Loving The Man Without A Heart (Filipino) Chapter 21

Nahigit ni Esmeralda ang hininga at tinitigan si Richard. Binibigyan siya nito ng pagkakataon na maging isang tunay na babae. Hindi niya kailangang isipin ang responsibilidad kahit na sa ilang sandali lang.

Pero pwede ba niyang maranasan kahit ilang sandali ng kahibangan? Ilang sandali na maalala niya buong buhay niya kasama ang isang lalaki na nagpadama sa kanya bilang isang tunay na babae.

May tinig na nagbubulong sa kanya na dapat siyang lumayo. Tumakbo palayo kay Richard at suungin ang malakas na ulan. Subalit nanghihipnotismo ang mga mata ni Richard. Matang puno ng pangako. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Isang pagkakataon habang malakas pa ang buhos ng ulan. Ilang sandali na ibibigay niya para sa sarili niya. At kailangan niyang magdesisyon agad dahil mauubusan na sila ng panahon.

Nang tinawid niya ang pagitan nila ay sinalubong siya ng binata. Inangkin nila ang labi ng isa’t isa. Mistulang dalawa silang bato na pinagkiskis at ngayon ay nag-aalab. Wala na siyang madamang pag-aalinlangan.

Pakiramdam niya ay lumulutang siya. Na siya ay nabubuhay para lang sa mga halik nito. Napapikit siya nang saliksikin nito ang labi niya. Nabitiwan niya ang hawak at iniikid niya ang nanginginig na kamay sa leeg nito na nagsilbing buklod nilang dalawa. Wala silang pakialam sa totoong mundo dahil nakakulong sila sa sarili nilang daigdig. Na paraan lang para mabuhay ay ang kanilang pag-iisa.

Gumapang ang labi nito sa leeg niya at magaang kinagat ang puno ng tainga. Nahigit niya ang hininga at nanlaki ang mga mata. Hindi niya alam na ganoon siya kasensitibo. At sa bawat haplos ng binata sa kanya, sa dampi ng labi ay may natutuklasan din si Esmeralda sa sarili. Mas alam ng binata kung saan siya nakakadama ng higit na sensasyon.

Maya maya’y naramdaman niya ang pag-angat niya sa lupa. Kaipala’y binuhat siya nito. Subalit hindi nito hiniwalayan ang labi niya. Maingat siyang ibinaba ng lalaki sa papag. Nang tanggalin nito ang suot niya nasinagan niya ang pagnanasa sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay babaeng babae siya nang sambahin ng mga labi nito ang dibdib niya. At parang mababaliw siya nang maglaro ang labi nito pababa sa sentro ng katawan niya.

Nasabunutan niya ang lalaki. “Richard...” ungol ni Esmeralda sa pangalan nito. “Richard...”

Inangat nito ang ulo at nag-aalala siyang pinagmasdan. “Gusto mo bang tumigil ako?”

Gusto niyang patigilan ang binata dahil parang mababaliw na siya sa sensasyon. Pero natatakot din naman siya na tumigil ito.

Umiling lang siya at ngumiti. Gamit ang daliri nito ay tinantiya nito ang kahandaan niya. Ipinagpatuloy nito ang paglalaro sa katawan niya hanggang sa labis na sensasyon ay parang malalagutan siya ng hininga. Kinalimutan niya ang sarili at ang matibay na depensang binuo niya para sa sarili. Kinalimutan niya si Aiden at ang kasal nila. Ang tanging nasa sistema niya ay si Richard at ang sensasyong nararamdaman. Tanging nais niya ay manatili sa piling nito. Walang mahalaga kundi ang sandaling iyon at ang masidhing pangangailangan na tanging ang binata lang ang nakakapagpadama sa kanya.

Inangat ng binata ang sarili at hinubad ang natitirang damit. Ngayon ay nakita na niya ang kahubdan nito. Perpekto ito.

Muli nitong inangkin ang labi niya at naramdaman niya ang kahandaan nitong angkinin siya. “Esmeralda, are you sure about this? Do you really want this?”

