THIS SUCKED, sabi ni Chace sa sarili. Kauuwi pa lang niya sa Pilipinas pero sa ospital kaagad siya tumuloy. It’s not like he wanted to be here but...
“Mr. Owens?” narinig niyang tawag ng kung sino sa kanyang gilid. Paglingon ni Chace ay nakita niya ang pamilyar na putting roba ng mga doktor na siyang suot ng lalaking nasa harapan niya. “I’m Dr. Ryleigh McDonell. Do you remember what happened earlier?”
“I feel fine now,” sa halip ay sagot ni Chace sa doktor.
“You collapsed in the airport and some of the airline crew brought you here. You’ve been unconscious for five hours. It’s a good thing you were brought in immediately. We don’t know what will happen if you—“
“Honestly, Doc, I just want to go home now.”
“But Mr. Owens, you shouldn’t disregard this. Your wife had told me—“
“My wife?” hindi makapaniwalang tanong ni Chace kay Dr. Ryleigh.
“Yes. She’s here. She just went outside to get some coffee,” ani Dr. Ryleigh.
Hindi makapaniwalang napatingin si Chace sa doktor dahil sa sinabi nito. Pero bigla din siyang nakaramdam ng kaba sakaling makita niya ngayon ang kanyang “asawa”. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Pero puno din ang pananabik ang puso niya sa muli nilang pagkikita.
“I can’t believe she’s here,” aniya sa sarili. Wait. Nikki didn’t know. Ano naman ang sinabi niya sa doktor na ito?
Nasagot ang tanong ni Chace sa sarili nang bumukas ang pinto ng silid na inookupa niya at pumasok doon ang best friend niyang si Mirr—kasunod si Maggie. Ngayon ay alam na niyang nagpanggap na naman si Mirr na asawa niya. Mirr had always been there for him. Pero hati ang pagkagalak niya sa katotohanang iyon. He wanted her to have a life she deserved.
“Maggie?” gulat na tawag ni Dr. Ryleigh kay Maggie sa tonong may kaunting kasiyahan at galak.
“Maggie?” gulat na sambit naman ni Chace sa tonong may halong kaba sa muling pagkakita kay Maggie na matalik na kaibigan ni Nikki.
Sigurado siyang kapag nalaman nito ang tungkol sa kanya ay agad nito iyong sasabihin kay Nikki. Gusto sana ni Chace na dahan-dahanin ang pagsasabi niyon kay Nikki. Gusto sana niyang bigyan muna siya ng tsansa ni Nikki bago niya masabi dito ang totoo.
“I know, Chace,” sabi ni Maggie habang malungkot na nakatingin sa kanya.
---
If you were given the chance to fall in love again, of course, you should take it—without hesitation. I was given another chance and I took it—with a little hesitation. Nonetheless, I believed in love again. I believed that I could be happy again, and I did.
I was.
But what if the only chance left for you is to say goodbye? Would you still take it?
ALAS-TRES na nang madaling-araw ngunit hindi pa rin makatulog si Nikki. Nag-aalala nga siya dahil may importante pa naman siyang meeting bukas—o mamaya na. Pero mas nababahala siya dahil hindi pa rin siya pinapansin ng matalik niyang kaibigang si Maggie hanggang ngayon. Plano yata siyang tikisin ni Maggie hanggang sa may maibigay siya ritong “totoong diary”. Isang linggo na mula nang huli silang magkita at magkausap ni Maggie, mula nang pagsinungalingan at lokohin niya ito.
Gusto kasi ni Nikki na tigilan na ni Maggie ang pag-aasam na maging maayos pa ang estado ng buhay pag-ibig niya. Hindi siya matutulad sa nangyari dito o sa mga kaibigan nito dahil matagal na niyang isinara ang puso niya sapag-ibig. Matagal na ring sarado ang isipan niya doon—well, almost. Ayaw niyang makarinig pa ng tungkol sa kanyang nakaraan na alam ni Maggie kaya nagsinungaling siyang “okay” na ang kanyang buhay pag-ibig ngayon.
