Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 12

“WHAT THE HELL?” bulalas ni Darcangelo pagpasok niya sa loob ng lugar na kinalakhan niya. Pagkapasok pa lang niya ay may isang dosenang baril na nakatutok sa kanya. Awtomatiko niyang itinaas ang dalawang baril na hawak niya. Pagkuwa’y narinig niya ang isang malakas na tawa mula sa gitnang bahagi ng warehouse.

It’s Walter Thermopolis—the ever greedy, ever evil, ever bloodthirsty leader of the Rogue—a group of trained assassins-slash-mercenaries where both he and Professor works for which was based on Vancouver. Pero hindi lang sa Vancouver ang operasyon ng Rogue kundi sa buong mundo kaya kung saan-saang lugar din siya nakakapunta.

“Welcome home, X,” bungad sa kanya ni Walter na tinawag siya sa codename niya. “I’m so sorry about what happened to Professor. He didn’t answer my question and you know the rules. Kill those who disobey. Kill those who keep secrets. Kill those who want an out. I heard that Old Professor here wants an out and I can’t let that happen. He’s an asset to our little company. But then, I’ve offered him a deal and he refused that’s why he’s lying there now. Poor Professor. I thought he was smart but he’s not smart enough to mess with me,” ani Walter.

Nang makita niya ang nakahandusay na katawan ni Professor sa sahig at duguan ay napahigpit ang hawak niya sa dalawang baril sa kamay niya. Alam niyang matagal nang gustong tumiwalag sa grupo ni Professor—dahil kahit siya ay pinipilit din nito—pero sa kanila lang nina Tanya at Cross nito sinabi ang kagustuhan nitong iyon. Sino naman kaya sa dalawa ang nag-traidor sa kanila?

Hindi niya alam kung buhay pa si Professor pero hinihiling niyang sana’y buhay pa ito. Wala siyang ibang gustong gawin sa mga oras na iyon kundi pumatay pa ng tao. Kagagaling lang niya sa isang misyon at marami na naman ang napatay niya. Ano pa ba ang isang dosena o higit pa sa kanya?

“What do you want, Walter?” tanong niya rito.

“The chip that contains the list of our clients and the people we’ve killed,” seryosong saad ni Walter.

The Black Chip! hiyaw ng isipan niya. Kapag naipasakamay iyon ng mga awtoridad ay katapusan na ng Rogue. Pero hindi niya alam kung nasaan iyon.

“Don’t you have a copy of that? And since you killed Professor, how will you find it now?” aniya rito.

“Don’t play smart-ass with me, X. I know you have it,” ani Walter sa kanya.

“You know that I don’t lie. My work is just to kill and not to keep files or chips, remember?” sarkastikong sabi niya rito.

“I know Professor entrusted the chip to you. It’s been a long night and I know that you’re tired from your last mission. Will you give it to me now so we could all have a good night’s sleep? Or else, you’ll end up dead like Professor,” banta ni Walter. Para namang ikakatakot niya iyon.

He’s X—an assassin-slash-mercenary who’s meant to kill and to deliver. Wala siyang kinatatakutan. Wala siyang nararamdamang emosyon. Kung naniniwala lang siya sa paranormal, iisipin niyang wala na siyang kaluluwa.

“What made you think I have it?” tanong niya rito.

“Because you’re the closest to him. He’ll definitely won’t entrust it with Tanya or Cross,” ani Walter. Tama naman ang sinabi nito pero baka hindi rin siya pinagkakatiwalaan ng malaki ni Professor dahil hindi nito sinabi sa kanya kung nasaan ang chip.

“Believe me or not, I don’t.”

“I really don’t want to do this but—“ bago pa man matapos ang litanya ni Walter ay binaril na niya ito. Damn, but he missed his heart. Nagsimula na rin kasing magpaulan ng bala ang mga tauhan nito.

