Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 20

“NGAYON LANG AKO NAKATIKIM ng ganito kasarap na hipon!”

Napapantastikuhang tumingin si Darcangelo kay Kareene habang pinapapak nito ang natitirang hipon sa plato nito. Dala iyon ni Shaun kahapon. Alam niyang paborito nito ang seafoods dahil ilang beses niya itong nakitang sa mga seafood restaurant kumain. Nagluto siya ng buttered shrimp with barbecue sauce para suhol dito. Para hindi na siya nito kulitin.

Pero nagustuhan niya ang papuri nito. Masarap pala sa pakiramdam ang ganoon may nakaka-appreciate sa ginawa mo. Dati kasi’y si Professor lang ang nakaka-appreciate sa luto niya dahil si Cross ay nilalait lang lagi ang luto niya. Sila lang kasing tatlo ang magkakasama sa warehouse na itinuring nilang bahay kaya halinhanan silang magluto doon.

“Simpleng luto lang naman ‘yan,” aniya rito.

“Simple pero masarap. Two thumbs up,” anito sa kanya. Nagpatuloy ito sa pagkain at pinanood lang niya ito. Gusto na niyang lumayo rito pero wala siyang lakas at kusa para gawin iyon. Masarap kasing panoorin si Kareene na kumakain at nag-e-enjoy. His heart swelled knowing that he put that smile on her lips.

Ah, jeez, Darc! What happened to ‘I need to get her out of my system’? kastigo niya sa sarili.

Pero sa totoo lang ay hindi niya kayang iwasan o layuan si Kareene. Kahit ilang beses niyang subukan, tila may magnet ito na nagiging dahilan para lumapit pa rin siya rito. He hated it but he’s too weak to fight it. At ngayon niya rin na-realize na ang babaeng ito ang kahinaan niya. She could make his knees go weak and crumble.

Hindi na dapat niya ito hinalikan noon dahil sa huli ay siya rin ang nahihirapan. Hindi n asana niya ito hinawakan kagabi. Pero natukso siya na hawakan ang mga kamay nito na nakalagay sa magkabilang pisngi niya dahil sa pag-aalala na nakita niya sa mga mata nito. Nagpadala siya sa tukso. He savoured the moment, he savoured the feel of her hand against his cheeks as if she really do care for him. Sinabi niya sa kanyang sarili na panaginip lang ang lahat ng iyon. Pero pagmulat niya ng kanyang mga mata ay naroon pa rin ito. He opened his eyes and he saw a dream he so wanted to be the reality.

Ngayon niya rin na-realize na matibay na basehan ang atraksyon. Attracted na siya dito noon pa mang una niya itong makita. Kahit na noong unang kita pa lang niya rito sa Facebook picture nito na madalas tingnan ni Professor noon. Akala niya’y naibaon na niya ang pakiramdam na iyon pero nagkamali na naman siya. At mahirap na iyong gawin ngayon lalo na’t malapit lang ito sa kanya. Kaya hinayaan niya ang kanyang sarili na damhin ang init ng mga palad nito. Hinayaan niya ang sariling mag-enjoy kasama ito dahil alam niyang pagbalik nila ng Maynila ay babalik na sila sa realidad. He allowed himself to dream with her.

“Pwede ka ng mag-asawa,” pagkuwa’y nakangiting sabi sa kanya ni Kareene.

“Hindi ako pwedeng magkaroon ng pamilya, Kareene. Ipapahamak ko lang sila,” aniya rito. May lungkot at pait siyang nahimigan sa boses niya. Fuck! Bakit ba niya nasabi iyon?

“Pwede mo namang baguhin ang lahat eh. Hindi ako naniniwala na walang ibang paraan para mabuhay ka ng normal. Tumiwalag ka na sa grupo. Sooner or later, hindi ka na nila gagalawin,” anito sa kanya. It pains him to hear hope and faith in her voice that he wished he could have the same.

“Pero habang-buhay akong magtatago,” aniya ritong may pait sa tinig.

Fuck up, Darc! You chose this path! paalala niya sa sarili. Yes, and this is the very first time that he wished he hadn’t chosen this path. All because of Kareene.

“At least, hindi mo na kailangang gumawa ng masama. Pwede kang mag-stay dito. Wala namang nakakakilala sa’yo dito eh. Or, pwede kang magpa-plastic surgery para mabago ‘yong hitsura mo, para hindi ka na nila makilala. Iyon ‘yong ginagawa nila sa movies ‘di ba?” sabi pa nito.

