Humalukipkip siya. Hindi siya sanay na nagkukwento tungkol sa buhay niya. Pero alam na niya halos ang lahat tungkol kay Aiden. Walang masama kung bubuksan din niya ang buhay niya dito.
“Ulilang lubos na ako. Patay na si Nanay at iniwan kami ng tatay ko noong bata pa ako. Di na siya bumalik. Sumama siya sa mas batang babae. So, my mother had to strive hard to feed us. She worked in a beach bar in Cebu. Hindi iyon madali. Nasanay siya na nakadepende kay papa. She left her career to marry him. Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ako tutulad kay mama. Hindi ko hahayaang paikutin ng lalaki ang mundo ko. Kaya kong mag-isa.”
“Whoa! Strong words. Paano kung ma-in love ka?”
Nagkibit-balikat. “I definitely won’t let my heart rule over my head. Basta gusto ko ng sariling beach resort. Gusto ko rin mag-masters. Pero siyempre mag-iipon muna ako. Pangarap muna bago ang love life.”
“But love is like a thief in the night. Hindi mo basta matatakasan. HIndi madaling labanan. At madalas panira sa mga plano natin. Keep that in mind,” makahulugang sabi ng binata.
“CONGRATULATIONS! Six months with my brother and it looks like you charmed him. How’s the new car?”
“Kakukuha ko lang Sir. It is a red Toyota Wigo.” Si Aiden mismo ang pumili para sa kanya dahil di siya makapag-decide. “Thank you.”
Hindi komportable si Lexie habang kausap si Amadeus. Nasa meeting si Aiden nang ipatawag siya nito sa opisina nito. Puno ng pagsususpetsan ang mga maiitim nitong mata habang nakatitig sa kanya. Na parang binabasa nito ang laman ng isipan niya.
“Are you sure your relationship is strictly boss and assistant? I heard he brought you to the resthouse in Tagaytay. Kahit ang mga babaeng nai-date niya dati hindi niya isinasama doon.”
Hinamig ng dalaga ang sarili. Hindi siya dapat magpa-intimidate sa gaya nito. “Perhaps you should ask him yourself. Wala po ako sa lugar para magkomento tungkol diyan. As far as I am concerned, we have a good working relationship as you can see on our record. We are productive together.”
Ilang beses nang sinabi ni Aiden na mabuti silang magkaibigan. But she couldn’t make a claim on that. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila o isipin ng iba na malakas siya dito.
Pinagsalikop ni Amadeus ang mga palad. “I presume, he already told you about his grand plan to build his own flower farm, which is silly.”
“He wants to honor his mother. I don’t see anything silly about it,” she said in a calm voice.
Naninggkit ang mata ng binata at ibinuba ang mga bisig. “Iiwan niya ang Brava International para sa isang flower farm. What kind of mind set is that? He is a dela Merced. This is his place. Hindi ko siya pinag-aral sa Stanford University para lang magtanim ng bulaklak.”
“Normal lang naman sa isang business na mag-diversify, Sir.”
“NO. He is being too sentimental. Masyado siyang napapadala sa emosyon niya. That woman is taking something away from me again. She filled his head with nonsense. I thought after studying abroad, his mind will be on track. I am wrong.”
Isang kakompitensiya na naman ang tingin ni Amadeus kay Rosal dela Merced. Kahit nasa kabilang buhay na ang nanay ni Aiden, banta pa rin ito sa lalaki. Or he was just too controlling for his own good.
“I don’t know why you are discussing this with me, Sir.”
Ngumisi ang binata. Isang ngisi na katatakutan ng mga kakalaban dito. “I have a proposal. I want you to help me out. Gawin mo ang lahat para hindi umalis ng hotel si Aiden. Para makalimutan niya ang tungkol sa flower farm. In return, I can help you achieve your goals. Masterals abroad? Your own resort? Name it.”
“Iyon lang ang gagawin ko? Gagawan ko lang ng paraan para hindi matuloy ang flower farm?” He was really that desperate. Hindi alam ni Lexie kung paano niya mababago ang isip ni Amadeus sa plano nito na pigilan si Aiden sa pangarap nito.
Tumayo at binata at nagpalakad-lakad. “Yes. I think three years is enough so he can forget about quitting. I can see that he trusts you. Malakas ang impluwensiya mo sa kanya. Use your charm, woman.”
“Sir, hindi na ninyo ako kailangan kung gusto ninyo na huwag umalis ng hotel si Sir Aiden.” Dahil kahit kailan ay wala naman siyang ipapanalo sa pangako ni Aiden sa namayapang ina. Gusto rin niya na tuparin ng binata ang pangarap nito.
Natigilan ito at maang siyang pinagmasdan. “So you are saying no to this? I know you are ambitious. Don’t tell me you are going soft with my brother.Where is that tough woman I’ve met during the interview? Perhaps you are falling in love.”
Naggiyagis ang ngipin ng dalaga. “I am not in love with him. This is not about him or me. It is about you, Sir.”
“Excuse me?!” bulalas ang lalaki at namaywang.
“If you will be nicer and more supportive to your brother, he won’t think of leaving the company. Maging supportive po kayo sa projects niya. Don’t be too antagonistic. Huwag ninyong iparamdam sa kanya na hindi ninyo siya gusto.”
Nakatigagal lang ito sa kanya. “That’s it?”
Tumango siya. Hindi naman ang flower farm anng problema ni Aiden kundi ang pagtrato ng kapatid dito. “Yes. Don’t worry. It is free of charge. Is there anything else you want to discuss, Sir?”
Umiling ang lalaki at tumayo na si Lexie. “The offer still stands. If you can’t help me with my brother, I can always ruin his plans and you won’t like it.”
Kumabog ang didbib ng babae sa bantang iyon. He was cruel. She read a lot about Amadeus dela Merced but she never thought that he would be this cruel to his own brother. But they were safe for now. Naka-focus pa si Aiden sa mga bagong projects ng Brava International. Baka may panahon pa para magbago ng isip si Amadeus sa pagkontra nito sa pangarap ng kapatid. She must pray for that.
Nang bumalik siya sa opisina ay nakabantay na si Aiden sa desk niya. “Saan ka galing?”
“Ipinatawag lang ako ni Sir Amadeus.”
“Parang gusto kong magselos,” anito at humalukipkip.
“Tinanong niya kung gusto kong mag-masterals sa abroad.”
“Accept it. Pagkakataon mo na iyon,” masayang sabi nito.
Nawala ang ngiti sa labi niya. “Hindi pa siguro ngayon.” Para magawa niya iyon, kailangan niyang traidurin si Aiden.
“Mami-miss mo kasi ako kaya di mo ako maiwan,” sabi nito. “Let’s go out for lunch. Ipag-drive mo ako. Treat mo rin.”
“Driver mo na nga ako, ako pa ang manlilibre sa inyo,” angal niya.
Parang musika ang halakhak ni Aiden para kay Lexie. The happiness on his face was enough to chase her fears away. No. She couldn’t betray him. Kahit pa kapalit ng mga pangarap niya. It was not just a matter of principle. Mahalagang parte ng buhay niya si Aiden. At gagawin niya ang lahat para lang protektahan ang binata kahit pa sa sarili nitong kapatid.