Nagalit si Maggie kay Nikki dahil “niloko” niya ito. Pulos kasinungalingan kasi ang isinulat niya sa diary na ibinigay nito sa kanya.Alam niyang nagka-mali siya at inaamin niya iyon. Nasaktan din siya sa nangyari. She shouldn’t have done that.
“Sa ginawa mo, itinulad mo lang ako sa sarili mo noon,” malamig na sabi sa kanya ni Maggie noon.
Gusto ko lang naman siyang mapanatag at maging masaya, katwiran naman ni Nikki sa kanyang sarili. Pero sa halip na iyon ang mangyari ay nasaktan niya ang damdamin ni Maggie. Gumagaling na nga ito sa sakit, pinasakitan naman niya itong muli.
First of all, Maggie has leukemia. Na-diagnose ito sa sakit dalawang taon na ang nakararaan. Bigla na lang kasi itong nawalan ng malay nang minsang mag-shopping sila at nang dalhin nila ito sa ospital ay doon nila nalaman ang tungkol sa sakit nito. Sabi ng doctor ay ninety-percent curable naman daw ang leukemia pero pakiramdam ni Maggie ay hindi na ito gagaling pa doon.
Agad na naramdaman ni Nikki ang pagsuko ng kanyang kaibigan at hindi niya iyon matanggap, nainis siya rito dahil sa ugali nitong iyon. Maggie had so many reasons to live. Hindi pa nito nakakamit ang pinaka-aasam nitong ‘dream family’ na palagi nitong sinasabi sa kanya noon. Hindi pa nito nararanasan ang ‘one true love’ na palagi nitong hinihiling mula pa noong high school sila. Hindi pa nito nae-explore masyado ang buong mundo. Hindi pa ito nakakapag-skinny dipping o bungee jumping o rock climbing. Marami pa itong takot na dapat ma-overcome.
Pero naiintindihan ni Nikki kung bakit ganoon ang agad na naramdaman ni Maggie. Maggie had been a neglected child, she felt unwanted. Lumaki itong walang naramdamang pagmamahal mula sa isang magulang. Mula pagkabata ay si Yaya Loring na ang nag-alaga at nagpalaki dito. Ginugol kasi ng daddy ni Maggie ang lahat ng panahon nito sa negosyo ng mga ito samantalang ang ina naman ni Maggie ay iniwan ang mga ito. Apat na taong gulang daw si Maggie nang iwan ang mga ito ng ina nito. Ayon kay Yaya Loring ay bata pa daw ang ina ni Maggie at hindi pa ito handa na magkaroon ng isang anak noon, na hindi raw nito nakaya ang demand ng pagkakaroon ng isang pamilya. Dahil sa pang-iiwan namang iyon ng ina ni Maggie kaya na-depress ang daddy nito, kaya ibinaling nito ang buong atensyon sa pagta-trabaho.
Every single day since the day they’ve met, Maggie would always say that nobody would care if she dies. But Nikki would. Nikki loves her so much she would do anything for her best friend. That’s why she hated Maggie’s parents. Napaka-unfair at selfish ng mga ito. Ang mga sarili lang nito ang inintindi ng mga ito. Kaya naman mula nang malaman niya ang tungkol sa istorya ni Maggie ay ginawa niya ang lahat para maiparamdam ang pagmamahal dito.
Since day one, Nikki had been Maggie’s protector. Pero may kasalanan din siguro siya dahil naging overprotective siya sa kaibigan kaya hindi nito na-overcome ang mga takot nito. Mahina si Maggie, masyado itong sensitive at emotional kaya binabantayan niya ang bawat taong lumalapit dito. Ayaw na ayaw ni Nikki na makikitang umiiyak at nalulungkot ang kaibigan. But maybe it was too much on her part. Dapat siguro’y hinayaan niyang mag-explore mag-isa si Maggie at hindi iyong palagi siyang uma-aktong ‘mother hen’ dito.
