NAGISING SI NICOLE sa kiliti ng mga halik sa kanyang mukha. Alam niyang si Dwight iyon dahil naging pamilyar na sa ilong niya ang amoy nito. Napangiti siya sa kanyang sarili at wala siyang pakialam kung magmukha siyang timang sa harapan nito. It was a great way to start the morning. But no, he didn’t sleep there.
“Good morning, princess. Rise and shine! First day mo sa Prominence ngayon,” bungad sa kanya ni Dwight nang magmulat siya ng mga mata.
Sumulyap siya sa wall clock sa kwarto niya at napanganga siya dahil mag-a-alas-siete pa lang ng umaga. Kailan ba siya huling gumising ng ganoon kaaga?
“Aren’t I lucky? Ang boss ko pa ang mismong gumising sa’kin,” nakangising sabi niya rito. Bumangon siya at umupo sa kanyang kama at tiningnan si Dwight. He looks so normal in his sando and PJs which gave her access to admire his great physique.
“I feel lucky to have woken you up too,” ganti rin sa kanya ni Dwight.
“How did you become this friggin’ hot?” hindi makapaniwalang sabi niya rito. Pero sa halip na sagutin ang sinabi niya’y walang anu-anong hinalikan na lang siya nito.
“I think I would enjoy your swearing more,” nakangising sabi ni Dwight sa kanya ng maghiwalay ang mga labi nila.
“I did not swear! And I hate you! Hindi pa ako nagtu-toothbrush!” pairap na sabi niya rito.
“I don’t care. It doesn’t change the fact that you’re still kissable. And you did swear. You said ‘friggin’’,” sabi nito sa kanya. Siya naman ngayon ang humalik dito.
“Quits na tayo,” nakangising sabi niya rito.
“Okay, fine. Let’s go downstairs. I’m starving,” yaya nito sa kanya.
“Okay. Hold on a sec,” aniya rito saka siya tumakbo sa banyo niya. Mabilis siyang naghilamos at nag-toothbrush doon bago siya sumabay dito sa pagtungo sa kusina nila para sa kanilang agahan.
Nagulat pa siya ng wala ang ibang kasambahay nila na madalas ay nakapwesto sa kusinang iyon. Tanging sila lang ni Dwight ang naroon sa kusina ngayon.
“Nasaan sila?” tanong niya kay Dwight na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nila.
“They’re eating on their quarters,” simpleng sabi ni Dwight.
Inalalayan pa siya nitong umupo sa harap ng hapag. Iba’t ibang pagkain ang nasa harap nila ngayon na nakapagpagutom sa kanya. Hindi siya sanay na nag-aagahan pero mukhang dahil kay Dwight at dahil na rin magsisimula na siyang magtrabaho ngayon ay makakapag-agahan na siya araw-araw.
“This is such a come back to me on the breakfast table,” nakangiting sabi niya kay Dwight bago niya ininom ang kape na inabot sa kanya ni Dwight. Pagkuwa’y kumuha siya ng hotdog, bacon, ham at kanin at inilagay ang mga iyon sa plato niya.
“Kaya nag-prepare ako ng ganito para sa’yo dahil sinabi sa’kin nina Manang Laida na hindi ka raw talaga kumakain ng agahan. You always wake up at noon,” ani Dwight sa kanya na ikinagulat niya.
“Ikaw ang nag-prepare ng lahat ng ‘to?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.
“Yep. I’ve lived independently in the States for four years. ‘Tapos, pag-uwi ko naman dito ay kumuha ako ng sarili kong condo. Ako lahat ang gumagawa para sa sarili ko kaya natuto akong magluto, maglaba at maglinis ng bahay. It was a challenge but it’s fun,” paliwanag ni Dwight.
“Wow!” namamanghang sabi niya rito. Pero sa kabila niyon ay nanliit siya rito. He had improved for the past five years—or nine years—while she had been a bum.
“I’ll tell you one of my secrets when I close the deal with the Alonzos this week, princess. We’ll have a vacation next week,” nakangiting sabi ni Dwight. Nginitian niya ito pero hindi pa rin nawawala ang insecurity niya sa loob niya.
