WHAT Knight had just said continued to rang inside Leigh’s head. It sounded so beautiful and right. Definitely right. What he just did felt like a dream. His lips felt so good against hers. The kiss gave her heart a flutter, her stomach felt like it turned upside-down and her blood rushed of excitement, appreciation and need of another.
Pero hindi alam ni Leigh kung saan unang magre-react, sa ginawa nitong paghalik sa kanya o sa sinabi nito o sa kaalamang alam na nito ang nilalaman ng diary niya. Nainis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya muna tsinek ang pinaglagyan niya ng diary bago niya iwan ang kanyang mga gamit sa mesa nila. Sa taranta niya pagkakita kay Knight kanina ay basta na lang niya iyong hinulog sa hand bag na nasa ilalim ng mesa nila. Hindi siguro niya nailagay doon ng maayos at iyon nga, natapakan tuloy ni Knight.
Gusto niyang magalit kay Knight dahil basta na lang nitong binasa ang diary pero mas nanaig ang kaba niya sa maaari nitong sabihin. Noon niya na-realize na kahit na gusto niyang malaman ang katotohanan mula rito—o ang side ng story nito—ay takot pala siya sa maaari niyang malaman. Natakot siyang kumpirmahin ni Knight na magkapatid nga sila. Natakot siyang marinig mula rito na tama siya at hindi nga sila pwedeng magkatuluyan. Natakot siyang makitang masaktan si Knight sa harapan mismo niya. Kaya imbes na kausapin ito tungkol sa mga gusto niyang malaman dito kanina at sitahin ito sa pagbabasa ng diary niya ay pinili niyang maghanap ng kape.
Speaking of coffee…
“Bakit mo ako hinalikan?” sa wakas ay nagawa niyang itanong dito.
So, there. The kiss won.
“Ang sabi mo kailangan mo ng kape so—“
Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi nito. “Ano’ng kinalaman ng halik mo sa kape?”
“I had coffee earlier. I figured it’ll be enough to sate your caffeine craving. Hindi mo ba nalasahan? Uulitin ko kung gusto mo,” sabi ni Knight. Alam niyang may kaunting sense of humor si Knight pero hindi iyon ang dapat nitong unahin ngayon.
Pinanlakihan niya ito ng mata pagkatapos. Marahan naman itong natawa sa naging reaksyon reaksyon niya. “’Yong sinabi mo…paano mo nasabi ‘yon?”
“Simple, my tongue worked.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. Nainis siya sa pagiging sarkastiko nito. Gusto niyang maging seryoso sila ngayon. Kaya hinampas niya ito ng malakas sa braso.
“Hindi mo dapat binasa ang diary ko. Hindi mo dapat ako hinalikan. Hindi mo dapat ako pinapaasa,” inis na sabi niya rito.
Naging sunud-sunod ang paghampas niya rito, sa braso nito, sa dibdib nito. Hinahayaan lang naman siya ni Knight. Maya-maya pa ay naramdaman niyang may nangingilid nang luha sa kanyang mga mata at pisngi. Just when she’s about to stop, Knight grabbed her hand then, he pulled her against him. Katulad nang ginawa nito noong pangongonsola sa kanya. He hummed a song she didn’t know and gently patted her back. Mas lalo siyang napaluha. Hindi niya akalaing magkakaroon ulit siya ng pagkakataong muling maramdaman ang ganito kay Knight.
“I’m sorry you went through that, Leigh. I’m so sorry. But I’ll make everything right this time. Everything’s gonna be better for you now,” masuyong sabi ni Knight.
I don’t want something better. I just want you, ngali-ngaling sabihin niya iyon dito nang may bigla siyang naalala.
“Nakakaalala ka na ba? Natatandaan mo na kung ano ang nangyari noon o dahil lang sa diary kaya ka nakakaalala ngayon?” tanong niya rito.
