Mabigat ang mga hakbang ni Margaret ng pumasok sa gate ng kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang ina na naghahanda sa kusina ng almusal. Agad ang pagkamiss na nararamdaman niya para dito. Niyakap niya ito ng makalapit siya. Nagtataka naman ang kanyang ina sa inasal niya. Gumanti din ito ng yakap sa anak. Naisip nitong marahil ay naglalambing lang siya.
"Mukhang inabot kana ng liwanag sa pag uwi iha."
"May aksidente po kaming nadaanan. Nakatulog na nga po ako sa sasakyan eh."
"Ganun ba,magbihis ka na at sandali na lang ito. Pwede ka na mag breakfast bago ka ulit matulog."
"Busog pa po ako mommy. Itutuloy ko na lang po ang naudlot kong tulog kanina." hindi naman talaga siya inaantok. Gusto lang niya muna mag muni-muni at sumahin sa isip kung anu ba talaga ang naganap sa kanya. Nararamdaman niyang hindi lang basta panaginip ang nangyari sa kanya.
"O sige,pero kung magutom ka ipagtatabi kita ng pagkain huh."
Tumango siya saka akmang tatalikod na sana ng tawagin siya ng ina.
May pagtataka itong tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Saan ka ba nagsuot na bata ka at ang putik ng high heels mo. Ang daming nakadikit na mga dahon diyan sa laylayan ng damit mo? Saka yang buhok mo parang isang linggong hindi na shampoo. At para kang sinabunutan ng sampung bakla?" mahabng lintanya ng kanyang ina. Namilog naman ang mga mata ni Margaret sa narinig. Agad tumingin sa sarili tama ang kanyang mommy. Ang putik ng high heels niya at madumi ang kanyang damit. Marahil nakuha niya ito noong tumatakbo sila sa gubat. Hinanap niya ang salamin na nakasabit sa may kusina nila saka nanalamin. Nakita niya ang buhok halos nakatayo na at ng hawakan niya ito parang alambre sa tigas. Dahil siguro ng nasa Arectia siya walang shampoo doon kaya ilang araw din naliligo siyang walang shampoo.
"Kung ganoon hindi talaga panaginip ang lahat. Tapos na kaya ang misyon ko? Pero hindi pa naman nababawi ni Haru ang tronong para sana sa kanya!
Muli siyang tumingin sa ina.May pagtataka pa rin sa mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya.
"Baka po nakuha ko ito nung bumaba ako ng sasakyan. Nainip kasi ako sa loob ng kotse. Kaya naisipan ko lumabas at maglakad-lakad habang hinihintay na maayos iyong aksidente." Paliwanag niya sa ina.
Pero parang hindi kumbinsido ang ina sa paliwanag ng dalaga. Nagdududa na nakatingin ito sa kanya.
"Naglakad lakad sa gitna ng highway.Saan ba banda ang nangyaring aksidente?"
"Hindi ko po masyadong matandaan mom madilim pa po kasi kanina." Umakto siyang naghihikab para hindi na mangulit ang mommy niya.
Tumango tango na lamang ito at sinabihan siyang magpahinga na. Agad na siyang tumalikod saka pumasok sa kanyang kwarto. Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin.
Sigurado siyang hindi lang yun basta panaginip. Naisip niya si Haru at ang iba pa. Alam niyang hindi pa tapos ang kanyang misyon. Pero bakit ako nandito nang muli sa mundo namin?
Isang linggo na ang lumipas simula ng makabalik si Margaret sa kanilang mundo. Ngunit ang katawan niya lang nakabalik pero ang puso't isipan niya ay naiwan sa Arectia.
Lagi siyang matamlay madalas nakatulala kahit sa trabaho. Tuwing tinatanung siya ng kaibigan kung may problema ba siya. Lagi niyang sagot wala o di kaya pagod lang. Hindi naman kasi ito maniniwala kung sasabihin niya. Hinayaan na lang muna siya kung anuman ang kanyang pingdadaanan. Madalas din siyang magpa umaga na sa pag uwi. Umaasang muling makikita ang matandang pinagbilhan niya ng balot baka masagot nito ang misteryong nangyari sa kanya. Ngunit tuwina ay lagi siyang bigo,hindi na niya nakita pa ang matandang babae.
Kahit sa bahay madalas lang siyang tahimik.Nag aalala naman ang kanyang magulang at maging mga kapatid. Nasanay kasi ang mga ito sa pagiging masayahin niya lagi.
