ALL IS WELL. Engaged nang talaga sina Leigh at Knight matapos makapamanhikan ng mga Serrano sa kanilang bahay sa Cavite. Their parents had finally come into closure on whatever issues they have on each other. Hindi man nagkatuluyan ang mga magulang ni Leigh ay masaya siya dahil maayos naman ang kalagayan ng mga ito ngayon. Wala nang bitterness sa parte ng Nanay Nelya niya dahil tanggap na nitong mahal ng Papa Augu niya ang kanyang Tita Agatha.
Yep, ‘Tita Agatha’. We’re in good terms now, you know.
Regular na sinasamahan ng kanyang Papa Augu ang kanyang Tita Agatha sa psychiatrist para maging healthy na ang takbo ng isipan nito at hindi na nito kailangan pang maghabi ng kung anu-anong kasinungalingan. Pero ang higit na mabuti roon ay ‘kumalma’ na ito dahil nasiguro nitong hindi na magkakabalikan pa ang kanyang mga magulang, na ito ang pinili at mahal ng kanyang Papa Augu ngayon.
Nagkaroon man nang sisihan sa side ng bawat partido, ang mahalaga ay naayos na ang lahat ng iyon ngayon. Wala na siyang masamang tinapay sa kanyang Tita Agatha dahil mas inintindi na lang niya ang ginawa nito. After all, labis lang talaga itong nagmahal. At naiintindihan niya ang mga taong nagmamahal dahil nagmamahal din siya. Iyon nga lang, bawat tao ay may iba’t ibang version kung paano magmahal. And let’s just say that Tita Agatha’s love was beyond greatness.
“I know words aren’t enough to make up for my mistakes, but I’m sorry. I’m terribly sorry for the things I did wrong. I’m gonna try to be better. Babawi ako sa inyo. Hindi na ako gagawa ng mga bagay na makakasama sa ibang tao. I’ll try to love unselfishly now,” sabi sa kanila noon ni Tita Agatha.
They had forgiven Tita Agatha. Ganoon pala iyon, pagkatapos mong ilabas ang lahat ng galit mo sa ibang tao, ang matitira na lang sa’yo ay pagpapatawad. It was their choice to forgive her. At hanggang ngayon nama’y hindi pa sila nagkakamaling patawarin ito. Tita Agatha was trying all her best to be a better person, a better wife, a better mother.
Nag-resign na siya bilang sekretarya ni Raoul, kahit na ayaw niyang gawin ay kailangan naman dahil hinihiling ng Lolo Gusto niyang magtrabaho siya sa SFC. Natuwa siya nang tanggapin din siya agad ng pamilya Serrano. Nakasundo din niya agad ang pinsang-buo niyang si Kaya. Ngayon ay pare-pareho na silang nagta-trabaho para sa SFC. Hindi na siya nagpapalit pa ng apelyido dahil magiging Serrano din naman siya sa nalalapit na panahon.
As for Knight, tuluyan nang nagbalik ang lahat ng alaala nito at dahil doon ay madalas nitong ipang-asar sa kanya ang mga ginawa niya rito noon. He wouldn’t let her go for that for…two years? Ten, eleven, twelve? Whatever. Ang mahalaga ay maikasal muna sila ngayon. Pero hindi naman pumayag sina Calyx at ang nobya nitong si Pepper. Dapat daw ay mauna munang ikasal ang mga ito kaysa sa kanila dahil naunahan na ang mga ito nang dalawa pang kaibigan ni Knight na sina Dwight at Fryth na magpakasal noon. Pinagbigyan na lang nila ang mga ito. At least, alam niyang hindi na sila taboo ni Knight ngayon. Mahaba pa ang panahon ng preparasyon nila ni Knight.
Ngayon ay papunta sila ni Knight sa The Haven of Secrets—sakay ng isang helicopter galing sa Maynila—na isang isla sa Marinduque para i-check ang lugar. Doon kasi nila balak na idaos ang kanilang kasal dahil naging tradisyon na daw sa magkakaibigan na doon magpakasal. Doon din kasi balak na magpakasal nina Calyx at Pepper sa susunod na buwan. Sila naman ay ikakasal tatlong buwan mula ngayon. Plano nilang manatili ni Knight doon ngayong buong weekend.
