Maggie's Diaries Series 3 Chapter 22

“DONE?” simpleng untag ni Nikki kay Chace. Pilit niyang hindi ipinahalata ang pagkagulat ditto. Napataas ang isang kilay niya nang humarap ito sa kanya at nakita niyang may bagong tattoo na naman ito sa dibdib nito.

Sa gitna nang dibdib nito, sa may ibaba lang ng collarbone nito’y naka-ink ang mga katagang “HAVE FAITH” sa cursive at malalaking letra—ang bagong addition sa body tattoo collection ni Chace. Medyo sanay na siyang makitang nakahubad si Chace—dahil palagi itong nakahubad kapag nagkikita sila—kaya medyo memoryado na niya ang mga tattoo nito sa katawan. Malalaman niya kung may nadagdag doon.

Hold it. It’s not that he’s getting naked for…other things. It’s just…it’s the way he is. Hubadero.

May indigo Aztec tattoo ito sa kanang braso na nagsisimula sa likod ng balikat pababa sa may siko nito. Sa may pulsuhan ni Chace—sa parehong kamay—naman ay may naka-tattoo na chained letters. Sa apat na daliri nito sa kaliwang kamay—maliban sa thumb—ay naka-spell ang salitang “gran”. Sa may puson nito—na madalas niyang makita dahil hindi iyon natatabunan ng waistband ng boxers nito—ay naka-tattoo ang five stars habang sa likuran nito’y nakasulat ang mga katagang “I believe I can fly” kasama ang isang “W” na mukhang isang angel wing. Sa may gilid ng rib cage nito ay may maliit na cage tattoo kung saan nakapa-loob ang isang puso. Katabi niyon ang may kaliitan ding “N”.

Alam ni Nikki ang lokasyon at hitsura ng bawat tattoo na iyon ni Chace dahil walang kiming ipinakita at ikinwento sa kanya ni Chace ang tungkol sa mga tattoo na iyon noon. Pero hindi ang tungkol sa mga tattoo na iyon ang gusto niyang malaman tungkol kay Chace ngayon. Pero okay lang din naman kung hindi na niya malalaman pa ang mga rason nito.

Dahil lang naman sa isang business deal kaya nagpakasal sina Nikki at Chace. Ipinagkasundo kasi silang dalawa noon ng kanilang mga ama—na malapit na magkaibigan—sa isa’t isa at pumayag lang silang dalawa sa kasunduang iyon dahil nakasalalay sa kasal nilang dalawa ang kani-kanilang mana.

‘Wag kang sinungaling, Nikki. Alam mong hindi ‘yon ang dahilan kung bakit kayo nagpakasal, anang atribidang bahagi ng isipan ni Nikki.

Well, fine. They married to save her father—na hindi niya alam noong una. Aside from their business deal and their inheritance, Nikki has a deeper reason of why she agreed to marry Chace. Blessing in disguise nga para sa kanya ang business deal na iyon ng kanilang mga magulang para makalusot siya sa kanyang kahihiyan noon na kasalanan din niya. Kaya mas nauna siyang pumayag sa pagpapakasal noon kaysa kay Chace. Dahil alam din ni Chace kung ano ang nangyari noon, siguro ay naawa ito sa kanya kaya ito pumayag na pakasalan siya. She hated that she needed his help then, she hated the thought of him pitying her but she was just so desperate. Ipinagpasalamat na lang niyang mabuting tao si Chace dahil nitong makalipas na dalawang taon ay nakipag-cooperate ito sa kanya. He even stayed away from her.

You know that that’s not the truth, sabi na naman ng isipan niya. Pero pinili ni Nikki na maniwala sa bagay na iyon kaysa umasa na naman siya at masaktan din sa huli.

Tatlong taon na lang naman ang kailangan nila parehong tiisin para makawala sa kasal na iyon—dahil limang taon ang kailangan nilang gugulin ng magkasama sa iisang bubong ayon sa kasunduan na pinirmahan nila kasama ang kanilang prenuptial agreement dalawang taon na ang nakararaan.

Sa loob ng dalawang taong “pagsasama” nila ni Chace ay nagkaroon na siya ng sarili niyang shoe line kung saan silent partner niya si Maggie—ang Fab Shoes. Si Chace nama’y may sarili nang negosyo noon bago pa man sila ikasal—ang Inked—isang tattoo shop at clothing line na nag-o-offer din ng printing services kung saan partner din nito si Maggie at ang photography shop nitong Bright Lights.