Pinagala niya ang palad sa matipuno nitong dibdib. “Nagbabago na ba ang isip mo?” kinakabahan niyang tanong.

Inangat nito ang mukha niya hanggang ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kanya. “You don’t know how much I want you, Esmeralda. No doubt about it. But this is all about you. Ito ba talaga ang gusto mo.”

“Bibigyan kita ng pagkakataon na bumalik sa katinuan, Esmeralda,” bulong nito sa kanya at bahagyang inilayo ang sarili sa kanya. “There is no turning back from here on.”

Matapang niyang sinalubong ang mata nito at kinabig ang ulo nito para halikan. Handa na siya. Dahil kapag pinalampas niya ang pagkakataong ito, tuluyan nang nawala sa kanya ang pagkakataon na magdesisyon sa sarili niya at makadama ng kaligayahan kahit na pansamantala lang.

Nahigit niya ang hininga nang dahan-dahan siya nitong angkinin. Mistula itong magiting na mandirigma sa ibabaw niya. Matipuno ang pangangatawanan subalit nararamdaman niya na iniingatan siya nito. Nang bigla itong umulos ay napaigik siya sa pagguhit ng sakit.

Nagimbal ang binata. “Y-You are a virgin? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Mariin siyang pumikit dahil parang isang kahihiyan ang pagiging birhen niya. “Akala ko alam mo.”

“I-I... I didn’t know. Akala ko...”

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Iniisip nito marahil na naibigay na niya ang sarili kay Aiden. Kinintalan ni Richard ng halik ang mga mata niya. “I am sorry. I am sorry, Esmeralda,” sabi nito. “I will make it special and memorable for you. Sabihin mo lang sa akin kung nasasaktan kita.”

Muli itong gumalaw sa ibabaw niya. At habang umaalimpuyo ang ulan sa labas ay mistulang nakakapaso ang init sa loob ng kubo habang inaangkin siya ni Richard. Ito ang sandali na iingatan niya sa alaala niya. Naging malaya siya sa mga bisig nito. Sa lalaking pinili niya.

HABOL pa rin ni Esmeralda ang hininga nang kabigin ni Richard ang katawan niya pasandig sa katawan nito. Mainit ang dampi ng balat nito sa kanya habang animo’y droga na dumadaloy sa ugat niya ang sensasyon. Dama pa niya ang malakas na tibok ng puso ng binata sa likuran niya. Pumikit siya at nakiramdam. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat gawin o sabihin matapos ibigay ang sarili sa lalaki.

“Nasaktan ba kita?” tanong ng binata. “Galit ka ba sa akin?”

Naguguluhan niya itong nilingon. “Nagagalit ba sa iyo ang ibang babae pagkatapos ng...”

Umiling ito. “I always try my best to be the best lover. I make sure that my partner experience pleasure. Pero hindi ako sigurado pagdating sa iyo. Masyado ka kasing tahimik. I don’t know if I somehow failed you.”

Sa tono ng pananalita nito ay parang marami na itong karanasan pagdating sa ibang babae. Hindi siya komportable dapat na pag-usapan ang mga iyon peromasaya siyang malaman na binibigyan ng konsiderasyon ng lalaki kung anuman ang nararamdaman niya.

“H-Hindi ako nasaktan kung iyon ang inaaala mo.” Tama bang sabihin dito na pakiramdam niya ay lumulutang pa rin siya hanggang ngayon?

“Hindi ko lang inaasahan na ako ang unang lalaki sa buhay mo.”

“Mabait si Aiden pero...” Kinagat ni Esmeralda ang dila para pigilin ang sarili na sabihin Richard ang totoo. Na tinutulungan lang niya ang binata para makuha ang mana nito pero pinili niyang itago ang lihim na kasunduan nila ng binata. Nangako siya dito na hindi niya ipagsasabi sa iba. Kahit pa sa lalaking pinag-alayan niya ng sarili. “Ang ganda ng kuwintas mo,” puna niya sa pendant ng kuwintas nito para maiba ang usapan. Hinawakan ng dalaga ang bato na nasa loob ng isang kapsula na may butas. Mistulang may asul na ilaw iyon sa gitna ng dilim.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.