NAGISING SI NICOLE NA basa ng luha ang kanyang mukha at mabilis ang kanyang paghinga. Sinapo niya ang kanyang dibdib dahil mabilis ang tibok ng kanyang puso. Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim para panatanagin niya ang kanyang puso. Napanaginipan niya ang mga nangyari noon.
Flashbacks in a dream. Who would’ve thought, aniya sa sarili. Pero nakahinga siya ng maayos matapos niyang ma-realize na panaginip lang ang lahat. Thank God!
Agad niyang kinapa sa ilalim ng kama niya ang diary ni Maggie. Binuksan naman niya ang bedside drawer niya at kumuha siya room ng isang ball pen para maisulat niya ang mga nararamdaman niya sa diary hanggang fresh pa iyon sa puso’t isipan niya.
DEAR DIARY,
I just had the strangest dream ever. Flashbacks in a dream. Gods! This is really pure torture! Bakit bumabalik ang lahat ng alaala ko ngayon na akala ko’y naibaon ko na sa limot noon? Oh, yeah. It’s because Dwight said...fucking shit! He told me he loved me ever since when we’re in Prominence! At nahimatay ako sa harapan niya pagkatapos niyang sabihin iyon! Shit!
Oh. My. God. My heart! How could he? Damn! After all these years, after I’ve build this wall on my heart, he’s still the one who can change and break through it.
I almost forgot about the ring. Limang taon ko na kasing hindi sinusuot ang kwintas na binigay sa’kin ni Dwight mula nang insidenteng narinig nila ni Enrique sa study room. Ngayon ko rin lang naisip, ano ang nangyari kina Jullah at Dwight? Bakit hindi natuloy ang kasal nila? I have to know.
Shit! This is so complicated. What the hell happened between the four of us? (Me, Dwight, Enrique and Jullah) Dwight’s revelation is freaking my heart out! Or, baka kasama lang iyon sa plano niya sa’kin? Plano niyang kunin muna ang loob ko para mapaamo niya ako at sumunod ako sa gusto niya? Is that it?
Fuck him! If that’s what he plans, I’ll give him a good game. So, may the gods bless my ass.
Yours,
Nicole
Having thought about it, kinuha ni Nicole ang kwintas na ibinigay sa kanya noon ni Dwight sa safety box sa loob ng drawer niya at pinakatitigan iyon na para bang doon niya makukuha ang kasagutan sa tanong niya. Iyon kasi ang isang parte ng panaginip niya na malaki ang naging epekto sa kanya.
It made her hope for one stupid thing: love.
“Iyon ba ang gusto ng owner mo? Ang paamuin ako kaya sinabi niyang mahal niya ako? Pathetic,” aniya. Bumalik na naman ang inis na nararamdaman niya kay Dwight at muli niyang itinago ang kwintas sa safety box niya. Ibinalik niya ang diary ni Maggie sa ilalim ng kama niya bago siya muling humiga sa kanyang kama.
“Damn you, Dwight! I hate you!” mura niya kay Dwight habang nakatitig sa kisame ng kwarto niya.
But deep inside her heart, she knew that Dwight still has that huge space in it. Iyon ang rason kung bakit inis na inis siya rito.
“HEY, BABY! I’VE BEEN CALLING you for ages. Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?” agad na bungad kay Nicole ni Enrique nang sagutin niya ang tawag nito. Saktong patungo siya sa kusina nang tumawag ito sa kanya. Mabuti na lang at nabitbit niya ang cell phone niya. Kung hindi ay may missed call na naman ito sa kanya.
“I passed out,” kaswal na sabi niya rito.
“Huh? Ang aga mo naman yatang nalasing,” natatawang sabi nito sa kabilang linya.
“No. I’ve never had alcohol today. Thanks to my too good of a step-brother. He’s the reason why I passed out,” aniya kay Enrique. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti na ito sa kabilang linya.
“Nagkita na kayo ulit ni Dwight? Sayang! Hindi ko nakita ang ‘much-awaited moment’ na ‘yon. Ano’ng nangyari?” ani Enrique. Naiikot niya ang kanyang mga mata sa mga sinabi nito.
As her best friend, alam ni Enrique ang pag-iwas niya kay Dwight. Tila nga may silent communication sila ni Dwight dahil sa tuwing may okasyon na kailangan at dapat nilang puntahang dalawa ay hindi sila nagkakatagpo. Nitong nakalipas na limang taon ay hindi sa mansion ng mga Hontiveros nakatira si Dwight. Tuwing birthday lang ng daddy nito ito umuuwi doon at iyon naman ang panahon na umaalis siya ng bansa para hindi sila magkitang dalawa. Hindi naman siya uma-attend ng anniversary party ng Prominence at nang kung anu-ano pang okasyon na alam niyang pupuntahan ni Dwight kaya kagabi lang talaga sila muling nagkita nito.
