KANINA PA GISING SI KAREENE pero hindi siya lumalabas ng kanyang kwarto patotoo sa sinabi niya kagabi kay Darcangelo. Pero pinapatotoo din yata ni Darcangelo ang sinabi nitong wala itong puso at wala itong pakialam sa kanya. Tanghalian na pero hindi pa man lang siya nito kinakatok sa kwarto niya. Mabuti na lang at tuso rin siya dahil nagdala siya ng pagkain sa kwarto niya kagabi bago siya matulog. Mabuti na iyong handa siya.
“Hey, baby girl! You can come out now. I’ve already killed the big bad wolf,” anang isang boses ng lalaking hindi pamilyar sa kanya sa labas ng pintuan niya. Kompara kay Darcangelo, mukhang native tongue ng lalaking ito ang Ingles dahil sa accent nito.
“Her name’s ‘Kareene’, you dick,” narinig naman niyang sabi dito ng boses ni Darcangelo. Napangiti siya ng marinig ang boses nito. Parang kay tagal na mula nang marinig niya ang boses nito. Iyon ay dahil hindi siya sanay na hindi ito nagsasalita kahit na puro mga walang kwentang bagay ang lumalabas sa bibig nito.
Sheesh, K! Dalawang araw pa lang kayong magkakilala pero feeling mo naman ang tagal na, anang isang bahagi ng isipan niya.
“Okay, fine. Hey, Kareene! I’ve got you sweets you’d really want. Let’s eat some. We won’t share the goodies to this big bad wolf,” sabi pa ng lalaki na ikinangisi niya. Para itong kumakausap sa isang bata. Pero hindi pa rin siya nagsalita. Titingnan niya kung hanggang saan ito tatagal sa labas ng pinto.
“Uhh, Little Red Riding Hood? ‘You there?” anang lalaki na kumakatok sa pintuan niya pero nanatili siyang hindi sumasagot sa mga ito. “Hey, Kareene. X is transforming now. You might want to come out because I’m friggin’ scared of him now. He’s gonna eat me alive!”
Nakangising lumapit siya sa may pinto pero wala siyang balak na buksan pa iyon ngayon. Gusto niyang may mahugot na emosyon kay Darcangelo. Gusto niyang malaman kung maaari itong makaramdam talaga ng pag-aalala sa kanya.
“We’re gonna bust the door if you still won’t open it,” nagbabantang saad ng boses ng lalaki. Pero hindi pa rin siya natinag. Dumikit siya sa likuran ng pinto at pinigilan ang sarili na mapahagalpak ng tawa.
Ano’ng gagawin mo ngayon, Darc?
“We’re coming in, princess,” anang boses ng lalaki.
Nang may marinig siyang nag-click ay bahagya siyang lumayo sa pinto. Ngunit huli na ang lahat para tuluyan siyang makalayo doon dahil agad iyong bumukas pagkatapos ng click. Hindi niya tuloy naiwasan ang pagtama ng noo niya sa matigas na pinto. Sa lakas ng impact niyon ay bumagsak siya sa sahig ng kwarto niya.
“Ouch!” daing niya. Sinapo agad niya ang noong nasaktan.
“Fuck!” narinig niyang mura ni Darcangelo. Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya at tinulungan siyang makatayo paupo.
“I did not hold the door open. It’s not me. Nah-uh,” umiiling naman na sabi ng lalaking ngayon lang niya nakita. Kasing-tangkad ito ni Darcangelo. Blonde ang kulay ng buhok nito pero wala itong laban sa sex appeal at sa kagwapuhan na taglay ni Darcangelo.
“What the hell are you trying to play? Kanina pa kami kumakatok sa labas. Bakit hindi mo binuksan ‘yong pinto?” galit na wika ni Darcangelo pero nginitian lang niya ito.
Worth it ang sakit ng ulo niya dahil nakuha niya ang nais niyang reaksyon mula dito. Hindi man nito kayang sabihin iyon ng harapan sa kanya, nakikita naman niya sa mga mata nito ang totoo. She saw flush through his eyes.
