“DWIGHT! MAY PUPUNTAHAN KA?” agad na tanong ni Nicole kay Dwight nang makita niyang lumabas ng kwarto nito ang huli na bitbit ang isang duffel bag.
Alam niyang kailangang magpaka-‘demure’, ‘hard to get’ at ‘don’t give too much’ ang mga babae pagdating sa mga lalaki kahit na gusto nito ang isang lalaki. Pero hindi niya magawa ang mga iyon pagdating kay Dwight. Nangingibabaw ang pagnanais niyang palagi itong makasama.
Nakuha niya ang ideyang iyon sa isang teen magazine na nabasa niya. Simula nang magka-crush siya kay Dwight ay nagsimula na siyang mangolekta ng mga teen magazines na hindi naman niya dating ginagawa.
Ah, love.
“May out-of-town outing kami ng mga kabarkada ko ngayon. We’re going to have the last taste of summer,” nakangiting sabi ni Dwight sa kanya.
“Can I come? Pasukan na rin namin next week and I haven’t had the best of summer yet,” nagpapa-cute na sabi niya rito. Pero ang totoo’y basta kasama niya ito’y the best na ang summer niya.
“Uh, I don’t think Tita Frei—“
“Magpapaalam ako kay mama. Wait lang,” putol niya sa iba pang sasabihin nito at saka niya patakbong tinungo ang master’s bedroom ng mansion. Sumunod naman sa kanya si Dwight doon. Kumatok siya at hindi nagtagal ay binuksan ng mama niya ang pintuan. “Hi, ‘Ma! Magpapaalam po sana kami ni Dwight,” agad na sabi niya sa kanyang ina. Kahapon ay dumating ang bagong mag-asawa mula sa honeymoon ng mga ito.
“No, Nicole. You need to prepare for school now. Isang linggo na lang at pasukan mo na,” anang mama niya. Napangiwi siya dahil alam na pala nito ang plano ni Dwight ngayon.
“One day lang naman ‘to eh. ‘Ma, sige na. Si Dwight naman ang kasama ko eh,” pangungumbinsi niya sa kanyang ina.
“It’s an overnight outing, Nicole,” sabi naman ni Dwight sa likuran niya.
“You’re not helping, Dwight,” pairap na sabi niya rito. Medyo sumama pa ang loob niya dahil pakiramdam niya ay ayaw siya nitong makasama. “Ayaw mo ba akong makasama?” malungkot na tanong niya rito. I thought you like me.
“I did not say that,” agad namang tanggi nito na ikinatuwa niya.
“’Ma, please? Just this once? I’ve never been in an outing with friends before. Please let me come,” pamimilit pa niya sa mama niya.
“Payagan mo na siya, Freida. Kilala ko ang mga kabarkada ni Dwight. Harmless naman sila,” narinig niyang sabi ng Tito Paul niya mula sa loob.
“See? I’m going to be fine. Besides, Dwight’s going to be with me,” nakangiting sabi niya rito.
“Gagawin mo lang babysitter doon si Dwight,” sabi naman ng mama niya. Maya-maya pa’y katabi na nito ang Tito Paul niya.
“Of course not! And I’m not a baby anymore so bakit siya magiging babysitter?” nakasimangot na sabi niya rito. Bumuntong-hininga ang mama niya bago ito tumingin kay Dwight.
“Okay lang ba sa’yo, Dwight? Masyadong mapilit ang batang ‘to eh,” anang mama niya kay Dwight.
“Mama! Sinabi nang ‘di na ako bata eh,” reklamo niya sa mama niya na ikinatawa ng mga ito. Humarap siya kay Dwight para hingin ang sagot nito sa tanong ng mama niya. Nag-puppy dog eyes pa siya rito na hiniling niyang sana’y maging effective.
“Okay lang po, tita,” sagot ni Dwight sa mama niya.
“Yay! Thank you, ‘Ma!” masayang sabi niya sa mama niya bago siya humarap kay Dwight at yumakap dito. “Thank you!” aniya rito.
“No alcohol for Nicole, Dwight,” bilin ng Tito Paul niya sa anak.
“I know that, dad,” sabi naman ni Nicole dito.
“Go and pack your things, Nicole. ‘Wag kang masyadong pahirap kay Dwight ha,” bilin naman sa kanya ng mama niya.
“Of course, I won’t be,” nakangiting sabi niya sa mama niya saka patakbong tinungo niya ang kanyang kwarto at naghanda ng mga damit na dadalhin niya.
