Lover's Moon Chapter 6

Sa pagbabalik ni Haru sa palasyo wala na ang kanyang ina, nalaman niyang umalis ito dahil sa malubhang karamdaman. Sinamahan siya ng kanyang guro na si Ginoong Markis sa lugar na pinagdalhan sa kanyang ina ngunit tanging himlayan nalang ang kanyang naabutan. Sabi ng isang babae na tanging naging kasama nito sa mga huling sandali ng buhay nito. May isang buwan ng namayapa ang kanyang ina,sa mga huling sandali ng buhay nito pangalan niya ang laging binabanggit. May iniwang sulat para sa kanya ang namayapang ina.

Sa harap ng puntod ng ina nagbagong anyo siya ganap na siyang taong lobo. Kumikinang ang puting balahibo niya sa pagtama ng sikat ng araw at ilang alulong ang kanyang ginawa tanda ng pagluluksa sa pagkawala ng pinakamamahal na ina.

Malapit na ang ika dalawampung kaarawan ni Haru at kasalukuyan itong nasa malayong lugar para sa huling pagsasanay nito kasama ang ilang pinsan na taong lobo din. Sa kanyang kaarawan gagawin ang paghirang sa kanya bilang hari at pagluklok sa trono.

Habang naglalakbay sina Haru at ng ilang kasama pabalik ng palasyo. Walang kaalam alam sa kasalukuyang nagaganap sa loob ng kaharian.

Nilusob ng mga lobong hayok sa laman ang palasyo at walang nagawa ang mga kawal upang protektahan ang buong kaharian. Masyadong marami ang mga kalaban idagdag pang kabilugan ng buwan kaya mas malakas ang kapangyarihan ng mga lobong sumasalakay. Nagkalat ang mga bangkay kung saan-saan. Hinuli ang mga kadalagahan saka ikinulong at ang mga walang silbi naging pagkain ng mga halimaw na lobo.Buong konseho pingpapaslang walang itinira sampu ng mga pamilya ng mga ito. Kalunos lunos ang naging kaganapan habang sa isang sulok ng palasyo nagbubunyi ang reyna at anak nito. Tanging ang hari lamang ang pansamantalang itinirang buhay dahil nais makita ng mag-ina kung paano nila papaslangin sa harap mismo ni Haru ang amang hari nila. Sugatan din ang hari sa pakikipaglaban. Bumalik narin sa pagiging tao ito dahil sa marahil sa mga nawalang lakas at malalim na sugat na tinamo.

Nasa gitna sila ng bulwagan malapit sa tarangkahan ng palasyo at hinihintay ang pagdating ng grupo ni Haru.

Malapit na sila Haru sa palasyo ng binilisan niya ang pagpapatakbo sa kanyang kabayo. May iba siyang nalalanghap sa hangin. Ramdam niyang may hindi magandang kaganapan.

Sa tarangkahan palang umaagos na ang dugo galing sa mga namatay. Amoy niya ang malansa at nakakasulasok na amoy. Nang tuluyan silang makapasok tumambad sa kanila ang nakakakilabot na tanawin. Ang mga kasamahan ni Haru na mga taong lobo nagpalit anyo at sabay -sabay umaalulong. Pinipigilan niyang huwag mag palit anyo maging si Markis na kanyang guro ay labis ang pagka galit sa nakita. Humanda ang lahat sa pakikipaglaban.

Nakita ni Haru ang amang hari na nakaluhod ito at may kadena sa leeg. Puno ito ng sugat sa buong katawan at may umaagos na sariwang dugo mula sa ulo nito. Lalapitan na sana niya ito nang lumabas ang mga lobong itim at mapupula ang mga mata at mas di hamak na mas malaki sa kanila.

" Kanina ka pa hinihintay ng amang hari."Mula kung saan lumitaw si Hermes at ang inang Reyna nito nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Kayo ang may pakana ng paglusob sa palasyo?" nagngangalit ang mga ngipin ni Haru sa galit.

Pinalibutan sila ng mga itim na lobo.