“You’re forgiven, Darc,” nakangiting sabi niya rito.
“What?” galit pa ring sigaw nito sa kanya.
“You’re right, man. She’s crazy but she’s really pretty,” anang lalaki na umaastang ‘audience’ nila pero kapwa nila ito inignora ni Darcangelo.
“Bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo kanina pa? Hindi ka pa kumakain. Gusto mo na bang mamatay? Hindi na lang sana kita niligtas at dinala dito kung iyon din lang pala ang gusto mong gawin—“
Hindi na nito naituloy pa ang iba pang ililitanya nito dahil dinukwang niya ito at hinalikan ang mga labi. Mabilis lang iyon. Nakakahiya mang aminin pero kahit na marami na siyang nabasang erotic novels ay hindi pa rin siya marunong humalik. Sa totoo lang, si Darcangelo ang first kiss niya—dahil hindi niya itinuturing na halik iyong naranasan niya kay Geoff.
“I told you, your coldness is no match for my stubbornness,” nakangising sabi niya rito.
“Hmmm. I like her,” anang spectator nila. Tumikhim si Darcangelo at mabilis na lumayo sa kanya.
“Bring her downstairs, Shaun. Or else, you’re dead,” nagbabantang bilin ni Darcangelo sa lalaking ‘Shaun’ pala ang pangalan saka walang lingon-likod na lumabas ng kwarto niya.
“How did you do that?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Shaun. Inalalayan siya nitong umupo sa kama niya.
“Oh, I’m not really an expert but...you just have to press your lips against his.”
“I can do better than that kiss, baby. It’s not what I meant. How can you face him like that? Aren’t you scared of him?” nagtatakang tanong ni Shaun.
“No. He saved me. How can I be scared of him?” seryosong sabi niya rito.
“Do you know what he is?” kunot-noong tanong nito.
“Yes. But you know, my mother always told me that no matter how bad a person is, there would still be goodness inside him. The world we live in is a scary place, a bad place. But do you remember that it’s made because the Father loves us? Because of that, many people wants to change the world and that’s what I want to do with Darc,” paliwanag niya kay Shaun. Napamaang muna ito sa kanya pagkuwa’y tinapik siya nito sa balikat at nginitian siya.
“You’re one heck of a woman. I’m so glad you’ve seen a part of X that nobody else did. I do believe that he’s a good guy and he’s just trying to mask himself ‘cause he needed to be tough for his job. But you know, if it wasn’t for him, I’d be dead by now. With that courage, faith and, not to mention, stubbornness you have, I’m sure you can make him change,” sabi naman sa kanya ni Shaun.
“Thanks,” nakangiting sabi niya rito.
“So, can we go downstairs now? I’m starving and you don’t really want me to eat you. And I don’t wanna be dead right now. I still have kids to take care of,” ani Shaun.
“You have kids? How can that be possible when you’re in the Rogue?” nagtatakang tanong niya rito.
“Nah-uh. I’m not part of the Rogue, baby. I just help X with the things he need and the things he wanted to do legally. No one else in the Rogue knows about me,” paliwanag ni Shaun.
Tinanguan niya ito. Why can’t Darcangelo be someone like Shaun?
NAPAMURA SI DARCANGELO NANG marinig ang mga sinabi ni Kareene kay Shaun at nakaramdam siya ng inis dito. Naiinis siya tuwing tinatawag siya nito sa tunay niyang pangalan. Darcangelo had died a long time ago. He was now X. Naiinis siya sa pag-asa at paniniwala na nakikita niya sa mga mata nito. But the most irritating part was him. A part of him also believed in what she said. The truth was, a part of him wanted to change too. Heck, he’d give anything just to have a normal life like Shaun’s. Well, Shaun’s life isn’t really normal if you would count him on it.
