Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 10

NAPAKUNOT-NOO SI DWIGHT nang iabot sa kanya ni Jelma ang isang package. Nang tingnan niya ang mailing address kung saan nanggaling ang package ay nakita niya ang pangalang “Nikki Eusebio”. Muli siyang napakunot-noo nang mabasa ang pangalang iyon. Wala yata siyang kilalang may ganoong pangalan.

“Don’t worry, Sir. Na-check na po ‘yan ng guard sa baba. Hindi naman daw po harmful,” pagbibigay-alam sa kanya ni Jelma.

“Thank you, Jelma,” aniya rito.

“Welcome, Sir,” nakangiting sabi nito sa kanya bago ito lumabas ng opisina niya.

Curious na binuksan niya ang package at napakunot-noo siya ng makita ang isang notebook na mukhang diary. Hinalukay niya ang kanyang alaala kung may nakilala ba talaga siyang Nikki Eusebio dahil nagtataka siya kung bakit siya nito padadalhan ng isang diary—at diary pa yata nito?

Pero nang buklatin niya ang diary na iyon ay nasagot din ang katanungan niya ng makita niya ang pangalan niya sa unang pahina pa lang niyon at naaliw na siya ng mabasa ang mga katagang “I hate Dwight Hontiveros to the core!” lalo na ng makita niya ang pangalan at pirma ni Nicole sa ibaba ng unang diary entry nito.

Itinabi niya ang ilang papeles na dapat niyang basahin at pirmahan at inabala niya ang sarili sa pgababasa ng diary na iyon. Habang binabasa niya ang diary na iyon ay hindi iilang beses na napakunot-noo siya at napataas ang isang kilay nang mabasa ang tumataginting na mura ni Nicole na puro para sa kanya. Pero sa huli nitong mga sulat ay wala na siyang ibang ginawa kundi ngumiti. He was touched by Nicole’s love and how she managed to change for him.

Whoever was Nikki Eusebio, she surely wants something done—and that is for him to make Nicole happy.

Kumuha siya ng isang ball pen at bond paper mula sa drawer niya at sumulat doon. Pagkatapos ay isiningit niya ang sulat na iyon sa huling pahina ng diary. Nagtaka pa siya kung bakit naka-address sa isang “Maggie” ang huling entry ni Nicole na naging dahilan para makabuo siya ng isang plano.

Speaking of Nicole, excited na siyang makita ito mamaya kapag sinundo niya ito sa school nito. That’s right. Nicole is finally doing what she really wanted—aside from loving him, of course—and that was to design. Nag-enrol ito sa School of Fashion and the Arts at sinuportahan naman niya ito maging ng mga magulang nila. Iyon daw ang talagang gusto nitong gawin at proud siya dito dahil gagawin nito iyon para sa sarili.

Pero bago pa man niya sunduin si Nicole sa eskwelahan nito ay nais niyang makausap ang ilang tao na makakatulong sa plano niya. Kaya tinawagan niya ang mga magulang nila, ang papa ni Nicole, sina Enrique at Jullah at sina Charmaine at Brennan. Pagkatapos ay ang mga kaibigan naman niyang sina Calyx, Knight at Fryth ang tinawagan niya para ipakausap sa mga ito ang isang bagay.

“YOU HAVE THE HOTTEST BOYFRIEND!”

Napangisi lang si Nicole sa komentong iyon ng mga kaklase niya dahil dumating na ang sundo niya. There, standing right behind his red Ferrari in a three-piece business suit, was none other than Dwight Hontiveros looking as hot and insanely gorgeous as ever. Luckily, he’s hers.

Yeah. Mine. Her heart swelled with so much joy.

“It’s not about the looks, girls. It’s about loving with your heart,” nakangiting sabi niya sa mga ito.

“Ang cheesy!” tudyo sa kanya ni Carmel. Nginitian lang niya ito.

“Sige. See you tomorrow! I can’t keep my man waiting,” paalam niya sa mga ito saka niya nilapitan si Dwight at agad na hinalikan ito ng magaan sa mga labi. Excited siyang ipakita dito ang nagawa niyang designs para sa araw na iyon.

“What a great way to end the afternoon,” nakangiting sabi sa kanya ni Dwight ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Let’s head home. May mga magiging bisita ako ngayong hapon eh,” aniya rito saka siya sumakay sa loob ng kotse nito.

“Really? Sino?” tanong nito sa kanya ng pareho na silang nasa loob ng sasakyan nito.