Bumuntong-hininga siya. “Isang rason kung bakit ako sumali sa Rougue ay dahil binigyan nila ako ng pamilya no’ng mga panahong walang may gustong alagaan ako.” Shit! You are not going to tell her. Mariin siyang napapikit. Pagkuwa’y tumayo siya pero pinigilan siya ni Kareene. Hinawakan nito ang isang kamay niya. Napakalambot talaga ng mga kamay nito na tila nangongonsola sa kanya.

“Pwede mo akong pagkatiwalaan, Darc,” anito na matamang nakatingin sa kanya.

“Noong huli akong magtiwala, muntikan na akong mamatay,” aniya ritong may pait sa tinig.

“I won’t betray you. I promise,” masuyong sabi nito sa kanya. And damn well, she succeeded on soothing him.

“I’ve had a bad childhood. That’s all,” aniya rito.

“That’s all? Elaborate,” anito pagkuwa’y isinubo nito ang huling hipon sa plato nito.

“Kulang pa sa’yo? Ipagluluto—“

“Tatakasan mo na naman ba ang mga tanong ko? For goodness’ sake, Darc! Ang boring kaya dito! Makipagkwentuhan ka naman sa’kin ng maayos,” anito sa kanya.

“We can do something you’d surely like,” nakangising sabi niya rito. Pinanlakihan siya nito ng mga mata pero mas na-amuse lang siya rito. “So, sa library ba natin gagawin or d’yan na lang sa couch o kung gusto mo dito na lang sa table. I assure you, it’s gonna be better than those shrimps. It’s finger-lickin’ good.”

Napatanga ito sa kanya at muntikan na siyang mapabunghalit ng tawa dahil doon. See, one of the great things about Kareene is that she can make even the heaviest things light.

What are you doing, Darcangelo? You don’t tease, anang isang bahagi ng isipan niya. Oh, but he wanted to. Right now. With Kareene. Kung ibig sabihin niyon ay malalayo sa buhay niya ang usapan.

“Ganito ka ba lagi sa mga babae?”

“No. Sa’yo lang,” aniya rito sabay kindat dito. Man, if it were the greatest thing he did. His stomach churned and fluttered when he saw her cheeks glow. And there was the ache inside him again. Damn!

“Okay. Elaborate the ‘bad childhood’,” anitong pilit na pinapatatag ang composure na mas lalo niyang ikinangisi.

Umiling siya. “I don’t want to ruin your day, babe,” aniya rito. Tumayo siya at bahagyang inilapit ang kanyang katawan dito. At para pahirapan pa ang sarili niya, hinawakan niya ang gilid ng mga labi nito.

Go ahead. Tease all you want. Ikaw rin naman ang mahihirapan, aniya sa sarili. Huminga siya ng malalim at naglakad palayo. Pero napatigil siya sa paglalakad nang magsalita muli si Kareene.

“Fine. Kung ayaw mo, ‘di ‘wag. Bakit ko pa nga ba ipinagpipilitan ang sarili ko sa’yo? It’s not as if you’d care about my feelings anyway. Sorry ha. Nakalimutan kong ‘cold’ and ‘heartless’ ka nga pala. Thank you for indulging me all this time though. Thanks for keeping your temper and not killing me. Hindi na kita kukulitin kahit kailan. There. You’d have your peace now,” seryoso at malamig na sabi nito.

Napamura siya. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito lalo na nang mag-‘sorry’ ito sa kanya. “For fuck’s sake! Bakit ka interesadong-interesado kang malaman ang tungkol sa buhay ko? It’s not a worthy laugh and I don’t want you to have pity on me,” mariing sabi niya rito. Umiral na ang pagka-temperamental niya na matagal na niyang pinipigil sa harapan nito.

“Because I care for you, Darc!” pasigaw na sabi nito sa kanya na ikinagulat niya. Napatayo pa ito mula sa kinauupuan nito at tumingin ng diretso sa mga mata niya. Nanigas siya mula sa kanyang kinatatayuan pero alam niyang isang salita na lang nito’y luluhod na siya.

Would you still care for me if you’d know that I’ve killed my own father?

“Mamamatay-tao ako, Kareene. You shouldn’t care for me. I don’t deserve it,” aniya rito.