“Yes, but some still remained hazy. Hindi pa malinaw sa’kin kung ano ang nangyari sa’kin sa loob ng isang taong pagkakahiwalay natin. Pero ang sabi sa’kin ni Calyx ay sa Haven of Secrets daw ako madalas na nanatili dalawang buwan matapos nating maghiwalay. Your diary somehow allowed me to remember. Pero katulad nang sinabi ko sa’yo noon, kahit na hindi ko man maalala ang buong nangyari noon, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa’yo.”
Iginiya siya ni Knight paupo sa pinong buhanginan doon sa beach front. Sumunod naman siya rito. Nanlalamig ang kanyang mga kamay dahil sa kaba. Pero kaba na parang excitement na iyon.
“Since, alam ko na ang side ng story mo dahil sa diary, ako naman ang magpapaliwanag ngayon. Katulad nang sinabi ko kanina, we’re not taboo because we’re not siblings. Hiram ko lang ang buhay ko sa mga Serrano. Hindi ko totoong mga magulang sina Augustus at Agatha Serrano. Ang totoo’y binili lang ako ni Agatha dahil kailangan niyang palitan ang anak niyang namatay pagkapanganak niya.”
Napasinghap si Leigh nang marinig iyon. Hindi niya inaasahang iyon pala ang side ng story ni Knight. Mas lalo siyang nagalit ngayon kay Agatha. May kutob na siya kung bakit nito iyon ginawa. Para hindi na magkabalikan pa ang kanyang mga magulang. She was such a selfish bitch. Pero napakasaya niya ngayon dahil hindi pala talaga niya kapatid si Knight.
Gusto kong mag-happy dance.
“She was a very selfish woman. She kept me to keep Papa Augu. Dahil hihiwalayan daw siya ni Papa Augu kapag nalaman nitong namatay ang kanilang anak. She never really cared about me as a son. Pero alam mo na ‘yon noon pa man. Hindi ko nagawang lumaban noon sa kanya o tangkaing kaliwain siya dahil sa utang-na-loob. Pero nang mahalin kita, naging handa akong labanan siya, ‘yon nga lang ay pinili mo akong layuan,” patuloy ni Knight.
“I should’ve known she was behind that. I should’ve been more careful then, for your sake. Pero hindi ko alam kung ano ang koneksyon mo sa mga Serrano noon. I didn’t know you’re the real Serrano. Ikaw, kayo ng nanay mo ang rason kaya nagawa ni Agatha ang lahat ng ito. I feel bad for Papa Augu, all this time ay pulos kasinungalingan ang alam niya at… may parte ako do’n. Sana ay mapatawad niya ako. Sana ay maintindihan niya ako.”
Ginagap niya ang isang kamay ni Knight at nang-uunawang tumingin dito. “Biktima ka rin, Knight. Kahit ako, kay Agatha ko rin unang nalaman ang katotohanan. Kinumpirma lang ‘yon nina nanay at Tita Sunny. But Agatha must have loved my father this much to do all this.”
“Pero kailangan nang malaman ni Papa Augu ang lahat ng katotohanan. Kailangan na nating tapusin ang mga kasinungalingan ni Agatha. And you should finally meet your father,” ani Knight.
Nginitian niya ito. Suddenly, a feel of longing and need of a father’s love surge through her. Iyon ang unang beses na naramdaman niya iyon. Naniniwala kasi siya noon na sapat na sa kanya ang ibinibigay na pagmamahal ng nanay, mga kapamilya at kaibigan niya sa kanya. Pero siguro’y kaya ngayon niya lang ito naramdaman dahil alam niyang wala nang magiging complications pa—si Agatha na lang. Now, she could love both man freely—Knight and her father.
“Siguro kailangan nga muna nating ayusin ang lahat ng ‘to bago natin sabihin kay nanay ang totoo. Pero…’yong tungkol sa tunay mong ina, hinanap mo ba siya?” curious na tanong niya kay Knight.
Humugot muna ito ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot. “Pinahanap ko siya noon. But Agatha knows how to cover her own tracks. Naging mahirap para sa P.I. na inutusan ko ang paghahanap sa kanya. Kaunti lang din kasi ang alam ni Agatha tungkol sa kanya. When I met Calyx and asked him to look for her a few years ago. His family owns Maximus Detective Agency, the leading investigative agency in the country. Noon ko lang nalaman na namatay pala siya dahil sa isang aksidente. Walang na-trace na ibang kapamilya si Calyx kaya wala na rin akong natitira pang totoong pamilya.”