" Magpaalam ka na sa ating amang hari diko na kasi matiis ang paghihirap niya kaya kailangan ko na itong tapusin." Nakakalokong sabi ng kapatid.

Naglabas ito ng espada.

Labis ang panghihilakbot na nararamdaman sa iniisip gawin ng kapatid.

"Tayo ang magtuos kapatid pakawalan mo ang mahal na hari, ama natin siya." Labis labis ang pagpipigil ni Haru hwag sugurin ang kapatid.

"Sayo lang siya naging ama! Simula ng dumating ka wala ng bukambibig ang hari kundi ikaw! Maging ang mga tao ikaw lagi ang pinupuri! Inagaw mo kung anong para sa akin maging ang tronong para lang sakin! "

"Anu pang hinihintay mo anak patayin mo na ang hari sa harap nila para maipaghiganti mo ang ginawa nilang kalapastanganan satin! " Sigaw ng reyna.. hawak nito ang kadena ng lobong may tatlong ulo na sumisingasing at nagpupumiglas sa pagkakahawak sa mga ito.

Tinaas ng kapatid ang espada para pugutan ang amang hari.

"Haru hanapin mo ang itinakda!" ang huling sambit ng mahal na hari bago humiwalay ang ulo nito sa katawan at lapain ng lobong may tatlong ulo.

"Hindi!!" nagpalit ng kaayuan si Haru at umalulong ng malakas.

Nakipaglaban ang grupo ni Haru ngunit dahil napakarami ng kalaban lahat sila malubhang nasugatan maging si Markis. Nang magkalapit sila ni Haru bumulong itong kailangan nilang umatras sumenyas ang guro niya sa mga kasamahan na umatras. Batid ng reyna ang balak gawin ng mga ito kaya iniutos niyang sarhan ang tarangkahan ngunit sa bilis ng kilos nila,nakalabas sila bago tuluyang magsara ang tarangkahan. Ang kanyang sugatan guro ay nakasakay sa kanyang likod habang tuluyan ng nawalan ng malay.

Lumingon muna si Haru sa palasyo.. bago muling nagpatuloy sa pagtakbo.

Nang matapos ang mahabang pagsasalaysay ni aling Isyang may nangingilid na luha sa mga nito. Kahit si Margaret pinanginigan ng laman. Para siyang nanuod ng isang palabas sa narinig na kwento nito. Batid niyang hindi ito makakalimutan.

"Ang tatlo naming anak ay pawang mga kawal ng palasyo wala ni isa sa kanila ang nakaligtas. Bukod tangi kaming mag-asawa lamang. Nagkataon ng mga panahon na iyon nasa malayong lugar ng pagsasanay ang kamahalan kaya kami ay tinalaga pansamantala sa taniman ng ubas kung saan doon narin ginagawa ang mga alak. Malayo ito sa palasyo kaya nagkaroon kami ng pagkakataong makapagtago at ang iba ay nakatakas bago pa nasalakay ng mga itim na lobo. May iba namang hindi nakatakas sa lupit ng mga kalaban."

Nakatingin sa kawalan si aling Isyang waring inaalala ang bawat pangyayaring naganap.

Magkahalong lungkot naman at galit ang nararamdaman ng mga sandaling iyon ni Margaret.

" Anu po nangyari kina Haru at mga kasama niya ng makatakas po sila sa palasyo?"

"Nakatakas sila at nakapgtago sa mga kabundukan at kagubatan at palipat lipat sila ng pinagkukublihan dahil hindi sila tinigilan ng mga kalaban sa paghabol sa kanila. Hindi sila makalaban ng sabayan dahil halos lahat sila malalalim ang tinamong pinsala. Desidido ang kanyang kapatid na malipol silang lahat. Nagpasya silang mag hiwa-hiwalay para mailigaw ang mga kalaban. At muling magsasama-sama oras dumating ang itinakda." Tumingin ito sa kanya.

"Anu po ba ang magiging papel ko dito?"

Bumuntong hininga muna si aling Isyang bago nagsalitang muli.

