Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 6

“WHAT THE FUCK?” inis na sigaw ni Nicole nang biglang may humigit ng comforter niya at masilayan niya ang liwanag dahil may kung sinong nagbukas ng bintana sa kwarto niya. Nang makita niya si Gerie ay pinanlisikan niya ito ng mga mata. Pero nang may tumikhim sa may gilid ng kama niya ay napakunot-noo siya.

Nalingunan niya si Dwight na komportableng-komportable sa suot nitong three-piece business suit. Now he looked more irresistible than ever. He looked every inch a businessman—a formidable businessman for that matter.

“We really need to do something with your swearing, Nicole. It doesn’t suit you,” sabi nito sa kanya.

“As your tie doesn’t suit you,” pang-aasar niya rito pero sigurado siyang hindi nito iyon papansinin. He’s always confident about what he wears. Bumalik na lang ulit siya sa pagkakahiga sa kanyang kama at nagtalukbong ng comforter niya.

Ano’ng oras na ba? Bakit nandito pa siya sa bahay? tanong niya sa sarili.

“Get up, Nicole. We’ll go to Prominence,” ani Dwight sa kanya pero hindi pa rin siya bumangon. Ano naman ang gagawin niya sa Prominence? At bakit siya nito gustong isama doon?

Ang Prominence ang isa sa Big Three property development companies sa bansa. Kalaban nito ang Crescent Corporation at ang Eduque Industries sa pagtatayo ng kung anu-anong buildings sa kung saan-saang lugar. But Prominence managed to take the lead. Hindi niya alam kung paano iyon nagawa ni Dwight pero simula nang hawakan nito ang kompanya ay madalas nang nakukuha ng Prominence ang malalaking bid mula sa naglalakihang kompanya.

At isa iyon sa mga hinahangaan niya kay Dwight. He was no doubt a great businessman.

Did I just praise him?

“Gerie, i-ready mo na ang shower,” narinig niyang utos ni Dwight kay Gerie.

“Yes, Sir,” agad namang sunod ni Gerie.

There is no way he’s going to order me around, aniya sa sarili. Napasinghap siya ng hilahin ni Dwight sa kanya ang comforter niya. Napahiyaw siya ng bigla na lang niyang maramdaman na lumulutang na ang katawan niya at may malalakas na brasong bumuhat sa kanya. Dwight flipped her over so she was now facing him.

“Shit, Dwight! What the fu—“

Hindi na niya naituloy pa ang ibang sasabihin niya dahil bigla na lang lumapat ang mga labi ni Dwight sa mga labi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. He was freaking kissing her! Hindi pa siya nagtu-toothbrush!

Pakiramdam niya’y sasabog siya. Napakabilis ng tibok ng puso niya, nanginginig ang kalamnan niya pero mainit ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya maintindihan ang mga wirdong emosyon na nararamdaman niya. She was supposed to forget every single weird feelings she had for Dwight before. Pero hindi pa rin pala nawawala ang mga iyon. Dwight was her very own bomb—he’s a self-destructing guy.

As Dwight’s lips brushed hers, she felt ecstatic. Hindi na niya inalintana pa ang hindi niya pagtu-toothbrush, which is an epic one. Her hand crawled up to Dwight’s nape and she dragged his head closer to hers to deepen their kiss.

But he held back. Tumigil ito sa paghalik sa kanya. She was on the verge of asking why when she remembered something.

Shit, Nicole! You’re supposed to be ignoring him, remember? Not kissing him! paalala niya sa sarili pero huli na ang lahat. Nangyari na nangyari. She blew her own cover up.

Parang napapasong tinanggal niya ang kanyang kamay sa batok nito at nagpumiglas siya para makawala rito. Maingat naman siya nitong ibinaba at tumayo siya ng maayos. Nahihiya siya rito at nahihiya siya sa kanyang sarili. Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sa kanyang sarili patungkol dito ay nagawa pa niyang makipaghalikan dito. Pagkatapos ay mag-iinarte siya ngayon sa harapan nito.

Real pathetic, Nicole, patuyang sabi niya sa kanyang sarili. Naramdaman niya ang pag-iinit ng buong mukha niya. It was an awkward situation for the both of them but

Gerie broke the ice.