Nakaupo ang walong-taong gulang na batang si Nikki sa bench ng waiting shed sa kanilang eskwelahan para hintayin ang sundo niya nang may marinig siyang batang umiiyak sa malapit. Nakaupo ito sa katabi niyang bench nang walang kasama. Maraming bata, mga magulang at tagapangalaga ang nagkalat sa waiting shed ng kanilang eskwelahan. Naisip ni Nikki na baka kaya umiiyak ang bata ay dahil wala itong sundo.
Pinagmasdan muna ni Nikki sandali ang bata. Mukhang mas bata kaysa kay Nikki ang bata at hindi rin niya ito nakikita sa kanyang klase. Siguro ay kinder pa lang ito o hindi kaya’y grade one. Magulong naka-ponytail ang tuwid at mahaba nitong buhok hindi katulad nang sa kanya na maikli lang at parang boy cut. Naiirita kasi siya kapag dumidikit sa braso at likuran niya ang kanyang buhok kapag napapawisan siya tuwing naglalaro. Kaya hiniling niya sa kanyang ina na pa-iksi-an iyon.
She saw the girl’s lips tremble, ready for another cry. Kaya bago pa man ito maka-iyak pang muli ay lumapit na si Nikki dito at binigyan ito ng isang pakete ng baon niyang marshmallow. Marshmallow’s always comfort her. Kaya naisip niyang ganoon din ang gagawin nito sa batang umiiyak.
“Don’t cry. Here, have a marshmallow. Masarap ‘to,” masuyong sabi niya sa bata. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nakita niyang punong-puno ng luha ang mga mata nito. Pero agad din naman nitong pinahiran ang mga iyon gamit ang likod ng kamay nito.
“Ayoko na dito,” tila maiiyak na namang sabi nito.
“Bakit? May nang-away ba sa’yo?” concern na tanong niya rito. Pero may mumunting galit na nabubuo sa dibdib niya. Ayaw niyang makakita ng mga taong nag-aaway at ayaw na ayaw niyang may mga taong nasasaktan.
“Tinatawanan nila akong lahat kasi ang liit ko daw. ‘Tapos ‘yong iba, inaagawan pa ako ng food katulad kanina. ‘Yong iba naman sinisira ang works ko. ‘Tapos, tinutukso nila ako na wala daw akong parents,” sabi ng bata kay Nikki na tila nagsusumbong. Saka ito sumulyap sa paligid para tila patunayan ang huling sinabi nito.
Umupo si Nikki sa tabi ng bata. Ipinatong niya sa ibabaw ng hita nito ang pakete ng marshmallow na hindi nito kinuha sa kanya kanina. Naawa siya rito dahil malinaw na binu-bully ito ng mga kaklase nito. Pero pinili ni Nikki na huwag nang magtanong pa tungkol sa istorya nito dahil hindi rin naman siya handang magkwento dito tungkol sa istorya niya.
“Eat your marshmallows. It will make you feel better,” sa halip ay sabi ni Nikki dito. “Dapat sinasabi mo sa kanila na kung wala kang parents, dapat wala ka dito. Next time, ‘wag mo na silang hayaan na i-bully ka.”
“Pero kapag hindi ko sila binigyan ng food, hindi daw nila ako ipe-friend.”
“Eh ‘di ‘wag mo silang i-friend. Ako na lang ang i-friend mo. Ako si Nikki. Grade two na ako. Ikaw? Ano’ng name mo at ano’ng grade ka na?”
“Ako si Maggie. Grade one pa lang ako. Yes. Let’s shake hands para friends na tayo talaga,” nakangiting sabi ni ‘Maggie’ sa kanya saka naglahad ng isang kamay kay Nikki. Agad naman niya iyong tinanggap at nag-kamay nga sila.
That shake sealed their friendship.
“Next time, ipakita mo sa’kin ang mga nambu-bully sa’yo. Ako na ang bahala sa kanila,” matapang na sabi niya rito.
“Ipagtatanggol mo ako sa kanila?” ani Maggie na tila nanlalaki pa ang mga mata. Nikki was glad that Maggie’s not crying anymore. She was overwhelmed that she was the one to put a smile on her face. Pakiramdam niya’y tumaba ang kanyang puso dahil doon.
