Maggie's Diaries Series 3 Chapter 16

I CAN’T believe all this! sabi ni Knight sa sarili matapos basahin ang lahat ng nakasulat sa diary ni Leigh—na sinusulatan nito para sa isang babaeng nagngangalang ‘Maggie’. The diary somehow triggered his lost memories back, but some still remained hazy.

Napasakamay niya ang diary na iyon—kani-kanina lang—nang may maramdaman siyang wirdong bagay na kanyang natapakan sa ilalim ng mesa nila ni Leigh—na nagpaalam na pupunta sa banyo kanina. Naunang dumating sa reserved table nila si Leigh sa restaurant sa loob ng Hotel Elysѐ—na siyang premyo nilang dalawa bilang mga nanalo sa “column game” kanina. Nagpunta pa kasi siya sa silid na inookupa ni Leigh para sana sunduin ito pero nauna na pala ito roon sa restaurant. Doon niya ito nadatnan na nagususlat sa kung ano—na itong diary pala—at pagkakita nito sa kanya’y agad nitong itinago ang pinagsusulatang iyon.

Hindi niya alam kung paano napunta sa ilalim ng mesa ang diary na iyon pero ang mahalaga sa kanya’y nalaman niya ang mga nilalaman niyon—kahit na pa masamang magbasa ng diary ng ibang tao. Hindi niya mapaniwalaan ang lahat ng kanyang nalaman doon. Hindi niya alam kung anong emosyon ang unang paiiralin niya—ang lungkot, simpatya, pagpapaumanhin, inis, galak at pag-intindi para kay Leigh o ang galit niya kay Agatha Serrano—his so-called mother who raised him but whom he wasn’t really fond of.

Agatha Serrano was a very selfish woman. Unang-una sa lahat, hindi ito ang kanyang tunay na ina. Nalaman niya ang tungkol sa katotohanang iyon noong seventeen years old siya nang mag-desisyon siyang pasukin ang professional motosport na tinutulan agad nito. Dahil sa matinding pagtutol nito kaya siguro naisiwalat nito sa kanya ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

“’Ma, just this once, will you let me do what I really want to?” ani Knight sa kanyang inang si Agatha.

Humihingi siya rito ng permiso para sumali sa isang motosport team na nagre-recruit sa kanya. Hindi na sana niya iyon ipapaalam pa dito dahil nakuha na niya ang permiso at bendisyon ng kanyang amang si Augustus pero sigurado siyang malalaman at malalaman din iyon ni Agatha kaya mas mabuting siya na mismo ang magsabi dito. Tiyak na kapag nalaman nito sa iba ay katakot-takot na sermon at galit ang aabutin niya dito.

Two years ago, he got on to karting in Cavite. Ang Papa Augu niya ang nagdala sa kanya sa Cavite racing circuit dahil dati rin pala itong nangangarera. Tumigil lang daw ito nang maikasal sa kanyang ina. Nagustuhan niya ang racing dahil maliban sa enjoyment ay nai-enjoy niya ang adrenaline rush at ang pagiging malaya sa loob ng race track. Speed gives him power, letting him feel superior most of the times. Isang bagay na hindi niya nararamdaman at nagagawa sa kanilang bahay. Racing wasn’t boring like painting—something his mother wanted him to excel at.

Gusto ni Agatha na maging magaling siyang pintor dahil gusto nitong matalo niya sa field na iyon ang nag-iisa niyang pinsang si Kaya—ang anak ng Uncle Vino niya sa kanyang father side. His mother saw Kaya as his biggest competitor to being Augusto Serrano’s heir to the Serrano Foods Corporation empire. Bata pa lang siya ay itinanim na ni Agatha sa kanyang isipan na kailangang siya ang maging tagapagmana ng Lolo Gusto niya. Kaya bata pa lang siya ay naging mahigpit na ito sa kanya. Bata pa lang siya ay inuutusan na siya nitong talunin sa lahat ng bagay si Kaya. Kailangan daw niyang maging mas magaling kay Kaya para siya ang laging mapansin ng Lolo Gusto niya.

