Lover's Moon Chapter 7

Nang muling bumaba ang binata ay wala na ang mga kasamahan nito. Ang mag asawa naman ay nakita niyang nasa kusina na't meron kung anong ginagawa. Tanging ang kanyang gurong si ginoong Markis ang naiwan sa sala ng bahay. Waring sadyang hinihintay siya. Nakatingin ito sa kanya saka tumayo at lumabas ng pinto. Sumunod naman siya dito batid niyang gusto siya nitong kausapin ng sarilinan.

Naabutan niya ang kanyang guro na nakatingin sa kalangitan.

"Mahiwaga talaga ang mundo. Ang dating hula ngayon ay nagkatotoo na't kasama pa natin ngayon." Sabi nito ng hindi lumilingon sa kanya.

Nang hindi umiimik si Haru muling nagpatuloy ang ginoo.

"Naalala ko noong una mong marinig sakin ang tungkol sa sinasabi nilang itinakda. Sinabi mong kahit gaano pa katagal hihintayin mo ang kanyang pagdating. Dahil nais mo sa kanyang ihandog ang puso at buhay mo. Akala ko noon salita lang iyon ng isang bata kaya hindi ko pinaniniwalaan. At isa pa hindi mo na rin ito ulit binanggit pa."

Humarap ito sa kanya at mataman siyang pinagmasdan.

"Isang anak na ang turing ko sayo na kahit kailan hindi ako nagkaroon. Katulad ng isang ama na ayaw makita ang anak na nasusugatan,nasasaktan at mabigo."

"Anu ang iyong nais ipahiwatig?".

"Nais ko lang ipabatid sa'yo hindi sa mundong ito nagmula ang itinakda. Pagkatapos ng tungkulin niya dito siya'y magbabalik na sa kanilang mundo."

Napatiim bagang na lang si Haru sa narinig.

Natanghali ng gising si Margaret. Nang tingnan niya ang cellphone niya alas diyes na ng umaga. Buti na lang full charge ang kanyang cellphone at nagagamit niya kahit sa pagtingin lang ng oras.

Bumaba siya saka dumiretso ng kusina. Binati niya si aling Isyang at humingi ng dispensa dahil natanghali siya ng gising. Ngumiti lamang ito saka sinabing mabuti at nakapahinga siya. Gumala ang paningin niya hinahanap niya ang iba pa.

"Wala sila rito,pumunta sila sa kabilang nayon upang tumulong sa mga mamamayan dun. Nilusob kasi ng mga itim na lobo ang kabilang nayon." Bakas sa mukha nito ang matinding pag aalala.

Bumangon naman ang pag-aalala ni Margaret para kay haru.

Sana naman ok silang lahat!

"Lagi po bang umaatake ang mga itim na lobo?"tanong ni Margaret.

"Dati tuwing kabilugan lang sila lumulusob sa mga nayon. Ginagawang pagkain ng mga lobong halimaw ang mga taong nahuhuli nila. Ang mga kababaihan naman ay kanilang dinadala para lagyan ng kanilang binhi para dumami ang kanilang lahi. Walang nakakaalam kung bakit sila sumalakay kagabi samantalang hindi naman kabilugan ng buwan."

Labis man ang sindak na nararamdaman ni Margaret. Mas pinili niyang maging matatag at wag panghinaan ng loob sa mga nalalaman.

Hapon na ng dumating sina Haru at mga kasama nito. Nakaanyong tao na sila ng pumasok sa loob ng bahay. Napansin agad niyang may kasama ang mga ito na naka talukbong ng telang puti kaya hindi niya makita ang mukha.

Nagtama ang mga mata nila ni Haru. Hindi niya mabasa kung anu ang nagbabadya sa mukha nito. Agad siyang umiwas ng tingin. Umupo siya sa isang sulok, ramdam parin niya ang pagsunod ng mga mata nito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang mailang sa presensya nito. Gusto niya rin kasi malaman kung ano ang nangyari sa pagpunta ng mga ito sa kabilang nayon.

