Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 17

MAAGANG NAGISING SI DARCANGELO dahil mababaw lang din naman ang pagkakatulog niya. He groaned when he saw his hard-on and looking at the other side of his bed didn’t really help him since it’s where he saw Kareene fully naked. Dahil dito kaya hindi siya nakatulog ng maayos. It was the first time that he’d been in a roof with a girl but he couldn’t even touch her.

She wasn’t the sexiest woman he’d ever laid his eyes on but there was something about her that makes her the very first one on his list when he thinks of sex and the things related to it. Mabilis ang mga mata niya kaya mabilis din niyang natingnan ang buong katawan nito kagabi bago pa man nito iyon matabunan ng tuwalya. She’s got glory in all the right places. At pagdating kay Kareene, karamihan sa sinasabi niya tungkol dito ay hindi totoo. Damn, the woman can make him go hard even with her clothes on.

Tinampal niya ang magkabilang pisngi niya at nagtungo sa banyo. He needed to jack it off. Pagkatapos niyang ayusin ang ‘problema’ niya ay lumabas siya ng banyo at kinuha ang kanyang cell phone sa loob ng ever-reliable backpack niya. Kinuha niya rin ang usb device na palagi niyang ginagamit para i-tamper ang tracking system ng mga taong tatawagan niya. Pagkuwa’y i-d-in-ial niya ang numero ni River Eduque.

“Hello?” sagot ni River sa tawag niya matapos ang ilang ring at katulad niya’y mukhang kagigising lang din nito.

“It’s X,” aniya rito.

Nagkakilala sila ni River dahil iniligtas niya ito isang gabi na muntik na itong mamatay sa kamay ng mga tauhan ng isang senador na iniimbestigahan nito noon. Nagkataong dumaan siya sa lugar na kinaroroonan nito at may tama ito sa tagiliran habang nakakubli sa gilid ng sasakyan nito. Hindi siya nagdalawang-isip na barilin ang mga taong nagpapaulan ng bala dito. Kailanman ay ayaw niyang may nakikita siyang naaagrabyado kaya tinulungan niya ito.

“Ano’ng kailangan mo?” tanong nito sa kabilang linya.

“Kasama ko si Kareene Monzales ngayon. Gusto kong ipaalam mo sa boss niya at sa kaibigan niyang si Sam Agoncillo na nasa maayos siyang kalagayan. Ibabalik ko siya sa Maynila kapag nasigurado ko na ang kaligtasan niya. Siguro naman ay gagawin mo ang lahat para madakip at maipakulong ang mga tauhan ni Congressman Go na nasa labas pa, ‘di ba? By the way, I’ve killed some of his men last night,” dire-diretsong sabi niya kay River.

“Paano napunta sa’yo si Kareene?” nagtatakang tanong nito sa kanya.

“Sabihin na lang natin na sa’kin siya ipinagkatiwala ng isang taong malaki ang pagmamahal sa kanya,” simpleng paliwanag niya rito. Natawa siya sa sarili niya dahil nagawa niyang sambitin ang salitang ‘pagmamahal’ gayong hindi nga niya alam ang ibig sabihin niyon.

“X, I know what you are,” ani River.

“Oh, really? Hindi naman pala ako nagkamali sa pagliligtas sa’yo noon. That makes you a great agent,” aniya rito.

“I think mas mabuti kung ibabalik mo na dito si Kareene para maprotektahan namin siya ng maayos,” sabi pa ni River. He smirked at the thought.

“Really? Nasaan kayo kagabi?” nanunuyang tanong niya rito.

“Alam mong hindi lang siya ang iniintindi namin,” katwiran naman ni River sa kanya.

“And that’s exactly the bottomline of this conversation. My sole mission is to protect her and keep her safe. That alone. Kaya mapanatag ang loob n’yo na babalik siya sa Maynila ng buhay at walang gasgas. Besides, sigurado akong hahabulin ka rin ng mga tauhan ni Go dahil ikaw ang nag-imbestiga sa kanila. Hindi ka rin ligtas,” seryosong sabi niya rito.

Napabuntong-hininga ito dahil sa sinabi niya. “Mamamatay-tao ka, X. Kahit kailan ay hindi ka ligtas at ibig sabihin no’n, hindi rin ligtas sa’yo si Kareene,” sagot naman sa kanya ni River.

“Since you already know the nature of what I do, hindi pa ba sapat na kaalaman sa’yo na buhay pa rin siya ngayon? Kung gusto ko siyang patayin, matagal ko nang ginawa ‘yon,” malamig na sabi niya rito.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni River sa kabilang linya. “Gusto ko siyang makausap,” anito.

“Sandali lang. Just so you know, hindi makakatulong sa kanya kung malalaman niya kung ano ako,” aniya rito. Hindi kailangang malaman ni Kareene kung sino siya. Kapag natapos na ang kaguluhan at panganib sa buhay nito ay hindi na siya nito makikita kahit kailan. Babantayan na lang niya ito sa malayo.

What if nakalagay pala sa diary ni Professor kung ano ka? anang isang bahagi ng isipan niya.

