Loving The Man Without A Heart (Filipino) Chapter 12

Life is a bitch!

Mariin siyang pumikit. Kailangan niyang makaisip ng paraan para maihiwalay ito sa kapatid niya. Napatunayan na niyang nakadepende ito sa pera ng kapatid niya. Paano niya ito mapapaurong sa kasal kung may utang na loob siya dito?

Nasa malalim siyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto. "Come in."

Sumilip ang ulo ng isang bata na sa palagay niya ay sampung taon pa lang. His head was shaved. “Hello po!” sabi nito.

“Yes?” tanong niya at kumunot ang noo.

“Naku, Jeremy! At nakikipag-unahan ka pa sa akin.”

“Gusto ko lang makita ‘yung sinasabi mong boyfriend mo, Ate Cynthia Lyn,” sabi ng batang lalaki.

“Isuot mo ang face mask mo. Mapapagalitan tayo ng ate mo,” sabi ni Cynthia Lyn at sinuotan ito ng mask. “Pasensiya na sa abala, Richard. Ito kasing kapatid ni Esmie may kakulitan. Naabala pa yata namin ang tulog mo.”

“Not really. Gising na ako. Pumasok kayo,” aniya at pilit na ngumiti.

“Hindi naman po ako mang-aabala. Si Ate Cynthia Lyn talaga ang gustong sumilip sa iyo. Sinamahan ko lang siya. May dala pa nga siyang mga damit para daw mabihisan ka ulit niya at makita daw niya ang...”

“Ito naman. Joke lang iyon. Huwag mo nang ipagsabi,” sabi ng babae at tinakpan ang bibig ng bata. Pumalag naman ang batang lalaki.

“Baka mas lalo siyang di makahinga,” saway ni Amadeus sa malamig na boses. Hindi na bago sa kanya na may babaeng nagkaka-interes sa kanya gaya ni Cynthia Lyn na gumagamit pa ng bata para lumambot ang puso ng lalaking gusto at mapalapit dito. Pero di iyon eepekto sa kanya.

Amadeus was usually annoyed with kids. Sumasakit sa kakulitan at gulo ng mga ito. Napakarami kasing tanong ng mga ito at lahat na lang ay gustong malaman. Sabi nga sa kanya ni Florida ay di daw siya dumaan sa pagkabata kaya ganoon. Dahil sa responsibilidad ay hinasa siya ng ama para mag-take over sa kompanya. He didn’t comfort him when his mother died. His father asked him to man up. And he was just eight years old. Hindi na niya nagawang makipaglaro maliban na lang kung sigurado siyang mananalo siya. He was made this way nobody could fool him.

“Ako po si Jeremy. Kapatid po ako ng nagligtas sa iyo. Saan po kayo galing? Bakit po kayo bumiyahe kahit na malakas ang bagyo?” sunud-sunod na tanong ng batang lalaki at tumayo sa gilid ng kama niya.

“Sa Manila. May dadalawin lang ako sa kabilang bayan kaya ako napunta dito. Importante kasi iyon. Kaso tinangay naman ng agos ang tulay at ang sinasakyan ko,” paliwanag ni Amadeus.

“Maynila?” tanong ni Jeremy at nagningning ang mga mata nito. “Doon din po kami galing ni Ate. Matagal din po ako doon. Nagpapagamot po kasi ako.”

Kumunot ang noo ng binata. May sakit ito? Bumaling siya kay Cynthia Lyn. “Anong sakit niya?”

“Leukemia. Doon pa siya nagpapagamot kaya matagal din silang mag-ate na naglagi sa Maynila,” kwento ng babae.

Leukemia. Parang may tumadyak sa dibdib ni Amadeus. Hindi biro ang sakit na iyon. Bakit hindi iyon naisama sa report sa kanya? “Hindi ba masakit ang pagpapagamot?” At mahal.

“Hindi naman po gaanong masakit. Matapang ako!” sabi ni Jeremy.

“Naku! Matapang ka pero dinadaga ka pa sa crush mo. Di ka makapanligaw,” kantiyaw dito ni Cynthia Lyn.

“Siyempre bata pa naman kami. Ten years old pa lang kami, Ate. Sabi ni Ate tatangkad pa daw ako at mas magiging guwapo kaya huwag daw akong magmadali na magka-girlfriend,” sabi ni Jeremy.

Twelve. Mukhang mas bata ito sa edad nito. Akala niya ay siyam na taon pa lang ito pero dose na pala. Nahihimigan din niya ang bahagyang nginig sa boses nito.

“Gusto mong maupo?” alok niya kay Jeremy. May maliit na upuan sa gilid ng kama niya. “Baka mapagod ka.”