“Yes. Because you’re my friend now. I will protect you.”
Ganoon sila unang nagkakilala. Pilit na tinuruan ni Nikki si Maggie noon kung paano maging confident at matapang, pero kahit na anong turo niya rito ay palaging may ‘dahilan’ si Maggie para hindi lumaban. Palagi nitong tinatanggap na lang ang mga bagay-bagay. Katulad na lang ng issue nito sa ama nitong nakalimutan na yatang nag-e-exist si Maggie sa mundo—bago ang sakit ng kanyang kaibigan. Kahit na nasasaktan si Maggie dahil sa hindi pagpansin dito ng ama nito’y iniintindi na lang ng kanyang kaibigan ang lagay ng ama nito. At nang dumating nga ay sakit nito ay agad nitong tinanggap ang posibleng kahinatnan ‘daw’ niyon.
Those years had been a tough time for the both of them. Pero kahit na may personal siyang problema na kailangang harapin ay hindi pa rin niya kinalimutang asikasuhin si Maggie. Dahil ganoon din naman ang ginawa nito para sa kanya noong nagkahiwalay ang kanyang mga magulang at noong namatay ang kanyang ina. They always put their friendship on top of their priorities, because they both know they’ll always have each other’s hands no matter what happened. They promised.
Kung may isang bagay na naidulot na maganda ang sakit ni Maggie sa buhay nito, iyon ay ang pagbibigay ng atensyon dito ng daddy nito. Finally, Maggie had received the father’s love she had long wanted now. And Nikki was happy for her. Pero hindi pa rin niyon nai-alis kay Maggie ang negativity nito sa katawan. Lalo na’t nang mga unang buwan ay hindi nagiging effective dito ang cancer treatments na ginagawa dito.
Pero isang araw ay pumunta ito sa opisina niya nang may ngiti sa mga labi at tila excited. Ikinwento nito sa kanya ang ideya nito tungkol sa mga ‘diaries’. Nais daw nitong mamigay ng diaries sa mga babaeng makikilala at nakakuha ng atensyon nito. Maggie believed that she could feel love by reading those diaries after the women—she had given the diaries with—had written their stories into them. Gusto nitong makaranas ng ‘true love’ sa pamamagitan ng mga diaries na iyon na agad namang tinutulan ni Nikki.
Bakit kailangan pa nito iyong maramdaman sa ibang tao? Dahil sa mga diaries? She found the idea ridiculous. Kinumbinsi niya itong maghanap na lang ng sarili nitong pag-ibig kahit na tutol siya sa ‘pag-ibig’. Pero hindi nakinig sa kanya si Maggie at itinuloy pa rin nito ang balak. Ayon dito ay hindi na daw ito makakaranas pa ng ‘one true love’ na pina-pangarap nito dahil naniniwala itong walang magkaka-gusto dito dahil sa sakit nito. But Nikki believed otherwise, even though she’s really against love.
Itinuloy ni Maggie ang pamimigay ng mga diaries sa walong babaeng nakilala nito. Sa tuwing namimigay ng diary si Maggie ay may kasama iyong kontrata at charm bracelet. Ginagamit nito ang sakit nito para lang mapahinuhod ang mga babaeng iyon na magsulat sa diary nito. Sa totoo lang ay nahihiya siya tuwing may nilalapitan itong babae at namimigay ito ng diary dahil nagmumukha itong gigolo sa harap ng mga babaeng pinagbigyan nito ng diary noon. Sino ba namang taong magiging komportable at papayag na may isang taong magbabasa ng diary nila?
But surprisingly, those ladies had written on Maggie’s diaries. They had written for Maggie, to inspire her, to make her believe that she could love, to make her happy. And Nikki was very thankful to those ladies. Nakita niya kung paano nag-bloom si Maggie nitong nakalipas na isang taon dahil sa mga diary na bumalik dito. Tinulungan ng mga diary na iyon si Maggie para magpagaling. Ayon nga sa mga doctor ni Maggie ay nakaka-amaze daw ang mabilis nitong paggaling na para bang isa iyong milagro. And unexpectedly, according to Maggie, her diaries had helped those ladies find their one true love. Kaya naman naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang saya na nararamdaman ni Maggie ngayon.
