“ANAK PO ako ni Nelya dela Cruz. Remember her?” sabi ni Leigh kay Augustus bago pa man makapagsalita si Agatha. Hindi nila ito bibigyan ng pagkakataong maghabi pa ng kung anu-anong kasinungalingan.
“Nelya, of course, I remember her. Pero wala akong natatandaang buntis siya at mayro’n kaming anak. She should’ve come to me,” hindi makapaniwalang saad ni Augustus. Napatayo na ito mula sa kinauupuan.
Nagalak ang puso ni Leigh nang sabihin nitong natatandaan nito ang nanay niya. Sabay silang tumingin ni Knight kay Agatha na tila naging aligaga na ng mga oras na iyon. Napatingin din si Augustus dito na tila ba nagkaroon na ng ideya tungkol sa nagawa ng asawa.
“I’m also not your real son, ‘Pa,” amin pa ni Knight. Bumalik sa kanila ang tingin ni Augustus. Siguro’y litong-lito at gulat na gulat na ito ngayon sa malalaking rebelasyon nila.
“Sandali nga! Ano ba ‘to? Night of revelation? Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ‘to? Explain yourselves,” mariing sabi ni Augustus sa kanila.
“’Ma, gusto mo bang ikaw na ang magpaliwanag kay papa o okay lang na kami na?” baling ni Knight kay Agatha. Mas pinukol pa ni Agatha ng masamang tingin si Knight.
“May kinalaman ka sa lahat ng ito, Agatha?” sita ni Augustus sa asawa. Pagkuwa’y nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanilang tatlo nina Knight at Agatha.
“Yes po. In fact, nakilala ko siya a year ago. Nalaman niya ang tungkol sa relasyon namin ni Knight. Pinalayo niya ako kay Knight at sinabing magkapatid daw kami kaya dumaan ang isang taong hindi kami nagkita. Inutusan pa niya akong ‘wag magpakita sa’yo dahil babalikan daw niya ang nanay ko kapag ginawa ko ‘yon. Hindi ko pa nga malalaman na ikaw ang tatay ko kung hindi niya ako nilapitan. Kinumpirma lang ni nanay ang mga sinabi niya noon sa’kin,” sagot niya para kay Agatha.
“Totoo ba ‘yon, Agatha?” muling sita ni Augustus sa asawa.
“Pwede ba, Augustus! Sa babaeng ‘yan ka ba maniniwala gayong kakikilala mo pa lang sa kanya? Paano kung bayarang babae pala ‘yan at—“
“Hindi lahat ng tao ay bayaran, ‘Ma,” makahulugang singit ni Knight dito.
“Sa totoo lang po, wala naman talaga akong balak na magpakilala sa inyo eh. Ayaw ko lang po talagang may maloko pang tao si Agatha. Naloko na niya kami ni Knight, matagal na po niya kayong niloloko. Ang sabi ng nanay ko sa’kin, hindi na daw niya sinabi pa sa inyo ang tungkol sa pagbubuntis niya sa’kin noon dahil pinili mo na daw pakasalan at panagutan noon si Agatha. Nasaktan siya sa ginawa n’yo kaya pinili niyang ‘wag na lang sabihin sa’yo,” paliwanag niya kay Augustus.
“Bakit…bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ‘to?” tila nahahapong tanong ni Augustus sa sarili. Guilt was written all over his face. Pero naglakad ito palapit sa kanya.
“Augustus! ‘Wag kang lumapit sa kanya!” mariing sigaw dito ni Agatha pero nagpatuloy lang sa paglapit sa kanya si Augustus.
Binitiwan siya ni Knight at marahang itinulak palapit sa kanyang ama—uuy, may tatay na ako. Nang makalapit sa kanya si Augustus ay ginagap nito ang magkabilang pisngi niya gamit ang dalawa nitong kamay. Pagkuwa’y mataman siya nitong tiningnan hanggang sa tumitig ito sa kanyang mga mata. Hindi tuloy niya napigilan ang maging teary-eyed sa harapan nito. Sa wakas ay nagkakilala at nagkalapit na rin sila ng kanyang ama.
