Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 11

DEAREST MAGGIE,

Love slowly but understand quickly. Sometimes, everything is a battle between the heart and mind and most of the times, the heart wins. Hindi naman namin in-expect na mai-in love kami sa isa’t isa. Sino nga ba naman ang mag-e-expect sa love, ‘di ba? It would come when you least expect it. Sometimes, it would take you in a jet plane, fast. Other times, it would take you in an old train, slow. Kahit na alin pa sa dalawa ang sakyan mo, hindi mo pa rin mapipigilan ang sarili mo na magmahal. Love always persists.

Kami ngang dalawa inabot ng nine years para magkaroon ng happy ever after ang story namin. Importante ang pinagdaanan namin pero hindi naman iyon ang mahalaga ngayon, ang mahalaga ay magkasama na kami ngayon. With our very own happy ever after.

We hope you’ll find the guy who would change your mind. We hope he’d pursue you no matter what happens. And we hope you’ll love him too.

Signed,

Mr. And Mrs. Hontiveros

“Roller coaster ang love story nila. Sa una, mabilis, ‘tapos bumagal naman, ‘tapos bumilis ulit. Pero masaya ako dahil sa wakas, sila na talaga sa huli. Signed and sealed,” natutuwang sabi ni Maggie sa kanya matapos niyang basahin ang huling mensahe ng mag-asawang Hontiveros dito na inilagay ng mga ito sa isang puting papel.

Kasalukuyan silang nasa rest house niya sa Tagaytay kasama ang Yaya Loring nito. Isinama niya ito roon para naman maiba ang mga nakikita nito. Gusto niyang iparamdam dito na maaari naman itong maging normal. Gusto niyang iparamdam dito na may isang taong mag-aalaga dito maliban sa pamilya at kaibigan nito. Mabuti naman at pinayagan sila ng ama nito at maging ni Nikki. Ang baon nga nitong babasahin doon ay ang diary na bumalik dito mula kay Nicole na ikinatuwa nito.

“Gusto mo bang magkaroon ng sarili mong happy ever after, Maggie?” seryosong tanong niya rito na ikinatingin nito ng mataman sa kanya. Nginitian siya nito pagkuwa’y tumingin ito sa malayo.

“As much as I want to, I can’t,” anito.

“Hindi, Maggie. You could. Allow yourself to fall in love. Hindi mo ba naiisip na kaya isinusulat ng mga taong iyon ang mga diary entries na ‘yon ay para ma-inspire ka? Para ituro nila at ipaintindi sa’yo na worth it ang love? Tinulungan mo silang magkaroon ng happy ever after, bakit hindi mo tulungan ang sarili mo?” aniya rito. Matagal itong tumitig sa kanya na tila binabasa ang mga iniisip niya. Sana nga ay mabasa nito ang nasa isip niya. Gusto niyang mapuno si Maggie ng positibong pananaw at paniniwala dahil makakatulong iyon sa kondisyon nito.

“Paano ko malalaman na hindi awa at pagmamahal pala ang nararamdaman sa’kin ng lalaking ‘yon?” tanong nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero parang sa ‘kanya’ talaga nito tanong ang tanong na iyon.

“Iba ang lalaking naaawa sa lalaking nagmamahal sa’yo. A guy who pities you would see your frail body. A guy who loves you would see your vibrant smile and a chance of a happy ever after with you. Would you give yourself a chance in love, Maggie?”

“Only if that guy promised to always make me smile,” anito.

“I promise.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.