“THIS IS SO EFFIN’ HARD!” napu-frustrate na sabi ni Nicole nang mag-water break sila ni Dwight sa pagtuturo nito sa kanya ng tennis. Sabay silang umupo sa bench sa gilid ng tennis court.
Hindi daw varsity player si Dwight sa dating unibersidad kung saan ito nag-aral pero magaling itong maglaro. Paano pa kaya ang mga professional tennis players? Hanga na siya sa mga iyon dahil hirap na hirap siyang matuto. Isa pa’y nakakapagod ang sport na iyon. Definitely not her forte. Pero para kay Dwight ay willing siyang pag-aralan iyon. Gusto niyang marami silang pagkakapareho kaya gusto niyang gawin ang mga hobbies nito.
Isang linggo na mula nang ikinasal ang mga magulang nila—na kasalukuyang nasa Carribeans para sa honeymoon ng mga ito—at sa isang linggo na iyon ay pakiramdam niya’y naging ibang tao siya. Palagi na siyang nakangiti at wala na rin siyang kahit na anong “angst” na nararamdaman sa kanyang mga magulang o sa pagpapakasal ng mga ito sa ibang tao. Ayos na rin sa kanya na nakatira sa mansion ng mga Hontiveros dahil kay Dwight.
The changes in her were all because of Dwight. He lighted up her world.
“Okay lang ‘yan, Nicole. First try mo pa lang naman eh. Matuto ka rin naman. And soon, you’ll enjoy this sport too,” nakangiting sabi ni Dwight sa kanya.
“How long have you been playing tennis?” tanong niya rito bago siya uminom ng tubig sa water bottle niya.
“Since I was eight years old. Nahawa ako kay daddy eh. Hanggang ngayon naglalaro pa rin siya ng tennis. Kaya nagpagawa kami ng tennis court dito,” ani Dwight.
“Bakit hindi ka nag-pro?” curious na tanong niya rito.
“Nah. Tennis is just a hobby. Isa pa, may mas mahalaga pa akong dapat gawin kaysa sa paglalaro ng tennis,” paliwanag nito.
“’Dapat’. Ibig sabihin ay hindi iyon talaga ang gusto mong gawin? There’s a big difference between the things you want to do and the things you need to do, you know,” sabi niya rito.
Dwight chuckled. “For a sixteen year old girl, you seem to know a lot about things,” anito sa kanya.
I’m no ordinary girl, ngali-ngaling sabihin niya iyon dito.
“Ano nga?” pilit niya rito.
“I’m serious. Tennis is just a hobby. And I really wanted to pursue business. Gusto kong maging kasing-yaman ni Bill Gates,” pabirong sabi nito sa kanya.
“I know you would,” sabi naman niya rito.
“May the gods hear you. Anyway, ikaw? Business Management din ang kukuhanin mong course, right?” tanong naman nito sa kanya.
“Yup. Although, Fashion and the Arts ang first choice ko, sa tingin ko, mas magiging productive ako sa napili kong course,” aniya rito.
Nakapasa siya sa entrance exams ng bawat kursong pinili niya pero hindi siya nakapagdesisyon kung ano bang kurso ang kukunin niya noon. Nang malaman niyang Business Management ang tinapos na kurso ni Dwight ay sinabi agad niya sa kanyang ina na iyon ang gusto niyang kunin. Kaya nahuli siyang mag-enrol, pero nakahabol pa rin naman siya. Isa pa, kahit naman sa first day ng klase ay pwede pa ring mag-enrol kaya abot na abot pa siya.
“There’s a big difference between the things you really like to do and the things you think would do you good,” anito sa kanya sa tono na ginamit niya rito kanina. Kapwa sila natawa pagkatapos.
“I want to do something different. Pwede ko pa rin namang i-pursue ang hilig ko sa fashion and design in the future eh. Pwede kong gawing business ‘yon, ‘di ba?” aniya rito.
Mataman siya nitong tiningnan. “Are you really just a girl? O dinadaya lang ako ng mga mata ko?” anito sa kanya. Napailing siya rito.
“I’m not a girl anymore, Dwight.”
“You still are. You’re just sixteen,” sabi naman nito.
“So?”
“Marami ka pang dapat na malaman at matutuhan. You would learn so many things in college. Be open-minded,” ani Dwight.
