Loving The Man Without A Heart (Filipino) Chapter 18

Umakyat si Esmeralda sa taas ng burol kung saan pinakamalakas ang signal. Naghintay siya sa kung saan maririnig pa rin niya ang boses nito kahit paano. He knew it was rude to eavesdrop but he couldn’t help it. Gusto niyang malaman kung paano ito makitungo sa kapatid niya. Kung mahal nito si Aiden kahit katiting.

Kapag napatunayan ni Amadeus na mahal nito ang nag-iisang kapatid niya ay pababayaan na niya ang mga ito. Na hindi lang ginagamit ni Esmeralda ang kapatid niya para mapagamot si Jeremy. Para sa kaligayahan ni Aiden at alang-alang sa pagsagip ni Esmeralda sa buhay niya ay hahayaan na niya ang mga ito basta mapatunayan lang niya na totoo ang pagmamahalan ng mga ito.

“Hello, Aiden!” nakangiting bati ng babae. Mukhang excited ang boses nito pero di umaabot sa mga mata nito. “Huwag kang mag-alala. Ligtas kami ni Jeremy. May mga nasira lang bahay pero wala namang nasaktan dito sa Sitio. Huwag mo kaming alalahanin. Sanay na kami sa bagyo.”

Di maiwasang sulyapan ni Amadeus ang babae. Parang bored na bored si Esmeralda habang kausap ang kapatid niya.

“Salamat,” may kapormalang sabi ni Esmeralda. “Sa susunod kapag mas malakas na ang signal makakausap mo na si Jeremy. Kailangan ko nang bumalik sa bahay. Baka abutan ako ng ulan. Bye.”

Ganoon lang ba mag-usap ang mga ito? Parang magkaibigan lang o kaya ay ka-business deal. Masyadong pormal. As if they didn’t share any intimacy at all.

There was no fire nor happiness in her eyes. Hindi ganoon ang nagmamahal o in love. Ni walang spark. Ni hindi man lang ito nag-I love you. That was the final nail on the coffin. Hindi mahal ni Esmeralda ang kapatid niya. Isang malaking kalokohan lang kung matutuloy ang kasal ng mga ito.

Tinalikuran ito ng binata at kinuyom ang palad. Buo na ang desisyon niya. Ilalayo na niya ang kapatid niya kay Esmeralda sa kahit anong paraan.

“KAILANGAN nating magmadali. Pumapatak na ang ulan,” utos ni Esmeralda kay Richard.

Malalaki ang hakbang ng dalaga habang pababa ng burol. Hindi niya alintana ang putik na nadaanan na tumatalsik sa jogging pants niya o kung naiiwan man niya si Richard sa likuran niya. Binilisan niya ang pakikipag-usap kay Aiden para makaalis agad sila ng burol. Ang importante ay malaman nito na ligtas siya ng kanyang kapatid. Hindi siya komportable na nasa di kalayuan lang si Richard at maaring naririnig ang pinag-uusapan nila. Hinalikan lang niya ito kagabi na hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang kinakalimutan. Lalo lang siyang nakokonsensiya habang kausap niya si Aiden. Parang pinagtaksilan niya ito.

Tukso naman na lalong bumuhos ang ulan. Hinapit niya ang kapote sa sarili at hinigpitan ang hawak sa payong na tinatangay ng malakas na hangin. Nakakapote din si Richard sa likuran niya pero sa pakiwari niya ay tumatagos kahit ang tubig ulan sa lakas ng buhos nito. Halos hindi na niya makita ang dinadaanan nila pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Humabol si Richard sa kanya at sumilong din sa payong niya. “Esmeralda, baka pwedeng sumilong muna tayo sa isa sa mga kubo. Patilain muna natin ang ulan. Mababasa ang gadgets na dala mo. Masyadong malakas. Mukhang hindi hihina. Saka di ko na halos makita ang daan.”

“Pwede bang bilisan mo na lang?” asik ng dalaga.

