Loving The Man Without A Heart (Filipino) Chapter 11

Alumpihit si Esmeralda sa kinauupuan. Di siya komportable na pag-usapan ang tungkol sa bahay niya at kung saan galing iyon.

Swerte ang maituturing niyang pagdating ni Aiden sa buhay nilang magkapatid. Nang pagmasdan niya si Richard ay parang diskumpiyado ito sa sagot niya. Na parang binabasa nito ang kaibuturan ng pagkatao niya.

Imahinasyon lang niya iyon. Hindi nila kilala ang isa’t isa. Bakit siya nito pag-iisipan nang masama kung hindi nito alam ang pagkatao niya?

“Mag-isa ka lang bang nakatira dito?” tanong nito.

“Hindi. May kapatid pa ako, si Jeremy. Makikilala mo siya bukas.” Hindi na niya kailangang sabihin na may sakit ang kapatid niya sa sakit na leukemia.

“How about your parents?”

“Wala na sila,” mahina niyang sabi. “Namatay sila nang magkaroon ng baha dito tatlong taon na ang nakakaraan.”

“I’m sorry. Hindi ko na dapat itinanong,” malungkot nitong sabi.

Ngumiti siya para tiyakin na hindi siya nasaktan. “Wala namang masama sa tanong mo.” Napayuko siya. “Ang totoo, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nila. Tinangay sila ng rumaragasang tubig. Galing kami sa bukid dahil ihinabol nila ang pag-aani para sa tuition ko. Pero biglang bumaba ang tubig galing sa bundok. Nauna akong tumawid sa kanila nang basta na lang tumaas ang tubig. Nakita ko kung paano silang basta na lang tinangay ng agos. Humihingi sila ng tulong pero wala akong nagawa. Hindi ko sila nasagip.”

Nanginig ang labi niya at napahikbi nang maalala. Sa mga ganitong panahon niya naaalala ang pagkamatay ng mga magulang. Sa ganitong panahon siya nakakadama ng panghihina pero pinipilit niyang maging matatag para sa kapatid niya at sa mga taong nangangailangan sa kanya. Di niya sinasabi sa ibang tao na nalulungkot siya. Pero sa harap ng isang estranghero ay binuksan niya ang puso.

Ginagap ni Richard ang kamay niya. “You don’t have to feel guilty. Minsan, may pangyayari sa buhay ng tao na hindi maiiwasan. Katulad ng mga aksidente. ”

“Maiiwasan sana kung nailigtas ko sila.” Ilang gabi siyang umiiyak. Sinisisi ang sarili dahil wala siyang kwentang anak.

“Wala tayong garantiya na kaya mo silang iligtas. It is their time to go,” kaswal nitong sabi. “Hindi pwedeng habambuhay kang mabuhay sa guilt. Kung namatay ka doon, paano na ang kapatid mo? Tumalon ka nang di nag-iisip kanina. Ginawa mo ba iyon para ma-ease ang guilt mo?”

“Hindi. Pero alam ko na dagdag na pasanin sa dibdib ko kapag pinanood lang kitang inaanod ng tubig. Sabagay, kahit siguro hindi iyon nangyari sa magulang ko, sasagipin pa rin kita. O kahit sinong nangangailangan ng tulong ko, gagawin ko iyon. Di makatao na hahayaan mo lang mamatay ang isang tao kung may magagawa ka naman para iligtas ito.”

“You are one hell of a woman!” puno ng paghanga nitong sabi.

“Bakit mo naman nasabi? Ordinaryong babae lang ako.”

Umiling ito. “Wala pa akong kilalang babae na tatalon sa rumaragasang ilog at sasagipin ako.”

Lumabi ang dalaga. “Hindi ako naniniwala. Sa guwapo mong iyan, maraming babae ang tatalon para sa iyo kahit di sila marunong lumangoy.” Isang ngiti lang nito ay kaya nang utusan ang mga babae na tumalon sa bangin kung gugustuhin nito.

“Naguguwapuhan ka sa akin?” tanong ni Richard na may halong panunukso.

“O-Oo,” napipilitan niyang amin. “Ayos naman ang itsura mo. Pero di ko sinasabi na sinagip kita dahil guwapo ka. Kahit sino pa o ano ang itsura ng tao may karapatang mabuhay. Kahit sino tutulungan ko.”

Nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. “Sa sirkulasyong ginagalawan ko, pera at kasikatan lang ang importante sa mga babae. Hindi sila gumagawa ng pabor nang walang kapalit.” Tumutok ang mga mata nito sa kanya. Mga mata na biglang nagkaroon ng ningas. Parang galit. “Ikaw, ano ang gusto mong kapalit?” tanong nito sa boses na nanghihipnotismo.

Dapat ay magalit siya. Iniinsulto nito ang pagliligtas niya dito at ang kanyang kagandahang loob. Handa na sana siyang maglitanya nang mapatitig si Esmeralda sa mga labi ni Richard.