“Why don’t you teach me the things I need to learn now?” aniya rito na halatang ikinagulat nito. Matagal ito bago nakapagsalita na ikinakunot-noo niya. Nakatingin lang ito sa kanya.
“I-I think it would be better to learn those things by your own. Gano’n ang ginawa ko dati eh,” tila natatarantang sabi nito na ikinalito niya. Bigla na lang itong tumayo mula sa bench at nagpaalam sa kanya. “Bukas na lang natin ituloy ang lessons mo, Nicole. May kailangan pa nga pala akong puntahan ngayon,” anito sa kanya saka mabilis na nilisan ang lugar na iyon.
“Ano’ng nangyari do’n? Weird,” sabi na lang niya sa sarili at muling uminom ng tubig.
Pagpasok niya sa loob ng mansion at hanapin niya si Dwight ay nakita niya itong katatapos lang maligo dahil basa pa ang buhok nito.
“Hey, Dwight! Nood tayo ng movies,” yaya niya rito.
“Next time na lang, Nicole. May pupuntahan pa ako, remember?” anito sa kanya.
But her instincts tell her otherwise. “May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Iniiwasan mo ba ako?” malungkot na tanong niya rito.
“No. It’s just that...Nicole...I...fuck! Fine. Let’s watch a movie,” tila sumusukong sabi ni Dwight na ikinasaya niya.
“Yey!”
NAGISING SI NICOLE dahil sa yugyog sa kanyang balikat. Naramdaman niyang lumundo ang kama niya at alam niyang may umupo sa gilid niyon. Naiinis na pinalo niya ang kamay nang kung sinumang gumigising sa kanyang iyon. Gusto pa niyang matulog. Pakiramdam niya’y naubos ang lahat ng energy niya dahil sa tennis lessons nila ni Dwight ng nagdaang araw.
“Nicole, gumising ka na. May pupuntahan tayo ngayon,” narinig niyang sabi ng boses ni Dwight.
Her eyes immediately flew open. Bumalikwas siya ng bangon at agad siyang humarap dito. “Saan?” excited na tanong niya rito.
He chuckled at her. “Sa bookstore at sa mall. Malapit na ang start ng classes n’yo kaya kailangan mo nang bumili ng mga gamit. And my friend Enrique wanted to be normal again. Kaya nag-suggest ako sa kanyang manood na lang tayo ng sine kasama ka. Would that be okay with you?” tanong ni Dwight sa kanya.
“Enrique? Best friend mo?” tanong niya rito.
“Yup. Kilala mo siguro siya,” anitong may makahulugang ngiti sa mga labi.
“Why would I know him?” kunot-noong tanong niya rito.
“You’ll know why later,” nakangiting sabi nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinalikan ang noo niya. Pakiramdam niya’y tumigil na naman sa pagtibok ang puso niya. Pagkuwa’y bigla na lang iyong bumilis ng tingnan siya ng diretso sa mga mata ni Dwight. “You’re really beautiful, Nicole,” he murmured.
Hindi niya alam kung dinadaya lang ba siya ng kanyang pandinig o sinabi talaga iyon sa kanya ni Dwight. Nang makita niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi ay may kung anong nagtulak sa kanya na ipikit ang kanyang mga mata. May pakiramdam kasi siya na gusto siya nitong halikan na labis niyang ikinakilig. Ngayon ay nagwawala na ang puso niya sa pagtibok ng malakas.
She was looking forward to his kiss. Just the thought of it makes her heart beat wildly. She had dreamed of having him this close to her since she met him. At excited siya sa mangyayari ngayon.
So excited, actually.
“Wake up, Nicole. I’ll wait for you in the garden. Sabay na tayong mag-breakfast,” pagkuwa’y sabi sa kanya ni Dwight na hindi man lamang lumapat ang mga labi sa mga labi niya. Naramdaman pa niya ang pagtayo nito mula sa kanyang kama.
Shattered dreams! hiyaw ng isipan niya. Nag-init ang buong mukha niya dahil sa pagkapahiya dito. Nagyuko siya ng ulo dito dahil ayaw niyang salubungin ang tingin nito. Nakakahiya talaga!
“Sige. Susunod na lang ako. Maliligo muna ako,” sabi niya ritong nakayuko pa rin.
