ITINIGIL NI DARCANGELO ANG pagputok ng baril nang makita niyang lumabas ng bahay si Kareene. Suot pa rin nito ang boxer short at t-shirt niya na malaki dito kaya nagmukhang dress na nito iyon. She might really be the best tease in the world if she wants to. Pero napansin din niya ang pamamaga ng mga mata nito at mukhang marami itong iniyak dahil sa journal ni Professor.
“Kailan pa namatay ang tatay ko? Bakit ngayon mo lang ibinigay sa’kin ang journal niya?” sabi ni Kareene ng lumapit ito sa kanya.
Because I’m an assassin on a death run and I’ve been giving Rogue fake trails two months ago for your own safety, babe. And oh, I’ve been killing Rogue members since Walter died too. Killing is such a good remedy for me.
Mahigit isang buwan siyang nagpagala-gala sa iba’t ibang bansa gamit ang iba’t ibang mukha—salamat sa mga rubber masks—dahil pinapatay niya ang mga tauhan ni Walter bago pa siya mapatay ng mga ito. Pagkatapos nang nangyari sa warehouse noon ay mabilis na ikinalat ni Walter ang maling impormasyon sa buong grupo na siya raw ang pumatay kay Professor kaya hinahanap siya ng ibang assassins na nagtatrabaho rito para patayin siya. Pero mas nauna niyang napatay ang mga ito. Pinatay niya ang mga assassins na kilala niyang nagtatrabaho para sa Rogue at maging si Walter din na ipinagtataka niyang na-confine sa ospital dahil sa food poisoning. Maliban kina Tanya at Cross. Hindi niya alam kung nasaan ang mga ito. Pero hindi pa rin siya kampante na tapos na ang Rogue doon dahil malaki ang koneksyon ng grupo sa buong mundo. Baka may hindi siya kilala na nagtatrabaho roon. Kailangan niyang makita ang nilalaman ng Black Chip ngunit hindi niya alam kung nasaan iyon. Hindi naman nasabi sa kanya ni Professor kung nasaan ang chip.
Kaya dumaan muna ang mahigit isang buwan bago siya nakauwi sa Pilipinas. Nang umuwi naman siya dito ay inobserbahan muna niya si Kareene. Madali lang sana nitong mapasakamay ang journal ni Professor pero kailangan niya iyong ibigay ng personal dito. Ngunit sa kaso nito kay Congressman Go at dahil palagi nitong kasama si River ay hindi niya ito magawang lapitan.
“Professor died two months ago,” sagot niya rito.
“Professor?”
“Iyon ang tawag namin sa kanya. He taught us...things.” He taught us how to survive and kill.
“Two months ago? Paano...bakit siya namatay? Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin? Saan n’yo siya nilibing?” sunud-sunod na tanong nito sa kanya.
“Look. I don’t really want to tell you how he died. You don’t need to know the details. Pero sa States namin siya inilibing. ‘Wag kang mag-alala, maayos ang pagkakalibing sa kanya. What’s important is that you have his journal now. May ibang bagay akong ginawa kaya ngayon ko lang ‘yan naibigay sa’yo. And...he asked me to tell you that he loved you and your mother,” aniya rito.
There, Professor. Nasabi ko na sa kanya ang bilin mo.
“Ano’ng klaseng tao siya?” tanong nito sa kanya.
“He’s a great man,” at least, among us. “As much as he wanted to be with you, he...just can’t.”
“Bakit, Darcangelo?”
He froze at the sound of his real name coming from her lips. Ibig sabihin ay isinulat ni Professor sa journal nito ang tungkol sa kanya at sa grupo nila. And here he thought he’s never going to ‘scare’ her daughter off. Sana pala ay ini-scan niya muna ang isinulat nitong journal para nasigurado niya na hindi malalaman ni Kareene kung ano talaga siya.
Imbes na sagutin ay pinili niyang ignorahin na lang si Kareene. Itinutok niya ang kanyang baril sa pinakamalayong bote ng softdrink. Hindi pa tapos ang shooting drill niya. Pagkatapos niya sa mga bote ay ang human cardboard na nakabitin sa kawad na isinabit niya kanina sa dalawang puno doon sa likod-bahay. Mamaya ay ang mga kutsilyong dala naman niya ang pagpapraktisan niya.
He started to shoot the bottles until Kareene went in the middle of his firing range. Matigas talaga ang ulo nito. Pero kahit na pumwesto ito roon ay ipinagpatuloy pa rin niya ang drill. She only added up to his excitement and the greatness of his training. Napangisi siya ng makita niya ang pag-awang ng mga labi nito at panlalaki ng mga mata nito.