Speaking of his friend Calyx, huli niya itong nakita noon sa Bellisima Café nang ‘aksidenteng’ makita rin niya doon si Knight. Calyx hit on her which made Knight jealous. Nagpanggap na lang siyang hindi niya rin ito kilala at umalis sa café nang mabilis. Hindi na niya alam kung ano pa ang nangyari sa dalawa.
She felt sorry for Knight. Grabe din pala ang pinagdaanan nito. Fate had been cruel to him too. Nahiya tuloy siya dahil nag-self-pity siya noon. Akala kasi niya’y siya lang ang naghihirap sa kanilang dalawa. But Fate must have loved them both now. Siguro, naawa sa kanila kaya binigyan sila ng pagkakataong ayusin ang sari-sarili nilang buhay ngayon.
“You can build your own,” pagkuwa’y sabi niya rito.
Nakangiting bumaling sa kanya si Knight. There was a mischievous glint in his eyes. “Are you proposing to me, Leigh? Kasi kung oo, you have to make up for all the lies you made first.”
“Hoy, nagsinungaling ako sa’yo para sa kabutihan nating dalawa. Dahil ang alam ko ay half-siblings tayo. Hindi ko na kasalanan kung naniwala ka,” katwiran niya rito.
“Hindi mo ba alam na paulit-ulit mo lang akong sinaktan? Noong una, ‘yong pagpapanggap mo na mahal mo rin si Raoul. Pangalawa, ‘yong pagpapanggap mo na may amnesia ka para lang itaboy ako. Pangatlo, ‘yong pagtataboy mo sa’kin. Dapat sinabi mo na lang sa’kin ng diretso na akala mo magkapatid tayo para isang bagsakan na lang. You’ve hurt me so badly,” himutok ni Knight sa kanya.
Napangiwi siya sa sinabi nito. Noon niya na-realize na mali talaga ang naging desisyon niya. “Ginawa ko ‘yon dahil ayokong mas masaktan pa kita. Kung nabasa mo nang buo ‘yong diary, sinabi ko do’n na ayokong makita kita bilang kapatid ko. Ayokong malaman mo na magkapatid tayo dahil alam kong mararanasan mo rin ang sakit na nararamdaman ko nang malaman ko ‘yon. I’m sorry.”
“Forgiven and forgotten. But you have to tell me everything from now on. And, yes, Leigh. We’ll build our own family soon.”
Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. “Hindi ako nag-propose sa’yo ‘no.”
“Then, I would,” anito saka humarap sa kanyang nakaluhod. Nanlaki ang kanyang mga mata? Everything felt so surreal now. Ngayon nama’y tila ayaw niyang paniwalaan ang mga nangyayari. Baka kasi bigla na lang siyang magising at malaman niyang isang panaginip lang ang lahat. “I don’t have a ring yet but, will you marry me?”
Who cares about a stupid ring anyway? Who cares if this is all just a dream? “Yes!”
---
DEAR MAGGIE,
Some things might not happen the way you expect it to be. Some things happen for a reason. Some things end badly, some things doesn’t end at all. And some things just falls into place the least you expect it to be. OMG! Engaged na kami ni Knight! Kahit wala pang singsing, okay na. Ang mahalaga ngayon ay nagkabalikan na kami at hindi kami totoong magkapatid—half-siblings. Siguro bigla kang naguluhan kasi dati grabe akong mag-reklamo at mag-sulk pero ngayon, okay na ang lahat. Knight and I are gonna fight for what we have right now. No matter what happens. But then, I believe that this will end the way we want it to be—us married and living happily ever after.
