I WISHED that my life would somehow turn out like that of the movies and fairy tales. Akala ko kasi, kasing-dali lang ng mga iyon ang buhay. Nagkamali ako. There would be unexpected twists and turns on life. There would be something inevitable that would happen—like loving someone you can’t love. Nai-tanong ko sa sarili ko kung bakit hindi ba pwedeng magbigay man lang ng warning ang tadhana ng kahit anong sign na magsasabing, ‘ikaw, bawal kang ma-in love sa taong ito’ o kaya naman ay makita natin ang nakaraan ng isang tao para malaman natin na hindi sila dapat na mahalin. Because I’ve loved a man I shouldn’t love. (Big sigh)
---
“LEIGHTON, nakikipagkita ka pa ba kay Knight?” tanong ng Nanay Nely ni Leigh isang araw na tumawag ito sa kanya. Actually, araw-araw na siya nitong kinokontak para itanong lang iyon. Hindi katulad dati na siya pa ang kumokontak dito. Isang buwan na ang lumipas mula ng una siya nitong kausapin tungkol kay Knight—para layuan ito.
“Hindi na po,” pagsisinungaling niya rito. Napabuntong-hininga siya pagkatapos. “’Nay, personal mo bang kilala ang mga Serrano? Bakit ganyan na lang ba ang pag-ayaw mo kay Knight?”
“Anak, mayaman sila,” tanging katwiran ng nanay niya.
Nainis siya sa nanay niya ng mga oras na iyon. Maliban sa hindi siya kumbinsido sa sagot nito, para sa kanya ay napaka-unreasonable ng rason nito at hindi nito sinagot ng diretso ang tanong niya. Kaya sigurado na siyang may nakaraan ito sa mga Serrano. Kung ano, malalaman niya iyon mamaya.
“’Nay, ang sabi mo sa’kin noon, iba na lang ang piliin ko basta ‘wag lang si Knight. Kaya alam kong walang kinalaman sa rason mo ang social status niya. Sabihin mo na po sa’kin ang totoong rason kung bakit—“
“Hindi na mahalaga ‘yon! Basta sundin mo ako!” sigaw sa kanya ng nanay. Nagulat na naman siya sa naging outburst nito. Pagkuwa’y narinig niya ang malalim nitong paghinga mula sa kabilang linya.
“’Nay, kalma ka lang. Please,” kinakabahan at nangangambang sabi niya rito.
Na-guilty tuloy siya sa pagsisinungaling niya rito. Nagpa-panic na siya sa loob-loob niya. Baka kung ano ang mangyari sa nanay niya dahil sa kakulitan at katigasan ng ulo niya. Pero pakiramdam naman niya’y mamamatay siya sa curiousity kung hindi niya malalaman kung may nakaraan ba o wala ang nanay niya sa mga Serrano. Pero hindi na dapat siyang magsinungaling pa sa nanay niya.
“Anak, parang awa mo na. Makinig ka na lang sa’kin,” sabi pa ng nanay niya.
“’Nay, tatawagan na lang po ulit kita mamaya. Nandito na ang ka-meeting ko,” paalam niya rito. Rude man, pero pinutol na niya ang tawag bago pa man ito makapagpaalam sa kanya. Pagkuwa’y huminga siya ng malalim. Mas kinabahan siya ng makita ang ka-‘meeting’ niya.
Kasalukuyan siyang nasa Bellisima Café—ang lugar kung saan hiniling na makipagkita ng ka-‘meeting’ niya—ang ina ni Knight na si Agatha Serrano. Unang tingin pa lang ay alam mo nang mayaman ito. She walked slowly with grace as if the floor worshipped every stride she did. Nakita na niya ito sa mga litrato dati pero hindi ito nabigyang hustisya ng mga iyon. She looked regal and elegantly beautiful. There was nothing simple about her. Everything screamed of richness. Nang tanggalin nito ang suot na sunglasses ay nakita niya rito si Meryl Streep sa pelikulang The Devil Wears Prada dahil na rin sa maikli nitong buhok na katulad nang sa nasabing aktres pati na ang taray ng mata nito.