Right. Insecurity. Nakaramdam siya ng insecurity dahil pakiramdam niya’y hindi siya magandang kapares ni Dwight. He was responsible and successful now while she was just going to start life. He was now a self-made man while she was just bumming around all along.
Nakaka-bother ang insecurity na ito, sabi niya sa sarili.
“Hey, what’s wrong?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Dwight.
“Nothing. Naisip ko lang na kailangan ko na palang magseryoso sa buhay ngayon dahil hindi tayo magiging bagay kung forever bum at spoiled brat ako samantalang successful at responsable ka, ‘di ba?” aniya rito.
That’s the spirit, Nicole! pagtsi-cheer niya sa sarili. Hindi niya hahayaang mangibabaw ang insecurity niya. She was not a kick-ass gal for nothing.
“’Di ba napag-usapan na natin na wala na tayong pakialam sa sasabihin ng ibang tao? It’s just going to be the both of us, right? Itong trabaho mo, this isn’t for them, it’s for you. So, do it for yourself,” ani Dwight sa kanya.
“Yeah. I know,” nakangiting sabi niya rito.
PROMINENCE BUILDING. So far, so good ang first day ni Nicole sa Prominence. She toured and visited all the departments in the building with Dwight and his executive secretary Jelma. Hindi naman talaga siya ginawang “sekretarya” ni Dwight. Para lang siyang nag-intern sa opisina nito dahil doon siya nanatili buong maghapon. Hindi pa man natatapos ang isang araw ay marami na siyang natutuhan sa pamamalakad ni Dwight.
Ngayon naman ay tinutulungan niya itong mag-review ng proposal ng Prominence para sa mga Alonzo bukas na ipiprisinta nito sa bidding ng bagong proyekto ng mga Alonzo na isang village sa may Paranaque. Malaking account iyon para sa Prominence kaya gusto talaga iyong makuha ni Dwight. Iyon pala iyong pinagkakaabalahan nito sa buong linggo na iyon at nais niyang makatulong dito kaya nagprisinta siyang i-review ang proposal habang may ka-meeting ito sa loob ng conference room.
Lumipad ang tingin niya sa pintuan ng opisina ni Dwight ng marinig niyang bumukas iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng makita niya si Jullah doon.
“Oh, I didn’t know na may bago na pala kaming CEO dito,” bungad nito sa kanya.
“Hello to you too, Jullah,” sarkastikong sabi niya rito.
“Nasaan si Dwight?” tanong nito sa kanya matapos nitong maupo sa visitor’s chair sa harapan ng mesa ni Dwight.
“Nasa conference room,” kaswal na sabi niya rito.
“I see. Wala ba siyang iniwan para sa’kin?” tanong naman nito.
“Wala naman. Bakit? May kailangan ka bang kunin sa kanya?” kunot-noong tanong niya rito. Iniwasan niyang itaas ang isang kilay niya rito dahil gusto niyang maging “friendly” dito.
“The proposal for the Alonzo project that’s going to be presented tomorrow on the bidding,” anito sa kanya.
“Oh, this. Nire-review ko na,” aniya ritong itinaas ang folder na hawak.
“Oh. Do you know how to review a proposal?” she mockingly asked her. Doon na siya hindi nakapagpigil na taasan ito ng isang kilay.
“I’m not illiterate, Jullah. I’ve finished college and besides, I’ve had my internship here then,” sagot niya rito.
“Ah. Akala ko kasi puro partying at shopping lang ang alam mong gawin. Sorry,” sarkastikong sabi nito sa kanya. Sino ang gaganahan na makipagkaibigan dito kung ganoon ang pakikitungo nito sa kanya?
“Let’s get this over and done with, Jullah. Hindi ko inagaw sa’yo si Enrique noon. Hindi ko na kasalanan kung bigla ka na lang gumawa ng konklusyon sa isang pangyayaring hindi mo man lang inalam kung ano ang puno’t dulo. Enrique and I hadn’t had a relationship. Ang tanging naging relasyon lang namin sa isa’t isa ay pagkakaibigan,” dire-diretsong sabi niya rito pagkuwa’y bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita. “I’m sorry about your baby, Jullah. And please talk to Enrique about it. Hindi rin niya alam kung ano ang nangyari noon. It would be so much better kung mag-uusap kayong dalawa, kung magre-reconcile kayo katulad ng ginawa namin ni Dwight,” aniya rito.