Dinala niya ang blue one-piece bathing suit na matagal nang binili para sa kanya ng mama niya pero hindi pa niya nagagamit kahit kailan. Katulad ng sinabi niya kanina, hindi pa siya nakakasama sa outing ng mga kaibigan niya. That’s because she doesn’t have friends—just classmates. Only the braves come to her. Kaya susulitin niya ang outing na ito kasama si Dwight.
Pagkatapos niyang mag-ayos ng kanyang gamit ay agad siyang lumabas ng kanyang kwarto at napangiti siya ng makita si Dwight na nakatayo sa labas ng pintuan niya.
“Let’s go?” nakangiting yaya niya rito. Tinanguan naman siya nito saka nito kinuha ang backpack na dala niya. Ang Land Rover nito ang ginamit nila.
Habang nasa daan ay sinabi sa kanya ni Dwight kung saan sila pupunta at kinwentuhan na siya nito tungkol sa mga kabarkada nito na makakasama nila. Sa Batangas pala sila pupunta dahil may rest house daw doon ang kaibigan nitong si Averyl. Nagbanta rin ito sa kanya na kung may maririnig daw siyang hindi kaaya-aya mula sa usapan ng mga kaibigan nito’y huwag na lang daw niyang pansinin ang mga iyon.
“I get it. Adult conversations. Don’t you think I have to be open to those kind of things now?” sabi naman niya rito.
“You’ll learn about those things in the right time, Nicole. Don’t rush things. Enjoy your teenage life now. Baka magsisi ka kapag dumating ang panahon na maraming responsibilidad na ang nakaatang sa balikat mo,” seryosong sabi ni Dwight sa kanya.
Sinimangutan niya ito. “Bakit ba kasi hindi tayo magka-age bracket? Hindi na sana ako nahihirapang makibagay sa’yo,” pabulong na sabi niya sa sarili.
“May sinasabi ka, Nicole?” tanong ni Dwight. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya.
“Nothing,” aniya.
“Okay. May gusto sana akong itanong sa’yo, Nicole. Bakit hindi ka pa nakakasama sa outings ng mga kaibigan mo dati?” pagkuwa’y curious na tanong sa kanya ni Dwight.
“I don’t have friends,” nakayukong sabi niya rito. For the first time in her life, she felt shame.
“Why?” hindi makapaniwalang tanong ni Dwight.
“I don’t know. I guess, I don’t know how to make friends,” simpleng paliwanag niya rito.
“Why?” muling tanong nito.
Bumuntong-hininga siya at itinutok ang tingin sa daan. “I focused on my family. Nag-focus ako kung paano pagbabatiin ang mga magulang ko. Nag-focus ako sa problema namin na nakalimutan ko nang may ibang mundo pa pala. All these years, ang mabuo ang pamilya namin lang ang goal ko. Iyon lang ang mahalaga sa’kin. Imagine my depression when I heard about my parents getting married to other people,” paliwanag niya kay Dwight.
“I’m sorry, Nicole. I know it’s hard for you,” ani Dwight sa kanya na tila naaawa pa.
“Surprisingly, I took my mother and your father’s marriage on a light note. Thanks to you. Siguro kung wala ka, sinira ko na ang kasal nila. You’ve changed everything, Dwight. And I’m really grateful that you’re there to make everything all right,” nakangiting sabi niya rito.
Nakita niyang sumulyap ito sa kanya at nginitian siya. “I’m glad. Don’t worry, Nicole. I’ll help you with making friends.”
It’s fine, Dwight. You’re already enough.
“I THINK AVERYL LIKES YOU,” ani Nicole kay Dwight habang magkatabi sila sa harap ng bonfire na ginawa ng mga kaibigan nito kanina. Silang dalawa lang ang nasa kabilang panig ng bonfire na iyon dahil nag-iinuman ang mga kaibigan nito sa kabilang side. May ilang naninigarilyo din kaya pinalayo ito ni Dwight sa kanilang dalawa.
Kahit na mahirap ilabas ang mga salitang iyon sa kaswal na paraan ay nagawa pa rin niya dahil gusto niyang makausap si Dwight tungkol sa mga tipo nito sa isang babae. Kahit na pagod na pagod na siya dahil sa kalalangoy kanina sa dagat at sa pool ng rest house ay sumama pa rin siya sa bonfire party na iyon dahil gusto pa niyang makasama at makausap si Dwight.
