Maggie's Diaries Series 3 Chapter 15

I FEEL like I’m getting on to something—sa sobrang pag-iisip ko. Pero wala pang malinaw sa mga iniisip ko, wala pa rin akong solidong basehan niyon at lalong wala pa akong matibay na ebidensiya na maaaring may katotohanan ang mga inisiip ko. Pero bigla kong naramdaman na baka nga may tinatago sa kanila si Agatha. Ano? Na baka hindi nito anak si Knight? Gusto kong paimbestigahan si Agatha pero wala naman akong sapat na pera para gawin ‘yon. Gusto kong magtanong kay Knight tungkol kay Agatha—na hindi ko ginawa noon—pero ibig sabihin niyon ay kailangan niyang maging malapit dito. Isa lang talaga ang sigurado ko, my life is so complicated. Pero wala namang buhay na perpekto, ‘di ba?

---

HOTEL ELYSḖ, Palawan branch. Kahapon pa tapos sa mga meeting na kailangan niyang gawin si Leigh kaya ngayong araw ay maaari na siyang magliwaliw sa buong hotel. Nai-report na rin niya kay Raoul—na uma-attend ng conference sa South Korea—ang mga nangyari sa meeting kaya free na siya.

May weekend fun games na ipine-prepare ang marketing department ng hotel na bukas sa lahat ng guests. Buong taon iyong mangyayari para sa fifth year anniversary ng Palawan branch nila. Iyon ang gusto niyang salihan. Tutal ay itinuturing naman siyang guest doon.

Hindi pa niya alam kung ano ang premyo pero hindi naman siya interesado doon. Gusto lang talaga siyang maglaro at mag-enjoy. Gusto niyang hindi muna mag-isip ng araw na iyon. Siguro, kung mananalo siya ay ibibigay na lang siya sa iba ang premyo na iyon. Bahala na ang game master kung kanino nito ibibigay ang premyo. Kung siya ang mananalo.

Nagpunta siya sa pool area ng hotel dahil doon daw gaganapin ang mga palaro. Pagdating niya roo’y agad niyang hinanap ang game organizers. Nakita niya ang sales and marketing director ng hotel na si Liza.

“Pwede ba akong sumali sa games?”

“Hi, Leigh! Sige, sumali ka. Tamang-tama. May available slots pa. You’ll surely enjoy every game. Malay mo dito mo pala makilala ang lalaking nakatakda para sa’yo,” ani Liza.

“Sana nga,” nakangiting sabi niya rito.

Pinapunta siya ni Liza sa may gilid ng pool kung nasaan ang ibang game participants. Binati niya ang kanyang mga co-participants na naroon. Napansin niyang magkakakilala ang mga ito. Hindi naman nalalayo sa kanya ang edad ng iba samantalang ang iba’y teenagers pa yata. May dalawang may edad namang babae’t lalaki na sumali rin.

Nang dumako ang tingin niya sa pool ay nakita niyang may dalawang uri ng game course doon. Ang isa’y mahabang horizontal tube na hindi niya alam kung para saan at ang isa nama’y mga vertical tubes na mukhang column. Kinabahan siya pero mas higit ang excitement na naramdaman niya.

“Okay, participants! We’ll start soon but we still have one slot available. Baka may gusto pang sumali sa friends n’yo,” pagkuwa’y sabi ni Liza sa kanila.

“Sasali ako.”

Napanganga si Leigh nang makita kung sino ang bagong dating na sasali daw—si Knight. Anong ginagawa nito roon? Alam ba nitong nandoon siya? Sinusundan ba siya nito? Hindi pa rin ba ito engaged hanggang ngayon? Hayun na naman ang isipan niya sa pagtatanong. Nakakaloka ka talaga, Knight!

“I’m Knight Serrano,” pakilala ni Knight kina Liza at sa staff nito.

“Okay, Sir Knight. Sumama na po kayo sa kanila,” sabi ni Liza dito saka itinurong silang ibang participants. Sa kanya naman agad na lumapit si Knight.

“You’re here. What a coincidence!” nakangiting sabi ni Knight sa kanya. But his eyes says otherwise.

“Paano mo nalaman na nandito ako?” parungit na tanong niya rito.

“I have a mole in your office, you know,” anito.