“Oh, so you and Dwight were okay now,” tumatangong sabi nito.
“Yes. We’re good,” aniya rito.
“I see. But don’t keep your hopes up, Nicole. Hindi ibig sabihin na naging kayo na ni Dwight ay magiging maayos na ang lahat sa paligid n’yo,” sabi ni Jullah na hindi niya mawari kung pananakot o panghahamon ang nahimigan niya sa tono nito.
“What are you going to do? Ruin us? So, you fell in love with him, huh?” aniya rito. Her womanly—no, correct that—her girlfriend protective instincts rose high.
“Who wouldn’t be?” tanging sabi ni Jullah na nakapukaw sa inis na nararamdaman niya rito. Only this time, it was more intense.
“Sorry, but he’s mine,” mariing sabi niya rito.
“We’ll see about that,” nanghahamong sabi ni Jullah sa kanya na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
“Well, good luck on whatever you’re thinking, Jullah. Bitches don’t succeed,” aniya rito.
“Aren’t you one?” ganti nito sa kanya na mas ikinainis niya rito. Iyong inis na nararamdaman niya rito’y lampas na sa ulo niya.
“Among all of us, I’m the best and the lucky one,” sabi naman niya rito.
Tumawa ng pagak sa harapan niya bago ito tumayo at tiningnan siya habang nakapaskil pa rin ang nakakalokong ngiti nitong iyon sa mga labi. She wanted to wipe that grin on her face—no, she wanted to wipe her face off.
“Beware, Nicole. I used to win claw-fights then,” pananakot pa sa kanya ni Jullah.
“’Used to’. Sorry, babe. I always make sure that I win. And in case it still hasn’t sink in to you, I have Dwight,” nang-aasar na sabi niya rito.
“You have him now. But I’ll make sure that you won’t have him any longer,” banta pa nito sa kanya.
“Good luck then,” sarkastikong sabi niya rito.
“Thank you,” sarkastiko ring sagot nito bago ito lumabas ng opisina ni Dwight.
Naiinis na hinampas niya sa mesa ni Dwight ang folder na hawak niya. Gusto niyang matanggal na si Jullah sa Prominence ora mismo. Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan siya ng ganoon.
If you do that, you only gave her the satisfaction of scaring you. Bakit ka matatakot sa kanya gayong alam mong ikaw ang mahal ni Dwight? At natatandaan mo ba ang sinabi ni Dwight? It’s just going to be the both of you this time. Don’t ruin it. ‘Wag mong patulan si Jullah, paliwanag sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya kaya nakahinga siya ng maluwag.
Right. That is exactly what she’s going to do. Hindi siya dapat magpaapekto kay Jullah o sa kung anumang sinabi nito. She has Dwight. That’s all that should matter to her.
Kasunod ng isiping iyon ay isang plano na alam niyang makakapagpabago sa buhay niya. She would have a long way to go if she pursued that but at least, she’s going to be successful and right for Dwight. She would gladly take the risk.
HININTAY TALAGA NI DWIGHT ang paglabas ni Jullah sa loob ng opisina niya. Narinig niya ang mga sinabi nito kay Nicole kanina at alam niyang ni isa sa mga iyon ay hindi totoo. Matagal na niyang kilala si Jullah at madalas ay pinangungunahan ito ng inis at galit kaya hindi ito nakakapag-isip ng maayos bago gumawa o magsalita tungkol sa isang bagay.
“Jullah,” tawag niya rito nang makalabas ito ng opisina niya.
“Oh, hi, Dwight! How was your meeting?” nakangiting tanong nito sa kanya.
“Revenge won’t do you good, Jullah. I heard everything you said to Nicole. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero wala siyang kasalanan. Kapag dumating si Enrique, mag-usap kayong dalawa para maliwanagan kayo pareho. Katulad nang nangyari sa’min ni Nicole. May mga bagay na kailangan mong malaman,” paliwanag niya rito.
“Sometimes, what happened to one couple can’t happen to the other,” makahulugang sabi nito sa kanya.
“Unless that couple won’t try,” sabi naman niya rito.