Malapit si Maggie kay Chace dahil sumosyo din ito sa huli. Mahilig magdisenyo ng t-shirt prints si Maggie kaya nakipag-business partner ito kay Chace sa Inked. Kung dati’y tattoo shop lang ang Inked, ngayon ay clothing brand na rin iyon at gumagawa ng kung anu-ano pang personalized items depende sa order ng mga customer. At malaki ang parte ni Maggie sa buhay nila ni Chace. Mediator nila ito, pero madalas ay “Cupid” din.

At sa loob din ng dalawang taong “kasal” nina Nikki at Chace ay minsan lang silang nagkasama. At hindi niya kasalanan iyon.

“You done?” untag ni Chace kay Nikki. Isinara na nito ang ref pero sumandig naman ito sa pintuan niyon habang nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.

“What?” maang na tanong niya rito. Pero nakaramdam siya ng pagkapahiya dito at sa kanyang sarili dahil nahuli siya nitong nakatitig.

“Staring at me,” may panunukso sa tinig na sabi nito sa kanya pero malamig naman ang binibigay nitong tingin sa kanya.

“I did not,” marahang tanggi niya.

“Huh, you did,” giit nito.

Yes, you did, Nikki, anang isang bahagi ng isipan niya.

Napakamot na lang sa noo si Nikki dahil guilty nga siya. Pero hinding-hindi siya aamin na totoo ang sinabi ni Chace. But then, Chace took that chance to go for the kill. Dahil alam na nitong guilty siya.

“See? Inamin mo rin. Alam mo minsan, masarap din sa pakiramdam ang magpakatotoo sa sarili. Nakakapagod ding magpanggap at magsinungaling. ‘Yong tipong iba ang gusto ng puso mo sa idinidikta ng isipan mo,” ani Chace.

“Pag-iisipan ko,” simpleng sagot ni Nikki dito para matapos na ang usapang iyon. Ayaw pa naman niya nang pinagsasabihan siya gayong wala naman siyang ginagawang masama dito.

Okay. Mayro’n akong nagawang mali at nadamay do’n si Chace pero…may kasalanan din naman siya sa’kin, katwiran ni Nikki sa kanyang sarili.

Lumapit siya rito at bahagya itong itinulak palayo sa may pintuan ng ref para makakuha siya ng gatas doon. Umalis si Chace sa pagkakasandal mula sa ref upang mabuksan niya iyon at makakuha siya ng gatas pero itinukod naman nito ang kaliwang kamay nito roon, barely locking her in.

“I still have faith in you, Nikki. Even though you’re cold and unfeeling and blind and totally numb and—“

“Teka nga lang muna. Alam kong may kasalanan ako sa’yo pero hindi ibig sabihin no’n ay may karapatan ka nang pagsalitaan ako ng ganyan,” mariing sabi niya rito matapos niyang isarado ang ref. Gusto niyang ibalik din dito ang ilan sa mga sinabi nito pero mas pinili niyang itago na lang iyon sa kanyang sarili. Walang ideya si Chace kung ano ang nararamdaman niya noon at ngayon.

“I have the right. Asawa mo ‘ko, Nikki.”

“I can’t believe this. I can’t believe you! After all...” Napahinga ng malalim si Nikki para pakalmahin ang kanyang sarili dahil baka kung ano pa ang masabi niyang dapat ay itago na lang niya sa kanyang sarili.

Sa totoo lang ay mas komportable siyang hindi makita si Chace. Mas komportable siyang malayo ito sa kanya dahil maliban sa madalas silang magkasagutan tuwing nagkikita sila ay kakaiba ang nararamdaman niya dito tuwing nagkakalapit sila ng ganito. Hindi kasi niya makalimutan ang mga sinabi nito sa kanya noon. At hindi rin niya matanggap sa kanyang sarili na umasa siya.

Stop it, Nikki! saway ni Nikki sa sarili nang maramdaman niyang bumabalik sa kanya ang mga alaala. Kaya naman diretso na lang niyang tiningnan ng matigas si Chace para bantaan ito. But she made a wrong move. Chace was too damn handsome for a woman to think straight.

Chace has hazel green eyes she envied the most. Isa iyon sa mga katangiang namana nito sa ama nitong Amerikano pati na ang matangos nitong ilong, tangkad at kulay ng buhok—noong bata-bata pa si Bernard Owens. He has curly dirty blonde hair which he made shorter and which made him more handsome this time. Dati kasi ay umabot pa iyon sa balikat nito ngayon ay malapit na iyon sa clean cut style. Pero namana ni Chace nag complexion ng balat nito sa ina nitong Filipina—si Carmen Pascual Owens—kaya hindi ito maputi katulad ng ama at nakababata nitong kapatid na si Race noon. Ngayon kasi ay medyo pumuti na ito.