Alam niyang magtatagal pa ang malakas na ulan. Alam niyang mapanganib kung magpapatuloy pa sila at instinct na lang ang ginagamit niya pababa ng burol. Pero pinili niyang sumagal para maprotektahan ang puso niya.

Kapag sumilong pa sila at tumuloy sa kubo, magkakasarilinan sila ng matagal ni Richard. Hindi ligtas ang pakiramdam niya kapag kasama ito. Nanganganib siya sa kanyang sarili. Ayaw na niyang maulit ang nangyari nang nagdaang gabi kung saan nagpadala siya sa damdamin niya.

“Pero may sisilungan naman tayo. Doon muna tayo,” giit ng binata.

Pumiksi si Esmeralda. “Kung gusto mo ikaw na lang. Basta ako tutuloy bumaba. Ipapasundo na lang kita kay Topher.”

Ligtas naman ang kubo dahil parte iyon ng sagingan ng pamilya ng dalaga. Nilinis pa nila iyon bago dumating ang bagyo para kung sakaling may gustong sumilong ay naroon ang lahat ng kailangan nito. Mabubuhay naman siguro ang binata doon. Wala na sa isip niya ngayon ang pagiging hospitable. Basta ang alam niya ay kailangan niyang makalayo agad dito.

“Hindi naman kita pwedeng iwan,” sabi ng binata na nakabuntot pa rin sa kanya.

“E di huwag ka nang umangal diyan...”

Napatili ang dalaga nang dumulas ang paa niya. Akala niya ay masasadlak siya subalit maagap siyang nahawakan ni Richard sa braso. “Sabi ko na nga ba dapat di muna tayo tumuloy. Nakita mong delikado,” anitong may halong panenermon at inalalayan siyang tumayo.

Malakas na malakas ang kaba sa dibdib ni Esmeralda. Mahigpit siyang napakapit sa braso nito kahit na maayos na ang tayo niya. Naramdaman niya ang matipuno nitong braso. Nang tingalain niya ito ay natuklasan niyang nakatitig ito sa kanya. Ang kulay kape nitong mga mata ay parang nakakapaso. Akala niya ay hahalikhan siya nito nang bigla na lang siya nitong buhatin.

Nanlaki ang mata niya at muntik mabitawan ang hawak na payong. “Hoy! Anong ginagawa mo, Richard?”

“Pinoprotektahan ka. Doon tayo sa kubo magpapatila ng ulan,” anito sa matigas na boses.

“Pero sana kinausap mo ako nang maayos.”

“Kanina pa kita kinakausap nang maayos pero di ka nakikinig. Madidisgrasya ka na at lahat pero sigurado ako na magpipilit ka pa rin na makababa ng burol. Di ko nga alam kung ano ang ipinaglalaban mo.”

Pinagdikit ni Esmeralda ang mga labi. Wala kasi siyang laban dito. Alam niyang may mali siya. At di niya aaminin sa lalaki na mahina siya pagdating dito. Sobrang kahihiyan na ang pagkakadulas niya kanina at ang pagbuhat nito sa kanya ngayon na parang isang batang pasaway na kailangang sawatahin.

Sa pananahimik niya ay naramdaman niya ang pagdidikit ng kanilang katawan. Malamig ang paligid dahil nanunuot sa kapote nila ang lamig pero mistulang nagbabaga ang init ng mga katawan nila. Ang pagiging malamig niya ay pinapasinungalingan ng atraksyong nararamdaman niya dito.

“Pwede bang ibaba mo na lang ako? Kaya ko namang maglakad,” mahinahong tanong ni Esmeralda kay Richard.

“No. It is better this way. You won’t argue much.”

Matatag ang bawat hakbang nito at tuwid lang ang tingin sa dinadaanan nila. Hindi niya ito basta-basta matitibag.

“Mabigat ako. Baka mas lalo tayong madisgrasya.”

“Mas madidisgrasya tayo kung lagi kang kokontra. Pwede bang tiisin mo na lang na huwag makipag-argumento sa akin? It is just a few more steps and we are at the hut. Aalis na ako bukas, magtatalo pa ba tayo?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.