And of course, Maggie’s new love life. Kaya naman mula nang bumalik dito ang unang diary mula kay Cyrene ay pinu-push na siya nitong magsulat din sa diary na ibinigay nito sa kanya. Yes, pati si Nikki ay nadamay sa ‘ridiculous idea’ na iyon ni Maggie at hindi naman siya maka-hindi dito.
Nang bumalik ang ika-walong diary kay Maggie mula kay Leighton ay mas tumindi ang pangungumbinsi nitong magsulat na siya sa diary nito kahit na alam naman nito kung ano ang istorya niya at kung gaano siya hindi naniniwala sa ‘love’. Kaya minsan ay sinisisi din niya ang mga babaeng pinagbigyan nito ng diary dahil siya ngayon ang namomroblema sa kanyang ‘love life’ na wala naman siya.
But for the sake of Maggie’s hope and well-being—at para na rin sa ikata-tahimik ng kaluluwa ni Nikki—ay nagsulat siya sa diary na ibinigay nito sa kanya. She wrote about her love life and its ‘progress’. Pero sa stage ng buhay niya ngayon at sa estado ng puso at paniniwala niya ay imposible ang ‘progress’ na iyon. She’s not into love anymore. She once has been but it led to something painful and embarrassing. Then came another that led to a frustrating end. Ayaw na niyang maranasan ang kahihiyan at katangahan na naranasan niya noon kahit kailan. Kaya napagdesisyunan niyang hindi na siya muli pang mai-in love.
Sa pagsusulat sa diary ni Maggie ay isinawalang-bahala niya na kilalang-kilala nga pala siya ng kaibigan at malalaman nito kung totoo ang isinulat niya sa diary o hindi. Akala niya ay hindi siya mabubuking ni Maggie at magiging masaya na lang ito para sa kanya, pero naki-alam ang kanyang ‘subject’ at sinabi nito kay Maggie kung ano talaga ang estado ng relasyon nila. Hindi niya iyon inasahan dahil sa totoo lang ay hindi ‘maayos’ ang komunikasyon sa isa’t isa—na pinabulaanan niya sa diary ni Maggie—kaya ipinagtaka niya kung paano ito nakausap ni Maggie. May pakiramdam siya na nakabalik na ito ng bansa pero hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya.
Hay, Chace. What would I do with you? tanong niya sa kisame ng kanyang kwarto.
Pagkuwa’y bumangon si Nikki mula sa pagkakahiga sa kanyang kama at nagtungo sa kusina ng kanilang bahay. Iinom muli siya ng gatas—na magiging ika-tatlong inom na niya sa gabing iyon. Kapag nagkataon ay may tatlong oras pa siyang maitutulog. Pwede na iyon.
Pero pagdating niya sa kanilang kusina ay nagulat siya nang madatnan ang isang hubad na katawan sa gitna ng refrigerator doon. Muntikan na siyang mapa-sigaw kung hindi niya agad nakilala ang taong naroon. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang bulto ng taong ito kahit minsan sa isang taon lang niya itong makita. Malaki ang katawan ng taong nakahubad na ito at tatlo lang naman silang nakatira sa bahay na iyon kaya alam niyang si Chace ang taong ito—ang isa ay ang kasambahay nilang si Jelay. Besides, si Chace lang naman ang taong nagsusuot ng boxers, maraming tattoo sa katawan at may confidence na maglakad ng hubad sa loob ng kanilang bahay. At muli niya itong nakita pagkatapos ng mahigit isang taon.
Oh, Chace, by the way, is my husband. My “subject”.
---
If you find that one person you feel like you’d cross over the world to, no matter how tough it might be, hold onto them and never let go. A feeling that would take over your heart by the second, catch your breath in a minute and hold your soul an hour later—that feeling is rare and most of the times, it stays true ‘til the end. So once you feel like it, keep it because it’s going to be worth it.