Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 20

“ANG sakit ng katawan ko. I want a massage by the beach,” usal ni Lexie at nag-inat matapos bumaba sa eroplano nila. “May massage parlor kaya dito?”

“A hilot maybe,” anang si Aiden at nagpasalamat sa piloto nang ibaba ang bagahe nila. They landed in an airstrip at the island of Bugsuk at Balabac, Palawan. Iyon na ang pinakahuling bayan sa Palawan na ang kasunod ay Sabah, Malaysia na.

Di na bago kay Lexie ang bumiyahe. Nakarating na siya sa iba’t ibang bansa bilang assistant ng binata, sanay na siya na lumapag sa magugulong airport. Sa pagkakataong ito ay sa isang private airstrip sila bumaba. Nagtataasang puno ng niyog ang nasa paligid at sa di kalayuan ay ang dagat. Masasabi niya na iyon na ang pinakaliblib na lugar na napuntahan niya.

She had a surreal feeling a while ago while on air. Tanghali na umalis ang eroplano nila mula sa Puerto Princesa. Mula doon ay isang private plane ang nagdala sa kanila patungo ng Balabac. Mula sa ere ay nakikita niya ang naglalakihang mga alon sa dagat. May turbulence din dahil di maganda ang panahon. Hindi niya ma-appreciate ang malinis na tubig at magandang tanawin mula sa ere kanina. Parang di sila pinatutuloy sa Balabac. Pero di sila pwedeng umurong ni Aiden dahil priority project ni Amadeus na I-secure ang naturang lokasyon.

Sinalubong sila ni Kap Andoy, ang contact at magiging guide nila habang nasa Balabac. Ito ang magsisilbing broker nila at makikipag-ugnayan sa may-ari ng isla na gusto nilang bilhin. Matapos ang tanghalian na sweet and sour lapu-lapu at chilli crabs na bagong huli lang sa mismong dagat ang Balabac ay sumakay na sila ng bangka papunta ng Kalunuan kung saan naninirahan ang tribo ng Mogpog. Long sleeve na blouse at mahabang palda ang suot niya ayon sa instruction ni Kap Andoy dahil konserbatibo ang mga tao sa naturang isla.

“Seryoso si Sir Amadeus? He wants this remote island for his exclusive resort? He must be really insane,” usal ni Lexie habang ina-adjust ang shades.

Wala na siyang makita halos na bahayan sa tabi ng dagat ngayong papalayo na sila sa bayan. Parang napakalawak ng dagat pero wala silang nasasalubong na ibang bangka. It was starting to become a lonely journey. Dalawang oras pa daw ang lalakbayin nila para makarating sa Kalunuan.

Sinadyok ng kamay ni Aiden ang tubig. “He is not insane. I love it here. Sabi nia napadpad daw sila sa isla nang abutan sila ng masamang panahon matapos mangaso ng usa sa Bugsuk. Pabalik na sila sa Punta Sebaring kung saan guest sila ng may-ari ng isla. He fell in love with the island. Almost untouched.”

“Hmmm… I still don’t think this will work.”

“Diamond in the rough. This area has a lot of potential. The wildlife is still present, the water is pristine, and so many undiscovered mountains and waterfalls to explore. It is a few hours from Tubbataha Reef, five hours from Sabah, Malaysia by boat, and it would be perfect once we open an international port here. My brother is a visionary.”

Bumuga ng hangin si Lexie. “This is the backdoor for criminals, highway for terrorists, extrimists and smugglers, and don’t forget the drug dealers.”

“Ginagawa po namin ang lahat para pangalagaan ang katahimikan dito sa Balabac, Ma’am,” sabi naman ni Kap Andoy.

“Pwede naman kitang ipahatid sa eroplano pabalik ng Puerto Princesa kung gusto mo,” sabi ni Aiden. “Sinabi ko naman sa iyo na delikado dito. Ikaw lang ang nagpilit na sumama.”

“Because it is my job. Sino ba ang may sabing natatakot ako?” angil niya sa lalaki. Mas di naman niya kaya na maiwan lang sa opisina habang mag-isa lang si Aiden na gumagawa ng trabaho. Amadeus personally asked him to close the deal. Ibig sabihin ay maselan ang deal na gagawin nila.

“Matapang pala si Ma’am,” anang si Kap Andong. “Pero kung ako po ang tatanungin, mas maganda kung ibang isla na lang ang bilhin ninyo. Marami pa namang iba diyan. Hindi pakakawalan ng mga Mogpog ang isla nila. Doon na po nakatira ang mga ninuno nila bago pa dumating ang mga Kastila.”

“Everything has a price, Kap Andong. Believe me,” kampanteng sabi ni Aiden. Kailangan nitong patunayan ang kakayanan kay Amadeus.

Nang dumating sila sa isla ay naabutan nila ang mga kababaihan at mga bata na nakaabang sa dalampasigan. She was expecting the Mogpogs wearing colorful traditional garbs in creative beads and patterns. Sa halip ay nakasuot ang mga ito ng luma at kupasing mga damit na butas pa ang iba. Nagpapakita ng kahirapan.

“Hello! Kumusta kayo?” nakangiting bati nila ni Amadeus pero walang sumagot ni kumaway. May paghihinala sa mata ng mga ito. They were unwelcome visitors. Maya maya pa ay naglabasan na rin ang ilang kalalakihan at may dalang baril.