"Ikaw ang itinakda na muling makapag papalabas ng banal na tagapangalaga ng Arectia. Hingin mo sa kanya ang pagbawi sa sumpa na kanyang ginawad at panumbalikin muli ang kapayapaan sa buong kalupaan ng Arectia. Ikaw lang ang makakagawa noon dahil ikaw ang nagtataglay ng katangian ng isang tinakda..isang birhen na may busilak na kalooban."

"Paano ko po magagawang mapalabas ang banal na tagapangalaga niyo?" nasa himig ng dalaga kung kaya nga ba niya hindi niya maiwasang mangamba.

"Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan may orasyon kailangan gawin at ikaw lang ang pwedeng gumawa at mag usal ng orasyon. Pero habang hindi pa dumarating kailangan ibayong ingat dahil hindi papayag ang pangkasalukuyang hari na matuloy ang pagtawag sa banal na tagapangalaga. Dahil batid niyang ito na ang kanyang magiging wakas at ng kanyang mga kampon."

Nakaramdam ng takot ang dalaga dahil alam niyang nanganganib ang buhay niya. Pero desidido parin siyang ituloy ang kanyang tungkulin. Nais din niyang matapos na ang kaguluhan sa mundong ito at nais niyang tulungan si Haru na mabawi ang trono para dito. At siya upang makabalik na sa kanilang mundo.

Nang gabing iyon hindi makatulog ang dalaga. Nag hapunan sila pero wala ang lalaki. Iniisip niya kung saan ito nagpunta nahiya naman siyang magtanung sa mag-asawa.

Naisip niyang bumaba sa kusina at balak uminom ng tubig. Nang makakuha ng tubig nakarinig siya ng mga kaluskos sa labas.

May pangamba mang nararamdaman mas nanaig ang kuryusidad na tingnan kung anu ang kanyang naririnig sa labas.

Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto at ng mabuksan pang gabing hangin ang sumalubong sa mukha niya at puro kadiliman ang nakikita niya.

Humakbang siya palabas saka pinakiramdaman ang paligid. Nang akma na siyang papasok sa loob nang nakarinig siya ng mga hakbang at mula kung saan isa-isang nagsilabasan ang mga lobo.

Nabitawan niya ang basong kanina pa hawak para siyang naparalisa hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Hindi rin makalabas ang boses niya para sumigaw!

Unti-unting lumapit sa kanya ang mga lobo at ilang hakbang na lang ang layo sa kanya ng mga ito nang mula sa kadiliman lumabas si Haru at may kasama itong may edad na lalaki.

Nakahinga ng malalim si Margaret.

"Haru kasama mo ba sila?"

Lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya.

"Mga pinsan ko sila at ito ang aking guro si ginoong Markis." Tumingin ito sa lalaking pinakilala sa kanya bahagya naman yumukod sa kanya ang guro.

"Sa wakas nakilala ka narin namin maligayang pagdating saming mundo."

Hindi agad nakaapuhap ng sasabihin ang dalaga ramdam pa rin niya ang pangangalatal ng kalamnan.

Tinanggal niya muna ang bara sa kanyang lalamunan.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala lahat. Ako po si Margaret." Iaabot sana niya ang kamay dito ngunit pinigilan niya ang sarili hindi nga pala uso ang shake hands sa mundong ito yumukod nalang din siya ng bahagya.

Sinulyapan niya ang mga lobo sa harapan niya mukhang mababait naman at maamo ang mga hitsura hindi katulad ng mga nakatagpo niya noong mga nakaraan. Naisip ni Margaret na malamang katulad din ang mga ito ni Haru na kayang mag palit bilang tao. Hindi nga siya nagkamali. Isa isang nagpalit anyo bilang tao ang mga ito agad na siyang tumalikod papasok sa loob dahil ayaw niyang panuorin ang mga ito sa pagpapalit anyo.

Nang makapasok sa loob nakita niyang pababa ng hagdan ang mag asawa.

Nagulat pa ang mga itong makitang gising pa pla siya.

