“GOOD MORN—“ Hindi na naituloy pa ni Leigh ang pagbating iyon sa naramdaman niyang taong nasa harapan ng mesa niya dahil nang mag-angat siya ng tingin ay nagulat siya nang makita roon si Knight. “P-paano ka nakarating dito?”
“Oh. So, banned talaga akong makaakyat dito? Ah, kaya pala kinailangan ko talagang mag-disguise bilang isang janitor para lang makaabot dito,” sarkastikong sabi sa kanya ni Knight. Pero may tigas at talim ang dating ng mga salita nito sa kanya. Naiintindihan naman niya iyon. Nakasuot nga ito ng uniform ng mga janitor nila. Hindi na niya inalam pa kung paano nito iyon nagawa.
Pero kahit na inaasahan na niyang iyon ang magiging reaksyon nito sa muli nilang pagkikita ay nagulat pa rin siya. Hindi niya kasi inasahang makakapunta ito dito sa kanilang opisina. Hindi niya inasahang magagawa nitong mag-disguise bilang isang janitor para lang makita siya. Pero alam niyang hindi niya ito maitataboy ng ganoon lang.
“Kasama na rin pala sa trabaho ng security n’yo ang pag-secure sa affair ng boss nila,” muli ay sabi sa kanya ni Knight. “So, totoo ba? Kayo na ni Raoul? At gano’n na lang ang nangyari sa’tin, Leigh? Basta ka na lang hindi magpapakita sa’kin dahil na-realize mong mahal mo rin ang best friend mo? You kept me hanging on!”
Noon niya na-realize na pareho pala sila ng ginawa ng nanay niya noon. Hindi siya makasagot dito dahil hindi pa rin siya nakaka-recover sa biglaang pagsulpot nito roon. Hindi siya nakapaghanda sa pagdating nito. Hindi siya nakapag-practice ng pag-arte niya. Hindi siya dapat umiyak sa harapan nito pero nararamdaman na niya ang mga luhang nagbabadyang umalpas sa kanyang mga mata. Iyon ang unang beses sa mahigit isang linggong hindi niya ito nakikita at gusto niya itong yakapin.
Seeing him now, hearing his voice, feeling his presence like that, it gave her heart an ache to run into him and hug him tight. Even for one last time. Alam ni Leigh na ito na ang magiging huli nilang pagkikita dahil kailangang dito na matapos ang lahat. Kailangang maging malalim na ang maidudulot niyang galit kay Knight para kusa na itong lumayo sa kanya. Masasaktan pa rin niya ito pero mas maayos na iyon kaysa malaman nito ang isang bagay na mas makakasakit pa rito. Ayaw niyang maranasan nito ang nararanasan niyang hirap at sakit ngayon.
But the need to hug him for one last time was too much she kept on biting her lower lip to stop herself from doing so.
Hindi dapat, Leigh! Kapatid mo siya. Kailangan mong laging tandaan ‘yon, anang isang bahagi ng isipan niya.
“Answer me, Leigh! Dammit!” galit na sigaw ni Knight.
She tried all her might to look him in the eye without shedding a tear. “Na-realize kong mahal ko pala si Raoul. Hindi ka pa ba pumupunta sa Midnight? Nag-iwan ako ng note sa’yo doon sa Midnight Memories. Binilin ko ‘yon kina Uncle M. You’re not supposed to be here anymore.”
That’s right, Leigh. You’re doing the right thing. Hurt him now so he won’t be hurt later, anang isang bahagi ng isipan ni Leigh sa kanya. But it didn’t feel right at all. How can something so right feel so wrong?
Kitang-kita ni Leigh kung gaano ka-shock ang naging reaksyon ni Knight sa mga sinabi niya. Totoo ang sinabi niya rito. Itinuloy na niya ang puchu-puchu na poem na ginawa niya para dito noon. Alam niya kung ano ang nararamdaman nito ngayon. Ganoon din ang naramdaman niya nang malaman niya ang totoo noon mula sa ina nito at kay Tita Sunny. Pain, disbelief and more pain.
I’m so sorry, Knight, ngali-ngali niyang sabihin dito. Sa gulat niya ay binasa ni Knight sa kanya ang isinulat niya para dito—ang karugtong nang nauna niyang isulat para dito.