Nahintatakutan sila ni Aiden pero pinapayapa sila ni Kap Andong. “Normal na ang baril dito. Huwag kayong matakot.”

Si Kap Andong ang nakipag-usap sa mga ito. At nagtulong-tulong naman ang mga kalalakihan para bitbitin ang mga kahong dala nia. Iginiya naman sila papasok ng isla. Nadaanan nila ang mga niyugan hanggang makarating sa malaking bahay na gawa sa kahoy na mistulang nasa sentro ng komunidad.

Isang babae na nakasuot ng dilaw na cotton na hijabi sa ulo, silk na long sleeve blouse na tinatawag na batawi at mahabang palda. Sa palagay niya ay nasa singkwenta na ito. Nakangiti naman silang tinanggap ng babae.

“Tuloy po kayo,” sabi nito at inilahad ang kamay. “Ako si Yasmina, ang unang asawa ni Hamid. Parating na siya. Doon siya sa bahay ng pangatlong asawa niya tumutuloy ngayon.”

May nakalatag na makukulay na banig sa sahig. Napansin niya na mas mataas ang isang bahagi ng silid na mistulang entablado. Umupo sila ni Aiden sa banig. Hindi sila halos nag-uusap. Nagpapakiramdaman lang.

Di nagtagal ay dumating na ang isang lalaki na nakasuot ng white long sleeve cotton na may geometric pattern na mistulang dress, itim na pants at may turban sa ulo. Ito si Hamid, ang pinuno ng Isla Kalunuan.

“May mga dala po kaming regalo sa inyo,” sabi ni Aiden. “May mga tsinelas, de lata, noodles at gamit pang-eskwela ng mga bata.”

“Ano ang pakay ninyo sa isla namin? Wala pang napapadpad na taga-Maynila dito para magbigay ng tulong kahit pa tuwing eleksyon para hingin ang boto namin,” anang si Hamid.

“Gusto po sana naming bilhin ang isla ninyo para tayuan ng resort. Twenty million pesos. Magtatayo din kami ng eskwelahan para sa mga bata dito at ospital. Magbibigay din kami ng scholarship kung gusto nilang makapag-aral sa college,” alok ni Aiden.

Naningkit ang mga mata ni Hamid. “Alam ba ninyo ang hinihingi ninyo sa amin? Wala pa ang mga Kastila sa Pilipinas, narito na ang mga ninuno namin. Di kami nasakop ng mga dayuhan. Nandito na ang libingan ng mga ninuno namin. At sa palagay ninyo ay dalawampung milyon ang halaga namin?”

“Fifty million,” alok ni Aiden. “Kasama na ang lilipatan ninyo. Ang resort na rin ang bibili ng mga huli ninyong isda. Makakapagbigay din kami ng hanapbuhay sa mga tao dito. Makakapag-aral na ang mga anak ninyo at magkakaroon ng mas magandang kinabukasan.”

“Isandaang milyon at ang babaeng kasama mo,” nakangising sabi ni Hamid.

“Po?” usal ni Lexie.

“Gusto kitang maging pang-apat na asawa.”

Kahit kailan ay di sumagi sa isip ng dalaga na magiging pang-apat na asawa siya ng isang pinuno ng tribo sa isang malayo at liblib na isla. Ayaw nga niya ng komplikadong love life kaya wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon. Tapos ay magiging pang-apat na asawa pa siya.

Awtomatiko siyang tinabingan ni Aiden at itinago siya sa likuran nito. “Girlfriend ko na po siya. Ikakasal na kami,” matapang na sabi ng lalaki.

“Hindi pa naman kayo naikakasal. Gusto mong kunin ang pinakamahalagang bagay sa akin at dapat lang na ibigay mo ang pinakamahalagang bagay sa iyo. Magkakasundo tayo,” sabi ni Hamid at tumayo. “Pag-isipan ninyo. Dito na kayo magpalipas ng gabi. Hindi maganda ang panahon kaya mahihirapan kayong maglayag sa dagat. Sa ngayon ay bisita ko kayo. Ipagdiriwang ang pagsilang ng pangsampu kong anak.”

Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Lexie nang maiwan sila ni Hamid. Niyakap siya ni Aiden. “I-Iiwan mo na ba ako dito? Ibibigay mo ba ako sa kanya?”

“Of course not.”

“Paano kung pilitin nila tayo? May mga baril sila…”

“Bisita nila tayo,” sabi ni Kap Andong. “Hindi naman siguro nila kayo pipilitin sa bagay na hindi ninyo gusto.”

Kinintalan ng halik ni Aiden ang noo niya. “Hindi ko hahayaan na kunin ka nila. I will protect you.”

“How about the deal?” Tiyak na magagalit si Amadeus kapag hindi nila naisara ang deal sa isla. It was nearly impossible to achieve. At sa palagay niya ay di tumatanggap ng katwiran ang lalaki. He just wanted results.

“Let me handle him. Hindi kita isasakripisyo para sa kahit anong bagay. Tandaan mo iyan.”

Napayapa ang loob ng dalaga sa yakap ng binata. Kahit na anong mangyari, alam niyang poprotektahan siya nito. And for the first time in her life, she trusted a man’s word. That she would put her above anything else.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.