“Si Fryth lang ang kakaiba ang villa sa’ming apat. Pulos Mediterranean ‘yong sa’min, sa kanya lang ‘yong mukhang bahay-kubo. But his was very refreshing, very provincial-like,” nang makababa sila sa chopper. May helipad palang nakahanda sa gitna nang isla. Ang sabi sa kanya kanina ni Knight ay si Dwight daw ang may pakana niyon dahil naka-chopper ito lagi tuwing pumupunta doon.
Si Dwight Hontiveros pala ang isa sa mga may-ari ng Prominence—isa sa pinakamalaking real estate and property developing company sa bansa. Si Calyx Martinez nama’y isang detective sa agency na pag-aari ng pamilya nito. Noong una ay akala niya’y small time lang ang rate ng mga detective, sa kaso ni Calyx ay hindi ganoon ang mga pangyayari dahil pulos mayayaman daw ang kliyente nito kaya mataas din ang rate nito. Si Fryth Adams naman ay isang international photographer at kilalang pintor, may-ari din ng isang car dealership company ang pamilya ng mga ito.
Dumipa siya para damhin ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Parang katulad nang sa Palawan ang beach front na nakikita niya mula sa kanyang kinatatayuan. Kahit na tinayuan ng mga bahay ang isla ay pinanatili pa rin nina Knight ang natural na kagandahan niyon. Marami pa ring puno roon. Excited na siyang maligo sa malinaw na dagat doon mamaya.
“Let’s go. I’ll show you my villa,” yakag sa kanya ni Knight pagkaalis ng chopper na babalik lang sa Linggo ng tanghali.
Iginiya siya ni Knight patungo sa isang kulay puting bahay na may malaking hammock sa pintuan at beach lanterns na nakasabit sa may bubungan. Kasunod nang malaking bahay-kubo ni Fryth ay iyon ang medyo may beach-feel. Nang pumasok sila sa loob ay wala namang kahit na anong remarkable doon—dahil parang katulad din iyon ng ibang bahay—maliban sa malaking framed caricature na tila naging wall paper nang living area nito.
The caricature illustrated a girl looking upon a shooting star—maybe wishing upon that shooting star. The illustration reminded her of herself. Noong una silang magkakilala ni Knight. Pero may kakaiba sa caricature na iyon. Nang lapitan niya iyon ay nakita niyang gawa ang caricature, ang kabuuan ng babae sa mga salita. Medyo magulong basahin iyon sa una pero kapag inintindi mong mabuti kung saan ang susunod na linya ay malalaman mo ang sinasabi niyon.
Those writings were her poem for Knight. Iyong mismong note na iniwan niya rito sa Midnight na ni-recite pa mismo ni Knight sa harapan niya nang araw na magpanggap siyang mahal niya si Raoul sa harapan nito.
“Ano ‘to? Pang-asar na naman sa’kin?” tanong niya kay Knight.
“No. D’yan ko ibinuhos ang dalawang buwang pananatili ko rito. Hindi ang gumawa ng caricature ang forte ko pero naisip kong gawin ‘yan para mailabas ang nararamdaman ko. Para reminder lang, remembrance ko sa’yo. Because I thought…”
“Hmmm. I know,” sabi na lang niya rito dahil naiintindihan na niya ang ibig nitong sabihin. Nagtingin-tingin pa siya sa paligid. Tsinek niya kung may stock ang ref at nagulat siya nang makitang puno ng laman ang ref.
“Nagpa-stock na ako dito sa caretaker naming si Manang Oliva para prepared na ang lahat. Wala na rin tayong iintindihin pa sa tubig dahil may tubig at kuryente na rin dito. Come on, I want to show you something,” excited na yaya nito sa kanya patungo sa second wing ng bahay. Agad naman siyang sumunod dito.