“Sino?” marahas na tanong niya rito.

“Ah, that, I won’t tell you,” pa-misteryosong saad ni Knight. Nainis siya rito. Why was he being so difficult? “You know, we used to play games then, too. Hindi mo siguro naaalala kaya ipapaalala ko sa’yo. Sa tingin ko nga mas exciting pa ‘yon sa mga lalaruin natin ngayon. I stood half-naked in front of you, wet. ‘Tapos, ang mechanics ng game, kailangan mong—“

“Stop! Hindi ako interesadong alalahanin ‘yon,” putol niya sa iba pa nitong sasabihin.

Nag-init ang buong mukha niya. Dahil alalang-alala niya ang larong iyon na kagagawan ni Reema. She remembered the feel of his body against her lips, how she dried him up, how hot he was and even how they shared their first kiss—their tissue kiss. Ngayon niya na-realize na parang quits lang pala sila. Dahil sa bawat alaalang ipina-aalala nito sa kanya’y nagdudulot ng sakit sa puso niya.

“Leigh, okay ka lang?” tanong ni Liza sa kanya.

“Ah, yeah. I’m fine,” agad namang sagot niya rito.

“Okay. Now that we’re complete, let the games begin!” excited ng isang staff ni Liza na nagpakilalang “Jordan”. Ito ang magiging game master nila. “Our team watched several game shows here and abroad. And this particular episode of a Korean game show caught our interest. It’s very fun and unique, you’ll surely enjoy it. Kaya naisip naming ipalaro din ‘yon dito ngayon. Nakikita n’yo ba ‘yong mga tubes sa pool na ‘yon? ‘Yan ang gagamitin natin sa palaro natin ngayong araw. Are you all excited?”

Lahat naman sila ay sumigaw ng “yes” dito. Sa pagsisimula ng pre-game ceremony na iyon ay dumami ang mga guests sa pool area. Lahat ay excited para sa mangyayaring palaro sa araw na iyon. Pero si Leigh ay fifty-fifty na sa kaba at excitement ngayon. Kinakabahan siya lalo dahil sa presensiya ni Knight. Paano pa siya mag-e-enjoy ngayon?

“So, now, we have a total of twelve participants. Pero gusto naming ipaalam sa inyo na hindi magiging individual contests ang games ngayon. What we prepared were a bunch of couple games. Ang iba sa inyo’y magkakakilala na. To be fair, magra-raffle draw tayo para malaman kung sinu-sino ang magiging magka-partner. But don’t worry, you’ll be able to change partners after every game. Iyon nga lang, ang winners ang unang magde-decide kung magpapalit sila ng partners o hindi,” paliwanag ni Jordan.

Trumiple na ang kabang nararamdaman ni Leigh ng mga oras na iyon. Gusto na niyang umatras. Paano kung si Knight ang maging ka-partner niya? Manganganib siya—ang katawan, puso’t kaluluwa niya. Because she thinks that Knight came her prepared for her, to get her.

Pinabunot sila ni Liza ng papel na naka-rolyo sa fish ball nitong dala. Number ‘three’ ang nabunot niyang numero at ipinagdasal niyang sana’y hindi din iyon ang numerong nabunot ni Knight. Laking tuwa niya nang makitang number ‘one’ ang nabunot nito. Ang partner nito ay isang teenager na babae at ang partner naman niya’y ang teenager na lalaking kaibigan nito—si Migs.

“Oh, no. Sa tingin ko’y hindi magiging pabor sa ilan ang partnered couples nila para sa una nating game. Pero gusto n’yo na bang malaman kung ano ang maaari n’yong mapanalunan sa first game na ‘to? Para naman ma-inspire kayo.” Pagkatapos nilang sabay-sabay na sumagot ng “yes” ay nagpatuloy si Jordan. “A day of free luxury will be the first winner’s prizes including free meals and snacks to our hotel’s restaurant, spa treatment and island hopping services for tomorrow. Wow, right? Na-inspire na ba kayo?”

“Okay. Today’s first game is…’hang like a barbecue’! See that horizontal tube in the pool? Kailangan n’yong sumabit doon for as long as you could together with your partner. How can you do that? The men should cling to the tube and the women should cling to their partners. Hindi pwedeng humawak din ang mga babae do’n sa tube, okay? The pair who have the longest time hanging like a barbecue would be the winner. Game?” paliwanag ni Jordan sa unang game course.