Personally, he didn’t want to compete with his cousin. Iba naman kasi sila ng kalibre at hobbies ni Kaya. Ang mama lang talaga niya ang namimilit na gawin niya ang mga bagay na ginagawa ni Kaya. Kapag hindi niya nagagawa ang mga bagay na iyon ay nagagalit ito sa kanya. She would ground him for a week with no toys, no TV, no junk foods, no books, nothing to do that it would make him go crazy. Kapag galit na galit talaga ito sa kanya’y umaabot ng isang buwan ang parusang grounding na binibigay nito sa kanya at sa school lang siya nagkakaroon ng buhay.

Madalas ay hindi nalalaman ng kanyang ama ang tungkol sa problema niyang iyon dahil abala ito sa SFC pero kapag nalalaman naman nito ang ginagawa ng mama niya ay sinasabi nitong magpakabait na lang siya at intindihin ang kanyang ina dahil gusto lang daw nito kung ano ang makabubuti para sa kanya. Pinagsasabihan din nito minsan ang mama niya pero madalas ay umaaktong superior si Agatha dito. Hindi tuloy niya masabing swerte siya na ito ang naging buhay niya. When his father spends time with him, that’s the only time when he considered himself lucky because that’s the only time when his mother would not be around him. Nakakahinga siya ng maluwag kapag ang papa niya ang kanyang kasama.

“No, Knight. Focus on your studies and do well on your painting. I heard that Kaya’s participating in an exhibit soon. Sumali ka rin and be sure to win against her,” his mother told him coolly. Tuluyan nang nalaglag ang balikat ni Knight dahil sa sinabi nito. Marahas siyang napabuga ng hangin na agad nitong pinuna. “I told you never to slouch. Stand up straight and mind your manners, young man. Hindi kita pinalaking ganyan.”

“’Ma, why can’t you just be happy for me? Pumayag na si papa sa gusto ko at suportado niya ako. Why can’t you?” himutok ni Knight sa kanyang ina. Wala roon ang papa niya para suportahan siyang magpaalam sa mama niya dahil nasa Cebu ito para sa isang conference.

“Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko nang hindi pwede! Pinayagan na kita noon na mag-racing, tama na ‘yon! Now stop whining and go to your room,” mariing utos nito sa kanya.

Napasimangot siya at nakaramdam ng matinding inis dito. “Kailan ba naging importante sa’yo ang gusto ko, ‘Ma? Palaging gusto mo na lang ang nasusunod. Hindi ba pwedeng kahit ito lang ibigay mo na sa’kin? Why can’t you be like a normal mom for once?”

Dahil sa sinabi niya ay naging masama ang tingin nito sa kanya. “You don’t have the right to answer to me like that! Kung hindi dahil sa’kin, wala ka sana dito. Kung hindi kita binili sa nanay mo, sigurado akong patay ka na siguro sa gutom ngayon. Kaya ‘wag na ‘wag kang magre-reklamo sa’kin. Do everything I say because you owe your life to me!”

“What do you mean?” gulat na tanong niya rito.

Tila dinadaya siya ng kanyang pandinig dahil mali yata ang narinig niya mula rito. Gusto niyang marinig muli ang mga katagang iyon mula sa kanyang ina. Ayaw niyang maniwala sa mga sinabi nito pero kinumpirma ng reaksyon ng mukha nito ang lahat, na tila nabigla rin ito sa mga nabitiwang salita.

Hinilot nito ang magkabilang sintido. “This is really a bad time. Pinainit ng isang empleyado ko kanina ang ulo ko. Ask me again some other time. Now, go to your room, Knight,” mariing utos nito nang makabawi sa pagkabigla.

“Binili mo ako?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Hindi niya alam kung saan siya mas masasaktan, sa katotohanang hindi niya tunay na pamilya ang kanyang pamilya ngayon o ang katotohanang ipinagbili siya ng kanyang tunay na ina.

“I don’t have time for this,” anito kapagkuwan. Handa na siya nitong iwan doon pero pinigilan niya ito.

“Tell me the truth!” mariing giit niya rito.