“Alam ko, okay? Pero gusto ko,” sabi naman nito.

“Hindi ka pa ba nadadala? Dahil sa tigas ng ulo mo, palagi ka na lang napapahamak. I’m not obliging you to care for me,” aniya rito.

“Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, ‘I want to’. Hindi ko naman sinabing inuutusan mo ako,” anitong iniikot pa ang mga mata sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito sa kanya. How could this woman—whom he’d only known for days—give care to him? Samantalang iyong ibang tao, kahit na gaano katagal niyang nakasama ay hindi man lang siya nagawang mahalin noon? Maliban kay Professor.

“Ako na ang maglilinis dito,” aniya rito. Mabilis niyang iniligpit ang pinagkainan nilang dalawa.

Nakahinga siya ng maluwag nang pagkatapos maghugas ng kamay ay iniwan na siya ni Kareene sa kusina. Ngayon ay makakapag-isip na siya ng maayos. Mamaya ay tatawagan niyang muli si River para sa update ng kaso ni Congressman Go. I-t-in-ext niya rito kahapon ang address ng isang tauhan ng congressman na sinubaybayan niya nang nag-iimbestiga sina River at Kareene noon sa drug den ng congressman. Unlike River, he could dig dirty deeper.

Ngunit kung inakala niyang matatahimik na siya buong araw ay nagkamali siya. Saktong pagkatapos niyang maghugas ay nagbalik si Kareene sa kusina. And before he knew what clicked, his hands were already tied down in a handcuff with hers.

“Sa tingin mo susuko ako ng gano’n na lang? I’m a journalist, Darc. Hindi ako tumitigil hanggang nakukuha ko ang gusto ko,” nakangising sabi nito sa kanya. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito. She was one smart girl. But not smart enough to trust him.

“Saan mo nakuha ‘yan?” tanong niya rito saka nagbuga ng hangin.

“Sa ‘magical’ backpack mo,” simpleng sagot nito sa kanya pagkuwa’y hinila siya nito patungo sa sala at pareho silang naupo sa mahabang sofa na naroon. “So, makakapagkwentuhan na tayo ng maayos ngayon. Since alam mo na ang lahat tungkol sa’kin, katulad nga ng sinabi mo, wala kang choice kundi ikaw ang magkwento.”

“Itinago mo ba ang susi nito?”

“Yep. It’s safely hidden,” nakangising sabi nito sa kanya.

“Pagkatapos ba nito lulubayan mo na ako?” tanong niya rito.

“Yes. And don’t you ever try to outsmart me. Alam ko kung magsisinungaling ka,” anitong binigyan siya ng masamang tingin.

“Talaga lang ha? Paano naman?”

“Basta. Alam ko,” sabi lang nito. Napahugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. And before he knew it, he was already talking about his past with her.

“I’m a neglected and abused child. Simula nang isilang ako, hindi na ako pinahalagahan ng nanay ko. Palagi niyang sinasabi sa’kin na bakit hindi na lang daw ako nalaglag noong ipinagbubuntis pa niya ako para wala na siyang sakit sa ulo at pabigat noon. Prostitute ang nanay ko at tinangka niya akong gamitin noon para pakasalan siya ng tatay ko. Unfortunately, hindi siya pinakasalan ng tatay ko. May pamilya pala kasi siya sa States. Noon nagdesisyon ang nanay ko na ipalaglag ako. Pero matindi ang kapit ko sa matris niya dahil kahit na ilang beses niya akong ipinalaglag ay hindi pa rin ako nalaglag. Kaya nga ‘Darcangelo’ ang ipinangalan niya sa’kin. Nagpapahiwatig daw kasi ang pangalan ko ng madilim na buhay niya. Lumaki ako sa kamay ng mga kapit-bahay ko na laging sentro ng tuksuhan dahil putok sa buho daw ako at pokpok ang nanay ko. Pero wala akong pakialam sa sinasabi nila noon. Ang mahalaga sa’kin ay mahalin ako ng nanay ko kahit papaano. Pero hindi niya ginawa. Maswerte na ako kapag nakakain ako ng dalawang beses sa isang araw noong bata pa ako dahil sa bigay-awa ng mga kapit-bahay namin sa’kin. Hindi kasi ako pinapakain ng nanay ko. Ang palagi kong natatanggap sa kanya ay sakit ng katawan. Tuwing galit siya sa mundo ay sa’kin niya ibinabaling ang galit niya.”