“You really look like Nelya, but you have my eyes,” tila namamanghang sabi nito sa kanya. Tinanguan niya ito. Tumulo ang kanyang mga luha na agad naman nitong pinahid gamit ang mga daliri. “I remember that night when Nely and I…pero hindi ko alam na nagbunga ‘yon. Ngayon…you’re here. I have a daughter,” emosyunal na sabi nito. Katulad niya ay naluha na rin ito.
Thank You, Lord for this chance, for this moment, piping usal niya. Mas lalo pa siyang naiyak dahil akala niya’y kakailanganin pa nilang magpa-DNA test para tanggapin siya nito bilang anak. She didn’t want that moment to end. She hoped to have another moment like that with her father.
Nakita na niya noon sa mga litrato si Augustus Serrano pero hindi naman iyon malapitan kaya hindi niya nakita ang similarity ng kanilang mga mata noon. Isa pa’y hindi rin siya marunong na magkompara ng magkakamukhang tao. Pero masaya siya ngayon dahil agad siyang kinilala at tinanggap ng kanyang ama.
Gusto niya itong yakapin. Pero naputol ang moment nila dahil sa biglang pagsigaw ni Agatha.
“Knight! How dare you do this to me, you brute!” sugod ni Agatha kay Knight. Humiwalay siya sa kanyang ama para daluhan si Knight na binabayo sa dibdib ng mga hampas ni Agatha. Pero bago pa man siya makapagitna sa mga ito ay itinulak na siya palayo ni Knight.
“I can handle this, Leigh,” anito sa kanya.
Dahil doon ay tumigil sa pag-atake si Agatha dito at bumaling naman ito sa kanya. Siya naman ang sinugod ito ng sampal at sabunot. Pero ni isa sa mga iyon ay walang tumama sa kanya dahil bago pa man ito makatama ay nahila na siya palayo ng kanyang ama dito at ito nama’y naawat agad ni Knight. She had gone mental.
“Ikaw! Kayo ng nanay mo ang may kasalanan ng lahat nang ito! Kung hindi sana lumandi ang nanay mo kay Augu noon, walang makakaranas ng mga kasinungalingang ito ngayon! Kaya sisihin n’yo si Nelya! Siya ang may kasalanan ng lahat!” sigaw ni Agatha. Kung hindi siguro seryoso ang sitwasyong iyon ay kanina pa siya natawa dito. Pakiramdam niya kasi’y malapit na itong maloka.
Kaunting push na lang, pilyang saad ng isang bahagi ng isipan niya.
“Ibig sabihin ay totoo talaga ang lahat ng sinabi nila? Na matagal mo nang alam na may anak ako kay Nelya? Na nakipagkita ka kay Leighton noon para bantaan siya?” kastigo dito ng kanyang ama. Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang nilapitan ni Agatha. Nagulat pa siya nang biglang lumuhod sa harapan nito si Agatha.
“I only did that for you, Augu, because I love you so much. I can’t bear to see you with that lowly cook. Nauna ako sa kanya kaya ako ang nararapat para sa’yo. Mas mahal kita kaysa sa kanya. Tayo ang mas bagay,” sabi ni Agatha dito sa tonong nakikiusap at nagpapa-intindi.
Nakaramdam si Leigh ng awa kay Agatha. May parte sa kanyang naka-intindi dito. Nagmahal lang ito, pero labis naman iyon. Isang pagmamahal na puno ng kasakiman. May ilang taong ginamit at tinapakan si Agatha para lang makuha nito ang inaasam na pag-ibig. She really pitied her.
“Love shouldn’t be selfish, Agatha,” anang kanyang ama dito. Itinayo nito si Agatha.
“Iiwan mo na ba ako, Augu?” tanong ni Agatha dito. She clutched her father’s shirt tightly.
“Tell me the whole truth, Agatha,” sa halip ay sabi ng kanyang ama. Bahagya nitong itinulak palayo si Agatha.
“You’ll leave me! You’ll leave me for that pathetic whore and this dumb woman!” sigaw ni Agatha. “Fine! Leave me and I’ll make sure you’ll all meet hell! Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masayang lahat! Sisiguraduhin kong magiging miserable kayo katulad ko!”
“Agatha, calm down. Let’s talk, okay?” pagpapahinahon ng kanyang ama dito.