“How dare you!” singhal nito sa kanya pagkuwa’y naglakad ito palapit sa kanya. Sa gulat niya’y kumuha ito ng isang dagger na nakahilera sa mesa sa harapan nila. Pagkuwa’y itinutok nito iyon sa leeg niya.
Hindi naman pala nasabi dito ni Professor ang lahat tungkol sa kanya. Kung alam nito kung ano talaga siya, hindi ito maglalakas-loob na gawin iyon sa kanya. But if ever she knows, he had to give it to her. She has the guts. But he’s X—the assassin. It was so easy for him to disarm her.
Mabilis na hinawakan niya ang pulsuhan nito at hinila ito palapit sa kanya saka niya iniangkla ang isang braso niya sa leeg nito. Kinuha niya mula sa kamay nito ang dagger at ipinatong iyon sa mesa. Inipit niya ang mga hita nito sa gitna ng mga hita niya pagkuwa’y pinagsiklop niya ang dalawang kamay nito sa likuran nito.
Shit! Feeling her body against his right now was pure torture. He has to take control of his hormones and try not to kiss her even though he really wanted to.
“You know what, this isn’t what I have in mind when I think of women between my thighs,” pilyo pero malamig na sabi niya kay Kareene.
“Hindi ako makapaniwalang sa’yo ako ipinagkatiwala ng tatay ko. He should’ve known better,” sabi naman nito sa kanya. Well, that stung. At least, a bit.
What? You have feelings now, X? kastigo niya sa sarili. Right. He’s X not Darcangelo.
“Trust me. You don’t want to be in the hands of Cross. That guy is a psycho,” aniya rito. Tatlo lang naman kasi silang pinagkakatiwalaan ni Professor. Siya, si Tanya at si Cross. Kung hindi sa kanya ipinagkatiwala ni Professor ang anak nito ay malamang ay kay Cross dahil traidor si Tanya.
“Trust, huh? Alam mo ba kung ano ‘yon?”
“Yes. It’s the most stupid thing ever created.” Because trusting someone can get you killed. He had experienced it firsthand.
“Why? I trust you.”
“That makes you stupid. You see, you shouldn’t have trusted me that easily. Ni hindi mo pa nga ako kilalang lubos pero sumama ka na agad sa’kin. Ngayong alam mo na kung ano ako, you can’t run away from me unless I want you to,” malamig na sabi niya rito.
Naramdaman niya ang paghugot ni Kareene ng isang malalim na hininga. Ang hula niya ay nagbilang ito ng sampu bago muling magsalita. “Kung iniisip mo na matatakot ako sa’yo, huli na ‘yon sa ngayon, ‘di ba? Iniligtas mo ako. Paano ako matatakot sa’yo? Kung gusto mo man akong patayin, dapat matagal mo nang ginawa knowing how natural and normal it is for you to do that, ‘di ba? Pero niligtas mo pa rin ako. I know that there’s goodness inside you, Darcangelo. May tiwala ako sa’yo.”
“Wrong. I’m the most bad-ass Rogue there ever was. Kaya lang kita niligtas ay dahil ‘yon ang bilin sa’kin ni Professor. Kaya magpasalamat ka sa tatay mo dahil kung hindi niya ‘yon hiniling sa’kin, patay ka na ngayon. Kaya ‘wag mo akong iinisin dahil madali lang sa’kin ang patayin ka,” malamig na sabi niya rito.
Hindi niya alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya. It’s not his cold blood that’s talking or the adrenaline rush he’s used to now. It’s something else he can’t put a name to.
Iniligpit niya ang mga gamit niya saka inilagay ang mga baril at kutsilyo sa mga dapat kalagyan ng mga ito. Sinubukan niyang huwag tumingin kay Kareene o ignorahin ito pero hindi niya alam kung bakit nahihirapan siyang huwag itong pansinin. Her scent and her mere presence were distracting him. At nang tingnan niya ito’y pinatay niya ito sa mura. Why does she have to have those beautiful looking brown eyes?
Prof, I’m trying so hard to control whatever I’m feeling right now but your daughter is just so stubborn.
“Look, Kareene. I’m the big bad wolf and you’re Little Red Riding Hood. Stay away from me,” mariing sabi niya rito nang maalala niyang sa iisang bahay nga pala sila tumutuloy. “Fine. I’m going to do you a favor. I’ll sleep in the hammock later,” aniya rito. Ang hammock na tinutukoy niya ay nakabitin sa dalawang puno na nasa unahan ng bahay sa may dalampasigan.