Bakit hindi niya tinuloy? Gusto rin naman niya ako, ‘di ba? tanong niya sa sarili.
‘Wag ka kasing masyadong assuming, anang isang bahagi ng isipan niya na ikinainis niya. As she remembered clearly, Dwight said he likes her too. Hindi naman siguro sila magkaiba ng depinisyon ng salitang “like”, hindi kaya?
“This is absurd,” napu-frustrate na sabi niya sa sarili. Pilit na lang niyang pinalis sa kanyang isipan ang nangyari.
Bumangon siya sa kanyang kama at dumiretso sa banyo doon sa kwarto niya para maligo. Nakatulong ang malamig na tubig galing sa shower para magising siya. Pagkatapos niyang maligo ay pumunta siya sa walk-in closet niya na pinasadya daw ng Tito Paul niya para sa kanya para makapamili siya ng damit. Pinili niyang isuot ang mint green sundress niya na tinernuhan niya ng flat sandals niya. Hindi naman kasi alanganin ang height niya para kay Dwight kaya kahit na mag-flats siya’y ayos lang.
Nag-apply siya ng kaunting baby powder at lip gloss. Nang tumingin siya sa kanyang mga labi ay muling nag-init ang buong mukha niya. Pati sa kanyang sarili ay nakaramdam na rin siya ng hiya dahil sa ginawa niya kanina. Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka siya huminga ng malalim para mapanatag ang sarili bago siya lumabas ng kanyang kwarto at dumiretso sa garden ng mansion.
Nang makarating siya sa garden ay nakita niyang hindi nag-iisa doon si Dwight. May kasama itong isang gwapong lalaki na may pasak na tinapay sa bibig. Ang cute nitong tingnan sa hitsura nitong iyon. Pero siyempre, nakay Dwight lang ang atensyon at affection niya.
“Hi!” bati niya sa mga ito. Tumingin ang dalawang lalaki sa kanya.
“Oh. Now I know why you’re bothered,” anang lalaking kasama ni Dwight habang titig na titig sa kanya. Napakunot-noo siya dahil sa sinabi nito bago siya umupo sa tabi ni Dwight.
“Who’s bothered?” curious na tanong niya rito. Tumingin muna ang lalaki kay Dwight bago ito ngumisi at tumayo pagkuwa’y naglahad ng kamay sa kanya.
“I am bothered by your beauty. I’m Rique Cipriano, by the way,” pakilala ng lalaki sa kanya. His boyish grin somehow reminded her of Dwight on the first day they’ve met.
“So, you’re Enrique, Dwight’s best friend. I’m Nicole. Bakit naman gusto mong maging normal? What’s with you?” curious na namang tanong niya rito matapos niyang tanggapin ang pakikipagkamay nito.
“Hindi mo siya kilala? That’s odd,” ani Dwight na hinawakan ang magkahugpong nilang kamay ni Enrique at pinaghiwalay iyon.
“You’ve hurt my ego, baby. Hindi ka ba nanonood ng tv?” tanong sa kanya ni Enrique na hawak ang dibdib at umaarteng nasaktan.
“Nanonood naman ako. Bakit? Get straight to the point,” sabi niya rito.
“Wow. You’re sharp. I like you already, baby,” nangingiting sabi ni Enrique sa kanya. Binato ito ng tinapay ni Dwight na hindi niya alam kung bakit. “What?” maang na tanong nito kay Dwight.
“Don’t call her ‘baby’. She’s not your girlfriend,” ani Dwight dito.
Oh. My. God. He’s jealous! kinikilig na hiyaw ng isang bahagi ng isipan niya. Napangiti siya sa dalawang lalaki.
“Of course not! She’s going to be like my baby sister, right, Nicole?” ani Enrique sa kanya sabay kindat.
“Yeah. Sure,” sabi naman niya rito bago siya uminom ng orange juice na nasa harapan niya.
“As she is your baby sister, right, Dwight?” baling ni Enrique kay Dwight. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.
“We’re not siblings,” agad na sabi niya rito.
“But you two are. You’re living in the same roof and your parents are now married. Whether you like it or not, you’re now siblings,” ani Enrique na ikinasama ng loob niya. Pakiramdam niya’y may kumurot sa puso niya dahil sa mga sinabi nito.