Fuck up, X! You’re going mellow now? Don’t be stupid! You can never have a normal life. And you can never ever love, paalala niya sa sarili. He was so stupid to still feel like that until now. All he ever wanted was to be loved but that same want turned him into a monster he is now.
“Bakit kasi hindi ka na lang nalaglag noon? Wala na sanang sakit sa ulo at pabigat sa buhay ko ngayon,” anang isang boses sa alaala niya. Tumarak sa puso niya at nakaukit na sa isipan niya. Come to think of it, he still has a heart who he thought had long been buried.
Damn, Kareene! I need to get her out of my system.
“THANK YOU, SHAUN! FEEL free to drop by anytime with your kids, okay?” nakangiting sabi ni Kareene sa papaalis na si Shaun. Walang sawang nagkwento kasi ito tungkol sa dalawang anak nito kanina. Babalik na ito sa States ngayon. Naghatid lang kasi ito sa kanila ng additional na pagkain at mga damit niya na ipinabili dito ni Darcangelo. Katulad nila noon ay rumenta din ito ng chopper patungo sa isla na iyon.
Ikinwento nito sa kanya na ito raw ang nag-facilitate ng pagpapagawa ng bahay nila na iyon doon at ito rin daw ang bumili ng lupa. Ang susunod daw na magiging misyon nito ay ang paglilipat sa pangalan niya ng bahay at isla na iyon. Napapangiwi siya tuwing naalala niya kung saan galing ang perang pinambili ng kanyang ama sa property na iyon pero hindi rin naman siya doon mananatili dahil nasa Maynila ang buhay niya.
Inilibot din siya ni Shaun sa buong bahay at binigyan din siya nito kung saang parte ng dagat masarap maglunoy. Ang pinakapaborito niyang parte ng bahay ay iyong mini library na tiyak siya, kung nabubuhay pa ang mama niya ay magugustuhan din nito. Marami nang naka-stocks na libro doon at ang sabi ni Darcangelo ay tuwing bumibili daw siya ng libro ay tinitingnan nito kung ano ang mga binibili niya at binibili din nito para ilagay doon. Pinamulahan siya ng mukha nang sabihin nito iyon dahil puro erotic novels ang binibili niya lately.
Ikinagulat din niya nang sabihin ni Shaun na may-ari ito ng Fluffy Cakes—isang American all-day breakfast food chain—na may dalawang branch na sa Maynila. Ang main food attraction doon ay ang do-it-yourself pancakes at paborito niya ang lugar na iyon dahil enjoy siya sa paggawa ng sarili niyang pancake. Ang sabi pa ni Shaun ay tinulungan daw ito ni Darcangelo sa puhunan ng food chain nito.
“I will. Take care and please don’t kill each other, okay?” nakangising bilin sa kanila ni Shaun bago ito lumabas ng bahay at sumakay sa naghihintay na chopper.
“So, gusto mo bang ikwento sa’kin kung paano mo iniligtas si Shaun noon?” tanong niya kay Darcangelo nang lumipad na palayo ang chopper at silang dalawa na naman ang naiwan doon. Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay naglakad ito paakyat sa kwarto nito at agad naman siyang umagapay dito. “I’ve heard a lot of saving rather than killing. I don’t think you always shoot and they die,” aniya rito.
“Do you want me to show you the other way of how ‘I shoot and they die’?” he asked her with a mischievous glint in his grey eyes. “I prefer using my other gun, you know,” dugtong pa nito na ikinalaki ng mga mata niya. Nang tumingin ito sa gitnang bahagi ng katawan nito ay sinundan niya rin ang tingin nito.
Oh my god! His bulge is...big! Ramdam na ramdam niya kung paano nag-init ang buong mukha at katawan niya. Focus, K! Dini-distract ka lang niya para hindi mo siya kulitin ng kulitin, aniya sa sarili.
Well, he’s succeeding as hell.
“Hindi mo ba talaga ako sasagutin ng maayos, Darc—“
“Don’t call me that. Darcangelo is dead,” malamig na sabi sa kanya ni Darcangelo.