“Fine! That’s the truth. Binili kita sa isang prostitute na kailangan ng pera. I needed a baby to replace the one I’ve lost. Namatay ang baby ko matapos ko siyang ipanganak. Hindi pwedeng hindi ako magkaro’n ng anak dahil sigurado akong iiwan ako ni Augustus kapag nalaman niyang namatay ang baby namin. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Kaya nagpahanap ako ng sanggol. Your mother was too eager to sell you then.”

“Kaya ‘wag kang umastang parang may karapatan kang mamili ng kapalaran mo. Ako ang magde-desisyon ng kapalaran mo, kung ano ang mga dapat mong gawin, kung sino ang mapapangasawa mo. Kaya hindi ka sasali sa anumang racing competition na ‘yon. At kapag nalaman ni Augustus ang tungkol dito, I’ll make sure that you’ll meet hell,” banta ni Agatha sa kanya pagkuwa’y tinalikuran siya nito at iniwan doong nakatulala.

Knight managed to outwit Agatha then, but she’s more cunning than him. Pinayagan nga siya nitong makipagkarera—umabot pa nga siya sa Singapore—dahil sa pag-back up ng papa niya at pamba-blackmail din niya kay Agatha na sasabihin niya ang totoo sa kinilala niyang ama kung hindi siya nito papayagang makipagkarera. Ayaw naman niya itong kalabanin pa dahil nagpapasalamat siya sa pag-aaruga nito sa kanya—kahit papaano. Tama naman kasi ito na kung hindi dahil dito’y wala siya sa kinalalagyan niya ngayon.

Napapayag siya ni Agatha na itigil ang racing at mag-focus na sa pagta-trabaho sa SFC nang takutin siya nitong bibilhin din nito ang islang binibili noon nila ng mga kaibigan niyang sina Calyx, Dwight at Fryth. Ayaw niyang malaman ng ibang tao ang hidwaan nilang mag-“ina” dahil nakakahiya. Isa pa’y ayaw niyang madamay ang mga ito sa problema niya dahil ang mga ito na lang ang natitirang kaibigan niya kaya pumayag na lang siya sa gusto ni Agatha.

Gusto ni Agatha na siya ang sumunod na maging tagapagmana ng SFC. Sinabi niya rito na hindi siya nararapat na maging tagapagmana ng mga Serrano dahil hindi naman siya tunay na Serrano pero iginiit ni Agatha sa kanyang dapat niya iyong gawin para dito at sa Papa Augu niya. Inaasahan daw siya ng Papa Augu niya na sumunod sa yapak nito kaya nagpanggap na lang siyang gusto niya iyon. Pero ang totoo’y ipapaubaya niya kay Kaya ang lahat kapag dumating na ang oras na pipili na ng tagapagmana si Don Augusto Serrano.

Kaya ang pagkilala sa kanya ng mga taong nakakakilala sa pamilya nila ay “puppet” ni Agatha dahil lagi daw siyang sumusunod sa mga utos nito. Si Agatha daw ang may hawak ng buhay niya. He did care about what others say then, but he did nothing. Siguro ay wala pa siyang rason para talagang lumaban kay Agatha noon.

Kaya pinili niyang maging discreet kay Agatha noong una. Pinili niyang maging maingat kay Leigh dahil ayaw niyang maabot ito ng galamay ni Agatha. Gusto niyang mahalin muna siya ni Leigh bago nito malaman ang tungkol sa tunay niyang pagkatao at sa pamilyang kinalakihan niya. Ngunit nang sigurado na siya sa nararamdaman niya rito at handa na siyang magpakilala ng totoo dito—pati handa na siyang ipakilala ito sa kanyang ‘pamilya’—ay saka naman sila nito nagkalabuan.

Dahil sa diary ay naging malinaw para sa kanya ang ginawa noon ni Leigh, kung paano siya nito ‘sinaktan’ at kung paano ito nagsinungaling sa kanya—naaalala na rin niya ang nangyari noon. Pero naintindihan naman niya iyon. Mas lalo lang siyang nagalit kay Agatha dahil ito ang may kasalanan ng lahat. Sinaktan nito si Leigh at pinagsinungalingan. Ito ang may kasalanan kung bakit piniling lumayo sa kanya ni Leigh.