“Okay na po ‘yong ipanliligo ni Ma’am Nicole,” ani Gerie sa kanila. Nang tingnan niya ito’y nakayuko ito kaya alam niyang nakita nito ang namagitan sa kanila ni Dwight. Tumalikod siya sa mga ito.

“Sige, Gerie. Salamat,” ani Dwight dito bago bumaling sa kanya. “Take a bath and get dressed, Nicole. I’ll wait for you in the garden. Nagpahanda na ako ng brunch para sa’yo,” ani Dwight sa kanya.

“Inaantok pa ako,” aniya rito. Tangkang babalik siya sa kanyang kama pero hinawakan ni Dwight ang braso niya.

“Maliligo ka ba o ako na mismo ang magpapaligo sa’yo?” ani Dwight sa tonong may pagbabanta. Naalala niya ang ginawa nito kagabi kaya naiinis na hinarap niya ito.

“You’re not my boss and you’re not my guardian so why on earth would I obey you?” aniya rito.

“Oo nga naman. Bakit mo nga pala ako susundin kung kahit ang mga magulang mo nga ay hindi mo sinusunod? Whether you like it or not, you’ll obey me, Nicole. Or else...”

“Or else what? You’re going to kiss me again? Huh! Scary. You don’t even kiss well,” lakas-loob na sabi niya rito sa patuyang tono. Kahit na ang totoo ay pakiramdam niya’y mapuputulan na siya ng hininga anumang oras.

His lips formed into a lopsided smile. “I’ll give you the best kiss you’ll ever have next time, Nicole. That kiss was meant to shut you up. Hindi mo alam kung ano pa ang kaya kong gawin sa’yo, Nicole. Anyway, I’ll freeze all your credit and debit cards. You’ll be banned from entering malls and bars and other public places. In short, you’ll be grounded here kung hindi mo ako susundin. I can do that, Nicole. Trust me,” sabi nito sa kanya.

“What are you?”

“Your big brother,” sarkastikong sabi nito sa kanya pero malaki ang naging hiwa niyon sa puso niya. That is exactly why she hates him. “So, gusto mo bang ako pa ang magpaligo sa’yo, little sister?”

“Don’t call me that!” sikmat niya rito.

“Then, take a bath. Now!” may pinalidad sa tinig na sabi nito. Naiinis na tinungo niya ang kanyang banyo at naligo. Pagkuwa’y napatigil siya ng maisip kung bakit ba siya sumunod kay Dwight.

You’re still into him, Nicole. And you’re doomed, anang isang bahagi ng isipan niya.

Fuck!

“CHANGE YOUR CLOTHES! We’re not going to a party.”

Inirapan lang ni Nicole si Dwight dahil sa sinabi nito pagkakita nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin pa at nagpatuloy siya sa pagbaba sa kanilang hagdanan. Kanina habang nagbibihis siya ay nakaisip siya ng plano para tantanan na siya ni Dwight. At parte ang get up niyang iyon sa plano niya. Alam kasi niyang hindi magugustuhan ni Dwight ang suot niya.

But she liked her outfit. The fashion police would give her an award if ever she sees her in her get up for today. She’s wearing a cream-colored tribal skirt and a blue tribal corset that hugged her body. To make it a little bit conservative, she wore a baby blue maong chaleco on top. And she wore her favorite red Jimmy Choos to complete her get up. She looks fabulous!

“You’re going to wear proper clothes, Nicole,” ani Dwight sa kanya. Sinalubong pa siya nito sa hagdanan nila at hinila pabalik sa kwarto niya.

“Do you have a thing for my room, Dwight? Or do you just want to lock me up here?” naiiritang tanong niya rito nang nakapasok na naman sila sa loob ng kwarto niya.

“You don’t know what I want to do with you here, Nicole,” sabi ni Dwight sa kanya. His eyes were looking at her with visible...desire? He was dangerously seducing her.

Fuck! mura niya sa sarili. She felt something stirred inside her and she hates the freaking weird feeling. Tila isang pelikulang nag-replay sa isipan niya ang nangyaring “kissing scene” sa pagitan nila kanina at ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya.