His lips were heart-shaped especially when he smiles. May stubbles din ito na mas lalo lang nagpatindi sa taglay nitong appeal. To sum it all up, Chace looks dirty—with those stubbles and tattoos—in a sexy and hot kind of way.

Huh, now you’re ogling him, nanunuksong kastigo ng isang bahagi ng isipan ni Nikki. Gusto sana niya itong sagutin nang “asawa ko naman siya” pero naramdaman niyang nanindig ang mga buhok niya sa batok.

Dammit! You’re supposed to ignore him! You’re supposed to be cold and unfeeling and numb and blind, Nikki. Remember? Katulad nang sinabi ni Chace.

“Satisfied? I could take my boxers off for you if you want me to,” nanunukso na namang saad ni Chace sa kanya. Mataman itong nakatingin sa kanya, hinuhuli ang mga mata niya. Pero iniwasan lang ito ni Nikki.

“Conceited,” sikmat niya rito. Muli niyang binuksan ang ref at kinuha ang carton ng gatas doon. Saka siya pumunta sa island ng kitchen at hinila ang isang drawer ng mga baso. Habang nagsasalin siya ng gatas sa baso ay humila naman si Chace ng bangko doon saka tumabi sa kanya. Since when did we get this close? Again.

And come to think of it, ngayon lang sila nagkaroon ng ganito kahabang usapan sa loob ng halos dalawang taon nilang “on and off” na pagkikita. Well, ngayon lang kasi sila nagkaroon ng rason at topic na dapat pag-usapan at natitiyak ni Nikki na may kinalaman kay Maggie kung bakit biglang umuwi ngayon si Chace. Sigurado siyang alam na nito ang tungkol sa “kasinungalingan” niya.

“Alam mo, hindi mo naman kailangang magsinungaling para lang maging ‘okay’ tayo. You just have to accept me, Nikki,” ani Chace.

Ininom ni Nikki ang gatas na isinalin niya sa baso saka bumuntong-hininga. She looked at Chace after and gave him a bored look. Pero sa totoo lang ay gusto niya itong singhalan. Gusto niyang iparating dito na ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon. Actually, ni ayaw niyang makausap si Chace. Ang lakas ng loob nitong magsalita ng ganoon pero sigurado si Nikki na mauuwi na naman sa wala ang mga salita nitong iyon.

Babalik na sana si Nikki sa kanyang kwarto ngunit agad siyang pinigilan ni Chace. “Nikki, kailangan nating mag-usap,” ani Chace kay Nikki habang hawak ang kanyang braso. Nagpumiglas siya mula sa hawak nito para makawala siya.

“Wala naman tayong dapat pag-usapan. Kung ‘yon ang tungkol sa diary ni Maggie, I’m sorry. There, I said it. Now, you just have to accept it,” walang emosyong sabi ni Nikki dito.

Muling naglakad palayo si Nikki dito pero muli rin siyang pinigilan ni Chace. Bigla na lang siya nitong niyakap mula sa likuran. Hinawakan ni Nikki ang nakayakap na mga braso ni Chace sa may tiyan niya para tanggalin iyon pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Chace. Naramdaman pa niya ang pagpatong ng baba nito sa kanyang balikat at ang pag-amoy nito sa kanyang leeg na nakapagpatindig ng mga balahibo sa batok niya.

Shit! “Chace! Hindi ako makahinga. Let go!” mariing sigaw niya rito.

“I’ve missed you. So damn much. I’m sorry,” masuyo at buong lambing na sabi ni Chace.

And Nikki nearly cried. Kung hindi lang niya napigilan ang kanyang sarili. At para mapagtakpan iyon ay siniko na lang niya si Chace sa tiyan para makawala dito.

“Wala akong pakialam kung umalis ka man noon. Umalis at bumalik ka kung kailan mo gusto. I don’t care about you. I never cared about—“

Hindi na naituloy pa ni Nikki ang iba pa niyang sasabihin dahil bigla na lang mas nag-zoom in ang mukha ni Chace sa kanyang paningin. Na-realize lang niya kung ano ang nangyari ng maramdaman niya ang malambot nitong mga labi sa kanya. He was kissing her!

He was kissing her like she was some kind of candy he’s addicted to. Bumilis ang tibok ng puso niya, isang pakiramdam na akala niya’y hindi na niya muling mararamdaman pa. Alam niyang dapat siyang pumalag, itulak ito palayo at magalit dito, pero sa halip na gawin niya ang lahat ng iyon ay pumikit lang ang kanyang mga mata. Tila naging blangko ang kanyang utak dahil wala siyang maisip maliban sa kung ano ang pakiramdam ng mga labi ni Chace sa kanya.