“You’ll see. Daan din muna tayo sa Delight’s Cafe sa may Milandia, ha? May dadaanan akong cake do’n,” aniya rito.

“Bakit? Ano’ng mayro’n?” kunot-noong sabi nito. She reached for his nape and dragged his head down on her. She kissed his creased forehead. Natawa pa siya ng makita ang pagsimangot nito.

“Alam mo, ngayon lang kita nakitang naging cute,” natatawang sabi niya rito.

“Aren’t I cute?”

“No. You’re hot and gorgeous,” nakangiting sabi niya rito.

“Back at you,” masuyong sabi nito sa kanya na ikinakilig niya.

Nang makuha nila ang mga cakes na in-order niya sa Delight’s Cafe ay nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Dwight. Napangisi lang siya rito. Akala kasi nito’y isang cake lang ang kukunin niya roon. Pero hindi naman malalaking cakes ang dala nila. Medium-sized cakes lang ang mga iyon.

“You’re not missing something, Dwight. It’s just part of my plan,” aniya rito. Malalaman din nito ang plano niya pagdating nila sa bahay nila.

“What plan?”

“Just wait and see. Don’t worry. Kasama ka sa lahat ng plano ko,” aniya rito.

“Good,” anitong tila nakahinga na ng maluwag.

Pagkagaling nila sa Delight’s Cafe ay dumiretso na sila sa bahay na ilang minuto lang ang ibiniyahe nila ni Dwight dahil sa bilis ng Ferrari nito at dahil na rin walang traffic sa dinaanan nila. Nang makarating sila sa mansion ng mga Hontiveros ay napangiti siya ng makitang may ilang sasakyan na nakaparada sa front porch niyon. Sigurado siyang kompleto na ang mga taong inimbitahan niya sa loob.

Sinalubong naman sila ng mga kasambahay nila at kinuha sa kanila ni Dwight ang mga dala nilang cake. Pagkuwa’y magkahawak-kamay na pumasok sila ni Dwight sa loob ng bahay.

“Hi, guys!” masayang bati niya sa mga taong nasa loob. Iginala niya ang kanyang paningin at naroon ang mga taong gusto niyang makita at hingan ng tawad. Naroon ang Mama Freida at Tito Paul niya, ang Papa Beni at Tita Hanny niya, sina Enrique at Jullah, sina Brennan at Charmaine at si Zinia—she was so glad that she’s there.

“Thank you all for coming in such a short notice,” aniya sa mga ito.

“I guess these two is really working with each other silently,” narinig niyang makahulugang sabi ng Papa Beni niya.

“Ano ‘yon, ‘Pa?” curious na tanong niya rito dahil hindi niya maintindihan kung ano talaga ang gusto nitong sabihin.

“Nothing, baby. So, bakit mo naman kami pinatawag dito?” tanong na lang nito sa kanya. Nginitian niya ito at saka lumapit siya sa mga kasambahay nila na may dala ng kanyang mga cakes. Pagkuwa’y binigyan niya isa-isa ang mga taong naroon.

Pinasalamatan niya sina Brennan at Charmaine sa “naitulong” ng mga ito para magkaayos sila ni Dwight pagkuwa’y nilapitan naman niya si Zinia na tila hindi makapaniwala sa kabaitang ipinapakita niya sa ibang tao dahil sanay itong makita ang “bitch side” niya.

“Thank you for coming, Zinia. I know I’ve done you wrong and I’m terribly sorry. Don’t worry. I won’t get in your way from now on. I wish you love,” nakangiting sabi niya rito pagkatapos niyang bigyan ito ng cake.

“Is this some kind of a joke?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

“Have you heard me joke before?” sabi naman niya rito.

“This is friggin’ unbelievable!” bulalas nito. Napangisi siya ng maalala ang ginagawa sa kanya ni Dwight tuwing nagmumura siya. Sana ay may makagawa din niyon kay Zinia.

“Hi, Papa and Tita Hanny! Thank you for spoiling me. I know I’ve been hard on the both of you then, I’m sorry. I hope you’d understand,” paliwanag niya sa mag-asawa ng makalapit siya sa mga ito at bigyan ang mga ito ng cake.

“Of course, we understand, sweetie,” nakangiting sabi ng Tita Hanny niya.

“Basta ba makikipag-bonding ka na kay Andrew simula ngayon,” sabi naman ng papa niya.