The second wing almost looked empty except for a bed, a book shelf, a table, another divider and a sofa. Malaki ang buong second wing pero iyon lang ang mga gamit doon. Wala ring ibang kwarto maliban doon. Pero ang main attraction pala ng silid ay ang mural painting na nagsilbing wall paper ng paligid.
The murals tell their story, the artistic version of their story. From the girl wishing upon a shooting star, to a boy who gave her a jacket. Naroon din ang istorya ng kanilang first date mula sa ternong Chuck Taylors na kanilang suot hanggang sa Midnight, cake jars, Midnight Memories, coffee, waffles with “YOUs”—it’s their story. Na-touched siya nang makita iyon. Kaya naman pala hindi nakalimutan ni Knight ang kanilang nakaraan kahit na nagkaroon ito ng temporary selective memory loss. This mural was a constant reminder of her to him.
“Wow, you really are good. I love it, Knight,” nakangiting sabi niya rito. Agad na lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi. “Have you ever tried body painting? Naalala ko ‘yong pinuntahan nating exhibit noon.”
“Do you want us to try it?” tanong sa kanya ni Knight. There was that mischievous glint in his eyes, his lips formed into a lopsided smile she wanted to kiss away so badly.
“Hindi pa tayo kasal ‘no,” sabi naman niya rito.
“Ah, so kapag kasal na tayo, pwede na? With no body stocking?” nakangising tanong nito sa kanya.
“I’ll think about it. For now, let’s make some coffee,” aniya rito saka ito hinila pabalik sa baba. Pero mas malakas ang naging paghila nito sa kanya.
She almost bounced off him if he hadn’t claimed her lips into a mind-bending kiss. She wasn’t a good kisser before but she is now—with Knight’s help. Totoo pala iyong ‘practice makes perfect’.
“O, ano na naman ‘yon? Sasabihin mo na namang uminom ka ng kape kanina? Dahil wala na talaga akong nalasahang kape ngayon,” aniya rito nang bahagyang maghiwalay ang kanilang mga mukha.
“No. It’s my way of agreeing to you. Let’s go make coffee and then, babies later,” pabirong sabi nito sa kanya sabay kindat. Mariin niyang pinindot ang ilong nito.
“Habang tumatagal, kinakalawang na ang sense of humor mo, Knight. Work it,” sabi naman niya rito.
“But I’m still better at…not telling a lie. Unlike you,” pang-aasar na naman nito sa kanya. “Kasi hindi ako nagpapanggap na may mahal na iba. Instead, nagiging truthful ako. Hindi rin ako nagpapanggap na may amnesia. Hindi rin ako—“ Tinakpan niya ang bibig nito.
“At least, ako, nagpakilala agad sa’yo no’ng una pa lang,” ganti naman niya rito.
“Ano ‘to sisihan session?”
“Ikaw ang nagsimula eh.”
“At least, I know how to show my love for you best,” pagbibida ni Knight. Tiningnan niya ito ng masama—pero biro lang iyon.
Sa halip na sagutin nito ay kinabig niya ito sa batok at siniil nang halik ang mga labi nito. Narinig niya ang pagsinghap nito pero maya-maya lang ay naramdaman na niya ang pagtugon nito sa kanyang halik habang nakangiti. Hanggang sa namalayan na lang niyang ito na ulit ang nagte-take over sa halik.
“You’re such a girl when I kiss you suddenly,” pang-aasar niya rito.
“Ah, gano’n?” anito saka muli siyang hinalikan. Sa pagkakatong iyon ay mas marubdob na iyon kaysa sa mga naunang halik nito. Pakiramdam tuloy niya’y mauubusan na siya ng hangin. “O, ano?”
“You know,” I love you.
“I know,” I love you too.
---
DEAREST MAGGIE,
Squeal here. Attached here is a wedding invitation. You need to go. Kahit ilan pa ang isama mo, okay lang. Basta kailangan mong pumunta, okay? And yes, it’s MY wedding. Finally!