Si ginoong Markis ang nagsalaysay sa naging pagpunta nila doon. Ayon dito wala na silang nadatnan doon ng siyasatin nila ang buong nayon. Kundi nagkalat na mga dugo na lamang. Sinunog din ng mga ito ang tirahan ng mga taong nakatira doon.

Nang paalis na sana sila nakarinig sila ng humihingi ng tulong kung saan. Nang hanapin nila ang boses na naririnig nakita nila ang isang babae na nasa ilalim ng balon. Bukod tanging siya lang ang nakaligtas ayon sa babae. Doon siya pinapagtago ng kanyang magulang. Naisipan daw nilang isama ang babae sa pag uwi dito.

Inalis ng babae ang talukbong sa mukha nito.

Ang ganda naman niya! Para siyang si Snow White sa kaputian!

Nasabi nalang ni Margaret sa sarili. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito at ikumpara ang sarili. Maputi ang babae,mahaba ang tuwid na buhok na umaabot sa bewang nito. Tiyak pag aagawan ito sa mundo namin sa paggawa ng shampoo commercial! Bilugang mga mata na itim na itim na bumagay sa malalantik na pilik mata. Matangos ang ilong at mapulang labi. Crush ng bayan siguro ang babaeng ito sa kanilang lugar.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, Zari po ang pangalan ko" nahihiyang pagpapakilala ng babae.

"Tawagin mo nalang akong aling Isyang at ito naman si Margaret"

"Nice to meet you Zari." Lumapit pa si Margaret. Kinuha ang kamay nito para makipag shake hands dito. Ang gusto lamang niya ay mapanatag ito dahil sa nangyari sa kanilang lugar. Nanlaki naman ang mga mata nito sa kanyang ginawi maging ang mga kasama nila ay nagkatinginan din.

Sinabi ni aling Isyang na sa kanyang silid muna si Zari.Agad siyang tumayo para samahan ito sa kanyang silid. Natutuwa ang dalaga dahil meron narin siyang makakakwentuhan. Bago sila tumalikod, nasulyapan pa niyang nakatingin din sa kanya si Haru.

"Kakaiba ang pag uugali ng itinakda. Ngayon lang ako nakatagpo ng katulad niya."hindi napigilang sabihin ni ginoong Markis.

Napapangiti naman si aling Isyang.

"Marami siyang ginagawang kakaiba pero marahil ay ganoon sa kanilang mundo." sagot naman ni aling Isyang.

Sa silid nagkwentuhan sila ni Zari,may lungkot sa mga mata nito dahil marahil sa nangyari dito at sa pamilya nito. Nangako siyang gagawin lahat ng makakaya niya para bumalik ang kapayapaan sa mundong ito.

Ilang araw narin ang lumipas simula ng dumating si Zari. Napansin niyang lagi itong nakadikit kay Haru. Pag nasa silid naman na sila walang ibang bukambibig ang babae kundi ang binata. Gusto na nga niyang sungalngalin ang bibig nito para matigil lang ito, naririndi narin kasi siya.

Madalas ang lagi niyang nakakausap ay si Maru, maliban sa dalawang mag asawang matanda. Akala niya dati suplado ito hindi naman pala. Ang iba pa madalas wala, malimit daw ang mga itong nakabantay sa paligid. Kailangan daw maging alerto sa pagdating ng mga kaaway.

Isang gabi habang naghahanda para sa hapunan. Humahangos na dumating si Eschaves. Agad itong nagbabala na parating na ang mga kalaban. Lahat nag sipaghanda,si mang Tibo agad lumisan para balaan ang mga ka nayon sa parating na panganib. Si ginoong Markis inutusan si Haru na itakas ang itinakda. Pinasama narin sa pagtakas si aling Isyang at Zari.

"Hindi ko kayo maaring iwan dito guro."may pag aalangan sa tono ni Haru.