“Nah. She’s just a friend,” sabi naman sa kanya ni Dwight.
“No. Iba ang tingin niya sa’yo eh,” giit niya rito.
Why are you insisting that? Hindi ba dapat ay inilalayo mo nga ang mga ganyang topic kay Dwight? What if it turned out that he likes Averyl’s type? Eh ‘di wala ka? anang isang bahagi ng isipan niya.
Pero naba-bother siya sa mga inaakto ni Averyl kanina kay Dwight. Naroong may payapos-yapos pa ito kay Dwight, pahalik-halik sa pisngi at pahawak-hawak sa braso ni Dwight. At ito namang si Dwight ay wala man lang ginawa para itaboy si Averyl.
Magkaibigan kaya sila. Hello? sabi na naman ng makulit na isipan niya.
“Sige nga. Paano siya tumingin sa’kin?” nangingiting tanong ni Dwight sa kanya. Sa tingin niya’y hindi nito sineseryoso ang usapan nila na ikinainis niya. Umisod siya palapit dito at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito para pwersahin itong tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.
It was a stupid move. Her heart thumped so hard she felt like it’s going to break any minute now while her thoughts were shattered. She never knew looking at Dwight so close like that could give her an adrenaline rush.
“Like this,” aniya kay Dwight. She looked into his eyes lovingly—like he was brighter than the stars in the sky that night.
“You know what? You’ll break hearts when you enter college, princess,” sabi naman nito sa kanya.
“Huh? Why?” nagtatakang tanong niya rito dahil nagulat siya sa out of the topic nitong sagot.
“You’re damn pretty they’ll have to work their asses off to get your attention. Choose well among them,” nakangiting sabi ni Dwight sa kanya.
I already chose you, Dwight. I won’t look for somebody else because it’s going to be just you, ngali-ngaling sabihin niya rito.
“Hey! No kissing with minors!” sigaw ni Averyl sa gawi nila sunod ay ang malakas na kantiyawan. Na-distract siya sa sigaw nito kaya natanggal niya ang mga kamay niya sa mukha ni Dwight. Naiinis na tumingin siya kay Averyl na hindi naman nakatingin sa kanya. Nakikipagtawanan na ito sa iba pang mga kabarkada ng mga ito.
“Shut up, you guys! We’re not kissing!” sigaw naman sa mga ito ni Dwight.
“See? She’s jealous because she likes you,” aniya kay Dwight patungkol kay Averyl.
“Nah. May boyfriend na si Averyl, Nicole,” sabi naman sa kanya ni Dwight. Nakahinga siya ng maluwag sa kaalamang iyon.
“Okay. But do you like her?” kastigo niya rito.
“No. I don’t do relationships with my friends, Nicole,” simpleng paliwanag nito sa kanya.
“So, who do you date? Or what’s your kind of girl?” pasimpleng tanong niya rito.
“I date girls who always catch my attention. What I mean is, I date girls with interesting personalities and not just those with pretty faces,” anito.
Ang sabi nito ay maganda siya. Ibig bang sabihin niyon ay hindi siya nito ide-date dahil maganda siya?
“Do you think I’m interesting?” tanong na lang niya rito.
“Of course you are, princess. You’re not just a pretty face. And I meant that. You have this cold aura around you that would get guys curious. And when you smile, it would turn their worlds around,” ani Dwight na diretsong nakatingin sa mga mata niya.
Pakiramdam niya’y sinasabi nito ang totoong tingin nito sa kanya nang sabihin nito ang mga salitang iyon na labis niyang ikinakilig.
Ah, I love you, Dwight!
“NICOLE, ARE YOU IN LOVE with Dwight?” bungad kay Nicole ng mama niya nang isang araw ay pinuntahan siya nito sa kwarto niya. Naghahanda na siya para sa pagpasok niya noon. Nagulat siya sa tanong nito pero nginitian niya kapagkuwan.
“Yes, ‘Ma. Oh my gosh! I’ve never felt like this before,” tila nakalutang sa alapaap na sabi niya rito pagkuwa’y umupo siya sa kanyang kama.
“Get over it. You can’t love him,” seryoso at mariing sabi ng mama niya.
“What? Why?” nanlalaki ang mga matang tanong niya rito.