“Sure! I’ll catch up with him, ‘Pa,” aniya sa mga ito saka niya niyakap ang dalawa. Pagkuwa’y si Jullah naman ang nilapitan niya at binigyan ito ng cake.

“I’m sorry, Jullah. Nasabi ko na sa’yo ang mga gusto kong sabihin sa’yo noon. It’s a catty talk, nonetheless, the thought was already there. I wish you all the best,” nakangiting sabi niya kay Jullah. At hindi iyon isang plastik na ngiti. Sinsero siya sa mga sinabi niya rito.

“Paano kung sabihin ko sa’yong mas gusto ko si Dwight kaysa sa cake na ito?” anito sa kanya.

“You have to fight me then,” sabi naman niya rito. Sa pagkakataong iyon ay nginitian siya nito.

Pagkatapos ay si Enrique naman ang nilapitan niya. Agad niyang niyakap ito dahil ngayon lang niya ito muling nakita. “I missed you, baby,” anito sa kanya.

“Hey! Don’t call her that!” sigaw dito ni Dwight na ikinatawa ng ibang taong naroon.

“I’m not talking to you, Dwight,” sagot naman dito ni Enrique pagkuwa’y bumaling ito sa kanya. “Are you happy with him? Parang pumayat ka yata ngayon. Hindi ka yata niya—“

“Shut up, Rique!” singit dito ni Dwight.

“I missed hearing that name from your lips, baby,” pang-aasar naman ni Enrique kay Dwight na ikinailing lang niya.

“Thank you for everything, Rique. And I really hope you’ll hit it off this time with Jullah. Please. It had been five years. Maituloy mo na sana ang propos—“ Hindi na niya naituloy pa ang iba pa niyang sasabihin dahil tinakpan na ni Enrique ang bibig niya.

“She meant Enrique’s supposed to be proposal to Jullah five years ago,” sabi ni Dwight na sa tingin niya’y ganti nito kay Enrique.

“Oh, man! You really are a couple now. I hate your tandem,” ani Enrique sa kanila ni Dwight. Kinuha nito ang cake sa kanya at walang anu-anong tinungo ang main door ng bahay. Nang sumulyap siya kay Jullah ay nakita niyang hinahabol nito ng tingin ang papalayong pigura ni Enrique. Napangiti siya. Alam niyang hindi magtatagal ay ang mga ito naman ang magkakaayos.

Ang huli niyang nilapitan ay ang mag-asawang Freida at Paul. Alam niyang malaki ang issue ng mga ito sa relasyon nila ni Dwight at gusto niyang maging maayos para sa mga ito ang lahat.

“Hi, you beautiful couple,” bati niya sa mga ito. Binigyan niya muna ng cake ang mga ito bago siya nagsalita. “I know that you don’t really agree on mine and Dwight’s relationship but I’m still hoping that you’ll change your mind. Please let us be and please be happy for us,” aniya sa mga ito.

“May magagawa pa ba kami? You already have his mother’s ring,” anang Tito Paul niya na ikinakunot-noo niya.

“Oh, this,” aniya ritong hinawakan ang kwintas na may pendant na singsing na nakasabit sa leeg niya.

“Tell me, kailan pa ‘yan ibinigay sa’yo ni Dwight?” tanong ng Tito Paul niya.

“Dad, don’t ruin everything,” saway ni Dwight sa daddy nito na ikinakunot-noo niya.

“He gave me this nine years ago. No’ng paalis siya papuntang States,” sagot niya sa Tito Paul niya.

“Noon pa?” hindi makapaniwalang sabi nito sa kanya pagkuwa’y bumaling ito sa mama niya. “What had we done, Freida?”

Bumuntong-hininga ang mama niya at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. “I’m so sorry, Nicole. We’re so sorry. It’s just...I thought it would look awkward for the four of us. But if that would make you happy, fine.”

“Finally! Papayag ka rin pala, pinahirapan mo pa ang anak natin dati,” komento na naman ng papa niya dito. Masamang tumingin dito ang mama niya.

“Okay, children. That’s enough,” awat niya sa mga ito. “Thank you, ‘Ma, Tito Paul. Nakakainis ang ginawa n’yo pero ang mahalaga ay kami na ni Dwight ngayon,” aniya sa mga ito para maging maayos na ang lahat.

Pagkuwa’y lumapit siya kay Dwight at ibinigay dito ang huling box ng cake. “Thank you. I’m sorry. And I love you,” masuyong sabi niya rito.