Agad na napatingin si Leigh kay Migs. Natawa siya ng makitang nakatingin din ito sa kanya. Sa tingin niya ay isa sila sa couple na sinasabi ni Jordan kaninang ‘hindi magiging pabor’ sa larong iyon. Sa tingin niya’y hindi kakayanin ni Migs ang bigat niya at alam niyang iyon ang tumatakbo sa isipan nito habang nakatingin sa kanya ngayon dahil mas maliit ito sa kanya.

“Okay lang, ate. Nakapag-island hopping naman na kami kahapon,” ani Migs na nagtunog pangongonsola nito sa sarili. Nginitian niya ito.

“Don’t worry. Kapag sila ang nanalo,” aniya sabay turo kina Knight at sa kaibigan ni Migs na babae. “Sisiguraduhin kong ikaw ang manginginabang sa prize, okay?”

“Sa tingin ko ay kailangan ng body compatibility sa game na ‘to,” ani Jordan.

“Could we switch partners?” narinig niyang sigaw ni Knight.

“’Wag kang makikipagpalit. Sa tingin ko ay mas malaki ang tsansa nilang manalo ng friend mo kasi sigurado akong kayang-kaya niya ang friend mo,” pabulong na sabi niya kay Migs.

Natawa ito sa kanya. “Oo nga po,” anito. Nakahinga naman siya ng maluwag.

“Basta i-try pa rin natin ang best natin, okay? Let’s have fun. Kapag hindi mo na kaya, bumitaw ka na. Susubukan kong hindi maging pabigat,” aniya rito. Tinanguan naman siya nito.

“Sir Knight, hindi na daw po pwede. Just win this game and you’ll surely get the partner you want next time,” ani Jordan kay Knight.

Napangiwi si Leigh. Ibig sabihin ay hindi pa rin tapos ang problema niya. Nang tingnan niya si Knight ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Kinindatan pa siya nito. Sukat sa ginawa nito’y pakiramdam niya’y tumalon ang puso niya. Inirapan na lang niya ito.

Nagsimula ang unang laro. Pangalawa sila sa natanggal ni Migs. Mahigit isang minuto lang ang naitagal nilang dalawa. At least, hindi sila ang unang natanggal. Okay na sila noon. Hinintay na lang nilang matapos ang unang laro. Ipinagdasal niyang sana’y hindi manalo sina Knight pero katulad ng usapan nila ni Migs kanina, sina Knight at ang kaibigan nga nito ang nanalo sa unang larong iyon. Kakausapin na sana niya si Knight tungkol sa premyo ng mga ito pero naunahan na siya nito.

“Jordan, nag-usap na kami ni Layla kanina. Ibinigay ko na sa kanya ‘yong magiging share ko sa prize pero hiniling kong ako na lang ang magde-desisyon kung magpapalit ba kami ng partners o hindi. And I want to change partners with Migs,” dire-diretsong saad ni Knight. Pinukol niya ito ng masamang tingin. Nginisihan lang siya nito pagkuwa’y nagkibit-balikat.

“Ah, just as I thought you’d do. Kaya pala nag-pursige ka talagang manalo kanina. Okay. Congratulations! Now, Sir Knight and Ma’am Leigh will be paired. Then, Migs and Layla. How about the others?” ani Jordan.

Habang namimili ng ibang partners ang iba nilang kasama ay lumapit sa kanya si Knight. “Am I great or am I that awesome?”

Kinunutan niya ito ng noo. “Hindi ko alam na conceited ka pala. Hindi ganyan ang pag—ang pagku-kwento ni Reema sa’kin,” aniya rito. She bit her tongue. Muntikan na siyang madulas dito.

“Hindi naman ako masyadong kilala ni Reema noon eh,” sagot ni Knight.

“Eh, ako? Kilalang-kilala ba kita noon?” tanong naman niya rito. Hindi agad nakasagot si Knight sa kanya. Ibig sabihin ay may hindi talaga ito nasabi sa kanya noon. May itinatago ba itong sikreto?

Paano kung si Knight din pala ang maging sagot sa problema mo, Leigh?