“Whatever. The name stays,” giit niya rito. Pagkuwa’y pumwesto siya sa gitna ng pintuan nito at iniharang niya ang kanyang katawan doon. “Kakausapin mo ako sa ayaw at sa gusto mo,” mariing sabi niya rito. But he just gave her a cold, dark stare.
“Ano’ng gusto mong sabihin ko? ‘Yeah. I saved people. Yey! I’m a saint’,” sarkastikong sabi nito sa kanya kapagkuwan.
“Sino’ng nanakit sa’yo, Darc?” seryoso at malumanay na tanong niya rito. And then there’s his cold and dark stare again. “Defense mechanism mo lang ‘yang ginagawa mo, Darc. You’re trying hard to be X—a cold, heartless guy. Pero hindi ‘yon ang totoong ikaw. Alam iyon ng mga taong iniligtas mo. Kahit si River. Gusto kitang makilala, Darcangelo. Please let me,” aniya rito.
“You really think I’m some kind of a hero, huh? Makinig kang mabuti. Mamamatay-tao ako at marami na akong napatay na tao. Nakakapatay ako ng isang dosenang tao sa isang araw. Killing is what keeps me going. Narinig ko ang sinabi mo kanina kay Shaun. Pero hindi ako katulad ni Shaun. Wala siyang kinalaman sa Rogue maliban sa’kin. Ano’ng gusto mong gawin ko? Tumigil sa ginagawa ko? Bakit pa? Para kanino? Wala akong kapamilya. I don’t have someone. Wala nang ibang buhay sa’kin maliban dito, Kareene. I can’t change the way you want me to, so stop whatever you’re planning now. Hindi ako pwedeng umalis sa mundong kinabibilangan ko ngayon. Kapag sinubukan kong umalis, I’d die. Hindi ba sa’yo sinabi ni Professor ang consequence ng mga gustong tumiwalag sa grupo? They’d hunt me down and kill me. That’s how your father died,” paliwanag sa kanya ni Darcangelo.
“That’s how my father died? Gusto niyang tumiwalag sa Rogue kaya siya pinatay?” malungkot na tanong niya rito. May nabuhay nag alit sa puso niya sa mga taong pumatay sa kanyang ama.
“Matagal na niyang gustong tumiwalag pero alam din niyang imposible ‘yon,” ani Darcangelo.
“Pero sinabi niya sa’kin na baguhin ko raw ang paniniwala n’yo ni Cross. He said you need to live,” aniya rito.
“Imposible. Rogue will hunt us down,” anito. Katahimikan ang sumunod na namayani sa kanilang dalawa.
“Bakit ka sumali sa Rogue, Darc? You have a choice then. Bakit pinili mong sumali pa rin sa Rogue gayong alam mo ang ginagawa nila?”
“Your father showed me care. Siya lang ‘yong tanging tao na nagpakita sa’kin niyon. Gusto ko siyang samahan sa madilim na mundong kinaroroonan niya noon. Ayoko siyang mag-isa kasama ang mga taong ‘yon. Itinuring niya akong parang sarili niyang anak. He’d just been the only family that Cross and I had. Kaya kahit na ito ang buhay na binigay niya sa’min, nagpapasalamat pa rin kami sa kanya. Kung hindi niya kami kinupkop noon, hindi namin alam kung saan kami pupulutin.”
“Umiyak ka ba no’ng namatay siya?”
“Yes,” he said choking back his tears. Hindi niya napigilan ang lumapit dito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at tiningnan ito ng diretso sa maga mata.
“Thank you for doing that for my father,” nakangiting sabi niya rito. His face was stoic, never letting her see through him. “Allow me to get to know you, Darc. Trust me,” aniya rito.
Hindi ito nagsalita pero hinawakan nito ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi nito at saka pumikit. And for the very first time, she saw his face calm.
DEAR DIARY,
If there’s the most evil person in the world, Darc would hold the title. But he’s the most evil person with a heart.
Yours,
Kareene