To wish of forever seeing your smile
Or wish that everything stay for awhile
To have coffee and cake at midnight
Or have waffle arts through the night
Whichever came true, as long as it’s with you.
I taught you never to give up on love
To be strong and just be free like a dove
But even strong hearts take a fall
I’m sorry I couldn’t push through at all.
Twenty-seven minutes before midnight,
You reached for my hand but I took a flight
Don’t ask why I’ve never said goodbye
I chose this path to not see you cry.
Don’t look for me after
Don’t think and remember
You’re a prince and I’m not really Cinderella
I’m just a girl walking under an umbrella.
Just go and continue your journey
And don’t set time for eternity
Fall in love like it’s always the first time
You’ll surely find happiness that will last a lifetime.
“This? This is bullshit! When you want to break up with someone, you should say it in their faces, Leigh. Not like this. Para klaro, para hindi na umasa ‘yong tao,” mariin at matigas na sabi sa kanya ni Knight. Kitang-kita niya ang paggalaw ng facial muscles nito dahil sa pinipigil na galit.
“Knight, hindi naman naging tayo, ‘di ba?” aniya rito. She knew that would hurt him. Pero sobrang nasaktan din siya.
This is pathetic, nasabi niya sa sarili. Dahil sa tuwing sinasaktan niya si Knight ay doble ang balik na sakit niyon sa kanya. And the worst thing happened, unexpectedly, Knight cried in front of her.
“Dammit! You’re making me hate you, Leigh. Please stop this, whatever you’re thinking or planning. Stop it. Now. Please,” ani Knight habang umiiyak. Kitang-kita niya ang pagtulo ng mga luha nito sa pisngi nito. Tinangka nitong lapitan at hawakan siya pero lumayo siya rito.
It’s official. The universe hates me so much.
“I thought you love me too. I thought we share something special. No, I know we do. We still do,” sabi pa ni Knight.
“I thought so too,” she told him straightfaced. Pero pagkatapos niyon ay agad siyang tumalikod rito para hindi nito makita ang kanyang pagluha.
“Bakit bigla na lang yata?” tanong pa ni Knight.
“Leigh,” anang boses ni Raoul. Kalalabas lang nito ng opisina nito.
Thank God! Saved.
Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanila ni Knight. Halatang nagulat din ito ng makitang naroon si Knight. “Knight,” anito kay Knight sa tonong may pagbabanta.
“You love her too?” tanong ni Knight dito. Medyo garalgal pa ang tinig nito.
“Yes,” agad na sagot ni Raoul.
Narinig niya ang marahas na paghugot ng buntong-hininga ni Knight sa likuran niya. “Wow! Was this all a joke? Bakit kailangan mo pa akong paibigin, Leigh? You could’ve avoided me in the first place. But you led me on. Just…wow.”
Nai-imagine niya ang hitsura ni Knight ngayon. Lalo lang siyang naluha. Paulit-ulit siyang umuusal ng tawad dito sa loob ng kanyang isipan. Pero kailangan niya nang tapusin ang lahat ng ito. Kaya humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga saka pasimpleng pinahiran ang magkabilang pisngi niya sa mga luha. Saka niya hinarap si Knight.
“Nagkamali ako, Knight. Kaya ayoko na ngang magpakita sa’yo. Pero dahil nandito ka na, sige. Ibibigay ko sa’yo ang hinihiling mo. Gusto mo ng proper break-up? Fine. Break na tayo,” seryosong sabi niya rito.
Binigyan siya nito ng payak na tawa kahit na may mga luhang naglalandas pa rin sa pisngi nito. “Hindi naman naging tayo, ‘di ba?” anito sa kanya saka bumaling kay Raoul. “Make her happy. Hindi bagay sa kanya ang umiiyak.”
Iyon lang at tinalikuran na sila nito at naglakad paalis doon. Hindi niya akalaing magagawa pa iyong sabihin ni Knight sa kanila ni Raoul. Nang mawala ito sa paningin nila ni Raoul ay doon lang siya malayang lumugmok sa sahig at umiyak. Naitulak pa niya palayo ang swivel chair niya. Agad naman siyang dinaluhan ni Raoul.