“I’m wearing my ‘proper’ clothes, Dwight. Kung pipilitin mo akong magpalit pa, puro ganito ang damit ko ‘no,” sabi na lang niya rito para maiba na ang usapan nila.

Tila napipikang tumingin ito sa kanya pagkuwa’y sumulyap ito sa suot na relo. “I only have thirty minutes for my next meeting. Let’s go,” yaya nito sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at saka siya hinila palabas ng kanyang kwarto.

Unlike how he held her hand earlier, this time, it was gentlier. It brought back memories when they used to held hands then, too. It brought back that irritating feeling when everything he do meant something for her but it didn’t mean much to him. Kaya hinila niya mula rito ang kanyang kamay. Nagulat pa ito sa ginawa niya pero hindi na niya ito pinansin pa. Nagpatiuna siyang maglakad dito patungo sa garden.

“Where are you going?” tanong sa kanya ni Dwight na bahid na iritasyon sa tinig.

“Sabi mo nagpahanda ka ng pagkain ko sa garden, ‘di ba? Well, kakain na ako dahil nagugutom na ako,” aniya rito.

“Didn’t you hear what I said a while ago? I only have thirty minutes before my next meeting,” ani Dwight na halos pagdikitin na ang mga ngipin habang nagsasalita.

Sige lang. Mapikon ka na, Dwight. So, you’ll give up, sa loob-loob niya.

“Eh, ‘di go to your meeting na,” aniya rito.

“Nicole...”

“Ano ba kasi ang gagawin ko do’n? Spectator?” sarkastikong tanong niya rito.

“No. You’ll start your first day of work as my secretary. Dahil kung hindi ay mawawalan ka ng allowance. I’ve talked to dad and Tita Freida about this and they both agreed to my plan,” ani Dwight.

“Plan? What plan?” kunot-noong tanong niya rito.

“Starting today, you’ll work as my secretary. Magsisilbi na rin iyong exposure mo sa kompanya lalo na’t gusto ka palang pahawakin ng isang posisyon ni daddy sa Prominence—“

“I don’t want to. Matagal ko nang sinabi ‘yon sa kanya,” singit niya rito.

“You should. Para saan pa ang tinapos mong degree kung hindi mo rin lang gagamitin? Hindi habang-buhay na magiging bum ka na lang, Nicole—“

“Stop saying my name that way!” muling singit niya rito. The way he said her name was getting on her nerves. It makes her heart beat erratically and it’s irritating the hell out of her.

“What way?” maang na tanong ni Dwight.

She grunted. Iniba na lang niya ang usapan. “Your plan would fail, Dwight. I’m not into your company. Body, mind, heart and soul,” pagdi-discourage niya rito.

“Okay lang naman sa’kin. Bad for you. It’s so easy for me to talk to Brennan about freezing your cards and banning you from malls and bars starting from now. You won’t even get help from your parents because they all agreed to my plan. So, you’re going to be my secretary as long as I can see changes from you whether you like it or not,” paliwanag sa kanya ni Dwight na labis niyang ikinainis. Naikuyom niya ang dalawang kamay niya sa kanyang tagiliran para pigilan ang pag-alpas ng kanyang galit dito.

“Why are you doing this? Why so sudden? And why now?” tanong niya rito. Bakit sa nakalipas na taon naman yata ay ngayon lang ito muling nagkainteres sa buhay niya? Sa kanya?

“Dahil gusto kong ibalik ang dating Nicole na nakilala ko—“

“I’m not a sixteen year old girl anymore, Dwight! Hindi mo na mapapaikot ang ulo ko. Isa pa, as if papayag naman ako sa balak mo. Sa balak n’yo. This is absurd! Let’s just go back to what we are these past years, shall we?” aniya rito.

“Pinaikot ko ang ulo mo dati? When? Bakit hindi ko alam ‘yon?” kunot-noong tanong naman ni Dwight.

Of course you wouldn’t know about it! “Let’s just leave it at the past. My point is, hindi mo ako basta mapapasunod,” taas-noong sabi niya rito.