“I told him I loved you, Dwight,” pag-amin nito sa kanya. Pero naiintindihan niya kung bakit nito iyon ginawa dahil ganoon din ang ginawa sa kanya ni Nicole noong isang gabi.
“So, he’s been reaching out for you. Sacrifice your pride, Jullah. Hindi mo kailangan ‘yon sa kaso n’yo ni Enrique. Trust me,” aniya rito.
“I don’t know. I guess I’m not ready to face him yet,” sabi naman nito.
“Then, be ready. You’ve been hurting for five years now. Ayaw mo bang matapos na ang paghihirap mo? You deserve to be happy, Jullah. Give that to yourself,” aniya rito saka iniwan ito sa labas at pumasok siya sa loob ng opisina niya.
She found Nicole bowed down on a folder and he found himself smiling at the scene. He would be glad to come home to her everyday.
DEAR MAGGIE,
This is going to be the last time that I’m going to write in your diary. Puno na kasi. Thank you so much for giving me this. Alam ko, puro mura ang natanggap sa’kin ng diary na ito noong una. But just so you know, this diary had been my best-best friend since last year. Hindi pa kita napapasalamatan noon sa pakikinig sa drama ko, so, thank you from the bottom of my crazy and sensitive heart.
I know that you’re going through a lot now. Don’t stress yourself out. ‘Wag mo ring itaboy ang kung anumang “pag-ibig” na darating. Because I’ll tell you, love is the most difficult thing in the world but it’s the only thing that could make people the happiest. And I want you to be happy like I am, because of love. I want you to experience the perks of being in love so don’t push it away. Please. O, ‘ayan ha. Nakiusap na ako sa’yo.
When you find the right man for you, don’t hold back but please don’t be stubborn and sensitive like I did. Alam kong madaling sabihin pero mahirap gawin, pero katulad ng sinabi ko dito sa mga huling entry ko, love is worth fighting for. Maraming mangyayaring pagsubok sa inyo pero ‘wag na ‘wag kang susuko. Because at the end of the day, it’s just going to be you and the man you love loving each other.
What I really want to say is, love changes people. And I based that from experience. From being a brat to being responsible to being a bitch to being a struggler to being responsible again. You see, love will change you without you even knowing it. Palagi kong sinasabi na galit ako kay Dwight, na naiinis ako sa kanya, na never ko na siyang papansinin, na hinding-hindi ako makikipag-usap sa kanya, ‘di ba? Pero tingnan mo kung ano ang nangyari ngayon. Okay na kaming dalawa. No, actually, we’re more than okay.
Sometimes, when you hope for love to take over, it won’t and when you least expect it, it would. Love surprises people. And I hope that it would surprise you too. Another tip, when love works its ways on you, don’t let your insecurity have its way on you. Why am I saying this? Because...Because I’m feeling so damn insecure right now and I don’t know how to handle it.
Alam kong dapat ay hindi ako ma-insecure kay Dwight o kay Jullah pero ramdam na ramdam ko. Insecurity is creeping on my system and I hate it. I wanted to be the best woman for Dwight. I wanted him to be proud of me. Gusto kong kapag naging public na ang relasyon naming dalawa, hindi ko siya maipapahiya. Yeah. You can say that I’m blaming myself for being a bum these past years. Naiinis ako sa pagiging childish ko na hindi ko naman pala dapat ginawa. I hate coping up with Dwight. Malayo pa ang tatakbuhin ko para maabutah siya. Pero gagawin ko ang lahat para maging proud siya sa’kin at walang masabi ang ibang tao sa relasyon namin. As for Jullah, naiinggit ako sa kanya kasi successful siya. I know that I have Dwight, but I have this irritating and nagging feeling that Jullah is best for him. Bagay sila, kumbaga.
But hey, I’m not saying that I would give Dwight to her. No fucking way! (Give me that last swear, Maggie.) I won’t let any other woman have Dwight. Ako lang. So, I would fight this insecurity. Besides, our love is still stronger than that feeling.
Okay. Sorry for that last straw, Maggie. Just bear with me. But, everything’s going to be fine. Dwight and I would have our happy ending soon and we’ll visit you when that happens. Fight, okay? : )
Yours,
Nicole