“We’re not siblings by blood. And I hate you,” aniya rito na hindi na naitago ang disgusto sa tinig.
“Rique, tama na ‘yan. Kung hindi, hindi ka namin dadamayan ni Nicole,” saway ni Dwight sa kaibigan pagkuwa’y nginitian niya ito. “Enrique’s a celebrity, Nicole. Pakiramdam niya’y nagiging normal lang daw siya kapag kasama kami kaya pinagbibigyan na naming sa mga pakulo niya. So, have your breakfast para makaalis na tayo, Nicole,” paliwanag naman ni Dwight sa kanya.
Enrique being a celebrity didn’t bother her a lot. Mas gwapo kasi si Dwight kaysa dito at katulad ng sinabi niya kanina, nakay Dwight lang ang atensyon at affection niya.
Bumelat siya kay Enrique bago siya kumain na ikinatawa lang nito. Hindi na sana siya sasama sa lakad ng mga ito kung hindi lang dahil kay Dwight. Pagkatapos nilang kumain ay ang sasakyan ni Dwight ang ginamit nila dahil baka daw may makakilalang paparazzi sa sasakyan ni Enrique. Nag-iingat lang daw ang mga ito.
Pagdating nila sa isang branch ng Milandia ay agad nilang tinungo ang sinehan. Nakasuot ng dark sunglasses, hoodie at cap si Enrique para walang makakilala dito. Sila naman ni Dwight ang pumila para bumili ng tickets nila pagkatapos ay sabay-sabay silang pumasok sa loob ng sinehan. Horror movie ang napiling panoorin ni Enrique. Mahilig din daw doon si Dwight kaya sumang-ayon na rin siya doon. She doesn’t want to project herself as a scaredy-cat. Kaya kahit na ayaw niyang manood ng horror movies dahil natatakot siya ay sumige pa rin siya dahil kay Dwight.
Pumagitna siya kina Dwight at Enrique. Ayaw niya sa may gilid dahil nga natatakot siya. Para kahit na saan siya humarap ay kilala niya ang dalawang taong katabi niya. Hindi na siya matatakot. Simula pa lang ng palabas ay napasigaw na siya at sa takot niya’y napayakap siya kay Enrique. Enrique laughed at her while Dwight held her hand.
“You don’t like horror movies, Nicole? Bakit hindi mo sinabi kanina?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Dwight. Kahit papaano ay napanatag siya dahil hawak na nito ang kamay niya.
“I was challenging myself,” sabi na lang niya rito.
“Let’s go. ‘Wag na nating tapusin ang movie,” yakag sa kanya ni Dwight.
“What? Ang KJ n’yo naman. This is fun,” reklamo ni Enrique. Kung hindi lang madilim sa loob ng sinehan at kung nakikita lang sana ni Enrique ng maayos kung paano niya ito tingnan ngayon ay baka namatay na ito sa tingin niya.
“I hate you,” muling sabi niya kay Enrique.
“I love you, baby,” tila nang-aasar pang sabi ni Enrique sa kanya.
“Let’s change seats, princess,” bulong ni Dwight sa kanya.
Pakiramdam niya ay nanayo ang mga balahibo niya sa batok dahil sa swabeng hagod ng boses nito. When she turned her face on him, gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. But he held back. Tumayo si Dwight mula sa kinauupuan nito at hinila siya patayo pagkuwa’y nagpalitan sila ng upuan. Ngayon ay ito na ang nasa gitna nila ni Enrique na engrossed sa panonood ng nakakatakot na pelikula.
When somebody in the audience screamed, she screamed too. Pero ngayon, kay Dwight na siya napayakap.
“You don’t need to be afraid, princess. It’s not real. And I’m here,” Dwight said in a soothing voice. Noon niya lang din napansin ang endearment nito sa kanya. Princess. Kinikilig siya.
Itinapat niya ang kanyang tainga sa puso ni Dwight at narinig niya ang pintig ng tibok ng puso nito. Gamit naman ang isang kamay nito’y tinakpan nito ang isang tainga niya para hindi niya marinig ang nakakatakot na sound effects ng pinapanood nila. Having him that close to her made her feel safe and unafraid anymore.
With Dwight, everything is okay for her.