Tumawag sa kanya kanina si Agatha—na labis niyang ikinagulat—at sinabing magkita sila roon pagkatapos ng trabaho niya at ganoon nga ang ginawa niya. Hindi na siya nagtaka pa kung paano siya nito nakilala o kung paano siya nito nakontak dahil sa isang maimpluwensiya at mayamang taong katulad nito, madali na lang na paganahin ang koneksyon. Naisip din siyang baka nagpa-imbestiga na ito sa kanya. At pumasok din sa isip niya na baka nai-kwento na siya ni Knight dito. Pero may pakiwari siyang hindi alam ni Knight ang tungkol sa pagkikita nilang iyon ng ina nito. Kaya sobrang kaba ang naramdaman niya.
Siguro nga ay tama ang Tita Sunny at Nanay Nely niya na may pagka-mata-pobre nga si Agatha. Siguro ay sasabihin nito sa kanya ngayon na layuan niya si Knight kaya hindi na nito hinintay na ipakilala pa siya ni Knight dito. Siguro nga ay applicable sa kanila ni Knight ang katwiran ng nanay niya na mayaman ang mga ito. Pero kailangan niya itong makausap para maitanong dito ang tungkol sa nanay niya.
Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at binati ito. “Good afternoon po.”
“Good afternoon,” pormal na bati nito at saka naupo sa tapat niya. Tinawag nito ang isang café crew at um-order ng isang espresso dito. “Alam mo na siguro kung bakit gusto kitang makausap ngayon. You don’t look dumb like your mother. You should know.”
Naikuyom niya ang kanyang dalawang kamay sa ilalim ng mesa dahil sa inis na naramdaman dito. Sa paraan ng pagkakabanggit nito sa nanay niya—na kumumpirmang may nakaraan nga ang mga ito. Kaya pala nag-aalala ang Tita Sunny niya noon sa kanya tungkol dito. Yep, her pictures on the internet didn’t give her justice at all. Lampas-ulo ang lebel ng taray nito sa personal. At medyo naiintindihan na rin niya kung bakit ganoon kalungkot si Knight nang una niya itong makilala lalo na tuwing nagku-kwento ito tungkol kay Agatha.
“Hindi po—“
“You know, I saw you once on a business event. Ikaw yata ang date ng boss mo. Pathetic. Pareho kayo ng nanay mo ng strategy para makakuha ng mayamang maaaring mapangasawa. And you look exactly like her except for your father’s eyes,” makahulugang sabi nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. “Kilala mo ang tatay ko?” Sukat sa tanong niya na iyon ay tumawa ito.
“But of course, I’ve been living with him for almost thirty years now,” pagkuwa’y sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ni Leigh sa naging rebelasyong iyon ni Agatha. Pero hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Imposible ang sinasabi nito. She wished for a simpler reason. Hindi niya akalaing iyon ang malalaman niya mula rito. In the back of her mind, she thought Agatha would just mock her for being a cook’s daughter. Akala niya’y nakilala nito ang nanay niya bilang cook ng mga Maxwell.
Oh, please, Lord. Please. Hindi naman po sana totoo ang sinasabi niya, piping dalangin niya ng mga oras na iyon. Pero kaya ba ganoon na lang ang pag-ayaw ng nanay niya kay Knight? Alam ba ng Tita Sunny niya kung sino ang kanyang ama kaya ganoon na rin lang ang pagtutol nito kay Knight?
“I’m surprised hindi mo alam. Oh, well. Kung alam mo nga naman, hindi ka na sana papatol sa anak kong si Knight. At ngayong alam mo na, titigilan mo na siguro ang pakikipagkita sa kanya. Surely, you feel disgusted with yourself right now. You’ve dated your brother. Ano nga ‘yong sinasabi ng mga kabataan ngayon? Ah, shit happens and for sure, this was the one shit you wouldn’t want to step on for so long.”
Nailagay ni Leigh ang kanyang mga kamay sa bibig niya para mapigilan ang sariling mapasigaw dahil sa frustration, sakit at kalituhan. She felt tears sprang freely from both her eyes. Hindi niya mapigilan sa pagtulo ang mga iyon kahit hindi pa kumpirmado ang mga sinasabi ni Agatha. Her insides twisted, her heart shattered.