Tumakbo siya palabas ng warehouse at sumakay sa black Triumph Tiger 800 XC ABS niya at mabilis iyong pinasibad palayo sa lugar na iyon. Ngunit agad naman siyang nasundan ng mga sasakyan ng mga tauhan ni Walter. Dalawa lang ang nakasunod sa kanya kaya alam niyang ang isa’y naiwan kay Walter para itakbo ito sa ospital. Hindi katulad nila at ng mga tauhan nito, maaaring pumunta sa ospital si Walter.

Walter’s men kept on raining fires at him. Pero alam niyang hindi mga trained assassins ang mga ito. They’re missing the points. Napamura siya ng may balang dumaplis sa balikat niya at isa pa sa isang braso niya. Maybe he underestimated these guys. Ngunit hindi niya ininda ang sakit na dulot ng mga balang iyon sa kanya. Sanay na siyang mabaril. Mas okay na iyon kaysa naman mamatay siya.

Kaya ayaw man niyang magasgasan ang Triumph niya ay binitiwan pa rin niya iyon at tumalon sa may damuhan na nadaanan niya. Narinig niya ang tunog ng init ng pagkiskis ng mga gulong ng dalawang sasakyan sa kalsada dahil sa biglaang pagpreno ng mga ito. Sa oras na lumapat ang katawan niya sa damuhan ay agad siyang gumulong at kumuha ng dalawang granada sa backpack na dala niya. Pagkuwa’y tinanggal niya ang lid ng dalawa at agad na tinapon iyon sa dalawang sasakyan saka siya tumakbo palayo sa lugar na iyon bago pa man sumabog ang mga iyon.

I’m sorry, Baby D. You’re a good sacrifice though, aniya sa Triumph niya na alam niyang nadamay din sa pagsabog na iyon.

“Have a good trip to hell, assholes!” hiyaw niya sa mga tauhan ni Walter na namatay sa pagsabog. Their lives should be enough to pay for what happened to his baby. Pagkuwa’y tumakbo siya sa direksyon patungo sa warehouse nila para balikan ang Professor na hinihiling niyang sana’y buhay pa ngayon.

Nang makabalik siya sa warehouse ay wala na roon sina Walter. Tumakbo siya palapit sa nakahandusay na katawan ni Professor. Tiningnan niya ang pulso nito sa leeg at nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang may pintig pa iyon.

“Professor,” untag niya rito. Tinulungan niya itong makatayo kahit paupo lang. Pinatay niya si Walter at ang mga tauhan nito sa mura dahil sa nangyari sa tanging taong totoo sa kanya. Utang niya ang buhay niya rito. Utang niya ang kalayaan niya rito. Ito ang nagbigay sa kanya ng pamilya. Kaya isinusumpa niyang gaganti siya kina Walter. He’ll wipe the whole Rogue off.

“Darcangelo,” sambit nito sa tunay na pangalan niya habang nakapikit. Ito lang ang may alam kung ano ang nakaraan niya at kung sino talaga siya. “Patawarin mo ako na binigyan kita ng ganitong buhay. Hindi ito ang dapat na buhay mo. You deserve a normal life but—“

“Prof, ‘wag ka nang magsalita. Dadalhin kita sa ospital ngayon. Just hold on,” aniya rito. Bubuhatin na sana niya ito pero pinigilan siya nito.

“I can’t hold on much longer, Darcangelo. I want you to promise me something,” anito sa kanya habang mahigpit na hawak ang isang kamay niya. Noon lang ito nagmulat ng mga mata at alam niyang nahihirapan na talaga ito. “Take care and protect my daughter. May journal akong isinulat para sa kanya na nasa drawer ng table ko. Ibigay mo ‘yon sa kanya. Guard it with your life. And please, start a new life,” paliwanag nito sa kanya.

“Sige. Pero dadalhin muna kita sa—“

“Tell her I love her. Tell her I loved Sylvia. Promise me you’ll take care of her and protect her with all your life, Darcangelo,” ani Professor sa mahinang boses.

“I promise, Colin. I promise,” pangako niya rito na binanggit ang totoo nitong pangalan.

“Good. ‘Cause I know you don’t break promises,” nakangiting sabi nito sa kanya bago nito ipinikit ang mga mata at nalagutan ng hininga.

And for the first time in many years, he cried hard.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.