"Ang tungkulin mo ay pangalagaan ang itinakda!" Matigas na turan sa kanya ni ginoong Markis. Nagtagisan pa sila ng tingin,sa bandang huli nagbaba ng tingin ang binata. Nagdadalawang isip man sinunod na lang niya ang utos ng kanyang guro.

Habang si Margaret bumalik sa silid. Hindi niya maaring iwan ang kanyang gamit.

Nakasalubong niya sa may hagdan si aling Isyang at Zari sinabi ng una sa likod sila dumaan. Nang nasa pinto na nagkagulatan pa sila ng biglang sumulpot si Haru sa harapan nila.

Iginiya sila nito sa likod ng bahay kung saan magubat na ang dadaanan. Hindi pa sila nakakalayo ng makarinig sila ng mga impit na tilian sa malayo. Napahinto sila hindi maiwasan ni Margaret ang lumingon nakita din niya ang kagustuhan ni Haru na bumalik at tulungan ang mga kasama.

"Balikan mo sila kamahalan kailangan ka nila,wag mo kaming alalahanin."sambit ni Margaret, napatitig naman sa kanya ito.May pag-aalangan sa mga mata nito kung iiwan ba sila.

"Tama si Margaret kamahalan,"segunda naman ni aling Isyang.

Pinaglipat lipat ni Haru ang mga mata sa kanila bago marahas na bumuntong hininga.

Alam ni Margaret nagtatalo ang kalooban nito.

"Tugpain niyo lamang ang daang ito. Sa dulo nito'y ilog kailangan niyo lang makatawid sa ilog na yun para hindi kayo masundan. Susunod ako, pangako." Sabi nito na ang mga mata ay hindi inaalis sa mukha ni Margaret.

Tumalikod na ito at nag anyong lobo bago bumalik sa mga kasama.

Ilang sandali pang nakatayo sila habang tinatanaw padin ni Margaret ang palayong binata. Hanggang nawala na ito sa kanyang paningin.

"Kailangan na nating makaalis dito" untag ni aling Isyang sa kanila.

Tumingin si Margaret kay aling Isyang may nabuong desisyon sa isip niya. Gusto niyang lumaban din, marahil isa yun sa purpose kung bakit siya napunta sa mundong ito.

"Umalis na kayo dito. Susunod ako kay Haru, tutulungan ko silang lumaban! "

Gimbal naman ang dalawa sa sinabi niya. Hinawakan ni aling Isyang ang kamay niya para pigilan siya sa gusto niyang mangyari.

"Hindi ka maaaring bumalik doon masyadong mapanganib mawawalan ng saysay ang pagkakaparito mo kung ikaw ay mapapahamak."

"Tama si aling Isyang Margaret makinig ka sana". Segunda naman ni Zari.

Ngumiti siya sa mga ito.

"Kung ako talaga ang itinakda walang masamang mangyayari sakin. Magtiwala kayo.

Walang nagawa ang dalawang babae nang biglang tumakbo na pabalik ang dalaga.

"Margaret bumalik k____,mahabaging langit iligtas nyo ang dalagang itinakda."naiusal nalang ng matandang babae sa papalayong dalaga.

Habang palapit sa bahay umiinit ang pakiramdam ni Margaret. Parang nag aapoy ang kanyang buong katawan. May mainit na lumalabas sa kanyang mga mata mula kung saan may dumagundong na boses.

"KUNG IKAW NGA ANG ITINAKDA PATUNAYAN MONG KARAPAT DAPAT KA!! "

"Sinu ka?" Ngunit walang sagot sa tanong ni Margaret. Nagpalinga linga pa siya sa paligid. Naisip niyang baka guni-guni lang niya marahil dahil sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman.

Mula kung saan nakarinig siya ng impit na sigaw mula sa isang bata. Sumisigaw ito ng tulong, agad niyang ang batang humihingi ng tulong.