He wouldn’t scare his daughter off, sagot naman niya sa sarili.

“Mas maganda kung sasabihin ko sa kanya kung ano ka,” ani River.

“Sige. Kung tumakbo man siya palayo dito, wala rin naman siyang ibang pupuntahan maliban sa mga buwaya para humingi ng tulong. So, do her a favor and shut up,” malamig na sabi niya rito. Huminga siya ng malalim saka siya lumabas ng kanyang kwarto at dumiretso sa kwarto ni Kareene. “Hey, may gustong kumausap sa’yo,” tawag niya kay Kareene sa loob habang kumakatok siya sa pintuan nito. Hindi siya tumigil sa pagkatok hanggang sa bumukas ang pintuan at lumabas doon ang pupungas-pungas na si Kareene.

Suot pa rin nito ang mga damit niya. Isipin pa lang niya na suot nito ang brief niya ay naramdaman na niya ang pagsikip ng suot niyang short. It’s going to be better if it’s not his briefs against her—shit, Darc! She’s a hands-off matter, remember? He groaned. He needed to think of the irritating Minions singing and vomits to stop him from hardening.

“Sino ‘yan?” tanong sa kanya ni Kareene.

“River,” simpleng sabi niya rito saka iniabot dito ang telepono at tinalikuran ito.

“Hey, River!” bati nito sa kabilang linya. “Yeah. Okay lang ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung nasaan kami. Please do everything para makulong ang mga taong ‘yon. Aasahan ko ‘yon, Riv. Uh-huh. Uh-huh. Uh-huh. Hmmm. Yeah. Hmmm. Yes, yes.”

Damn it! Ano bang pinag-uusapan nito at ng lalaking ‘yon? She’s not really helping me. At all. Bakit kasi kailangang babae pa ang maging anak ni Colin?

“Yep. I’ll fry his eggs if that happens. Salamat, River. Fine. I’ll be safe for you,” sabi ni Kareene na ikinakunot-noo niya pagkuwa’y tumawa pa ito. Nang gumawi ang tingin nito sa kanya ay tumikhim siya at inilahad niya ang kanyang kamay rito para kunin ang cell phone niya. “Yeah. Bye, River. Kakausapin ka daw niya,” ani Kareene pagkatapos ay ibinalik na nito sa kanya ang phone.

“Siguraduhin mo na maayos ang kalagayan ni Kareene pagkatapos ng lahat ng ito. Kung hindi, hahanapin kita at papatayin kita. Quits na tayo dahil hindi ko sinabi sa kanya kung ano ka,” seryosong sabi sa kanya River.

“Gee, thanks,” sarkastikong sabi niya rito saka niya pinutol ang tawag. Binalingan niya si Kareene. “Magluto ka na ng agahan natin sa baba. Bilis,” utos niya rito na ikinalaki ng mga mata nito.

“Hindi ba pwedeng matulog pa tayo kahit dalawang oras pa?” anito sa kanya.

“Jeez, babe. You really want me that bad, huh?”

Kitang-kita niya ang pagbugso ng inis sa mga mata nito na ikina-amuse niya. “Shit ka!” sigaw nito sa kanya saka ito mabilis na pumasok sa loob ng kwarto at padabog na sinara ang pinto sa kanya.

“Good morning to you too,” sarkastikong sabi niya rito bago siya bumalik sa kwarto niya. For the second time around that morning, he needed to take care of his ‘growing problem’. Jeez, how many times would Kareene turn him on today?

“PAANO MO NAKILALA SI RIVER?” tanong ni Kareene kay X matapos nilang kumain ng agahan. Marami itong stocks ng pagkain at iniisip na niyang dito ito madalas mamalagi kaya ganoon. Pero ang gusto niyang mangyari ngayon ay makapag-usap sila ng maayos dahil napapagod na siyang manghula sa kung sino ba talaga ito. Siguro ay iyon ang rason kung bakit gusto niyang mapalapit dito. Curious siya rito at gusto niyang makilala kung sino talaga ito.

“During his near-to-death experience,” simpleng sabi nito sa kanya. Pagkuwa’y iniwan siya nito sa dining.

“Mag-usap nga tayo ng maayos, X!” sigaw niya rito pero hindi siya nito pinansin. Dire-diretso ang ginawa nitong pag-akyat sa kwarto nito. “Nakakainis na talaga siya!”

Iniligpit niya ang pinagkainan nilang dalawa at hinugasan iyon. Saktong pagkatapos niya ay bumalik doon si X sukbit ang backpack nito at may ipinatong itong parang notebook sa dining table.

“Basahin mo ‘to. Nasa labas lang ako,” sabi nito sa kanya.

“No. Kailangan nating mag-usap ng masinsinan,” mariing sabi niya rito.

“Basahin mo ang journal. Baka masagot niyan ang mga katanungan mo,” anito.

“Baka?”

“Yes.”

“Ayoko ng ‘baka’ lang. Ano ’yong tungkol sa near-to-death experience ni River?” tanong niya rito.

“You really don’t want to hear something good about me.”

“Ano?”

“I don’t want you love-ogling me.”

