Loving The Man Without A Heart (Filipino) Chapter 17

“OLD woman, this is me.”

Narinig ni Amadeus ang pagsinghap ni Florida sa kabilang linya. “How dare you call me old woman, you pompous... AmadeUs?” Natigilan ito sa paglilitanya nang mabosesan syia. “Amadeus, is that really you?”

“Yes. This is me.” At umangat ang gilid ng labi niya. Siya lang kasi ang may lakas ng loob na tumawag dito ng “old woman”. Nobody would dare do that. After all, Florida aged gracefully and she took pride on that.

Nasa tuktok si Amadeus ng burol sa San Luis na pinakamataas na lugar sa area na may signal. Nakikipagkwentuhan siya sa mga kalalakihan nang sabihin sa kanya ni Topher na sasama daw siya kay

Numero lang nito ang kabisado niya at ang sekretarya lang ang tanging mapagkakatiwalaan niya nang mga oras na iyon. Sensitibo ang sitwasyon niya at pati ang lihim ng pagkatao niya ay kailangan niyang ingatan. Habang nasa San Luis siya ay kailangan niyang maging maingat.

Humagulgol ito bigla ng iyak. “Nag-alala ako sa iyo. I saw the devastation brought by the typhoon. Maraming namatay at nasugatan. Marami din ang nawawala. Tumawag ako sa resort at nalaman ko na dadaanan mismo sila ng bagyo. Nakatawag ako sa mismong manager nila. They told me you didn’t arrive at the resort.”

“Hindi na ako nakarating sa resort.”

“Akala ko... Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo nang wala akong mabalitaan. Nakita ko sa news na may landslide at baha sa area na iyan. May mga naputol na tulay, inanod na kotse.”

“Hindi naman siguro ninyo ini-report sa authorities na nawawala ako.” That would cause quite a stir in media and his company didn’t need that right now. He had enemies pounding at his door. Kailangang maging maingat.

“Malapit na kung di ka pa tumawag ngayon. Ilang araw ka rin na nawala. Dati naman one week ka ring nawawala pero di naman sa isang lugar na sinalanta ng bagyo. Anong nangyari sa iyo?”

Naggiyagis ang ngipin niya at huminga ng malalim. Hindi pa siya pwedeng magkwento ngayon. “Saka ko na ikukwento sa iyo pagbalik ko sa Manila. All I can assure you right now is that I’m somewhere safe.”

Hindi niya masasabi dito na tinangay ng ilog ang kotse niya at muntik na siyang mamatay. Lalong magpa-panic ang matandang babae.

“Where are you? Makikita ko ba iyan sa Google Map? ”

“Baryo San Luis.” At ibinigay niya ang eksaktong lokasyon dito.

“I know that place. Iyan ang pinanggalingan ng babaeng pakakasalan ng kapatid mo. Nabasa ko ang file niya. Huwag mong sabihin na pinuntahan mo siya sa gitna ng bagyo para lang sabihan na lumayo sa kapatid mo? Amadeus!”

“Of course not,” aniya at nakita sa gilid ng mata niya na lumingon si Esmeralda na nakatayo sa trail na pababa ng burol.

She was the girl who wrecked his system. The kiss was unexpected. Wala siyang planong halikan ito nang nagdaang gabi lalo na’t kapatid niya ang pakakasalan nito.

Alam niyang mali na halikan ito. But he saw how her eyes begged for it last night. Gusto siya nito. Just when he thought that he wanted to possess her, she pushed him away. At parang sinampal siya nang sabihing ikakasal na ito sa iba. He had to let her get away than validate their feelings.

Hindi siya nito kinikibo ni tinitingnan mula kaninang umaga. Ilang na ilang ito. Habang di naman niya maalis ang tingin dito. He was attracted to her, there was no doubt about it. At attracted din ito sa kanya. Isa itong malaking tukso.

She was forbidden, the enemy. He must stay away.

“Anong ginagawa mo diyan?” tanong sa kanya ni Florida sa mataas na tono. Tiyak na didikdikin siya nito at di titigil hangga’t di siya napipiga.

“This is not the time for your questions. Kailangan ng mga tao ng tulong dito. Di sila naaabot ng tulong ng gobyerno. Other places were hit harder. Naputol din ang tulay papasok dito sa sitio kaya di sila makapunta sa bayan para makakuha ng relief goods. Ngayon lang nagka-signal dito.”

“Nagugutom ka ba diyan?” nag-aalalang tanong nito. “Nasaktan ka? Do you need immediate medical aid?”

“I am fine. Inalagaan nila ako dito. May imbak silang pagkain dito pero bukas-makalawa baka maubos na rin.” Kung may isang bagay siyang ipinagpapasalamat, maayos ang bahay na ipinagawa ni Aiden para sa babae. “They also need help with the reconstruction of their houses and help them with their crops. Nasalanta din ng bagyo ang mga pananim nila. I want people from the foundation to check it. Don’t worry about the funds. I will handle it.”

“Mukhang masyado kang generous sa kanila...”

“They saved my life.” At tatanawin niyang utang na loob iyon habambuhay.

They were naturally good people. Sa mundo kung saan kailangan niyang maging matigas at minsan ang pagiging matulungin ay pakitang-tao lang para gumanda ang imahe sa mga tao at makatulong sa negosyo, nabago ng mga tao sa San Luis ang opinyon niya. Tumutulong ang mga ito sa taong di kilala nang walang hinihinging kapalit.

“Fine. I am sending in help. We have people who are helping out with the victims of the typhoon.” Humalakhak ito. “At sa halip na ikaw ang nagdo-donate, ikaw pa ang kasama sa bibigyan ng donasyon ngayon. Ibang klase rin ang naging bakasyon mo. Must be memorable.”

“I can’t wait to get out of here. Gusto ko na lang magpahinga sa ibang lugar,” aniya sa pagod na boses.

Pakiramdam niya ay binabago siya ng San Luis at ng mga tao doon. Binabago siya ni Jeremy. Binabago siya ni Esmeralda. It was not supposed to be this way. Ayaw niyang maging malambot. He had been so guarded and tough for a long time, he coudn’t afford to let his guard down.

He was Amadeus dela Merced. He was a man with a mission.

“I got it. At mag-uusap tayo nang masinsinan,” may babalang sabi ni Florida bago putulin ang tawag. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na nakatakdang sermunan ng nakatatanda.

Lumapit siya kay Esmeralda na nakaupo sa bumagsak na katawan ng kahoy at inabot dito ang cellphone. “Salamat.”

“Nawatagan mo na ba ang pamilya mo?” tanong ng dalaga at kinuha ang cellphone mula sa kanya. Ingat na ingat ito na magdikit ang mga balat nila.

Tumango si Amadeus. “Yes. They will send in help. At baka bukas makaalis na rin ako kung dadating ang mga tulong.”

“Mabuti naman makaaalis ka na.”

“Gusto mong umalis ako?” gulat niyang tanong.

Tumango ito. “Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Mas mabuti kung makakabalik ka na sa sibilisasyon, sa normal mong buhay. Masaya ako para sa iyo. Excuse me. Tatawag lang ako sa b-boyfriend ko.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.