Hindi kalayuan nakita niya ang isang batang lalaki na may hawak na patpat. Sa likod nito dalawang batang babae na mas bata dito at umiiyak ang mga ito. Habang palapit sa mga ito ang dalawang itim na lobo.

Dumampot siya ng bato saka hinagis sa isang lobo. Nabaling naman sa kanya ang atensyon ng mga ito. Sumisingasing ang mga ito sa pagkakatingin sa kanya. Bumaling ang mga ito sa kanya saka unti-unti siyang nilalapitan. Hindi siya umaalis sa kanyang kinatatayuan.

"Tumakas na kayo mga bata!" Sigaw niya na agad tumalima ang tatlong bata saka nagtago.

Sumisidhi rin ang init na kanyang nararamdaman. Parang siyang tinutupok ng apoy. Ilang hakbang nalang sa kanya ang mga itim na lobo nang biglang matigilan ang mga ito. Nakita ng mga itong nababalutan siya ng pulang liwanag na sumisilaw sa kanila.Unti-unting kumakalat ang liwanag na nagmumula sa kanyang katawan.

Lahat ng mga lobong itim na natamaan ng pulang liwanag sila ay natunaw at naging abo!

Habang nakikipaglaban ang grupo nila Haru. Nagulat sila sa pulang liwanag na kumalat at nagapi ang mga kalaban nila sa isang iglap lang.

Nakita nila ang nakasisilaw na pulang liwanag ay nanggagaling sa itinakda.Ng mawala ang pulang liwanag,para naman nagising sa matagal na pagkakatulog si Margaret. Nagpalinga linga pa siya nagulat pa siya ng malingunan si Haru at iba pa. Mangha ang mga ito sa nasaksihan nagtataka naman si Margaret bakit ganoon nalang ang titig sa kanya ng mga ito nang biglang may naalala.

"Nasaan na ang mga itim na lobo?" tanong niya

Si Haru ang sumagot.

"Wala na sila natalo mo silang lahat".

Labis naman naguluhan si Margaret sa sinabi nito.

"Margaret.." napalingon siya sa tumawag sa kanya palapit si aling Isyang at Zari sa kanila.

"Aling Isyang bakit kayo sumunod dito diba sabi ko tumakas na kayo. Matigas din ang ulo niyo eh". Waring nanenermon na sabi niya sa mga ito ng makalapit sa kanila.

"Parang ikaw lang binibini" sabat naman ni haru.

Napapakmot naman sa sarili si Margaret sa tinuran ng lalaki napapangiti naman ang nasa paligid nila.

Napatitig naman ang lahat sa buwan parang papalapit ito sa kanila.

Pakiramdam ni Margaret ay may pwersang humihigop sa kanya. Nang sundan niya ang tinitingnan nila Haru,ang buwan parang lumalaki ito sa paningin niya. Parang mula dito nagmumula ang pwersa. Bigla na siyang umangat sa lupa saka siya parang hinihigop ng buwan!!

"Margaret!" Hinawakan ni Haru ang kamay ng dalaga.

"Haru.."

"Huwag kang bibitaw!"

Ngunit isang pulang liwanag muli ang bumalot sa dalaga. At itoy tuluyan ng nilamon.

Walang nagawa si Haru kundi isigaw ang pangalan ng dalaga. Ang lahat ng nakasaksi ay walang nagawa.

"Ma'am gising na po,nandito na po tayo sa tapat ng bahay niyo."

Mukha ng grab driver ang namulatan ni Margaret..

"Haru.."

"Pasensya na po ma'am hindi Haru ang pangalan ko. Nananaginip po ata kayo." napapakamot pa sa ulong sagot ng driver.

"Panaginip lang ba Yun? parang totoo."wala sa loob na naiusal ng dalaga.

Parang wala padin sa sariling bumaba ng sasakyan si Margaret. Tinanaw ang palayong sasakyan alam niyang hindi panaginip ang nangyari sa kanya.

Mabigat ang dibdib na pumasok siya ng gate nila.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.