“Noong pitong taong gulang ako, sinubukan niya akong ibenta. Pero nakiusap ako sa kanya. Ipinagpasalamat ko pa rin sa kanya noon na pinakinggan niya ang pakiusap ko. Hindi niya ako ibenenta. Pero nagtrabaho na ako noon. Tumulong ako sa paggawa ng basahan sa kapit-bahay namin noon. Nagtinda ako ng basahan at sampaguita sa kalye. Iyong perang nakukuha ko do’n ay para sa pang-kain ko at ‘yong iba’y binibigay ko sa nanay ko para matuwa siya sa’kin at para hindi na niya ako ibenta muli. At isang hapon, nakita ko ang tatay mo sa Malate. Papunta siya sa may Manila Bay noon. Mukha siyang Amerikano kaya nag-alangan ako na bentahan siya ng basahan at sampaguita noon. Hindi kasi ako nakapag-aral noon kahit gustong-gusto ko.”

“Sa gulat ko, marunong pala siyang magsalita ng Tagalog. Binili niya ang lahat ng paninda ko. Pero hindi lang ‘yon. Pinakain niya ako sa isang fast-food chain at kinausap pa niya ako ng maayos hindi katulad nang ibang taong nakakasalamuha ko lagi. Sa kauna-unahang pagkakataon, may nagparamdam sa’kin ng halaga at kasiyahan. Kinwentuhan niya ako noon tungkol sa pamilya niya na hindi niya magawang lapitan.”

“Ayaw din po sa’yo ng pamilya mo? Pareho lang pala po tayo. Gusto n’yo po ako na lang ang maging anak mo at ikaw ang maging tatay ko?” naalala niyang sabi niya noon kay Professor pero nginitian lang siya nito at sinabing hindi siya nito maaaring maging anak. Muli siyang nalungkot noon dahil pakiramdam niya’y may isang tao na namang ayaw sa kanya. Pero nagtuloy-tuloy ang pagkikita nila at naging magkaibigan silang dalawa.

“Ilang ulit kaming nagkita sa parehong lugar noon at tuwing nagkikita kami, inililibre niya lagi ako ng pagkain at kinukwentuhan niya ako. Naging magkaibigan kami. He’s the father I’ve never had and I really wanted to be his son then. Ikinwento ko sa nanay ko ang tungkol sa kanya. At alam mo, noon lang siya natuwa sa’kin. Sinamahan pa niya akong magbenta noon ng basahan. Nag-usap silang dalawa. Little did I know that my mother’s motive was to sell me again. Noon ko hiniling na sana’y kunin na ako ni Colin. Pero hindi niya ginawa. Sa halip ay sinabi niya sa nanay ko na siya ang sasagot sa lahat ng pangangailangan ko. He’s really a good man. Pumayag ang nanay ko sa sinabi niya pero ganoon pa rin ang nangyari. Hindi pa rin niya ako pinag-aral at hindi pa rin niya ako inalagaan. Nagpapadala sa’min si Colin pero hindi ko nararamdaman iyon. Ginagamit lang ng nanay ko sa paglalamyerda niya ang perang pinapadala ni Colin.”

“Matagal kaming hindi nagkita noon ni Colin hanggang noong labing-tatlong taong gulang na ako. Hindi na lang ako taga-benta ng basahan at sampaguita noon, tumutulong na rin ako sa palengke sa ilang kapitbahay namin bilang kargador. Malaking bulas kasi ako para sa isang labing-tatlong taong gulang dahil may lahi ako at dahil batak na rin ako sa trabaho ay kinaya kong maging kargador sa palengke. Noon ko muling nakita si Colin sa dating lugar na pinagkikitaan namin. Matagal ang naging pag-uusap namin sa muli naming pagkikita. Sinabi ko sa kanya lahat ng ginawa ng nanay ko. And that’s when he decided to take me with him. I can only be thankful.”