Hindi maaari, paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili. Nanginginig na siya dahil sa samu’t saring emosyon na nararamdaman niya pati na rin sa pagpipigil sa sariling mag-breakdown sa harapan ni Agatha. Hindi maaaring kapatid niya si Knight. Siguro naman ay malalaman ng puso niya kung hindi ito dapat mahalin kung kapatid niya ito, hindi ba? Hadn’t Fate know this? Bakit ‘nito’ hinayaang mangyari iyon sa kanila?
But she had to agree with Agatha. This was all shit. Fuck shit! But she didn’t feel disgusted with herself at all. She wasn’t sorry for loving Knight. She wouldn’t regret anything that happened between them.
“I’m sorry you have to know about all of this this way,” paumanhin ni Agatha pero hindi naman iyon tunog sinsero. In fact, she felt like Agatha’s mocking her. Dumating ang order nito at uminom muna ito ng kape bago muling nagsalita. “Hindi ka siguro naniniwala sa’kin. Oh, well. Kumpirmahin mo sa nanay mo o kay Sunshine Maxwell ang mga sinabi ko. Your mother’s a whore. Alam niyang ikakasal na ako kay Augustus at buntis na ako kay Knight pero ‘yong malandi mong ina, sumige pa rin sa paglalandi sa kanya.”
“’Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang nanay ko sa harapan ko,” mariing sabi niya rito kahit na patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.
Naiinis din siya sa kanyang sarili dahil umiyak siya sa harapan nito. She shouldn’t give her the satisfaction of seeing her cry. Kaya naman pinunasan niya ang kanyang mga luha at pinigilan iyon sa pagtulo hanggang sa kaya niya. Even though it’s impossible, she had to redeem herself and her mother to Agatha.
“But dear, that’s the truth. All you have to do is accept it and move on.”
Mariin siyang umiling dito. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito kaya tinawagan niya ang Tita Sunny niya at sinabi rito ang tungkol sa pagkikita nila ni Agatha ngayon.
“I’m sorry, Leigh,” anang Tita Sunny niya. Sapat na kumpirmasyon na iyon para malaman niyang totoo ang lahat ng sinasabi ni Agatha. Muli ay napaiyak siya. Gusto sana niyang sabihin ng Tita Sunny niya na hindi totoong anak siya ni Augustus Serrano. “Your mother fell in love with Augu but she chose the wrong man to love.”
I know, tita. I chose the right man to love but I shouldn’t love him. Yeah. Love was inevitable.
“Hindi namin alam noon na ikakasal pala sina Augu at Agatha. Their parents arranged their marriage. Alam kong minahal ni Augu ang nanay mo noon pero naipit siya sa responsibilidad niya kay Agatha dahil buntis na ito. Huli na ng malaman namin na buntis din pala sa’yo ang nanay mo. Hindi na niya ipinaalam pa ‘yon kay Augu dahil ayaw niyang magkaroon pa ng koneksyon dito,” mabilis na kwento ng Tita Sunny niya.
Napahikbi siya. Hirap na hirap siyang pigilan ang pag-alpas ng sakit at lungkot na nararamdaman niya. “Tita, ‘wag mo nang sabihin kay nanay na alam ko na ang tungkol dito,” pakiusap na lang niya rito.
Nagprisinta ito na ipapasundo siya sa isang driver nito para makauwi siya sa Cavite pagkatapos. Kailangan daw nilang mag-usap nito ng maayos. Baka daw na-corrupt ni Agatha ang isipan niya tungkol sa nanay niya. Pero tumanggi siya. Sinabi niya ritong uuwi na lang siya sa weekend. Hindi pa siya handang makipagkita sa nanay niya. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito.
“A-alam ba ni Knight ang tungkol dito?” tanong niya kay Agatha matapos ng tawag niya sa kanyang Tita Sunny.
“Of course not. I wouldn’t want to hurt my son. Mahal na mahal niya ang papa niya at mataas ang tingin niya kay Augustus. Sigurado akong masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkasala sa’min ang papa niya lalo na kapag nalaman niyang ikaw ang pagkakasalang ‘yon. Mabuti nang ikaw na lang ang masaktan kaysa siya pa,” sagot naman ni Agatha.