“Letse ka! Alis!” inis na sigaw niya rito na ipinagkibit-balikat lang nito. Pagkuwa’y nawala na naman ito sa paningin niya. Kailan ba niya ito makakausap ng maayos? She needed answers.

Bumuntong-hininga siya bago dinampot ang kulay brown na journal sa dining table. Pagkuwa’y pumwesto siya sa may malaking bintana sa gitna ng bahay kung saan may mahabang sofa. Nakatapat ang bintanang iyon sa may dagat. Her mother always wanted to have something like that. It’s a perfect spot to read and her mother loved to read.

Nang buksan niya ang journal ay napigil niya ang kanyang hininga ng mabasa ang mga katagang “To my daughter Kareene”. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung kanino ang journal na iyon. Pero ang tanong na naglaro sa isip niya ay paano napunta iyon kay X at kung ano ang kinalaman ni X sa kanyang ama?

Well, there’s only one way to find out, K.

HELLO KAREENE. ALAM KONG HINDI sinabi sa’yo ng mama mo ang tungkol sa’kin. For all I know, sinabi niya sa’yong patay na ako. But I’ve existed longer than you know. Kailangan ko lang kayong iwang mag-ina para sa sarili n’yong kaligtasan. Sa trabahong mayroon ako, hindi ‘advisable’ na magkaroon kami ng isang pamilya. I work for Rogue, K. It’s a group of assassins/mercenaries trained to kill people. I trained some of them and I make gadgets for them too. You see, it’s not safe for me to keep you and your mother. That’s why I have to stay away from you. Mas makabubuti sa inyong dalawa na hindi maugnay sa’kin. Kapag nalaman nila ang tungkol sa inyong dalawa, baka kung anong mangyari. Worst, baka patayin nila kayo. I know that this isn’t the best explanation but I hope you’d understand. Binalik-balikan ko kayo noon sa Pilipinas para makakuha ng updates sa inyo.

God knows how much it pains me to see you then but I couldn’t even come near you, whenever I see your pictures on Facebook and all I can just do is touch your face in the computer monitor screen. Only God knows how much it kills me inside not to see you, to hug you or even to hear your voice. I’m so sorry if I didn’t make it to your every birthday. I’m sorry if I can’t be with you during the most special and important days of your life. I’m so sorry that I wasn’t there with you when your mother died. But please know that I’m with you in mind, heart and soul, K.

You’re free to judge me, criticize me or condemn me. It’s all right. I think I deserve that for not being a good father to you. But believe me that I only want you and your mother safe. You don’t deserve a life full of hiding, killings and evil. You deserve a normal life and I’m so glad that you’re experiencing a life you deserve.

By the time that you’re reading this diary, I’m already off to a better place. I do hope that it’s not hell though. And since you’re reading this diary, hindi ko na mumultuhin si Darcangelo dahil naibigay niya ito sa’yo. I want you to know that you have your own villa in an island in Palawan. Sana ay madala ka rin doon ni Darc. It was your mother’s dream house. Iyon nga lang, hindi na niya makikita ang bahay na ‘yon ngayon. Pero sana ay magustuhan mo ang villa na ‘yon. I’ve also left you some money so please ask Darc about it. It is for you and for your mother.

Anyways, hindi ko pa pala nasasabi sa’yo ang pangalan ko. I’m Colin Montgomery. Half-Filipino and half-American. I met your mother when I once had a vacation in the Philippines and I rented a car in the company where your mother worked then. Siya ang nakausap ko sa car rental at sa unang pagkakita ko pa lang sa kanya ay pakiramdam ko’y tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Forgive your father for being corny but it’s the truth. What we had was a whirlwind romance but I loved your mother with all my heart. It just sucked that I can’t be with both of you longer. I’d wish to stay with you but I can’t. It would mean your lives and I don’t want to take a risk.

I might not be the best father you could ever have but I love you, Kareene. I love you.

Your father,

Colin

Pagkatapos mabasa ni Kareene ang sulat na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na umiyak. All these years, ang buong akala niya’y patay na ang kanyang ama dahil iyon ang sinabi ng mama niya sa kanya. Pero nagdulot pa ng mas masakit na sugat sa kanya iyong kaalamang buhay pa pala ito pero hindi man lang ito gumawa ng paraan para magpakita sa kanya. Naiintindihan niya iyong parteng kasali ito sa grupo ng mga mamamatay tao pero may paraan naman siguro para magkita silang dalawa. How she longed for a father’s love. He should have called her.

Tumingin siya sa kanyang paligid. This house is hers. Her father built it for her and her mother. Pero sino ang a-appreciate noon ngayon kundi siya lang.

K, he saved you. He sacrificed being with you for your safety, anang isang bahagi ng isipan niya.

Sa isiping iyon ay mas naluha pa siya. Pero hindi pa rin niya itinigil ang pagbabasa sa journal. Gusto niyang malaman kung ano pa ang nilalaman niyon. Pero nang maalala niya ang nilalaman ng unang sulat ay nanlaki ang mga mata niya. X—or Darcangelo—is an assassin!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.