“Tama naman ang ginawa ko, ‘di ba?”
“Sometimes, we mistook the wrong things for the right ones and vice versa. Pero naniniwala akong may rason ang lahat ng bagay. Kung ano ang rason ng sa’yo, malalaman mo rin ‘yon pagdating ng panahon,” makahulugang sabi ni Raoul sa kanya.
---
ANG SABI sa’kin noon ni Reema, baka hindi daw naman ako talagang na-in love kay Knight dahil hindi ko naman daw ito nakilala ng buong-buo. Ang sabi ko lang sa kanya, when you love someone, you got to love what they’d give. Kung ‘yon lang ang maibibigay nila, makontento ka. Nasabi ko nga sa sarili ko noon na parang ang tanga ko dahil ‘yon ang naramdaman ko. Pero kasi noon, wala akong pakialam kung hindi ko kilala ng buo si Knight. Na-in love ako sa kanya—sa kanya lang. Hindi naman kailangang kasama mong mahalin ang buong pamilya ng taong mahal mo, ‘di ba?
Siguro nga half-baked love lang ang nangyari noon sa’min ni Knight, but it was a very special one. Saying goodbye to Knight was the hardest decision and move I’ve made for all my life. For the first time in my life, I’ve cursed all the stars then. I’ve lost my faith in them. I didn’t wish anything at all. Instead, I prayed. Ibinigay ko ang buong tiwala ko sa Kanya dahil alam kong hindi Niya ako pababayaan. I asked for His guidance. Na kahit hindi na ako magkaroon ng pangarap kong pag-ibig, basta malampasan ko lang ‘yon. Hindi naging madali ang lahat pero kinaya ko naman.
A year after that unfateful love, marami akong na-realize. Na-realize kong hindi ako dapat na magpadalos-dalos pagdating sa pag-ibig. Because love takes time, the right time. Na-realize kong kailangan kong pagdaanan ang nangyari noon para maging matatag ako ngayon. Na-realize kong hindi ko dapat sukuan ang mga bagay na pinaniniwalaan ko noon dahil lang sa isang bagyong maaari ring maalis sa loob ko. Pero higit sa lahat ng ‘yon, na-realize kong hindi ko dapat panatilihin sa loob ng puso ko ang sakit. The pain sucks out all the energy inside like a tornado does to a town.
I also learned to hope more. Mali ang nasabi ko noon sa sarili ko na hindi na ako dapat pang umasa. I still hope for a lot of things because it only takes a string of hope to have faith and a little faith is all we need to live and pursue our happiness. So, if you have even the faintest hope inside you, hold on to it, nurture it because that will keep you going. Hope fuels up my life. Dahil alam ko, naniniwala ako na balang-araw ay makikilala ko rin ‘yong tamang lalaking para sa’kin. Darating ang panahon na magiging madali na lang ang lahat para sa’ming dalawa dahil pareho na kaming natuto sa mga pinagdaanan namin noon.
Pero kung kailan akala ko’y naka-move on na ako sa mga nangyari noon, tila ayaw pang makipag-peace sa’kin ni Fate dahil patuloy ang naging paglalaro niya sa’kin—muli kong nakaharap si Knight matapos ang isang taon. As if, nothing bad happened between us—literally.
---
A year after…
“PWEDE BA? Ang sakit n’yo sa mata. ‘Wag kayong umarte d’yan. Kakain ako at hindi ako makapag-concentrate dahil sa inyong dalawa,” sabi ni Leigh kay Reema at sa nobyo nitong si Pete. Sweet na sweet na magkayap ang mga ito habang nakakandong si Reema kay Pete.
Yes, nagkaroon ng nobyo ang pinsan niya apat na buwan na ang nakararaan at masayang-masaya na ito ngayon. Pero madalas siyang naiinis dito dahil sa tuwing dapat silang dalawa lang ang lalabas ay bigla na lang susulpot si Pete. Halos hindi na mapaghiwalay ang mga ito. Masaya siya para sa mga ito lalo na kay Reema dahil alam niya kung gaano ito naging bitter noon.
