“OUCH! Dahan-dahan naman sa paglalagay ng alkohol sa sugat ko. Mahapdi!” angal ni Aiden nang nililinis niya ang sugat nito. Nasa kubo siya at ginagamot ito gamit ang first aid kit na dala ni Kap Andong. Nakabantay sa hammock sa labas ng kubo ang guide nila at silang dalawa lang ng binata ang nasa kubo.
“Tiisin na lang ninyo, Sir. Ginusto ninyo iyan,” utos niya dito sa pagitan ng naggigiyagis na ngipin. “Bakit ba kayong mga lalaki mas gusto ninyong I-settle sa sakitan ang isyu ninyo sa babae?
“I am sorry, my dear. This island is still living thru their ancient rules. Di pa uso ang women’s liberation dito. The men still rule. If we want to settle something, we have to settle it like the brutes we are. I won’t willingly surrender you so we have to settle it with our fist. Mano-a-mano.”
Magaan niyang hinaplos ang mukha nito. “Mabuti na lang ligtas ka. Akala ko talaga matatalo ka.” Habang nagugulpi ito ni Hamid, iniisip na niya kung paano sila tatakas sa isla. Kung kinakailangan niyang lumangoy pabalik ng Bugsuk, gagawin niya kaysa pakasalan ang lalaking di niya mahal.
“Kawawa naman kasi si Hamid kapag pinakasalan ka. Hindi yata niya alam na mas nakakatakot ang bibig mo kaysa sa fighting skills mo.”
Tinampal niya ang dibdib nito. “Puro ka kalokohan.”
“Aw! Huwag ka namang nananakit.”
Magaan lang ang pagkakatampal niya dito. “Strip. Gamutin natin ang ibang pasa mo,” utos ni Lexie.
“Hindi naman gaanong masakit…”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Hubad na!”
Nang di agad ito sumunod ay hinawakan niya ang laylayan ng long sleeve T-shirt nito at inangat. Suminghap siya nang tumambad sa kanya ang galit na kulay ng balat nito sa tagiliran. Doon ito tinamaan ng yantok kanina. Tuluyan niyang hinubad ang T-shirt nito ay may pasa rin ito sa dibdib at balikat.
“I’m sorry.” usal niya habang tinatalunton ng daliri ang pasa nito. “Hindi ka naman masasaktan kung hindi dahil sa akin.”
“Hindi ka dapat mag-sorry. Sinabi ko naman sa iyo na poprotektahan kita. Sana di na lang kita isinama dito. Iniwan nalang sana kita sa Bugsuk kung saan ka mas ligtas. Kaya huwag ka nang umiyak.”
“Pero hindi pa rin tayo succesful sa misyon natin na bilhin ang isla,” humihikbi niyang usal.
Hinawakan nito ang baba niya. “My brother just have to suck it up. Hindi mo kasalanan ito. Kaya huwag ka nang umiyak para sa akin.”
“I am just… happy,” aniya at pilit na ngumiti.
He grimaced. “Masaya ka na nagulpi ako?”
“Masaya ako dahil may nagtanggol sa akin. Na inaalagaan mo ako. I am not used to it.” Nasanay siyang ipagtanggol ang sarili sa loob ng mahabang panahon. Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Salamat.”
Hindi pa rin makakatulog ang dalaga kahit nang tahimik na ang paligid. Panatag na rin ang paghinga ni Aiden na katabi lang niya sa malawak na banig. Hindi niya alam kung makakaalis pa sila ng islang iyon. Paano kung hindi pumayag si Hamid at di nito matanggap ang pagkatalo? Ano na ang mangyayari sa kanila ni Aiden?
Napayakap siya sa braso ng binata. For the first time, she felt genuinely scared. Hanggang saan magsasakripisyo si Aiden para sa kanya? Hanggang kailan siya nito kayang ipagtanggol? Paano kung di na nila kayang lumaban? Gugugulin na lang ba niya ang gabing iyon sa pag-iisip sa maraming “what ifs”?
“Hindi ka pa natutulog?” paungol na tanong binata. Nagising marahil ito dahil sa pagyakap niya.
“What if we die tomorrow?”
“Hindi tayo mamamatay. I am hoping that Hamid will honor the result of our fight. Natalo ko siya Hindi na niya tayo guguluhin. Hahayaan niya tayo na magbiyahe pabalik ng Bugsuk bukas.”
Pumikit siya pero ihinilig ang pisngi sa braso nito. “Naiisip ko lang ang mga bagay na binalewala ko. Kung mawawala ako bukas, marami akong di naranasan.”
Bumaling ito paharap sa kanya at hinaplos ang buhok niya. “Di ba parang tino-torture mo lang ang sarili mo kung gagawin mo iyan?”
“Hindi mo ba naiisip na magsisisi ka kung hindi mo na magagawa ang pangako mo sa nanay mo na flower farm?”