“Would you really want to know me, Leigh? That’d mean you’ll have to get close to me,” ani Knight.

“I wonder kung paano naging tayo kung hindi naman pala tayong naging lubos na magkakilala noon,” aniya rito. She wanted to provoke him to speak about his family. Pero bago pa man siya nito masagot ay nagsimula nang mag-announce si Jordan tungkol sa sunod na laro.

“Column” ang sunod na laro. Iyon pala ang purpose noong vertical tubes na nasa pool. Kailangan nilang parehong pumatong doon ni Knight at mag-balance habang magka-yakap. Dammit! Kung sino ang couple na pinakamatagal mag-balance ay siyang makakakuha ng romantic dinner for two, spa treatment at free overnight stay pa sa hotel.

“We don’t need to do this kung ayaw mo, Leigh,” sabi ni Knight sa kanya.

“No. We’ll do this,” aniya rito.

Kahit na ayaw maging ka-partner ni Leigh si Knight ay itinuloy pa rin niya ang laro. Naintriga siya sa maaaring sabihin sa kanya ni Knight tungkol sa sarili nitong hindi nito nasabi noon sa kanya. Baka nga ito ang makakasagot sa mga tanong niya.

Pumatong silang dalawa sa pinaka-dulong column nang magka-yakap. Kasya naman ang dalawang paa nila sa column pero medyo mahirap mag-balance. Nagkasundo sila ni Knight na magyakapan silang talaga—ang mga kamay niya ay naka-paikot sa leeg ni Knight habang ang mga kamay nito’y naka-paikot naman sa baywang niya—hindi katulad ng ibang couples na nakadipa. Naging magalaw kasi ang katawan nila nang una nilang subukan iyon kaya nagbago sila ng strategy.

Nag-conduct ng tests sa kanila si Jordan nang tatlo na lang silang magkakapareho na natirang nakatayo sa columns doon. Una nitong ni-request na magtaas ng kamay ang mga lalaki saka ang mga babae. Nag-request din itong magtaas sila ng mga paa sa kanilang gilid. Dahil doon ay may nabagsak sa tubig na isang pareha. Kinabahan tuloy siya dahil sa pressure. Pero pinayapa siya ni Knight sa pag-tap nito sa likod niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

“Kapag nanalo tayo, you’ll tell me all about yourself, Knight,” bulong niya kay Knight habang magkayakap sila. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito ng mga oras na iyon.

“Ah, kung alam ko lang na ‘yon ang gusto mo sa una pa lang, okay na sana tayo ngayon,” natatawang sabi nito.

“’Wag kang tumawa. Baka ma-eliminate tayo,” mariing sabi niya rito.

“You know what, fate really favors me a lot for another chance with you. But to be this close to you, fate must have loved me truly,” ani Knight.

You and that cruel Fate. Kung alam mo lang, Knight. Kung alam mo lang.

Hindi na niya kinausap pa si Knight at nag-concentrate na lang siya sa pagpapakalma sa kanyang sarili. Ang huling test ni Jordan ay ang pag-squat nila pare-pareho habang nakapatong pa rin sa column. Matagumpay nilang nagawa iyon ni Knight at dahil doon ay sila ang nanalo sa game na iyon. Ngunit kahit tapos na ang laro ay tila ayaw pa rin siyang bitawan ni Knight. Tinulak tuloy niya ito palayo.

“You must feel like the luckiest man today, Sir Knight. Umaayon sa’yo ang tadhana,” sabi pa ni Jordan dito.

“I know! I love this day! I love your games!” masayang sigaw naman ni Knight habang nagha-happy swim doon sa pool.

---

FATE must be up to something. Siguro sadya ang mga nangyayari na ito sa’min. What if, nagkaro’n ng selective memory loss si Knight para magkaayos kami? What if, hindi talaga kami magkapatid—half-siblings? What if, this is our second chance? What if, what happened was just all a big test for the both of us? Well, malalaman ko na rin ‘yon mamaya. I’m so excited my blood had that incredible feel running through my veins. Pakiramdam ko ay makakarating na rin ako sa conclusion ng lahat ng nangyari sa’min. I just hope the end will be good for the both of us. Wish us luck! ;)

Yours,

Leigh

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.