“Magkapatid ka—“
“Hindi kami magkapatid, ‘Ma! Nagpakasal lang kayo ni Tito Paul pero hindi ibig sabihin no’n ay magkapatid na kami ni Dwight!” sabi niya rito.
“Magkapatid kayo sa harap ng mga tao, Nicole,” giit pa rin nito.
“I don’t care! I love him,” aniya rito.
“And I say, get over it,” giit nito.
“Don’t be selfish, ‘Ma. Ano ba ‘to? Para walang masabi ang ibang tao sa pamilyang ito? Screw them, ‘Ma,” naiinis na sabi niya rito.
“Nicole, kapag hindi ka tumigil sa kahibangan mo, doon kita patitirahin sa papa mo,” pagbabanta pa ng mama niya sa kanya.
Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. “Fine. Do what you want,” sabi niya rito.
Kung iyon lang ang paraan para hindi sila maging “magkapatid” ni Dwight sa paningin nito at ng ibang tao, doon siya titira sa papa niya. Kinuha niya ang kanyang bag at tinungo ang pintuan ng kanyang kwarto.
“And, ‘Ma, it won’t change the fact that I love Dwight,” aniya rito bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.
“TAHAN NA, NICOLE. Babalik din naman ako after four years eh. By then, graduate ka na. Sabay tayong magtatrabaho sa Prominence. We’re going to be perfect partners and we’re going to have the best team that nobody can beat us,” nakangiting sabi kay Nicole ni Dwight.
Pero hindi pa rin iyon sapat para maampat ang mga luha niya. Nagtatampo siya rito dahil hindi man lang nito nabanggit na aalis pala ito papunta sa Amerika dati. Palagi
silang magkasama at palagi din silang magkausap kaya bakit hindi nito sinabi sa kanya iyon noon pa? Napaghandaan sana niya.
Nasa airport sila noon dahil ihahatid nila ito. Tutulak papuntang Amerika si Dwight dahil kukuha na ito ng masteral degree sa Business Administration bago ito humawak
ng isang pwesto sa Prominence. Dapat ay dalawang taon lang ang ipananatili nito roon dahil dalawang taon lang naman ang masteral degree pero mananatili pa ito roon ng dalawa pang taon dahil kailangang mahasa ang kakayahan nito sa isang malaking kompanya sa Amerika. Isa daw iyon sa ibinigay na challenge dito ng Tito Paul niya. And Dwight gladly took it. Apat na taon silang hindi magkikita. Just the thought of it stabbed her heart.
“Bakit hindi mo kasi sinabi sa’kin ‘to dati pa?” aniya rito.
“Because I know it will make you sad. And I don’t want to see you sad. Kaya please? Ngumiti ka na. Mas sanay akong nakikita kang ngumingiti eh. This would also be hard for me, Nicole. I grew close to you in just a span of time,” sabi nito sa kanya. His last words brought a smile in her face. Pareho lang pala sila ng nararamdaman nito.
“Okay. Pwede naman kaming pumunta do’n para dalawin ka ‘di ba?” aniya rito. Sumulyap ito sa kanilang mga magulang na bahagyang malayo sa kanila. Inilayo kasi siya ni Dwight sa mga ito para makapag-usap sila ng maayos. Nagtaka pa nga siya kung bakit kailangan pa nilang lumayo sa mga ito para mag-usap.
“Yes. I’m sorry, Nicole,” halos pabulong na sabi nito sa kanya.
“Why are you saying ‘sorry’? Babalik ka naman ‘di ba?” aniya rito. She tried to cheer her voice up. Ayaw niyang malungkot at mahirapan si Dwight bago ito umalis.
“Of course, I’ll be back.”
“Promise?”
“Promise,” nakangiting sabi ni Dwight sa kanya pagkuwa’y may kung ano itong hinugot sa may dibdib nito sa loob ng suot nitong polo. Doon ay inilabas nito ang isang silver necklace na may pendant na singsing. Hinubad iyon ni Dwight. Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya at isinuot nito sa kanya ang kwintas na iyon.
“Dwight...” hindi makapaniwalang sabi niya rito. Tiningnan niya ang singsing. May kulay asul na diyamante iyon sa gitna. It looked like a vintage ring but it’s elegant.
“It’s my mom’s, Nicole. I want you to have it. You’re as important as that ring to me. I’ll be back after four years, Nicole. I promise,” masuyong sabi sa kanya ni Dwight bago siya nito hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
“I’ll be waiting, Dwight. I promise,” sabi naman niya rito.