“I love you too,” anito sa kanya.

Four simple words—cliche as it seems—but it never fails to make every heart flutter.

NAGULAT SI NICOLE PAGPASOK niya sa kanyang kwarto at makita ang isang puting damit na nakalatag sa ibabaw ng kama niya. Kagagaling lang niya sa kanilang eskwelahan at nagtatampo siya kay Dwight dahil hindi siya nito sinundo sa hapong iyon. Inaasahan pa naman niya ito sa labas ng school nila kanina dahil may maganda siyang balita dito. Naging qualified siya sa isang fashion designing contest na sinalihan niya at siya ang magiging representative ng school nila para doon.

Mas ikinagulat niya ang makitang nakapatong sa ibabaw ng damit ang diary ni Maggie na matagal na niyang ipinadala sa address na ibinigay ng huli sa kanya noon.

Nagtataka siya kung paano ito napuntang muli doon. Kaya para matapos na ang kuryosidad niya’y dinampot niya ang diary. Ini-scan niya ang ang pahina niyon at nang makarating siya sa huling pahina niyon ay may nakita siyang isang bond paper na nakasingit doon.

It was a letter—or rather a diary entry—from Dwight addressed to her.

DEAR NICOLE,

Do you still remember the things we told each other in the airport nine years ago? And the necklace with my mother’s ring on it that I gave you then? I hope nasa’yo pa rin iyon at sana isinusuot mo pa rin iyon hanggang ngayon.

When my mother gave it to me, she told me—actually, “inutusan” yata ang right term sa mga sinabi niya sa’kin noon—that I gave the ring to the woman I wanted and needed to marry. So, when you accepted that ring nine years ago, you already said ‘yes’ to me.

You’re the one I wanted to marry because I love you. Pinaghiwalay man tayo noon, tayo pa rin naman ngayon at mas importante iyon. You’re the one I needed to marry because I’ll be damned if you won’t be my wife. The past nine years were already the damnest years of my life and I don’t need eternity to make it even more miserable.

So, in my truest words ever, PLEASE MARRY ME. If you ever said ‘yes’, wear that white dress and meet me at The Haven of Secrets tomorrow. See procedures below.

I love you. I hope that’s enough to convince you.

Only Yours,

Dwight

---

BAHAGYANG NAKARAMDAM ng pagkahilo si Nicole ng makababa siya ng helicopter na nagdala sa kanya sa The Haven of Secrets—na isang isla sa Marinduque ayon sa piloto—mula sa Maynila. Pero nang makita niya si Dwight na nakatayo sa medyo malayo sa may helipad ay gumaan ang pakiramdam niya. Napakagwapo nito sa suot nitong puting polo at beach pajamas na bumagay sa suot niyang puting dress.

“Hi, gorgeous!” nakangiting bati nito sa kanya bago siya nito lapitan at halikan sa pisngi. “Nahilo ka ba? I’m sorry,” agad nitong hingi ng paumanhin sa kanya.

“No. It’s okay. I’m going to be fine,” aniya rito dahil ang totoo’y nagiging maayos naman na talaga ang pakiramdam niya. Lalo pa’t sariwang hangin na ang nalalanghap niya.

“Okay. I guess putting a helipad here isn’t a great idea after all. Tama si Calyx. Anyway, pumasok na tayo sa loob ng villa ko,” yaya nito sa kanya. Pagkuwa’y iginiya siya nito papasok sa isang malaking bahay na naroon.

“Why ‘The Haven of Secrets’?” curious na tanong niya rito nang makapasok sila sa loob ng villa nito.

“Because my friends and I keep our little secrets here,” simpleng sabi nito habang iginigiya siya nito paakyat sa hagdanan doon patungo sa second wing ng bahay.

“What secrets? At sinong mga kaibigan?” tanong niya pa rin dito. Hindi siya sinagot ni Dwight hanggang sa tumapat sila sa isang pintuan.

“My friends Calyx, Knight and Fryth. About my secret? Here,” anito sa kanya pagkatapos ay binuksan nito ang pintuang iyon.

Tumambad sa kanya ang isang madilim na kwarto kung saan nakakalat ang mga painting canvass na may mukha niya na siyang tanging naiilawan doon. It was like she was in an art exhibit and she was the main theme.

“Who did this?” namamanghang tanong niya kay Dwight na nasa tabi lang niya at hawak ang kamay niya.