Yours,
Leigh
---
LABIS NA kaba ang nararamdaman ni Leigh habang pababa ng kotse ni Knight. Nasa Serrano mansion sila ngayon. Sinundo siya ni Knight sa kanilang apartment kanina para sa wakas ay maipakilala na siya nito sa pamilya Serrano. Pero ang sabi ni Knight ay sina Augustus at Agatha Serrano lang ang makilala niya ngayong gabi.
“Ready?” tanong sa kanya ni Knight. Pareho na silang nakababa sa sasakyan nito at nakatayo sa tapat ng malaking main door ng mansion. Knight offered her his hand and she took it as fast as she could.
“Kinakabahan ako. Pero, let’s do this,” nakangiting sabi niya rito.
Gustong-gusto na niyang makita ang magiging reaksyon ni Agatha kapag nakita siya nito. Puputulin niya ang pangako niya rito noon na hindi niya lalapitan ang asawa nito, pero nagsinungaling naman ito sa kanya kaya quits lang sila.
Binuksan ni Knight ang pintuan at binati sila roon ng dalawang kasambahay ng mga ito. Sinabi ng dalawa na naghihintay na raw ang mag-asawang Serrano sa dining area kaya doon na sila dumiretso ni Knight. Ang sabi ni Knight kanina’y kay Augustus Serrano lang nito sinabi na may ipapakilala sa mga ito ang ‘anak’. Binilin daw ni Knight sa ‘ama’ nitong huwag munang ipaalam kay Agatha kung anong mayroon para sa gabing iyon.
She clutched Knight’s arm upon nearing the dining hall. Ramdam niya ang mabilis at malakas na pagkabog ng kanyang puso. Iniisip din niya kung ano ang unang magiging reaksyon ng kanyang ina kapag nalaman nitong nagpunta siya sa mansion ng mga Serrano nang hindi nagpapaalam dito. Pero excited din siyang makilala ang kanyang ama.
“Relax. I’m here with you. I promise to make everything right for you. Trust me,” bulong sa kanya ni Knight.
“Sa tingin mo ba magugustuhan ako ng papa mo?” pagkuwa’y tanong niya rito. Medyo weird ang pagtatanong niyang iyon kay Knight dahil ‘papa’ din nito ang ama niya. Ngayon lang din pumasok sa isipan niyang dugong Serrano siya pero magiging legal na Serrano siya kapag kasal na sila ni Knight.
“He’ll love you. Besides, Papa Augu loves everything I love,” anito saka kumindat sa kanya. Nagawa na niyang ngumiti ng relaxed dahil sa sinabi nito.
Pagdating nila sa dining area ay namangha siya sa laki niyon. Sa labas pa lang naman ay kita na niya kung gaano kalaki ang mansion pero hindi niya akalaing ganoon ito ka-garbo at ka-elegante. Sa dulo ng mahaba at malaking dining table nakapwesto ang mag-asawang Serrano. Napangiti si Leigh nang makita si Agatha na tumayo at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
Pero mas nakuha ni Augustus ang pansin niya dahil sa ipinakita nitong magkahalong gulat at tila galak pagkakita sa kanya. Siguro, katulad ni Agatha noon ay nakita rin nitong kamukha niya ang kanyang ina. Naging teary-eyed siya dahil pakiramdam niya’y nakilala din siya nito kahit hindi pa nito alam ang tungkol sa kanya. Knight squeezed her hand gently. Nag-angat siya ng tingin dito at nakita niya ang assurance na magiging maayos din ang lahat.
“Well, Knight? What are you still waiting for? Do we get to know the beautiful lady with you or we’d just stand here and stare at each other?” sabi ni Augustus.
“Knight, what is the meaning of this?” tanong naman ni Agatha. Halata sa mukha nito ang pagkataranta. Parang gusto na siya nitong liparin at ilayo doon ngayon. Pero nanatili lang siyang nakangiti dito. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin ay kanina pa sila bumulagta ni Knight sa sahig.
Time to pay for your sins, Agatha.
“Papa, this beautiful lady is Leighton dela Cruz. My fiancѐe and your daughter,” pakilala sa kanya ni Knight. Ngumiti naman siya kay Augustus na halatang nagulat sa malaking rebelasyon.