First of all, salamat dahil napili mo akong bigyan ng diary na ‘to kahit ang weird ng reason mo no’ng una. Pero ngayon, naniniwala na akong maganda nga ako. Nagandahan siguro sa’kin si Fate kaya binigyan na rin niya ako ng ‘happy ever after’. Haha! Sana ikaw rin, soon. Pero alam ko namang ‘soon’ na talaga ‘yon. Excited na akong ma-meet ang Prince Charming mo. Isama mo siya sa wedding ha?
Alam mo, Maggie, naging sobrang hopeful ako noon. Kasi naniniwala akong lahat nang tao ay may kanya-kanyang kapareha. Hindi lang tayo dapat magsawa at mainip sa paghihintay at paghahangad. Kasi kung gusto mo talaga, mapapasaiyo. Naranasan ko rin ang maging over-sa-nega dahil sa sobrang sakit nang naranasan ko. Pero katulad nga ng sinabi ko dito noon, there should always be hope inside you. Ibabangon ka ng hope na ‘yon kahit gaano pa siya ka-liit. At kapag nakabangon ka, wala nang makapagpapabagsak pa sa’yong muli. Kasi natuto ka nang maging matatag. Iyon pala ang rason kaya nagbibigay ng mga pagsubok ang Diyos. Para maging matatag tayo. Kaya ngayon, I’m sending all my hope to you. : )
I would sum up my experience like this: the road to love isn’t in a straight line. May baku-bako, may paliku-liko. Minsan, may wrong turn pa. Pero dapat, go lang ng go. Parang roller coaster lang ‘yan. May ups and downs. But you should enjoy the ride and make it worthwhile. Kasi worth it naman talaga ang love. And I really hope you’d make what you have right now truly worth it.
I would quote what my friend Raoul told me then, “Love is a game of lies and truth, of choices and consequences, and of the heart and mind. Most of all, it’s a quest of bravery. Complications will always be there. It’s for you to decide whether you’ll continue and hold on or give up and let go. In love, no one ends up losing, because the one who gives up will earn courage to fight for the real one and the one who holds on will have what they deserve.”
Be strong and live for love, okay? I love you, Maggie!
Yours,
Leigh
DEAR MAGGIE,
Hi! Seriously, hindi ko alam kung ano ang sasabihin dito. Pero unang-una sa lahat, maraming salamat sa diary mo na ito. Kung hindi dahil dito ay hindi pa matatapos ang drama namin ni Leigh. Thank you for being a friend to Leigh too. : ) Leigh told me to write something inspirational here, pero lahat naman nang tungkol sa’min ay alam mo na (kung nabasa mo ng buo ang diary na ‘to). Siguro ‘yong mga bagay na lang na natutunan ko at na-realize sa mga nangyari sa’min ni Leigh.
First of all, be honest with your partner. Honesty comes with trust and trust always goes with love. Siguro kung nasabi ko agad kay Leigh ang tungkol sa pagkatao ko noon, I should have saved us both from tears and heartaches. But some things must happen for us to realize some other things. My experience thought me to never ever give up. Never give up hope, never give up something you’re happy with and never give up on someone you love. No matter how tough the consequences might be. The most important lesson of all, ‘wag masyadong magpapaniwala agad sa sinasabi ng ibang tao. Kung may nakaka-confuse na bagay lalo na kung tungkol sa partner mo, itanong mo nang diretso sa kanya. It would save you both time and from misunderstandings.
If you have something else to do than live, you must love, because there you’ll find real happiness. Love doesn’t always come with a peace of mind or fair judgment or instant solution to your problems but the experience would tell you it’s better than you fear it wouldn’t be. So, if you’re loving someone now, love him, love him and love him. Because loving would give you life. If you finally found someone you’re willing to fight for, fight for him—even ‘til death.
Nang makilala ko si Leigh, alam kong ang unang magiging purpose niya sa’kin ay ‘reason’. Siya ang naging rason ko para magpasyang lumaban kay mama. She was my light. So, if you found that ‘reason’ to live, live for him.
-Knight