Binuksan niya ang ref at kumuha doon ng one liter tetra pack ng orange juice. Kalahati na lang yata ang laman niyon kaya doon na mismo siya sa tetra pack uminom. Pagkuwa’y umupo siya sa bar stool sa may kitchen counter patalikod sa may dining area. Iyon lang kasi ang lugar na tanging maliwanag sa buong kusina dahil pasado alas-dose na ng gabi.
Ikinwento niya rito ang lahat ng nangyari mula kagabi hanggang sa kanina pati na rin ang panaginip niya tungkol sa nakaraan. Wala naman siyang dapat itago kay Enrique dahil alam nito ang lahat ng nangyari.
“Dapat kinuhanan mo ng picture si Dwight sa presinto. That would’ve been an epic shot! The ever responsible and respectful Dwight Hontiveros in a precinct. Wow!” natatawang reaksyon ni Enrique matapos niyang magkwento dito.
“Hindi naman siya ang nakulong, Rique,” aniya rito.
“Kahit na. He’s never been in a precinct before. I think this is going to be exciting. Isang araw pa lang, marami nang nangyari sa pagitan n’yo. I’m looking forward for more action,” pabirong sabi ni Enrique.
“Screw you!” mura niya rito na ikinatawa lang nito.
“And he told you he loved you ever since. Good thing he finally had the guts to tell you that,” pagkuwa’y seryosong sabi nito na ikinataas niya ng isang kilay.
“What are you talking about?”
“It’s true, Nicole. He fell in love with you nine years ago. It’s not a surprise that he still loved you even now. Ang ipinagtataka ko lang, bakit niya gustong pakasalan si Jullah noon? Don’t you think we missed something there?” ani Enrique na nagpagulo din sa isipan niya. Pero hindi niya iyon masyadong napagtuunan ng pansin dahil biglang nagkaroon ng riot sa loob ng puso niya.
“He loved me then, huh?” pabulong na sabi niya.
Enrique chuckled on the other line. “Believe it, baby. Best friends kami dati ‘di ba? He told me how ‘bothered’ he is by you then. Naiinis pa nga siya sa’kin tuwing tinatawag kitang ‘baby’ eh,” ani Enrique na pumukaw sa curiousity niya.
“Why didn’t you tell me then?” sita niya rito.
“Siyempre, loyal ako sa best friend ko noon. Isa pa, bata ka pa no’n. Kapag nalaman mo, you’ll act on impulse. In love ka eh. At noon, masyadong mainit sa mata ng mama mo si Dwight—anyway, mas importante naman—“
“Mainit sa mata ni mama si Dwight noon? Bakit?” curious na tanong niya dito.
“Uhm, wala ako sa posisyon para sabihin sa’yo ang bagay na ‘yon,” ani Enrique.
“Cut that crap, Enrique! Ano nga?” naiinis na tanong niya rito.
“Nagalit ang mama mo kay Dwight nang marinig niya kaming nag-uusap noon tungkol sa feelings ni Dwight sa’yo. So, Tito Paul asked Dwight to take up his masterals in the States. Hindi ko alam ang buong istorya pero iyon ang sinabi sa’kin dati ni Dwight,” kwento ni Enrique.
“Fuck!” mura niya. Naiinis siya dahil pakiramdam niya’y naging manipulado ang buhay niya noon.
“Nicole!” anang boses ni Dwight sa may likuran niya.
“Shit!” muling mura niya dahil sa gulat nang bigla na lang magsalita si Dwight. “Jeez, Dwight! Can you at least stomp your feet when you’re walking?” naiinis na sabi niya rito. Narinig niya ang pagtawa ni Enrique sa kabilang linya. “Oh, shut up, Enrique!” naiinis na sabi niya rito. Ngunit hindi na niya narinig pa ang sagot ni Enrique sa sinabi niya dahil bigla na lang inagaw ni Dwight sa kanya ang cell phone niya.
“What the hell?” sikmat niya rito. He put his index finger on top of her lips to silence her. It was just a simple gesture yet it had a big effect on her.
“Enrique, when will you be back? We need to talk. You, me, Jullah and Nicole. All of us need to talk properly. You should, Enrique. You need to know the truth about Jullah and what happened then,” seryosong sabi ni Dwight bago nito tinapos ang tawag. Curiousity was eating her now. “What do you want to eat?” pagkuwa’y tanong nito sa kanya bago nito ibinalik sa kanya ang cell phone niya.
“Tell me everything, Dwight,” sa halip ay sabi niya rito. Her curiousity sucks.
“I’ll tell you everything after you eat,” anito sa kanya.
“I’m not hungry,” sabi naman niya rito.
“Are we going to be stubborn here?”
“Hinatiran ako ng pagkain ni Gerie kanina sa kwarto ko kaya hindi pa ako nagugutom,” aniya rito.