“Dinala niya ako sa States. Inalagaan niya ako katulad ng parang siya ang tunay kong ama. He home-schooled me. He taught me how to speak in English and he even taught me how to fight. Para hindi na daw ako kahit kailan maapi ng mga tao. Hindi ko na siya tinanong noon kung bakit hindi ako maaaring pumasok sa eskwelahan dahil mayaman naman siya. Ang mahalaga sa’kin noon ay kung ano ang ibinibigay niya. Noon ko nalaman kung ano ang trabaho niya. Noong una ay hindi ko pa maintindihan ang ginagawa niya. Sa isang warehouse kami nakatira noon. Maraming mga materyales noon ng kung anu-ano. Mula sa steel hanggang sa rubber. Lately, nalaman kong gumagawa pala siya ng kung anu-anong gadgets at kung anu-ano pa. Maraming lalaki ang nagpapabalik-balik sa ‘bahay’ namin at kumukuha ng gadgets doon. Nagtataka pa ako kung bakit ‘Professor’ ang tawag sa kanya ng mga lalaking iyon. Noon ko nalaman na miyembro pala ng isang sindikatong pumapatay ng tao. Pero sinabi niya sa’kin na pinapatay lang nila iyong mga taong alam nilang masama at pumapatay din ng tao. And they get paid for killing people. How cool is that, right?”

“Pagkatapos, tinulungan niya akong hanapin ang biological father ko. Nahanap namin siya. Noon ko nalaman na kasali din siya sa sindikato na nagbebenta ng illegal na droga. At nakilala ko ang kapatid kong si Stacey. She’s such a sweet little girl. Una kaming nagkita sa ice cream parlor malapit sa school nila noon. Nilibre ko siya ng ice cream at nagtuloy-tuloy ang pagkikita namin. Naging magkaibigan kami. Siya ang una kong naging kaibigan. And then one time, naghihintay ako sa kanya sa labas ng school nila pero hindi siya dumating. Tinanong ko siya sa isang classmate niya na lagi kong nakikitang kasama niya. Sinabi niya sa’kin na patay na daw ang kapatid ko. When I found out about it, all I wanted was to kill.”

“You want to know the real reason why I’ve decided to join Rogue? Ang totoo, hindi naman ako pinasali ni Professor noon. Ako ang nagpumilit na sumali. Maliban sa gusto kong mawala ang mga masasamang tao sa mundo at maliban sa gusto kong damayan si Professor, gusto kong maghiganti sa masasamang tao sa mundo. You know who killed Stacey? One of my father’s minion drug pushers killed her. Ayon sa police report, hindi daw naman ang pagkahulog sa hagdan ang sanhi ng pagkamay ni Stacey. Ang pagkahulog sa hagdan kasi ang unang anggulong tiningnan ng mga awtoridad kung bakit namatay si Stacey. Pero ang totoo, somebody choked choked her to death. Hindi lang ‘yon, she was raped first before they killed her. Nalaman ng mga pulis kung sinu-sino ang pumatay sa kapatid ko dahil sa laway na nakuha nila sa bibig ni Stacey. There were three men, Kareene. Three fucking men! At sa huli ng imbestigasyon na iyon ay nalaman ng mga pulis na drug pushers ang mga ito at alagad ang tatlo ng tatay ko mismo. They’re all high on drugs.”

“She was an innocent girl and I really did care for her. Kaya ginusto kong pagbayarin sa ginawa nila sa kapatid ko ang mga taong iyon. I was driven by revenge. Nagalit din ako sa tatay ko dahil hindi man lang siya gumawa ng hakbang para pagbayarin ang mga lalaking pumatay sa anak niya. Parang ganoon din siya sa nanay ko. Isinuplong ko sila sa mga pulis. Nakipag-cooperate ako sa mga awtoridad as an anonymous caller. Nang sugurin ko ang drug den ng mga ito bago pa dumating ang mga pulis ay noon kami unang nagkaharap ng tatay ko. Nagpakilala ako sa kanya pero itanggi niya ako. Alam mo kung ano ang sinabi niya sa’kin noon? Hindi na daw importante kung anak niya ako o hindi. Kung may maibibigay daw akong pera sa kanya ay magkakaayos daw kami. Wala siyang pakialam sa ibang bagay maliban sa pera, Kareene! Umaakto din siya noon na parang hindi siya namatayan ng anak. Kaya nagdilim ang paningin ko at nabaril ko siya. Pero alam mo ba? Hindi ko siya magawang patayin. Kahit na gaano katindi ang pagnanais ko na patayin siya dahil sa galit ko sa kanya, hindi ko pa rin magawa. Utang-na-loob ko pa rin kasi sa kanya ang buhay ko. Kaya ipinaubaya ko na lang siya sa mga pulis at bahala na ang batas na humusga sa kanya.”

There. It had been said and done. What are you going to do now, K?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.