Chace urged her lips open. His tongue came in probing, teasing, and pleasuring. His warm mouth feels so good against hers. It feels as if the kiss pinned her down, melted her even. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nahalikan siya ng isang lalaki pero pakiramdam ni Nikki ay grade school level siya pagdating kay Chace. Pero matagal na rin mula nang huli siyang mahalikan, at si Chace din ang last kiss niya—noong kanilang kasal.

Chace put his hand on the back of her head gently pulling her closer while his mouth worked its wonders with her. Nailapat naman niya ang kanyang mga kamay sa hubad nitong dibdib. Somehow, she felt like she needed something to hold onto. Nang tugunin niya ang mga halik nito’y naramdaman niya ang pagporma ng isang ngiti sa mga labi nito. Sinasabi ng isipan niya na “tama na” pero patuloy pa rin sa paggalaw ang mga labi niya. When their almost out of breath, they both pulled out from their kiss. Pero hindi pa rin talaga sila dumidistansiya sa isa’t isa.

From being humiliated to being annoyed to being this…heady. Man, this guy surely knows how to stir up a woman’s feelings. And Nikki hated it, but then, why did she respond to his kiss? Nanigas si Nikki mula sa kanyang kinauupuan. Hindi rin siya makatingin ng diretso kay Chace na nagagawa niya ng maayos noon.

Balimbing ang katawan niya, iyon lang ang tanging paliwanag sa bagay na iyon. Nang tangkang hahalikan muli siya ni Chace ay iniiwas niya ang kanyang mukha rito. Noon lang niya ito nagawang itulak palayo sa kanya. Pagkatapos ay mabilis siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumalik sa kwarto niya.

Kung kanina’y bumilis ang tibok ng puso ni Nikki—habang hinahalikan siya ni Chace—ngayon naman ay pakiramdam niya’y tuma-tumbling iyon habang inaalala ang nangyari kanina. She felt suddenly hot all over. Lalo na’t pakiramdam niya’y hinahalikan pa rin siya ni Chace hanggang ngayon.

Bakit niya ako hinalikan? tanong ni Nikki sa sarili nang makapasok siya sa kanyang kwarto.

At bakit mo naman inaalala ang halik niya? nangangastigong tanong naman ng isang bahagi ng isipan niya.

I…Hindi ko alam. Nangyari lang. Ugh! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? “Real stupid, Nikki. Just sleep. Or try to get some,” utos na lang niya sa kanyang sarili.

Ipinikit ni Nikki ang kanyang mga mata at pilit na pinatulog ang sarili pero tila tukso namang nagre-rewind sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Chace kanina. Kaya sa halip na matulog siya ay naghanda na lang siya sa pagpasok sa opisina. Naligo siya at nagbihis, pagkatapos ay ni-review niya ang kanyang schedule para sa araw na iyon.

Malapit nang mag-alas-singko nang magdesisyon siyang bumaba na para pumasok. Sa labas na lang siya mag-a-almusal kaya hindi na siya nag-abala pang dumaan sa kanilang kitchen kahit alam niyang naroon na ang kasambahay nilang si Jelay at naghahanda ng agahan nila ni Chace. Nasa tapat na si Nikki ng pintuan ng kanilang bahay nang gulatin siya ng pamilyar na boses ni Chace.

“Ninja moves?”

“Shit!” sa halip ay bulalas niya dahil sa gulat. Narinig niya ang bahagyang pagtawa ni Chace. Nang bumaling siya rito ay ganoon pa rin ang hitsura nito kanina. “Hindi nakakatawa! And put on a damn shirt!”

“Nah. You like it better seeing me like this,” panunukso nito sa kanya.

She just gave him a dead stare.

“I’m tired of all of this, Nikki. I want us to be together. For real. Please give us another chance,” nagsusumamong sabi ni Chace.

Pero hindi iyon nasagot ni Nikki. At alam niyang sa ikalawang pagkakataon ay nasaktan na naman niya si Chace. Ngunit hindi nito alam na nasaktan din siya noon. Taliwas sa alam ni Maggie at sa alam ng iba, may puso siya na hindi lang isang beses niyang pinagana kundi tatlo pa.

---

When you love someone, especially if they don’t love you back, you got to keep trying. At least, try to make them see you. Let them know you exist, and then you try to make them love you. Don’t worry, everything starts from scratch. And that’s how love usually works. You’d get a little, you’d win some more and before you knew it, you’d have it all. Have faith.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.