“No!” mariing sigaw ni Agatha. Then, she stormed out of the dining area. Sinundan ito ng isang katulong kaya naiwan silang tatlo nina Knight doon.
“I’m sorry about Agatha,” hinging paumanhin sa kanila ng kanyang ama. Pagkuwa’y bumaling ito kay Knight. “Ano ang sinabi mo kaninang hindi kita tunay na anak?”
“’Pa, the truth is, namatay ang tunay n’yong anak ni mama. Hindi ko alam kung paanong hindi mo nalaman ang tungkol doon pero nagpahanap daw si mama ng sanggol na maaaring bilhin para i-replace ‘yong namatay na bata at ibenenta daw ako ng isang prostitute sa kanya,” paliwanag ni Knight dito.
“Oh, god. What had she done?” hindi na naman makapaniwalang saad ng kanyang ama. “Wala ako dito sa Manila no’ng time na nanganak siya. Nasa Cebu ako noon. Oh, god. Hindi ko alam na namatay pala ang tunay naming anak. She might have gone through a lot.”
Napangiti si Leigh sa huling sinabi ng kanyang ama. Sa kabila ng lahat ng kasinungalingan dito ni Agatha ay nag-alala pa rin ito sa nararamdaman ng asawa. He might have loved her mother then, but he might have learned to love Agatha these past years of being together.
Lumapit ang kanyang ama kay Knight. “You’re still my son. I raised you and I love you as my own. Nothing’s gonna change,” anito saka niyakap si Knight. Pagkuwa’y bumaling ito sa kanya. “I’m so glad to meet you, anak,” anito at siya naman ang niyakap.
Muli siyang napaluha dahil tinawag na naman siya nitong ‘anak’—kanina ay ‘daughter’ naman. Hindi niya akalaing ganito kasarap ang yakap ng isang ama. Dinaluhan sila ni Knight pagkatapos at pare-pareho nilang pinagsaluhan ang mainit na yakap ng isa’t isa.
“What a very touching scene!” anang tinig ni Agatha. Naghiwalay silang tatlo at kapwa nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang may hawak itong kutsilyo sa isang kamay. Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib niya. Hindi niya akalaing hahantong sa ganoong pangyayari ang gabing iyon.
She was pretty sure Agatha’s going to go for her. Iniharang naman agad ni Knight ang katawan nito sa kanya.
“Calm down, Aggie. Let’s talk about this properly. Hindi naman kita iiwan eh, gusto ko lang malaman kung ano ang totoo,” paliwanag dito ng kanyang ama.
“And do you think I’d buy that? Alam kong babalikan mo si Nelya! Alam ko namang mas mahal mo siya kaysa sa’kin at ngayong alam mo nang may anak kayong dalawa, sigurado akong siya na ang pipiliin mo kaysa sa’kin. You’ve let this happen, Augu! Kung pinadali mo lang sana sa’kin ang lahat, hindi na mangyayari ang lahat ng ‘to,” ani Agatha.
Naloloka na talaga ito. Ngayon naman ay ang kanyang ama ang sinisisi nito. Bakit hindi kaya ang sarili nito ang sisihin nito? She was so desperate for her father’s love, so desperate to have him all for herself. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung nabuhay ang tunay na anak ng mga ito. Gagamitin din ba nito ang tunay nitong anak katulad ng ginawa nito kay Knight?
“You want to know the whole truth, fine! Hindi ko matanggap na nakipaghiwalay ka sa’kin noon, Augu. Lalo na nang malaman kong isang hamak na cook lang nina Wendell ang ipinalit mo sa’kin. Hindi kinaya ng pride ko. Kaya kahit na hiwalay na tayo’y kinumbinsi ko ang mga magulang natin na ikasal tayo. Blessing in disguise naman nang malaman kong buntis ako. Of course, you know that you’re the father. Sa’yo ko lang naman ibinigay ang buong sarili ko noon. Ikaw lang ang gusto ko noon pa man. Pero hindi mo alam kung paano nangyari ‘yon dahil palagi kang maingat,” simula ni Agatha sa pagku-kwento at pagpapaliwanag.