Humugot ng isang buntong-hininga si Dwight bago ito muling nagsasalita. “Your attitude, Nicole. And how you feel, say or do to the people around you. Your mother is hurting because of what you’re doing to yourself, Nicole,” ani Dwight na mahihimigan ang lungkot sa tinig.

Bipolar ba ito? Bakit kanina’y naiirita ito pagkatapos ay malulungkot na lang ito agad?

“You don’t know about feelings or emotions, Dwight. You don’t even understand them,” aniya rito.

“Do you? Kung gano’n, bakit hindi mo naiintindihan kung ano ang nararamdaman ng mommy mo? Hindi mo naiintindihan kung ano ang nararamdaman ng mga taong nakapalibot sa’yo? Do you even have friends, Nicole? O mas gusto mo talagang magkaroon ng maraming kaaway?” sermon nito sa kanya.

“I have Enrique,” tanging nasabi niya rito.

“Right. You have Enrique. Eh, ‘di sana siya ang tinawagan mo kagabi. Where is he when you needed him?”

“He’s in the States for his touring. You know how in demand he is, right? Tutal, ‘yong nararamdaman lang naman ni Enrique ang hindi mo naintindihan noon. Maybe you know how much his work means to him,” nang-uuyam na sabi niya rito. And she knew she hit home.

“Actually, no. I don’t understand how his work means so much more to him than his family,” makahulugang sabi ni Dwight sa kanya.

“Nagtatrabaho si Enrique para sa pamilya niya. Nabawi nga nila ‘yong kompanya nila dati dahil nagpursige sa pagiging artista si Enrique noon ‘di ba?”

“Of course he doesn’t know about his family,” muling sabi ni Dwight. He seems to be speaking in riddles.

“What are you talking about?” naguguluhang tanong niya rito.

“Kung hindi mo pa naa-absorb ang lahat ng sinabi ko ngayon, bukas ka na lang magsimula. I’m giving you at least a day to prepare yourself for work,” sabi ni Dwight sa kanya sa halip na sagutin nito ang tanong niya kanina bago siya nito tinalikuran at walang lingon-likod na lumabas ng mansion.

As if, I’ll prepare myself, sa loob-loob niya.

Pero naiwan siya nito roon sa isang malalim na pag-iisip. Ano kaya ang sinasabi nito tungkol kay Enrique at sa “pamilya” daw ng huli?

NICOLE STORMED INTO DWIGHT’S office without notice. Kahit ang receptionist o secretary nitong nasa labas ng opisina nito ay walang nagawa para pigilan siya sa pagpasok doon. Kapwa pa sila nagulat nang magkakitaan silang dalawa. Nagulat ito na naroon siya ngayon at nagulat naman siya nang makita kung sino ang babaeng kausap nito—si Jullah, her number one karibal ever. Kapwa tumayo ang mga ito sa kanya-kanyang kinauupuan pagkakita sa kanya.

“What a surprise, Nicole. Welcome to my office and welcome to Prominence,” nakangiting sabi sa kanya ni Dwight pero alam niyang may ibang kahulugan ang ngiti nitong iyon.

“What would it take for you to get out of my life, Dwight?” naiinis na sigaw niya rito.

Kagagaling lang niya sa Milandia pero hindi siya pinapasok doon ng mga guwardiya dahil nakakalat na pala sa mga mall ang mukha niya bilang kasama sa “banned list” ng mga ito. Tinutoo nga ni Dwight ang sinabi nito sa kanya kanina at galit na galit siya rito ngayon.

“I told you she’d take it hard,” narinig niyang sabi ni Jullah na mas nakadagdag sa galit na nararamdaman niya sa mga ito noon at ngayon.

“You’re out of the topic, Jullah! ‘Wag kang mangarap na palagi ka na lang kasali sa usapan,” sikmat niya rito.

“Nicole!” saway sa kanya ni Dwight.

“What? Wala pa akong sinasabing masama,” katwiran niya kay Dwight. Kapag inumpisahan na niyang maging masama dito, tingnan lang natin kung hindi umiyak si Jullah sa harapan niya. That would be precious! Agad niyang padadalhan si Enrique ng video nito na umiiyak kapag nagkataon.

