Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 5

Four years later...

SA STUDY ROOM AGAD ng mansion ng mga Hontiveros dumiretso sina Nicole at Enrique mula sa mall na pinanggalingan nila para bumili ng cake nang malaman nilang dumating na si Dwight. Hindi sinabi ni Dwight sa kanila na ngayong araw na pala ang dating nito kaya kapwa sila nagulat nang tawagan siya ng mama niya at sinabing naroon na daw si Dwight sa bahay. Mabuti na lang at magkasama sila ni Enrique noon.

Excited na excited siyang makita, makausap at makasama si Dwight dahil pagkatapos ng apat na taon ay ngayon lang sila muling magkikita nito. Hindi natupad ang kagustuhan niyang bisitahin sa States si Dwight dahil naging abala siya sa kanyang pag-aaral at sa internship niya sa Prominence. Kung sakaling pumunta naman sila ng mama at Tito Paul niya para bisitahin si Dwight doon ay hindi rin daw nila ito makakasama dahil abala din ito sa masterals at internship nito.

Ang palaging sinasabi sa kanya ng mama niya na “puppy love” lang daw ang nararamdaman niya para kay Dwight ay hindi totoo dahil kahit apat na taon na ang lumipas, kahit na marami na siyang nakilalang lalaki at marami nang nanligaw sa kanya, kahit na abala siya sa naging pag-aaral niya ay si Dwight pa rin ang nanatiling nasa puso niya. She was so right about him being ‘the one’ after all.

Pero napalis ang ngiti sa mga labi ni Nicole nang marinig niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob ng study. Pati ang kasama niyang si Enrique ay napatigil din dahil narinig din nito ang narinig niya. Paano ba naman kasi’y nakabukas ang pinto ng study na tila ba hinihintay at sinasadya talagang marinig nila ni Enrique ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob.

So much for being excited, huh? aniya sa sarili dahil biglang nawala ang excitement na nararamdaman niya at napalitan iyon ng labis na sakit at kalungkutan. She felt her heart and dreams shatter.

She had waited for four long years. This day had been giving her the drive to strive hard and succeed. Pagkatapos ay sakit din lang pala ang aabutin niya. So much for promises and the future. Hinawakan niya ang kwintas na ibinigay sa kanya noon ni Dwight.

“Bakit nagmamadali naman yata kayong magpakasal?” tanong ng boses ng Tito Paul niya.

“Dad, Jullah’s pregnant,” anang boses ni Dwight.

Ramdam na ramdam niya kung paano umalpas ang mga luhang kanina pa niya pinipigil na kumawala sa kanyang mga mata at ramdam na ramdam din niya kung paano nadurog ang kanyang puso. Pakiramdam niya’y hindi siya makahinga.

“Nicole...” nag-aalalang tawag sa kanya ni Enrique. Hinawakan siya nito sa braso pero inalala din niya ang nararamdaman nito. Alam niyang nasasaktan din ito dahil nobya nito si Jullah. To think that they had been preparing for his proposal to Jullah these past few weeks. Masasayang lang pala ang mga paghahanda nila. Grabe!

Dalawang taon nang nobya ni Enrique si Jullah na nakilala nito nang bisitahin nito si Dwight sa States. Kaklase kasi ni Dwight si Jullah sa masterals nito at dahil kapwa Pilipino ang mga ito’y naging magkaibigan ang mga ito roon. At dahil madalas mag-tour sa ibang bansa si Enrique—dahil sa trabaho nito bilang artista—ay madalas nitong makita si Dwight. Sa pamamagitan ni Dwight ay nakilala ni Enrique ang babae.

Enrique had said that it was love at first sight when he met Jullah. Hindi naman na siya nagtaka sa sinabi nito dahil nang makilala niya si Jullah—na umuwi sa Pilipinas isang taon na ang nakararaan—ay nagandahan din agad siya rito. Ang ayaw lang niya kay Jullah ay tila mas importante pa dito ang trabaho nito kaysa kay Enrique. Ang kwento sa kanya ni Enrique ay sa condo unit lang daw nito madalas na nagde-date ang mga ito dahil kung hindi busy ang una ay si Jullah naman ang busy. But she would commend them both for still prolonging their relationship for two years though.

The big question is: how could Dwight and Jullah do this to Enrique?

“Enrique...” sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito dahil sa matinding sakit sa pusong nararamdaman niya. She wanted to comfort him but she couldn’t. She couldn’t even comfort herself.

Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil nito iyon na para bang sinasabi nitong magkasama naman silang dalawa at dadamayan nila ang isa’t isa. At pareho din silang masokista dahil kahit na nasasaktan silang dalawa ay nanatili pa rin sila sa kinatatayuan nila at nakinig sa usapan ng mga tao sa loob.

“But I thought Jullah was Enrique’s girlfriend?” anang boses ng mama niya.

“Tita Frei, n-naghiwalay na po kami,” sabi naman ng boses ni Jullah na ikinalaki ng kanyang mga mata. Bigla siyang napatingin kay Enrique at nakita niya rin ang pagkagulat sa mukha nito kasunod ang lungkot sa mga mata nito. She knew how hurt he was too.

Hindi na niya naintindihan pa ang mga sumunod na pinagsasabi ng mga taong nasa loob dahil nabibingi at natutuliro na ang puso niya sa sunod-sunod na saksak ng matatalim na salitang binibitiwan ng mga ito. She didn’t know she could be hurt like that. And worse, it came from the man she loved the most.

Nang marinig niya ang mga yabag ng mga taong nasa loob na papalabas ng study ay mabilis siyang humarap kay Enrique. And on impulse, she crushed her lips on his. Ramdam niya ang gulat ni Enrique pero sumakay din naman ito sa ginawa niya.

It was the only thing she can do to save her and Enrique’s pride.

Present time...

HINDI AGAD NAKATULOG SI DWIGHT nang gabing iyon. The past was still haunting him. He had so many regrets in life. Regrets that he wanted to set right. Pero hindi rin niya alam kung tama ba ang mga gagawin niyang hakbang. One thing’s for sure though, he wants to have Nicole now. Whatever it takes, whatever happens. It had been nine years of pure torture. He’s not going to let anyone take this chance from him again. Not even Enrique and their parents.

He had been waiting for a chance like this for five years now. He just wouldn’t let this chance slip away. He had given Nicole five years of space to think things over and he was regretting that. He wasn’t proud of the things he did. Dapat pala ay noon pa lang ay nakipag-ayos na siya kay Nicole. But he have his Tita Freida to consider and Nicole’s madness against him. So, he let her cool down first.

Nagawa na niya ang step one kung saan tinawagan niya ang daddy niya at ang Tita Freida niya tungkol sa gusto niyang mangyari kanina nang nasa presinto sila nina Nicole para piyansahan ito.

“Dad, I want to talk to you about Nicole. I want to talk to Tita Freida about this too,” bungad ni Dwight sa kanyang ama ng tawagan niya ito sa hotel na tinutuluyan ng mga ito sa Bahamas kung saan nagse-celebrate ng anniversary nito ang mga ito.

“What about Nicole?” agad na tanong ng daddy niya.

Bumuntong-hininga siya at tiningnan ang babaeng dahilan kung bakit nasa presinto siya ngayon—si Nicole Andrea Santos. Pagkalipas ng limang taon ay ngayon lang sila muling nagkita ni Nicole. Pero kahit na ganoon pa man ay hindi naman siya nawawalan ng balita tungkol dito lalo na’t sa bahay nila ito nakatira at siya ang humahawak ng finances nito sa tulong ng kaibigan niyang si Brennan na siyang legal counsel at abogado niya.

“Nasa presinto kami ngayon dahil napaaway siya,” paliwanag niya sa daddy niya. Hindi na nito kailangan pang malaman ang buong detalye ng pagkakasangkot ni Nicole sa gulo ng gabing iyon dahil alam nito ang kalibre ni Nicole sa pakikipag-away nitong mga nakalipas na taon.

Narinig niya ang paghugot ng isang buntong-hininga ng daddy niya sa kabilang linya. At kahit hindi niya ito nakikita ngayon ay alam iyang nagkakamot ito ng noo na mannerism nito tuwing nag-aalala ito tungkol sa isang bagay o tao.

Hindi niya magawang sisihin ang mga ito kung bakit naging ganoon katigas si Nicole dahil alam niyang may kasalanan din siya sa pagbabago nito. Hinahayaan ng mga itong gawin ni Nicole ang anumang gustuhin nito para hindi masyadong ma-guilty ang mga ito sa ginawa ng mga ito noon. Kahit na hindi niya marinig mula sa Tita Freida niya ang katotohanang iyon ay alam niyang iyon ang nararamdaman nito.

“I’ll take care of her, dad. Please tell Tita Freida about this. I’m not going to hold back now. No matter what happens,” aniya rito. Alam na nito kung ano ang tinutukoy niya.

“Galit siya sa’yo, Dwight. Narinig niya ang pinag-usapan natin noon tungkol sa pagpapakasal n’yo ni Jullah,” anang boses ng Tita Freida niya sa kabilang linya.