“I got you on, one night when you’ve been so drunk we didn’t use any condoms. Sinadya ko ‘yon dahil gusto ko talagang magpa-buntis sa’yo. But damn you! You did it with Nelya without using any protection! You were so ready for her, ready for the possibility that you might get her pregnant. And you did. Pero siyempre ay hindi mo na nalaman ang tungkol do’n dahil nakagawa na ako ng paraan para makuha ka. I was so happy that you chose me over her.”
“Pero kahit kasal na tayo ay ramdam kong siya pa rin ang mahal mo. Ang batang dinadala ko lang ang tanging magiging alas ko para mapanatili ka sa tabi ko. Pero namatay siya dahil nagkaroon ng butas ang kanyang puso. Hindi nagawan ng paraan ng mga doktor para isalba ang baby ko. Kaya kinailangan kong humanap ng kapalit niya para may maiprisinta akong bata sa’yo. And that’s when Knight came into the picture. Nagpahanap ako nang batang kapapanganak lang at lumapit sa’kin ang ina ni Knight, ibene-benta siya. I grabbed that opportunity and took him in.”
“Hindi ko akalaing ang batang pinalaki ko sa aking pamamahay ay siyang magta-traidor sa’kin sa huli. Hindi ko akalaing iibig siya sa anak ng karibal ko. Hindi ko naman malalaman na may anak kayo ni Nelya kung hindi ko nalaman ang tungkol sa relasyon nina Leigh at Knight. Nang marinig kong may dadalhing babae dito si Knight, na sa’yo lang niya sinabi, ay pinaimbestigahan ko agad siya. Noon ko nalaman na si Leigh pala ‘yon at anak pala siya ni Nelya, maliban sa katotohanang minana niya ang mga mata mo. I did the math and known for a fact na anak mo nga siya kay Nelya dahil wala naman nang ibang lalaking pumasok sa buhay niya maliban sa’yo, Augu. Magaling ang imbestigador na nakuha ko at kinumpirma niya ang hinala ko.”
“But I managed to get her out of our lives. Sinabi ko sa kanya na kapatid niya si Knight. Luckily, hindi pa pala sinasabi sa kanya ni Knight na hindi natin siya tunay na anak. Umayon ang lahat sa gusto ko. Napanatag na ang loob ko dahil alam kong lalayo na siya sa’tin. Pero naaksidente si Knight at nagkaroon ng selective memory loss. At sa malas, ang nakalimutan pa niya ay ang nangyari noong saktan siya niyang si Leigh. Kaya bumalik na naman siya sa istorya at kailangan ko na namang gumawa ng paraan para lumayo siya. Pero itong si Knight naman ang naging problema.”
“I’ve planned to have Knight and Stephany Lopez’ engagement party tomorrow pero inunahan n’yo akong dalawa ngayon sa rebelasyong ito. Pero okay lang, tapusin na natin dito ang lahat. I’ll kill one of you. Hindi pwedeng ako lang ang maging miserable pagkatapos nang lahat ng ito. Hindi pwedeng ako lang ang talo,” mariing sabi ni Agatha pagkatapos.
“Agatha, no!” pasigaw na awat naman ng kanyang ama dito.
Nasindak siya nang lumapit si Agatha sa kanila ni Knight. Pero bago pa man ito makalapit nang tuluyan sa kanila’y may isang lalaking pumigil dito mula sa likuran. The man disarmed her and twisted her hands to her back. Napasigaw si Agatha sa gulat at sa inis. Nakipaglaban ito sa lalaking pumigil dito pero mas malakas dito ang lalaki. Agad na kinuha nang isang kasambahay ang kutsilyong nabitawan ni Agatha at itinakbo iyon sa kusina.
Dinaluhan naman ng kanyang ama si Agatha at niyakap ito para pakalmahin. Umiyak naman si Agatha sa kanyang ama. She looked so miserable. Pero maswerte pa rin ito dahil hindi nagalit dito ang kanyang ama. Maswerte ito dahil labis itong inintindi ng kanyang ama.
Labis naman siyang nagpapasalamat dahil walang nasaktan sa insidenteng iyon. Napayakap siya ng mahigpit kay Knight. She was so glad Agatha’s schemes were finally over. She knew it’s finally over.