"Hindi po kasi ako makatulog kaya bumaba po ako para uminom sana ng tubig eh naramdaman ko pong parang may tao sa labas kaya lumabas po ako para tingnan. Iyon nga po si Haru lang po pala at may mga kasama po siya."dire-diretsong paliwanag niya at halos hindi huminga sa pagsasalita. Napamata naman sa kanya ang mag asawa sa bilis niyang magsalita.

" Batid nga namin ang kanilang pagdating. Nagmadali sila sa pagtungo dito ng kanilang malaman na nandito kana sa mundo namin." Saad ni mang Tibo.

Maya-maya pa isa-isang pumasok ang mga ito at ipinakilala ni Haru ang mga ito na kanina lamang ay anyong lobo.

Halos mahulog ang kanyang panga ng pagmasdan muli ang mga ito sa anyong tao napakagwapo at matatangkad lahat! Sinung mg-aakala na ang mga ito'y taong lobo!

Si Maru ang pinaka seryoso sa lahat, kayumanggi ang balat nito parang si Haru..si Eschaves may pagka chinito naman na bumagay sa maputing kulay nito.. si Clad,si Sardox at Rio ay pawang nakangiti sa kanya ng ipakilala. Magaan ang pakiramdam niya sa mga ito.

Tinulungan niya si aling Isyang sa paghahanda ng maiinom sa mga bagong dating,mula sa kusina kita niya ang mga ito.. para siyang namamalikmata sa pagtitig sa mga ito...naisip niyang unfair atang nandito lahat ng mga gwapong nilalang..sarap nilang isama pabalik sa mundo namin.. napapangiti nalang sa sarili sa naiisip ni Margaret.

"Lahat sila nawalan ng mahal sa buhay,mga magulang kapatid,nobya ng dahil sa kasamaan ng kapatid ng kamahalan." Naputol ang pag iisip ni Margaret ng magsalita si aling Isyang.

"Malapit na pong matapos ang kanyang kasamaan.. hindi naman po laging nagwawagi ang kasamaan sa bandang huli kabutihan parin po ang nananalo ."

Lihim naman napangiti si Haru na nakaupo sa sala ng bahay.. narinig niya ang sinabi ni Margaret....kahit nasa kusina ito ang kakayanan nilang marinig ang pag uusap ng ibang tao Kahit gaano pa kalayo ang isa sa katangian ng isang taong lobo. Batid niyang narinig din ng mga kasama ang sinabi ng dalaga.

Habang nag uusap ang lahat,nasa isang tabi naman si Margaret at nakikinig lang sa mga ito. Napag usapan din ang gagawin nilang orasyon kung paano matatawag ang tagapangalaga ng Arectia,puro tango lamang sinasagot niya. Madalas siyang napapasulyap kay Haru. Ilang sandali pa nakaramdam na ng antok si Margaret nakita ni Haru ang pamumungay ng mga mata niya tanda ng inaantok na siya.

Lumapit sa kanya ang binata.

"Ihahatid na kita sa iyong silid, mukhang inaantok kana..kailangan mo rin ng pahinga."

Napatitig naman si Margaret dito, sa kanila naman napatutok ang mga mata ng lahat.. tumayo na siya napapaso siya sa paraan ng pagkakakatitig nito sa kanya.

"Ayos lang ako kamahalan, maiwan ko na po kayo." Hindi siya tumitingin kaninu man .

Pinigilan naman ni Haru ang braso niya

"Ihahatid kita sa iyong silid."

Nais sana niyang makipagtalo ditong kaya niyang pumunta ng kwarto niya ngunit napigil siyang ng makita sa kanila nakatutok ang mga mata ng kasama nila. Hinayaan na lang niya.

Habang palayo nakasunod naman sa kanila ang mga mata ni Ginoong Markis.

Nang nasa tapat na sila ng silid..

"Salamat kamahalan."

Agad ng pumasok sa loob si Margaret

Hindi agad umalis sa tapat ng pinto ang binata.

Iba ang kanyang pakiramdam simula ng araw ng pagdating ng dalaga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.