“See? There’s goodness inside you. Mas pipiliin mo pang mahirapan kaysa ang saktan ako. Hindi sa iniisip kong kaya mo akong saktan ha,” ani Kareene sa kanya. Paano nito nasasabi ang mga iyon gayong alam nito kung ano siya?
Naiinis siya rito dahil sa mga sinasabi nito sa kanya. He doesn’t deserve that. Pero mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil naramdaman niyang may mainit na kamay na humawak sa puso niya. She’s making him believe that he even has a heart which he long buried.
“Pwede kitang saktan. Pero nangako ako kay Prof na aalagaan at poprotektahan kita. Don’t make me bend my words,” nagbabantang sabi niya rito. Tinalikuran niya ito dala ang mga gamit niya papasok sa bahay pero naramdaman niyang nakasunod sa kanya si Kareene.
Ano ba talaga ang gusto nito sa kanya?
“Ang sabi ng tatay ko, naging mabuting anak ka raw sa kanya. Kaya naniniwala akong mabuti kang tao, Darc,” sabi ni Kareene habang umaagapay sa kanya. He flinched at the nickname she used on him. Now why does that sound sweet?
Sweet, your ass, X! You don’t know sweet, aniya sa sarili.
“Kung masamang tao ka talaga katulad ng sinasabi mo, babale-walain mo lang ang bilin sa’yo ni papa. Hinayaan mo na lang sana akong ma-rape noon ni Geoff at hinayaan mo na lang sana akong mapatay ng mga tauhan ni Congressman Go. Pero hindi mo ginawa dahil ang totoo, may natitira pang kabutihan d’yan sa puso mo.”
Tumigil siya sa paglalakad at binitiwan niya ang mga gamit na hawak niya saka niya hinarap si Kareene. Before he could even know what he’s doing, he reached for her and crushed his lips against hers into a searing kiss. Narinig niyang napasinghap pa ito pero hindi pa rin siya tumigil. The kiss was meant to punish her jabber mouth but he found himself enjoying the feel of her warm lips against his. Gumaan ang pakiramdam niya. If a man could ever feel giddy because of a kiss, he is. To top on the pleasure, he felt her respond to him. Halata niya na hindi marunong humalik si Kareene pero mas nakadagdag lang iyon sa gaan na nararamdaman niya ngayon.
The warmth and sweetness of her mouth was intoxicating he didn’t know how to handle the feeling. For the first time in many years, he didn’t know how to handle something. And man, considering that he’s an expert when it comes to kissing and sex. Heck, he had kissed a lot of women before and this stubborn woman would make him feel like he’s inexperienced. Damn her and her sweet mouth.
He does know what sweet is.
“I can do worse than that so stay away from me,” nagbabantang sabi niya kay Kareene nang maghiwalay ang mga labi nila. Kung alam lang nito ang pagpipigil na ginawa niya para hindi sila humantong sa isang bagay na kapwa nila pagsisisihan sa huli.
“Then, I’d like to try the worst,” ani Kareene na diretsong nakatingin sa mga mata niya. Hindi makapaniwalang napamaang lang siya rito.
Shit! She’s the most stubborn woman in the world!
Ano ba ang tumatakbo sa isipan ng babaeng ito? Why can’t she be swayed? Paano kapag umiral ang pagka-temperamental niya at masaktan na lang niya ito bigla? Ano ba ang gusto nitong gawin niya para lumayo ito sa kanya at mawala ang paniniwala nito na isa siyang mabuting tao? Dahil alam niya sa sarili niya na hindi iyon totoo.
Nang tangkang lalapit ito sa kanya ay lumayo agad siya rito. “I’ll kill you the moment you come near me next time so you better stay away from me,” banta niya rito saka siya naglakad palayo rito.
He’s hoping that that will keep her away from him. Because honestly, he didn’t like how her mouth works—both literal and carnal.
NAPAHUGOT NG ISANG MALALIM na buntong-hininga si Kareene matapos niyang kumatok ng maraming beses sa pintuan ng kwarto ni Darcangelo pero hindi man lang nito iyon binuksan. Kaninang umaga pa nang huli silang mag-usap. Hindi pa ito lumalabas sa kwarto nito mula pa kanina. Hindi na niya ito nakasabay kumain ng tanghalian at ngayon naman ay hapunan. Hindi niya alam kung noong pumasok siya sa kanyang kwarto kanina ay bumaba ito at kumain ng tanghalian.
“May pagkain pa sa baba, Darc. Kumain ka na,” aniya rito pero hindi pa rin ito sumagot.