“And I’d do everything to ease out her pain, tita. I’ll make things right now,” determinadong sabi niya rito.

“I’d still say the same thing nine years ago, Dwight,” mariing sabi sa kanya ng Tita Freida niya.

“I love her, tita. And after nine years of pure torture, I’m not sorry for feeling that way anymore.”

Ngayon ay gusto naman niyang makausap si Enrique pero wala pa siyang numero nito. He and Enrique had come a long way. Ito ang unang nakaalam ng pagtingin niya kay Nicole noon. At dahil din sa pag-uusap nila noon kaya nagkalayo sila ni Nicole.

“Enrique, naramdaman mo na ba ‘yong nagging feeling na gusto mong makita ang isang babae kahit na kahihiwalay n’yo lang?” tanong ni Dwight kay Enrique habang kumakain sila sa may garden ng bahay nila. Gusto na namang maging “normal” ni Enrique kaya dinalaw na naman siya nito sa kanilang bahay. May pasok na noon si Nicole kaya wala ito sa bahay nila ngayon.

“Sometimes. When I liked her tricks,” pilyong saad ni Enrique.

“’Tado! I’m serious,” aniya rito.

“What’s new? You’re always serious. Okay. Who’s this girl who’s bothering the mighty Dwight Hontiveros? You look like you’re going to go on your knees any minute now,” natatawang sabi nito sa kanya.

“Nicole,” aniya rito.

“Nicole Beatriz Santos? Our Nicole?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

“She’s not yours,” kunot-noong sabi niya rito. Naiinis siya tuwing tinatawag nitong “baby” si Nicole. Hindi niya matanggap na kahati niya ito kay Nicole sa “our” nito.

“Oooh. Getting possessive, aren’t we? This is so interesting. You’re already like...siblings,” anito sa kanya.

“I don’t know, man. I like her. It’s just...I can’t resist her pleas; I can’t stand seeing her sad, hell, I even wanted to tell the whole world how loveable she is when she told me she doesn’t have any friends. And damn, she’s so pretty that I wanted to give everything she wanted. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa’kin these past few weeks. The moments I spent with her felt like the best moments of my life. I feel lightheaded,” kwento niya kay Enrique.

“Man, you’re in love!” komento sa kanya ni Enrique.

Love, huh? He was in love with his step-sister!

“Damn! What would I do? Tita Freida’s going to kick my ass,” frustrated na sabi niya rito.

“Dwight!”

Nanigas siya sa kanyang kinauupuan at ganoon din si Enrique na hindi na nagawang isubo ang sandwich na hawak. Kumabog ng mabilis ang puso niya nang marinig niya ang boses ng Tita Freida niya. At nang humarap siya rito’y alam niyang narinig nito ang pinag-usapan nila ni Enrique dahil sa galit na nabanaag niya sa mga mata nito.

“Meet me and your father in the study now,” seryosong sabi nito sa kanya bago ito tumalikod.

“Oh, man. Bless your soul,” sabi naman sa kanya ni Enrique.

Bumuntong-hininga siya at pinakawalan ang anumang kaba at takot na nararamdaman niya sa kanyang puso. He should be responsible to what he feels, wrong or right.

Isang malutong na sampal ang agad na bumungad kay Dwight pagkapasok niya ng study room sa bahay nila mula sa kanyang Tita Freida.

“How dare you, Dwight! I’ve expected you to treat her as your little sister! You’re not allowed to fall in love with her!” anang Tita Freida niya. Makikita sa mga mata nito ang matinding galit at pagtutol.

“Tita, I’m sorry,” hinging-paumanhin niya rito.

“You took advantage of her! Alam mo ang pagtingin niya sa’yo. Dapat ay kusa ka nang lumayo sa kanya!” galit pa ring sabi ng Tita Freida niya sa kanya. Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. He did not take advantage of Nicole!

“Freida, tama na ‘yan,” awat ng daddy niya rito pagkuwa’y bumaling ito sa kanya. “Dwight, you understand that we needed to do something about this, right? Do you want to have your masterals in the States this time?” anang daddy niya at naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin.

“Yes, dad. I would,” aniya rito.

He needed to go to the States. Having his masters in the States was a mistake. Leaving Nicole was a mistake. Obeying his dad regarding his masterals was a mistake. Heck, everything he did that hurt Nicole was a mistake! Akala kasi niya nang umalis siya noon ay mawawala ang nararamdaman niya para kay Nicole at ganoon din ito sa kanya—iyon din ang iniisip ng daddy at Tita Freida niya. But they were all wrong. Mas lalo lang umigting ang nararamdaman niya para kay Nicole nitong mga nakalipas na taon. The distance and the hurt between the two of them had just made his love for her more intense.