Matagal na rin pala talaga nitong niloloko ang Papa Augu niya. Hindi na lang siya ang itinatago nitong sikreto kundi pati na rin si Leigh. Si Leigh ang tunay na Serrano. Ito ang tunay at legal na dapat maging tagapagmana ng SFC at hindi siya. Si Leigh ang dapat na nakararanas ng nararanasan niyang karangyaan ngayon. At ibibigay niya iyon dito. Ilalaban na talaga niya ito kay Agatha. Sasabihin na niya sa kanyang Papa Augu ang lahat ng katotohanan. Wala na siyang pakialam kung ano ang maaaring gawin sa kanya ni Agatha. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligayahan ni Leigh.

She suffered too much already. He suffered too much already. At si Agatha ang dahilan ng lahat nang iyon. Pakiramdam niya tuloy ay mas masahol pa ang pinagdaanan nila ni Leigh kina Romeo at Juliet. Hindi na niya iyon paabutin pa sa pagpapakamatay. Naiinis lang siya sa kanyang sarili dahil hindi niya naisip noon na maaaring si Agatha ang dahilan kaya bigla na lang siyang nilayuan at sinaktan noon ni Leigh.

Inunahan kasi siya ng selos kina Leigh at Raoul noon. Noon pa man ay napansin na niyang may kakaibang aura sa pagitan ng mga ito. His male instincts said that Raoul was a main competitor. Kaya agad siyang gumawa ng paraan para makuha ang loob ni Leigh. Na-discouraged din siya noon nang sabihin sa kanya ni Reema na hindi siya gusto ng ina ni Leigh para dito—totoo pala iyon dahil ang akala din nito ay kapatid niya si Leigh—well, half-sister.

He felt sorry for Leigh, for what she might have felt upon hearing that they were “half-siblings”. Dahil kung siya ang nasa kalagayan nito’y gugustuhin pa niyang ma-grounded ng isang buwan kaysa ang maging kadugo nito. One year was taken away from them. They should have been married by now. He knew Leigh was ‘the one’ for him. She was his greatest wish. Pinagsisihan lang niyang hindi siya naging bukas dito noon tungkol sa kanyang tunay na pagkatao at pamilya. Hindi na sana sila umabot pa sa ganito.

Isa lang ang ikinainis niya kay Leigh, bakit kinailangan pa nitong magpanggap sa kanyang may amnesia ito? Bakit hindi na lang nito sinabi sa kanya ng diretso ang mga nalaman nito kay Agatha? Bakit kinailangan pa siya nitong saktan ng paulit-ulit? She would have spared them time and confusion. They would have made up and kissed now.

“Knight! Kanina pa kita hinahanap!” sigaw ng pamilyar na tinig ni Leigh sa kung saan.

Nang hanapin niya ang tinig nito’y nakita niya itong nakatayo sa may lamp post doon sa beach front na kinaroroonan niya. Sa wakas ay nahanap na rin siya nito. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang diary na hawak niya. Siya na mismo ang lumapit dito pero tila gusto naman nitong umalis agad doon ngayon.

Iniabot niya pabalik dito ang diary. “Natapakan ko kanina sa ilalim ng table natin. I got to read a part when you’re in the ladies’ room. Na-engrossed ako sa pagbabasa kaya nagpunta ako dito,” aniya.

“I, uh…gusto ko ng kape. Kailangan ko ng kape. O-order lang ako sa loob,” tila natatarantang sabi nito sa kanya. She looked flushed though. Alam niyang palusot lang nito iyon sa kanya.

His male instinct, need and want surged through him. He grabbed her by the neck and claimed her lips in a tender, longing kiss. Gusto niyang iyon ang maging unang statement sa mga tanong nito sa diary. Gusto niyang malaman nitong hindi mali na umibig ito sa kanya. He wanted her to know that they’re free to love each other.

“I’m not your brother, Leigh. We’re not taboo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.