Pero gayunpama’y naghanda pa rin ng pagkain nila si Dwight. He really wants to bring back memories for he prepared Peanut Butter and Jelly sandwiches that they both used to have ten years ago as their favorite midnight snack. Naglabas din ito ng isa pang orange juice tetra pack mula sa ref bago ito umupo sa bar stool ng kitchen counter na nakatapat sa kanya.
“I believe I get to ask questions first, right?” ani Dwight na ang tinutukoy ay ang mga tanong nito na hindi niya nasagot kagabi.
“Fine. Fire away,” aniya rito na ikinangiti nito. Doon siya nakatanggap ng isang text message mula kay Enrique gamit ang roaming number nito.
You’re like an egg, Nicole. Hard and tough on the outside but soft and mushy on the inside, anang text ni Enrique. Napangiti na lang siya matapos niyang basahin iyon dahil aminin man niya o hindi ay totoo ang sinabi nito.
“Sinabi ni Charmaine kay Brennan na hindi naman pala kayo ni Enrique. So, ano’ng relasyon n’yo ni Enrique?” seryosong tanong ni Dwight.
Charmaine and her big mouth! “Best friends,” seryoso ring sagot niya rito.
“Best friends don’t kiss each other,” sabi naman ni Dwight.
“What are you talking about? Enrique and I don’t kiss,” tanggi niya rito.
“Jullah saw you two kissing. Twice. Five years ago, her heart was broken and that’s why I needed to marry her. She was carrying Enrique’s child,” ani Dwight sa kanya.
“What the fucking hell?” bulalas niya. Hindi makapaniwalang napatingin siya rito.
“Stop swearing, Nicole,” saway sa kanya ni Dwight. Hindi pa man niya naririnig ang side nito tungkol sa nangyari noo’y nahuhulaan na niya kung bakit naging komplikado ang lahat para sa kanilang apat.
“Okay, fine. Let’s go back to what happened five years ago. Kailan n’yo kami nakitang naghahalikan ni Enrique? Because as far as I can remember, I only kissed him once and that’s because I wanted to save our fucking pride,” dire-diretsong sabi niya rito.
“And I bet that kiss you’re talking about happened outside the study, right? Narinig n’yo ang usapan namin sa loob ng study noon and you acted on impulse that’s why you kissed him,” ani Dwight na tila ina-analyze ang mga pangyayari. Tinanguan niya ito. Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita. “We’ve all been stubborn. Love played a game on us,” anito.
“Pwede bang simulan na lang natin ang usapan no’ng umalis ka? Enrique told me you left for the States because mama and Tito Paul asked you to. Because you...you l-love me...at nalaman ‘yon ni mama. Tama ba?” naiilang na tanong niya rito.
She felt an awkward feeling upon asking him that but she needed to know everything.
Bumuntong-hininga ito bago sagutin ang tanong niya at tumingin ito ng diretso sa mga mata niya.
“Nine years ago, when we first met, I thanked God because finally, I’d have a baby sister that I can take care of. But as days passed by, I’ve noticed weird things happening to me. I can’t deny the fact that I’m getting attracted to you. Magkasama na tayo sa iisang bubong pero hindi pa rin ako mapakali tuwing hindi kita nakikita. Dumaan ako sa phase kung saan na-bother ako ng sobra. Alam kong hindi ako dapat makaramdam ng ganoon sa’yo. So, I consulted Enrique then and he told me that I was already in love with you. That was when Tita Freida knew about my feelings for you. Narinig niya ang usapan namin ni Enrique noon,” simula ng paliwanag ni Dwight.
“Kinausap niya si daddy tungkol sa’ting dalawa. Naiintindihan ko naman ang iniisip niya noon. Sa mata ng mga tao, magkapatid tayo. She told me that I can’t feel that way towards you. I understand where she’s coming from and I respect her opinion. Kaya nang sabihin ni daddy na kumuha na ako ng masterals sa States noon ay agad akong pumayag. I needed to go away from you because what I’m feeling for you is forbidden. Kahit na mahirap at kahit na masakit.”
“You should’ve fought for what you feel, Dwight,” sabi naman niya rito. Tears were now streaming down her face and she couldn’t help but cry. They’ve been too stubborn to read between the lines.
“I’m sorry, Nicole. I needed to do the right thing. Isa pa, naisip ko na kapag hindi mo na ako nakita noon, mawawala na ang pagtingin mo sa’kin. That goes for me too. And that right after you enter college, you’ll meet someone new. Someone right for you and someone who doesn’t have complications,” paliwanag nito sa kanya.
“How can I look for someone when deep inside my heart, I know that you’re the right one?” madamdaming sabi niya rito.
Muli ay tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. At hindi na nakatiis si Dwight. He reached for her to wipe the tears across her face. It feels like he’s hoping that by wiping her tears away, he could take away the pain he had caused her all these years too.
“That’s what I felt too. But this time, all we’ll care about is our feelings, Nicole. I promise,” paninigurado ni Dwight sa kanya.