Five years ago, he was ready to fight for his love for Nicole. But then, Jullah’s situation came and once more, his responsible self took over him. And jealousy too.

Napatiim-bagang si Dwight nang makita niyang masayang naghaharutan sina Nicole at Enrique sa Delight’s Cafe na kinaroroonan nila. It was Jullah’s idea to watch the two of them from afar. Kung siya lang iyon ay gusto na niyang lapitan at komprontahin ang mga ito sa kung ano ba talaga ang relasyon ng mga ito. Pero nakuha din niya kung ano ang punto ng ideya ni Jullah.

Isang linggo na ang nakararaan mula nang padalhan siya ng e-mail ni Jullah kung ano ang nasaksihan nito sa pagitan nina Nicole at Enrique. Nang minsang dadalawin daw sana nito si Enrique sa condo unit ng huli ay nakita nitong naghahalikan ito roon at si Nicole. He can only imagine the pain Jullah felt then. Even he was hurt with that news too.

Looking at Enrique and Nicole now, they looked like a happy couple. Na parang walang Jullah sa buhay ni Enrique at parang hindi siya mahal ni Nicole. It pained him. Hard. He had known Nicole’s feelings for him all these years. She had been showy of her love for him. Hindi niya napaghandaan ang ideyang maaari palang hindi na siya mahalin ni Nicole sa nakalipas na mga taon.

Had she fallen in love with Enrique? It sucked but if that would make Nicole happy, he’ll let them be. Besides, kapag si Enrique ang nakatuluyan nito ay hindi magiging komplikado dahil hindi “magkapatid” ang mga ito. The only question is this: why did Enrique have a relationship with her while he’s still having a relationship with Jullah?

“See what I mean, Dwight? Kung kokomprontahin natin sila, malamang na itanggi lang nila ang relasyon nilang dalawa. I guess, hinihintay lang ako ni Enrique na makipaghiwalay sa kanya. Na kaya siya nanlalamig sa’kin nitong mga nakaraang linggo ay dahil may relasyon na siya kay Nicole,” ani Jullah. Makikita sa mga mata nito ang lungkot at sakit na nararamdaman nito.

“Jullah...” hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Hindi niya alam kung paano ito aaluin.

“I’m pregnant, Dwight,” pagkuwa’y sabi nito habang umiiyak na nakapagpatalon sa puso niya.

“Fuck, Enrique!” mura niya sa kaibigan.

Ngunit ayaw ipaalam ni Jullah ang kondisyon nito kay Enrique noon. He understood her situation and her feelings then so he went on with her plan. Nagpasya siyang pakasalan noon si Jullah dahil pakiramdam niya ay siya ang responsable sa nangyari sa relasyon nito kay Enrique. Siya ang dahilan kung paano nagkakilala ang mga ito. At ayaw niyang lumaki ang anak nina Jullah at Enrique nang walang ama. As for Enrique and Nicole, he wished them happiness then.

Pero dahil sa sobrang stress at pagsusubsob ni Jullah sa trabaho nito’y nalaglag ang batang dinadala nito dahilan para umayaw si Jullah sa pagpapakasal sa kanya. Wala na daw kasi siyang responsibilidad dito noon. Pero ipinapangako siya nito na huwag niyang sasabihin kay Enrique ang nangyari dito.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang biglang tumunog ang cell phone niya. Si Brennan ang tumatawag. Si Brennan ang naging pinakamalapit niyang kaibigan nitong mga nakalipas na taon maliban kay Jullah.

“Hey, man. You won’t believe this,” agad na bungad nito sa kanya.

“What?”

“Hindi naman pala sina Nicole at Enrique eh,” anito.

“Paano mo nalaman?”

“Kay Charmaine. Nagkwento siya sa’kin. Mag-best friend lang daw sina Nicole at Enrique. May nabanggit daw sa kanya si Enrique dati na ang dalawang taong mahal nila ni Nicole ay mahal ang isa’t isa at silang dalawa ang kontrabida sa buhay ng mga ito. Kilala mo kung sino ang mga ‘yon?”

Napangiti siya dahil sa mga sinabi nito. Nakahinga siya ng maluwag. Heck, it felt like it was the first breath he took after five years. Hindi na niya inabala pa itong tanungin kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay kasama pa rin nito si Charmaine.

“Thanks, man.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.