Nang tanungin siya ng kanyang mommy. Sinabi na lang niyang pagod lang siguro siya.
Isang gabi hindi siya pumasok sa trabaho medyo masakit kasi ang lalamunan niya. Naisip niyang maglakad-lakad sa may bakuran nila habang nakatingin siya sa buwan.
Laman ng isip niya ang Arectia.
"Baka higupin ka ng buwan sa paraan ng pagkakatitig mo."Anang boses sa likod niya.
Nilingon niya ang daddy niya. Bahagya siyang napangiti sa sinabi nito. Maniniwala kaya ito kung sasabihin niyang minsan na siyang nahigup ng buwan at saka nakarating ng ibang mundo?
Tumabi sa kanya ang ama at pinagmasdan din ang buwan sa langit.
"Napakaganda ng buwan ngayon para itong nangungusap. Yan ba ang dahilan kung bakit tinititigan mo ito kanina pa?"
Tumango si Margaret.
"Saka dad baka nga higupin ako nito at dalhin sa ibang mundo." Makahulugan niyang turan sa ama.
Natawa naman ang kanyang ama sa kanyang sinabi.
"Beware iha sa mga lumalabas sa bibig mo.. baka magkatotoo."
Ilang sandali pang nagkwentuhan silang mag ama bago ito nagpaalam na papasok na sa loob ng bahay. Nagpaiwan siya at sinabing papasok na rin maya-maya.
Muli niyang sinulyapan ang buwan bago tumalikod. Akmang papasok na sana sa loob ng bahay ng may marinig siyang pamilyar na boses.
BALOT! BALOT KAYO JAN!
Napalingon siya sa gate nila. Hinintay na tumapat ang kung sino mang vendor ng balot. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya.
Ilang sandali pa tumapat sa gate nila ang vendor ng balot. Nanlaki ang kanyang mga mata na napatitig sa matandang babaeng nagtitinda ng balot.
"Iha, baka gusto mo ulit bumili ng balot." Nakangiting alok sa kanya ng matandang babae.
Hindi agad siya nakakilos sa kanyang kinatatayuan. Ang matandang babae na ilang araw na niyang hinihintay sa labas ng mens club na pinagtatrabahuhan. Ngayon ay nandito sa labas ng gate nila.
Nang mahulasan, humakbang siya palapit dito saka binuksan ang gate.
"Kayo po yung napagbilhan ko ng balot sa tapat po ng men's club na pinagtatrabahuhan ko. Tanda nyo pa po ba?" hinihingal na sabi niya dito.
"Ou naman iha, hindi ko makakalimutan. Kumusta ang naging paglalakbay mo sa Arectia?"may misteryosong ngiting namutawi sa labi ng matanda.
Napatda naman si Margaret sa narinig. Kung ganun nga may alam ito kung bakit ako nakarating sa ibang mundo.
"Kayo po ang may kagagawan ng pagkakapunta ko sa Arectia?" Namamanghang tanong ni Margaret.
Ngumiti muna ang matanda.
"Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo. Naging karapat dapat ka at nalampasan mo ang pagsubok sa'yo".
"Kung gayon po tapos na ang aking misyon doon kaya po ba binalik niyo na ko dito?"
"Hindi pa tapos ang iyong tungkulin. Buhay pa ang pangkasalukuyang hari at mga kampon niya. Patuloy parin sila sa paghahasik ng kasamaan sa buong lupain ng Arectia. Ang pagbabalik mo dito sa mundo niyo ay isa rin sa mga pagsubok sayo."
"Kung ganun po makakabalik pa ko sa Arectia. Pero kailan po?".
Mataman siyang tinitigan ng matandang babae.
"Ang pagbabalik mo sa mundong iyon ay nakasalalay sa kagustuhan mong bumalik doon. At ipagpatuloy ang iyong tungkulin bilang itinakda."
Natigilan si Margaret,gusto niya ang bumalik doon dahil kay Haru. Iyon ang nagtutulak sa kanya para bumalik ng Arectia.
"Eh lola anu po ba kayo?"hindi napigilang itanong ni Margaret. Nakatitiyak siyang hindi lang basta vendor ang matandang babaeng kaharap niya.
"Ako ang isa sa babaylan ng Arectia na napatapon dito. Sakin iniatas ang paghahanap sa itinakda. Inabot din ako ng daang taon bago ko natagpuan ang karapat dapat upang maging itinakda." paliwanag ng matanda.
Nasagot ang kanyang mga katanungan nakatitiyak na siyang totoo si Haru. Hindi lang panaginip ang lahat,may sayang bumalot sa puso niya ng mga sandaling iyon.