Natigilan siya dahil parang nang-aakit iyon. Mga labi na nangangako ng sanlibong matatamis na halik. Kahit kailan ay hindi pa siya nahahagkan. Hindi rin niya naisip kung mahahalikan pa siya dahil kapatid lang ang turingan nila ni Aiden.

Habang nag-uumapaw naman ang atraksyon na nararamdaman niya kay Richard. Ipinaparamdam nito sa kanya na isa siyang babae - hindi bilang kapatid o hindi bilang kaibigan.

Nagtama ang mga mata nila ng binata. Animo’y nababasa nito ang iniisip niya. Napapikit siya. Parang hinihintay ang katuparan ng piping hiling niya na mahagkan nito. Ang katuparan ng pangako ng isanlibong matatamis nitong halik.

Bigla niyang naimulat ang mga mata nang matuklasan ang tinatakbo ng kanyang isip. Hindi halik ang dapat niyang hilingin dito. ‘Ibalik mo sa akin ang kapayapaan ng isip ko,’ usal niya. ‘Ibalik mo sa akin ang katinuan ng isip kong ninakaw mo mula nang sagipin kita sa ilog.’

Inubos agad ng dalaga ang tsaa at tumayo. “Gusto ko nang magpahinga.”

“Ayaw mong magkwentuhan pa tayo?”

Kunyari ay humikab siya. “Di ko na kaya ang antok. Hindi ka pa aakyat sa kuwarto mo?”

“I will stay here.”

Tumango si Esmeralda. Hindi niya pinansin ang lungkot sa mga mata nito. Animo’y humihiling ito na samahan pa niya ito nang mas matagal. Subalit kailangan na niyang iwasan ito. Hindi ito magtatagal sa lugar nila. Bukas-makalawa ay aalis rin ito.

Sana ay matapos na ang bagyo. Sana ay sumama na ito kasabay ng pagdaan ng bagyo sa bayan nila. Hindi niya dapat hayaan ang sarili na lumalim ang kabaliwang nararamdaman niya dito.

SHE saved my life. The witch saved my life. Sa dinami-dami ng pwedeng sumagip sa akin, bakit siya pa?

Hindi makatulog si Amadues. Bukod sa hindi siya komportableng nakahiga sa matigas na katre, bugbog ang katawan at di kasundo ng sistema niya ang instant coffee na available sa kusina nina Esmeralda. Pero higit sa lahat ay di siya makatulog mula nang mag-usap sila ni Esmeralda.

Bakit parang binibiro siya ng tadhana? Mula nang magplano siya na harapin ang babaeng nagpapaikot sa kapatid niya, inabot na siya ng sunud-sunod na kamalasan. Binagyo siya, naputol ang tulay na dinadaanan niya at muntik na siyang mamatay nang anurin ang sasakyan niya at siya sa ilog. At nang akala niya ay mawawala na siya sa mundo, saka naman may sumagip sa kanya at si Esmeralda pa.

I owe her my life.

Amadeus gritted his teeth. Hindi niya ito nagugustuhan. Ayaw niya ng utang na loob sa babaeng gusto niyang ilayo sa kapatid niya. Kung pagbabasehan ang nalaman niya dito, mukhang mahal ito ng mga tao sa San Luis. Matulungin din ito sa mga taong nangangailangan. Pinasilong nito sa bagong bahay nito ang mga kababayan nito at ito pa pala ang sumasama minsan na sumundo sa mga biktima ang baha para dalhin sa bahay nito.

So she is like a saint. It doesn’t change the fact that she is using my brother. Ang bahay at lupa nito ay si Aiden ang nagbayad. Ni hindi man lang nito hinintay na maikasal muna ito at si Aiden bago gamitin ang pera ng kapatid niya. She used her beauty and her barrio lass image to soften my brother’s heart and manipulate him.

Walang kaibahan si Esmeralda sa mga babaeng nakasalamuha niya na karangyaan lang ang habol sa isang lalaki. Iba lang ang strategy nito. That made her the more dangerous kind. Mas nakakatakot ang mga nagpapanggap na santa pero nasa loob naman ang kulo.

He could see right through her. Nakikita niya ang mga titig nito na puno ng interes. She was attracted to him. Nararamdaman niya iyon sa mga kilos nito. Naramdaman niya nang titigan nito ang mga labi niya. Ni wala itong pakialam kung ikakasal ito sa kapatid niya.

And he felt arousal whenever their eyes meet. Kahit na anong galit niya dito, kahit namumuhi siya sa klase ng babae gaya nito, walang pakialam ang libido niya. So, she was a beautiful woman. Sanay siya sa mga babaeng may interes sa kanya at naghahabol sa kanya. And he picked his partners well. Nawawalan siya ng interes sa mga babaeng may karelasyon na pero naghahabol pa sa iba.

But the attraction was strong a while ago. He loved the touch of her silky skin. He wanted to pull her into his arms and devour her. As if she was unleashing the animal in him. At walang pakialam ang libido niya kung ito ang babaeng pakakasalan ng kapatid niya at ang uri nito ang kinamumuhian niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.