“Life is unpredictable. Pareho naman tayong nabubuhay sa kung ano ang alam nating importante. Marami pa tayong plano pero di natin alam kung hanggang kailan na lang tayo sa mundo. It is out of our hands. And believe me, I did my best to keep us alive.”
Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata niya. “I know. At nagpapasalamat ako na ikaw ang kasama ko. I just wish…”
“You just wish what?”
“I had more fun when I got the chance. I wish I experienced falling in love, going out on dates or giving in to temptation.”
“Temptation?” Humalakhak ang binata. “You are really something. So, you really worry about those little things.”
She bared her teeth to him. “Nagagawa mong tumawa kasi di mo naman pinroblema ang kababawan mo. You are temptation yourself.”
Tinitigan nito ang labi niya at tinalunton ng daliri nito. “Such a strong woman. You were able to resist me. And I don’t know how I was able to resist you. I am glad I did. Your friendship is more important than anything, Lexie.”
Lumunok ang dalaga. Hindi iyon ang sagot na inaasahan niya dito. Bahagya niyang inangat ang ulo at itinapat ang labi sa labi nito. “Can you bend your rule a bit? Make love with me.”
He looked shock. Na parang di nito inaasahan na iyon ang hihingin niya sa lalaki. “I know you are scared. Desperate even. Pero makakaalis tayo dito. You can date. You can make love to the guy you want.”
“Even if I have another chance, I will still choose to give myself to you. Paano kung wala na akong chance? I don’t want to give myself to someone I don’t even like. I don’t want to be the fourth wife. I just want to experience being cherished by someone I still have the chance. Gusto kong ibigay ng kusa ang isang bagay na pilit nilang aagawin sa akin. Please, Aiden. Maybe you are not attracted to me…”
Now she was really becoming desperate. Mas madali pang tanggihan ito kaysa magmakaawa dito. But she had no pride now. Ilang oras na lang ang posibleng natitira sa kanya.
“Baby, you are so wrong. Gusto na kitang patalsikin na assistant ko noon. I got attracted to you at first sight. Hindi mo ba alam kung ilang beses ko nang gusto na mag-quit ka na lang? Or that you give in so I have the license to fire you and make you mine, whichever comes first. It doesn’t change. But you are more precious than that, Lexie. You are not just any woman I want to take to bed.”
“Can we forget that I am your assistant for just one night? Just take me.” And she kissed him lightly on the lips. “I will be gentle.”
She wanted to coax him and seduce him. She was only trusting her instincts now. Wala siyang ideya kung paano ang tamang pang-aakit sa katulad ni Aiden. She didn’t have time for lessons in making love. And she definitely didn’t know how to seduce a master in seduction like Aiden.
He gently held her face. Akala niya ay tatapusin nito ang halik at lalayo sa kanya. Kung tatanggihan siya nito, di niya alam kung paano niya matatagalan ang mahabang gabing iyon.
He skimmed her lips against hers and deepened the kiss. The shift of power went to his side. Bumaba ang kamay nito sa leeg niya. His fingers touched her and soothed her fears and desperation away. He made her feel wanted. Special.
Gumapang ang labi nito sa tainga niya. “If this is the last night of the world, I want to give my one hundred percent.”
Nanunukso itong ngumiti saka hinubad ang long sleeve shirt nito. His lean and fit body showed the marks of his bravery. Hinaplos niya ang pasa nito at isa-isang hinalikan. “My very own knight.”
She felt like crying once more. Di niya nakita ang sarili na damsel in distress. Mula pagkabata, alam niyang wala siyang maaasahan kundi ang sarili niya. Natuto na siyang huwag iasa ang mga laban niya sa ibang tao lalo na sa isang lalaki. But was thankful that he was here to defend her. Hindi siya nito iniwan. Hindi ito katulad ng ama niya na tinakasan ang responsibilidad sa kanilang mag-ina at tuluyan na silang kinalimutan.
“And until my last breath, I will do everything to protect you.”
Aiden every caress and kisses sent pleasure through her body. He drowned her senses with sensation. Nakalimutan niya kung sino siya at sino ito. Wala na ang Brava International sa pagitan nila. Wala rin si Hamid at ang mga katribo nito na posibleng magbanta sa buhay nila. They were just two souls meld into one.
The sound of the waves and the scent of the breeze mixed with the scent of passion and arousal. Aiden knew how to coax every sensation out of her body. And she learned about what gave him pleasure as well. Nawala na rin ang inhibisyon ni Lexie. She was curious and Aiden let her satisfy her curiosity.
“I want to see your eyes,” he whispered as he poised himself above her, ready to take her. “Are you sure about this?”
She boldly looked into his eyes. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “More than sure.”
Hinila niya ang ulo nito at inangkin ang labi nito. Then he surged inside her. Nahigit niya ang hininga. She felt a sharp pain but was replaced but sensation everytime his skin slid against hers. She felt free. Wala na siyang pakialam sa mangyayari bukas. She had Aiden.
She surrendered not just her body but her heart and soul to him. If she would die tomorrow, she had no regrets. She owned Aiden even for just a night.