katulad ng ama nito.

Nagulat naman si ginoong Markis ng nasa harapan na niya si Haru. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito.

Umupo ito malapit sa kanya at saka inabot ang dalang pagkain. Napangiti naman ang lalaki.

"Para ba sa akin Ito?"

Tumango lang ito. Nagpasalamat si ginoong Markis at kinain ang dala nito. Nakatingin naman sa kanya si Haru at mahirap basahin kung anu ang laman ng isip nito.

"Baka hinihintay kana ng iyong ina."

"Hanggang kelan kayo dito ginoo? " tanong nito na hindi pinansin ang kanyang sinabi.

"Nais ko sanang makausap ang iyong ina."

"Ngunit ang aking ina ay walang planong ikaw ay kausapin."

"Kung ganoon ikaw nalang ang nais kung kausapin sa bagay na ito. Nakatitiyak naman ako_____."

"Hindi mo maaaring kausapin ang aking anak ng hindi muna sumasangguni sakin. Bata pa si Haru kaya hindi ka niya mauunawaan."

Sabay silang napalingon sa kanyang ina.. sumunod ito ng matagalan siyang makabalik.

"Tumayo kana jan Haru masyado ng gabi oras na ng pagtulog." Utos ng babae sa anak,agad naman tumalima si Haru sa kanyang ina.Nakakailang hakbang palang ang mg-ina ng magsalita si Ginoong Markis.

"Isang kalapastanganan ang ginawa mong pagtakas sa anak ng kamahalan. Alam mong may kaparusahan naghihintay sa ginawa mong ito. Ibabalik ko siya kung saan nararapat si Haru." Matigas na turan ng lalaki.

Humarap naman si Myume dito may takot man pero determinadong ipaglaban ang karapatan.

Naguguluhan naman si Haru sa nagiging takbo ng usapan ng kanyang ina at ni Ginoong Markis.

"Hayaan mo na lamang kami ginoong Markis na mamuhay ng tahimik. Hindi ako makapapayag na muling magbabalik ang anak ko sa palasyo. Nais ko lamang protektahan ang anak ko."

"Pero may karapatan siya sa trono ng hari at nararamdaman kong mas karapat dapat siyang maging susunod na hari ng Arectia."

Labis naman ang gulat ng mag-ina sa tinuran ng lalaki. Si Haru lalong naguluhan. Tungkol ba sa kanya ang ping-uusapan ng dalawa.

"Pakiusap hayaan mong marinig ang aking pakay alam ng hari na dito ako nagtungo para alamin ang pagkakakilanlan ni Haru. Ngayon ako nakatitiyak ngunit nagtataka lamang ako dahil sa ginawa mong paglayo."

"Ina nais ko rin marinig ang sasabhin ni Ginoong Markis kung ito man ay tungkol sa pagkatao ko kung bakit ako ganito. Nais kong malaman ang buong katotohanan." Hindi na napigilang sumabat ni Haru sa usapan. Napabuntong hininga nalang ang kanyang ina tanda ng pagsuko.

Sa loob ng bahay magkakaharap ang tatlo. Si Myume muna ang nagsalaysay ng mga nangyari sa kanilang mag-ina at kung anu ang dahilan ng kanyang paglayo.

Naunawaan naman siya ni Ginoong

Markis. Nakabuti pa nga ang paglayo ng mg-ina ayon sa lalaki dahil nalayo sa panganib ang buhay ng bata sa kamay ng asawa ng hari na ngayon ang nakaluklok na reyna ng Arectia.

Sinalaysay din ni Ginoong Markis ang suliranin ng hari at maging ng buong Arectia kung sakaling si prinsipe Hermes ang susunod na hari..ang kapatid sa ama ni Haru.

Ayon dito masyado itong malupit na namana sa ina nito masyadong uhaw sa kapangyarihan ang mag ina. Lingid sa kanilang kaalaman lihim na silang pinapasubaybayan ng mahal na hari. Natuklasan ng hari ang nakaririmarim na ginagawa ng reyna . May hinala pa ang hari na nakikipagkasundo ang reyna sa pinuno ng mga lobo dangan lamang walang katibayang maihain.

Kahit ang buong konseho tutol na maging susunod na hari ang prinsipe ngunit walang magagawa dahil sa pagkakaalam ng lahat isa lang ang anak na lalaki ng hari.

Sa pagkakatuklas nito kay Haru malaking pag-asa ang naghihintay sa Arectia. Nakatitiyak itong labis na ikagagalak ng hari ang malalaman.

May agam-agam padin kay Myume sa kaligtasan nilang mag-ina. Pero sa tingin niya hindi na niya mapipigilan pa ang tadhanang nakalaan para sa anak. Nagpatianod na lang siya sa mga pangyayari.

Labis ang galak ng hari,maging ng konseho at mamamayan ng Arectia sa pagdating ni Haru sa palasyo. Mainit ang pagtanggap ng lahat kay Haru ngunit hindi ang reyna at ang anak nito. Nagliliyab sa galit ang puso nito sa pagbabalik ng mag-ina. Nangakong pagsisisihan ni Myume ang ginawang hindi pagsunod sa kanilang napagkasunduan.

Si Ginoong Markis ang naging guro ni Haru, sinanay siya nito sa lahat ng larangan ng pakikipaglaban. Hanggang ianunsyo ng hari na si Haru ang karapat dapat na susunod na hari ng Arectia.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ni Haru ang pagkagupo sa hindi malamang sakit ng ina nito na ang reyna din ang may kagagawan. Isang sakit na walang lunas. Nagpasya si Myume na magpakalayo layo nais niyang gawin ang paglisan habang ang anak ay nasa malayong lugar ng pagsasanay. batid niyang hindi ito papayag sa kanyang gagawin maging ang mahal na hari ay hindi rin sumang ayon sa kanyang balak. Ngunit mapilit ito at isa pa hindi ito galing sa maharlikang angkan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.