Agatha’s words struck her deep. Bawat salita nito ay nagdudulot ng matinding hiwa sa puso niya na hindi niya magawang tanggapin. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito. Pero kailangan niyang sumang-ayon sa sinabi nito—na mas mabuti nang siya na lang ang masaktan kaysa si Knight pa.
“Paano mo naman nalaman ang tungkol sa’kin? Bakit ngayon ka lang humarap sa’kin?” tanong pa niya rito. Naging masokista nga yata siya ng mga oras na iyon dahil sa halip na umalis na lang doon ay gusto pa niyang makaalam ng mga bagay na siguradong magdudulot lang ng sakit sa kanya.
“Nagsabi sa’kin si Knight. He told me he’d bring a very special someone this coming weekend. Naging maingat pa siya sa pagsasabi kung sino ka kaya naman agad ko siyang pinabantayan sa isang PI. Kaya nalaman ko kung sino ka. You should blame Knight too. Kung sinabi kaagad niya sa’kin ang tungkol sa’yo, hindi na sana umabot sa ganito ang sakit na nararamdaman mo ngayon.”
“Why would he? Naging interesado ka na ba sa nararamdaman niya noon? Baka nga mas marami pa akong alam tungkol sa kanya kaysa sa’yo eh,” matapang na sabi niya rito. She didn’t mind being impolite with Agatha now. Hindi rin siya naman nito nirerespeto.
Tumalim ang tingin sa kanya ni Agatha. “So, what are you going to do now? Meet Augustus and tell him that you’re his daughter? Kaya mo bang saktan si Knight? Kaya mo bang makipag-harap sa kanya bilang kapatid niya? Oh, not to mention, I might do something bad to your mother too. Alam kong cliché na ang ganoong tactic pero basta pabor sa’kin, gagawin ko. Are you ready to have war with me?”
Tumalim din ang tingin niya rito pero sa loob-loob niya’y natatawa siya rito. Hindi man nito pinapakita pero nasa tono nitong takot ito. Natatakot itong lumitaw siya at magpakilala sa asawa nito. Ayaw nitong may makasira sa pamilya nito. After all, ang mayayamang katulad nito ay may iniingatang reputasyon.
“Are you really threatening me? Paano nga kung gusto kong magpakilala sa asawa mo? Ano’ng gagawin mo?” nananakot na tanong niya rito.
“Babalingan ko ang nanay mo kapag ginawa mo ‘yon. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa kanya but I assure you, it’ll be like she’d meet hell,” banta naman nito sa kanya.
“Hindi ako makikipagkita sa asawa mo pero gawin mo rin ang lahat para mailayo si Knight sa’kin,” aniya rito.
May parte sa kanya na gustong makilala ang kanyang ama pero mas higit ang parteng umayaw na para kay Knight at sa nanay niya. She didn’t want to hurt them both. Ang nanay niya sa kanyang mga pagsisinungaling at si Knight kapag nalaman nito kung ano ang tunay na relasyon nila.
Right there and then, her tears started to roll down cheeks again. Napayuko siya bigla para hindi makita ni Agatha ang muling pagtulo ng mga luha niya. Just the mere thought of not seeing Knight again pained her. Kung kailan mahal na nila ang isa’t isa ay saka niya malalaman na may ganito pala. The world was so unfair.
“I’ll be watching you. ‘Wag na ‘wag mong sasabihin sa kanya ang tungkol sa pag-uusap nating ito. Kapag hindi ka pa rin lumayo sa kanya, I’ll give your mother a heart attack.”
Tinanguan niya si Agatha. At doon natapos ang first meeting nila. Naiwan siya sa café na iyon. Nagpadala siya ng isang mensahe sa Yahoo! mail ni Raoul. Pagkatapos ay nag-text siya kay Reema. Napatulala na lang siya habang nakatingin sa labas ng bintana. She wondered what she’d done wrong to deserve this kind of fate. Sinabi na lang niya sa kanyang sarili na lahat ng tao ay may pinagdadaanang ganito.
But not wanting to see Knight again would be like pretending she’s not existing. To not see him again would feel like hitting her head hard on a cold wall—painful, knocked out, barely breathing. To not love him anymore would feel like she doesn’t have a heart at all. But she couldn’t love him anymore. She couldn’t love his brother. Kahit na half-brother lang niya ito.
Please, Lord. Give me anesthesia for this.