“Juls, can we talk about this later?” baling ni Dwight kay Jullah.

“Sure,” sang-ayon ni Jullah dito. Lumapit ito kay Dwight at humalik sa pisngi ng huli. “Welcome to Prominence, Nicole,” nakangiting sabi ni Jullah sa kanya bago siya nito lampasan palabas ng opisina ni Dwight.

‘Welcome’? Dito ba siya nagtatrabaho? Tanong niya sa sarili. Nagngitngit ang kalooban niya sa nasaksihang eksena sa pagitan nina Dwight at Jullah at isipin pa lang niya na doon nga nagtatrabaho si Jullah ay gusto na niyang magwala.

Tse! Nagseselos ka lang sa kanila, anang isang bahagi ng isipan niya.

Why would I be? aniya sa sarili. Hindi lang niya matanggap na naroon si Jullah.

Uhm, because you’re still into Dwight? sabi na naman ng isang bahagi ng isipan niya.

Hindi na ‘no! sagot niya rito.

You just admitted it this morning!

Fuck, no! aniya sa sarili.

Fuck, yes! anang isang bahagi ng isipan niya. She must be going nuts talking to herself now. And she’s blaming Dwight because of it.

“So, I believe na-test mo na ang capability ko that’s why you’re here now, right?” pukaw sa atensyon niya ni Dwight.

“I know exactly what you’re planning, Dwight. You’re going to ruin my life,” nang-aakusang sabi niya rito sa halip na sagutin ang tanong nito.

“You really think the worst of me, huh?” anito sa kanya na may bahid na kalungkutan sa tinig. Why would he be sad about that?

“I should, right? I have enough proof. Inagaw mo ang girlfriend ng best friend mo!” akusa niya rito. Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Pagkakita niya rito kanina kasama si Jullah ay muling nanumbalik ang galit na nararamdaman niya sa mga ito noon pa man. Nanumbalik din ang awa niya para kay Enrique noon.

She and Enrique had been best friends because of Dwight and Jullah. Nobya ni Enrique noon si Jullah pero nalaman na lang nilang magpapakasal na sina Jullah at Dwight dahilan para kapwa sila masaktan ni Enrique. Tama nga siguro iyong kasabihang “birds of the same feathers, flock together”. Naging applicable iyon sa kanila ni Enrique. Naintindihan nilang dalawa ang isa’t isa limang taon na ang nakararaan dahil kapwa sila heartbroken.

“Hindi rin pala batayan ang titles sa isang relasyon dahil hindi pa rin niyon masisiguro ang tatag at tibay ng kung anong mayroon kayo. Jullah and I had been official for almost two years now. But, see? She still went for Dwight. Ang ‘mas’ kaysa sa’kin. My best friend. He’s my fucking best friend! How could he do this to me?”

Those were Enrique’s exact words five years ago when they both heard of the Dwight-Jullah engagement.

“One shouldn’t assume. One shouldn’t expect. And one shouldn’t believe in love too much. It could hurt. A lot. Now I know because I saw things that are beyond my beliefs pero pwede naman palang mangyari. I never saw Dwight that way pero maaari pala niyang gawin iyon. I loved him since the very first time I saw him. I thought he fell for me too, but I thought wrong. I guess, we just have to accept that in our loved ones love story, we’re just mere villains.”

Iyon naman ang mga salitang sinabi niya noon kay Enrique. The thought about the past ruined the shield she built against Dwight and Jullah after all these years. Hindi pa rin pala niya kayang magpakatatag sa harapan nito kahit na gaano pa siya ka-bitch. Because the same feelings of yesterday would over take everything she feels now.

“So, I should think the same way about Enrique too, right? Inagaw niya ang babaeng mahal ko,” sabi ni Dwight.

“What are you talking about?” kunot-noo at naguguluhang tanong niya rito.

Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. His gaze penetrates deep through her. “I’ve loved you ever since, Nicole,” sabi nito sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata.

His words were like a big bomb which exploded in front of her. She tried to fix her gaze on him but suddenly, everything went black afterwards.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.