Ngunit kung babalik siya sa Arectia iiwan na naman niya ang kanyang pamilya. Baka sa sunod na pag alis niya ay matagalan na siya o di kaya hindi na siya makabalik pa. May lungkot at agam agam siyang naramdaman.
Ano ang gagawin ko?
Batid ng babaylan ang kanyang iniisip. Isa sa mga pagsubok na kailangan niyang lampasan.
"Sa makalawa na ang kabilugan ng buwan kailangan ka ng Arectia. Hinihintay kana rin ni Haru at ng iba pa. Alam kong mabigat na tungkulin itong papasanin mo. Pero ito ang nakatadhana sayo walang sinuman ang makakapigil nito. At kung magtatagumpay ka, may gantimpala kang matatanggap na makakatulong sa pamilya mo balang araw.
Napatitig si Margaret sa kaharap.
"Ate bakit ka nandyan?" tanong ni Michael na papalapit.
Lumingon siya dito sandali. Nang ibaling niya ulit ang tingin sa kausap wala na ang matandang babae. Nawala na naman!
Luminga linga pa siya sa paligid.
"May kausap kaba dito kanina?" tanong ni Michael ng makalapit ito sa kanya.
"Huh.. ahm kanina kasi may dumaan na kakilala ko napahunta lang sandali." Sagot ni Margaret sa kapatid.
Nang hindi na umimik ang kapatid niyakad na niya itong pumasok sa loob.
Iniisip ang huling sinabi ng babaylan.
Kinabukasan habang nag aagahan silang mag anak. Binalita ng kanyang ama na pinautang siya ng pera ng kanyang kumpare at dating kasamahan sa trabaho. Gagamitin niya ang hiniram para makapagpatayo ng tindahan sa harap ng bahay nila. Ang kapatid naman niyang si Michael pinasok ng trabaho sa munisipyo ng kanyang ninong. Habang naghihintay na makapag board exam ulit. Ang kapatid naman niyang si Christine babalikan ang huling taon sa college sayang naman daw kasi. Para daw makahanap siya ng maayos na trabaho para sa anak niya. Mag-oonline business din daw siya para kahit papaano may kita siya habang ng aaral.
Natuwa siya sa mga binalita ng mga ito. Ewan ba niya baka isa din ito sa mga sign sa kanya. Isa kasi sa mga dahilan kung bakit alangan siyang bumalik sa Arectia dahil sa kanya umaasa ang buong pamilya niya.
Hindi siya muling pumasok sa trabaho. Habang nakahiga sa kanyang kama may nabuo nang desisyon sa isip. Babalik siya ng Arectia para ituloy ang misyon niya. Para magkaroon na ng katahimikan sa mundong iyon. At upang makitang muli si Haru,bumibilis talaga tibok ng puso niya pag naiisip ang binata sa kabilang daigdig.
Dumating ang gabi ng kabilugan ng buwan.
Sa huling hapunan na kasama niya ang kanyang buong pamilya. Niyakap niya ang mga ito na nagtataka naman sa ikinilos niya. Tumulong din siya sa paghahanda ng hapunan. Nagtataka man ang mga kasama sa bahay hindi nalang sila nag usisa sa kanya. Batid niya na matatagalan muli bago siya ulit makabalik sa kanyang pamilya.
May iniwan siyang sulat sa kanyang higaan at isang kahon kung saan nakalagay ang mga ipon niya. Ayaw niyang maging makasarili pero malakas ang kagustuhan niyang muling makabalik ng Arectia. Ngayon lang siya nag desisyon ng para sa sarili,alam niyang mauunawaan siya ng kanyang pamilya.
Malapit na ang hating gabi. Nang masigurong natutulog na ang mga kasama sa bahay dahan-dahang lumabas ng bahay ang dalaga na dala ang kanyang backpack. Nakakaramdam din siya ng pananabik ng pagbabalik sa daigdig ng mga taong lobo.
Napakaliwanag sa labas gawa ng liwanag na nang gagaling sa buwan. Napatitig si Margaret sa buwan, nahihipnotismo na naman siya sa pagtitig dito. Tulad noong gabing napunta siya sa kabilang mundo. Waring hinihila siya nito,ilang sandali pa isang pulang liwanag muli ang sumakop sa kanya. Napapikit na lamang siya.Alam niyang makakabalik na siyang muli sa daigdig ng mga taong lobo.
Magkikita na tayong muli Haru.