“I did. I’ve been painting for three years now, Nicole. Sa painting ko idinaan ang lahat ng galit at frustration ko sa mundo. But then, painting also knows my love for you,” anito sa kanya.

“Wow,” tanging sabi niya rito nang tingnan niyang mabuti ang ilang painting nito sa kanya doon. She felt tears well up in her eyes.

“I thought of the name ‘The Haven of Secrets’ for this island because Calyx, Knight, Fryth and I’s secrets lies here—and that is because we paint as a hobby, secretly. Though, Fryth is a professional painter. Hindi pa namin alam kung ano ang itinatago niya sa villa niya rito. The four of us first met in an exhibit in Paris. Simula noon, naging magkakaibigan na kami since pareho kaming mahilig magpinta. We all agreed that painting is somewhat our stress-reliever. Kaya kahit na magkakaiba kami ng propesyon ay nagkasundo pa rin kaming apat.”

“Nang tumagal ang pagkakaibigan namin ay nagsuhestiyon si Fryth na magkaroon kami ng isang lugar kung saan maaari kaming magpinta na kami lang ang nakakaalam at ‘yong walang makakaistorbo sa’min. Si Calyx ang nag-suggest ng islang ito dahil isa siyang detective at nang minsang magawi siya rito sa Marinduque para sa isang assignment ay nadiskubre niya ang islang ito. Binili naming ito agad dahil nalaman naming on sale na siya,” kwento sa kanya ni Dwight.

“Bakit hindi mo ito ilabas publicly? Siguro naman may kakilala kang curator—“

“It’s just a hobby, Nicole. And I just want to show my paintings to you. Only to you,” masuyong sabi sa kanya ni Dwight.

“Dwight, this is really...amazing. Thank you,” overwhelmed na sabi niya rito. Nginitian naman siya nito at saka nito hinalikan ang noo niya.

“Are you ready for the next surprise, princess?” nakangiting tanong nito sa kanya.

“Mayro’n pang iba?” gulat na tanong niya rito.

“Of course,” sabi lang nito sa kanya at iginiya siya palabas ng kwartong iyon hanggang sa makalabas sila sa main door ng villa nito kung saan siya ginulat ng malakas na hiyawan ng maraming taong naroon.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na naroon. Lahat ay nakasuot ng puti katulad nila ni Dwight. Mula sa main door ni Dwight hanggang sa beach front ng villa nito ay nakalatag ang puting carpet na may pinaghalo-halong puti at pulang rosas. Sa dulo ng carpet na iyon ay nakatayo ang mga magulang nila ni Dwight kasama ang isang lalaking nakasuot ng priest’s vest.

“Oh my gosh!” tanging namutawi sa kanyang mga labi saka niya tiningnan si Dwight.

“Happy wedding day, princess!” nakangiting sabi sa kanya ni Dwight. Iniumang nito sa kanya ang braso nito at kahit na nanginginig ang kamay niya ay hinawakan niya pa rin iyon.

They both walked slowly down the carpeted pathway. She was trying all her might not to cry but the moment was so surreal she couldn’t help it. Nagulat siya ng lumapit sa kanya si Charmaine at patungan siya nito ng belo samantalang si Jullah naman ang nagbigay sa kanya ng isang bouquet. Kapwa pinasalamatan niya ang dalawang babaeng ito.

“I hate you,” baling niya kay Dwight.

“That is not a very good thing to say in our wedding day,” ani Dwight sa kanya pero nakangiti naman ito.

“I wanted to plan my own wedding!” reklamo niya rito pero sa loob-loob niya’y masayang-masaya siya. Iilang lalaki lang ba ang magpaplano ng sarili nitong kasal?

“I’ll give you the prerogative to plan it next time,” anito sa kanya saka siya binigyan ng isang kindat.

“Why now?” tanong niya rito.

“Why not now?” balik-tanong naman nito sa kanya.

“Okay. Kailan mo plinano ang lahat ng ito?” tanong na lang niya rito.

“Five days ago. And I couldn’t have done it without the help of all the people here,” anito.

Napatigil siya sa paglalakad at humarap dito. “Thank you, Dwight,” aniya rito.

“You don’t have to thank me. I want to do this because I need to. Because I love you,” anito sa kanya.

Before they could even reach the altar—or the priest in that matter—she reached for him and kissed him full in the mouth. Not your ordinary wedding but who cares? It’s theirs anyways. She has the right to have an unexpected move. Their ‘I dos’ would just be a formality because their hearts are already intertwined and married.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.