Naiinggit lang siya sa kanyang pinsan. Reema finally had the second chance in love. Leigh was hoping to have hers too. Iyon ang pinagdarasal niya palagi pero hindi naman siya nagmamadali. Kung ano at kung kailan ibigay sa kanya, ayos lang sa kanya. Besides, abala siya sa mga trabaho niya ngayon.
Hindi na lang kasi siya basta sekretarya ni Raoul. Siya na rin ang ipinapadala nito sa iba’t ibang branch ng hawak nitong hotels para mag-check doon at makipag-meeting sa mga directors at country manager kapag may ibang appointment si Raoul sa ibang bansa. Nag-branch out na rin kasi sa iba’t ibang bansa sa Asya ang Hotel Elyse kaya abala sila pareho ni Raoul. Sa katunayan ay pupunta siya sa Palawan sa susunod na buwan para monthly hotel check bilang representative ni Raoul.
“Bakit kasi hindi mo na lang pinatulan si Raoul?” sabi naman sa kanya ni Reema. Sa halip na maghiwalay ang mga ito’y mas lalo pang pinagdikit ng dalawa ang mga katawan ng mga ito.
“We’re just friends. Hindi ko siya matingnan sa romantikong paraan. It feels so…incest,” aniya rito.
Malinaw na sa pagitan nila ni Raoul na solidong pagkakaibigan lang ang tanging relasyon na magkakaroon sila. Isa pa’y may nakilala itong isang interesanteng babae sa Italy nang huli itong magpunta roon para muling manood ng isang karera. Hindi man mukhang in love si Raoul ngayon pero nararamdaman niyang malakas ang naging atraksyon nito sa babaeng iyon. Masaya siya rito dahil ipinagdarasal din niyang makilala na nito ang babaeng nararapat para dito.
Napasimangot sa kanya si Reema. “Ang weird mo. Nakakaramdam ka ng pagiging incest kay Raoul na hindi mo naman kaanu-ano pero hindi ka man lang nakaramdam ng gano’n noon kay—ah, sorry.”
You are weird, Leigh. Bakit nga ba gano’n? tanong niya sa kanyang sarili dahil napaisip din siya. Pero buntong-hininga lang ang naging sagot niya sa sarili at kay Reema.
“Gusto mo bang makipag-date sa isa sa mga kaibigan ko, Leigh? Ise-set up kita,” suhestyon naman sa kanya ni Pete.
“No, thanks. Gusto ko ng incidental meetings,” aniya rito at nagsimulang kumain.
“Akala ko ba hindi ka na naniniwala sa fate at destiny o kung anu-ano pang mga gano’n?” ani Reema.
“Every chance, every choice, every opportunity leads to one’s destiny. Bakit hindi ako maniniwala? Nasaktan ako pero hindi ibig sabihin no’n ay titigil na sa pag-inog ang mundo ko ‘no,” paliwanag niya kay Reema.
Pagkasabi niya niyon ay may narinig silang mga katok sa pintuan ng apartment nila. Dahil mas malapit siya sa pinto at dahil masyadong magkadikit sina Reema at Pete para maghiwalay ay siya na ang nagbukas niyon. Sa isipan niya ay sunud-sunod na mura ang ginawa niya kay Fate at Destiny. Because there, standing outside their door was an unexpected visitor she thought she’d never had the chance on seeing again—Knight.
Bago pa siya makapag-react ay bigla na lang siya nitong niyakap—mahigpit pero puno ng pagkalinga. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng short-circuit ang lahat ng nerves sa buong katawan niya nang maramdaman niya ang mainit nitong katawan. Pakiramdam niya ay biglang napunan ng yakap na iyon ang puwang sa puso niya.
But she just stood there like a statue not knowing what to do. Alam niyang mali ang ginawa ni Knight pero hindi siya makapag-isip ng maayos, hindi siya makagalaw o talagang ayaw gumalaw ng katawan niya dahil gusto rin ng katawan niya ang yakap nito.
Was Fate playing a big trick on her? Ano’ng ginagawa ni Knight doon ngayon at niyayakap pa siya nito gayong alam niyang galit ito sa kanya dahil sinaktan niya ito noon?