“Hindi naman po. Wala naman akong gaanong ginagawa,” sabi ng bata na mukhang pinipilit maging masigla. “Kayo nga ang mas nangangailangan ng tulong. Gusto ba ninyong alalayan ko kayo?”

He felt a tug in his heart. Di niya maiwasang ngumiti. Kahit hinihingal, ipinapakita pa rin nito na malakas ito. Amadeus was starting to like the boy.

“Mabuti nga gumaling-galing na siya,” anang si Cynthia Lyn. “Sa Maynila din galing ang Prince Charming ng bestfriend ko. Kasing guwapo mo nga si Aiden, ‘yung pakakasalan niya. Pero mayaman siya. Mayamang-mayaman. Siya ang tumutulong na magpagamot sa kay Jeremy. Naku! Parang fairy tale talaga. Parang hulog ng langit si Aiden kay Esmie.”

“Si Ate Esmie ang hulog ng langit sabi ni Kuya Aiden,” kontra ni Jeremy.

“Bakit naman niya nasabi iyon?” tanong ni Amadeus.

“Kasi anghel po si Ate Esmie. Gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya. Kaya gagawin din niya ang lahat para kay Kuya Aiden.”

Ngumisi si Amadeus. Anything for money. But her brother is sick. Kahit sino na ang nasa ganoong sitwasyon ay gagawin din ang ginawa niya.

Tinapik ni Jeremy ang balikat niya dahilan para magising siya mula sa malalim na pag-iisip. “Kaya dapat matapang ka rin, Sir Richard. Huwag kang malulungkot na nawala po ang kotse ninyo. Mahalaga po buhay kayo. Parang ako. Basta buhay may pag-asa pa rin. Kaya kong labanan ang sakit ko dahil kailangan kong mabuhay para sa mga taong nagmamahal sa akin.”

“Tama iyan. Mahal na mahal ka ng ate mo.” At di niya maitago ang paghanga sa boses, kahit pa para man lang sa kapatid nito.

“Maiwan ka na namin. Nasa labas lang kami kung may kailangan ka o gusto mong makipagkwentuhan,” sabi ni Cynthia Lyn at bahagyang humagikgik.

“Kuya, magkwentuhan po tayo ha?” sabi ni Jeremy at kumaway pa sa kanya.

Hinila ito ng dalaga. “Baka makaabala na tayo sa kanya. Nakakahiya.”

“Hindi. Mabait siya katulad ni Kuya Aiden. Di ba, Kuya Richard?” nakangiting tanong ng bata sa kanya.

Amadeus felt a tug in his heart when he smiled at the boy. Wala itong kamalay-malay na isa siyang lihim na kaaway. Iisa lang ang dugo nila ni Aiden pero wala na silang pinagkapareho. Masyado lang gullible ang batang ito. Inosente pa ito sa mundo. Wala itong kaalam-alam kung ano ang lihim ng mga tao sa paligid nito.

He felt sorry for Jeremy because Amadeus hated his sister. Inosente si Jeremy at wala itong kaalam-alam sa ginagawang panlilinlang ng kapatid nito. Sa mga mata ng bata ay bayani ang kapatid nito.

At kailan pa ako nagkapuso? I am better than this. I am logical and I don’t easily get carried away by soppy stories.

Bumuntong-hininga si Amadeus. Oo, gustong bigyan ni Esmeralda ang kapatid nito ng mas mahabang buhay at mas maalwang pamumuhay. Pero mali ito ng ginamit na tao. Hindi nito dapat ginamit ang kapatid niya.

She is really an angel. Ayaw mo lang tanggapin, sermon ng konsensiya niya. Your life is worth so much more.

Pakiramdam ni Amadeus ay lastiko na hinihila ang puso niya. He thought he didn’t have one. Kaya ayaw niyang gamitin ang emosyon niya sa pagdedesisyon dahil natatabunan kung ano ang lohikal at ang tama. At ayaw niya sa pakiramdam na mali siya. Kahit na sinagip pa ni Esmeralda ang buhay niya, sa tingin niya ay di pa rin nito dapat pakasalan ang kapatid niya.

Naggiyagis ang ngipin ni Amadeus. Kailangan na niyang umalis para gumawa ng panibagong plano. He must shut down his heart. Ayaw niyang maging mahina. Ayaw na rin niyang maakit pa kay Esmeralda.

Dahil kapag nagtagal pa siya doon, baka tuluyan na siyang malalaglag sa patibong nito gaya ng ginawa nito sa kapatid niya. Maaring sinagip ni Esmeralda ang buhay niya pero kailangan niyang sagipin si Aiden at ang sarili niyang katinuan. Hindi isang babae ang pwedeng sumira sa kanilang magkapatid.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.