Kung matalino siya, lalayo na siya kay Darcangelo dahil mamamatay-tao ito. But then, she’s a person who likes danger. At hindi niya magawang lumayo dito. Siguro ay dahil naku-curious siya sa pagkatao nito. Hindi rin siguro niya magawang magalit dito dahil hindi niya magawang patayin ang pagkagusto na nararamdaman niya rito mula nang una silang magkakilala. Isa pa, gusto niya itong makakwentuhan tungkol sa kanyang ama dahil ito lang ang tanging koneksyon na natitira na may kinalaman sa papa niya. Kung may isa pa siyang nararamdaman kay Darcangelo, iyon ay ang inggit. Naiinggit siya rito dahil nakasama nito ng matagal ang kanyang ama.
Other than leaving you and your mother, there was another mistake I’ve made. Binigyan ko ng buhay sina Darcangelo at Xander na hindi nararapat sa mga ito. I wanted to make everything right for the both of them. I wanted them to have a normal life, to have their own family. Alam kong imposible na iyong mangyari pagkatapos nang lahat ng nangyari sa buhay nila pero naniniwala ako na maaaring magbago pa rin ang pananaw nila sa buhay. They’re both trained to be unfeeling pero naniniwala ako na may natitira pa ring puso sa kanilang dalawa. Please help them, Kareene. Help them live.
Natatandaan niyang isinulat ng kanyang ama sa journal nito. Si Cross siguro ang Xander na tinutukoy nito. Marami kasing kwento ang kanyang ama tungkol kina Darcangelo at Xander at katulad ng papa niya, naniniwala din siya na may natitira pang puso sa dalawa. Sabi nga ng mama niya noon, “No matter how good a person is, there’s still that tiny little devil inside him. Same goes with, no matter how bad a person is, there would still be goodness in him.” Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siya sa kasabihang iyon ng mama niya. At gagawin niya ang lahat mabuksan lang ang puso ng mga ito—simula kay Darcangelo.
Ngayon ay kailangan na lang niyang mag-isip ng paraan para baguhin ang paniniwala ni Darcangelo at para magtiwala ito sa kanya.
“Kapag hindi mo pa ako kinausap bukas, hindi ako lalabas ng kwarto ko. I swear!” sigaw niya rito.
If he’s cold and unfeeling, she’s stubborn. Tingnan lang natin kung sino ang makakapagtiis sa kanilang dalawa.
DEAR DIARY,
Ang dami kong nalamang revelations ngayong araw na ‘to. One was my father existed longer than I’ve known. May bitterness pa rin sa loob ko pero naiintindihan ko kung ano ang ginawa niya dahil hindi ko man lang siya nakilala pero humahanga ako sa sakripisyo niya para sa’min ng mama ko. I can’t bear to condemn him. Dahil kahit na anong sabihin ko, it will all come down to his sacrifice. At humahanga din naman ako dahil itinago ng mama ko hanggang sa huli ang lihim ng papa ko. And just like what my mother did, I would guard their secrets for as long as I live too. (I can’t even tell you what it is. I’m sorry.)
Ngayon, may iniwang misyon sa’kin ang papa ko. It’s to change X—real name: Darcangelo—and Cross—real name: Xander, to give them life. Dahil si Darc ang kasama ko ngayon, siya muna ang uunahin ko. Pero paano ko magagawa ‘yon kung ayaw man lang niya akong kausapin? Alam ko na kung ano ang pinagdaanan ni Darc pero gusto kong siya mismo ang magkwento no’n sa’kin. Gusto kong magtiwala siya sa’kin katulad ng pagtitiwala ko sa kanya. I know that he’s just trying to be unfeeling and heartless but I believe—like my father—that there’s still a heart inside him. Kailangan kong baklasin ang ‘shield’ sa puso niya para makapasok ako doon.
It’s really crazy. Kung malalaman siguro ni Sambee kung gaano kasama si Darc, magiging hysterical ‘yon. Pero dahil dakilang ‘stubborn’ ako, paninindigan ko iyon hanggang kay Darc. Because no matter how bad a person is, there would still be goodness inside him. Kailangan kong hanapin ang weak spot ni Darc at doon ito tirahin. Now if you’ve had a bad childhood, you’ve never experienced having a real family, a mother and a sister who will love you and someone who had betrayed you, what would you like to have in order to feel again?
Love. Bingo! Darc needs love. I’d be more than willing to I can give him love Shit! Hindi naman kasi mahirap mahalin si Darc. Starting with his body Shit! Ang ibig kong sabihin, dahil hero ko siya. Kahit na ano’ng sabihin niya, I still consider him my hero. ‘Ayun. (sigh) Wish me luck!
Yours,
Kareene