Over two years ago...
OH MY GOD! Iyon ang paulit-ulit na hiyaw ng isipan ni Nikki. Pagkatapos niyang makausap si Mina ay napatalon siya sa tuwa at excitement. She couldn’t contain the wonderful feeling inside. Kaya napa-happy dance din siya kanina kahit na nasa loob siya ng elevator.
Kasalukuyan siyang nasa opisina ng kanyang amang si—Nicholas Eusebio—na kasalukuyang nasa isang meeting pa ngayon. Ipinatawag siya nito dahil may kailangan daw itong sabihin sa kanya. Ayaw niya itong makausap, but her father sounded so determined to talk to her. Kaya pinagbigyan na lang niya ito. Hindi sila in good terms ng kanyang ama pero ama pa rin niya ito. Mula noong maging nobyo niya si Adrien ay tila humupa na ang galit na nararamdaman niya sa kanyang ama.
It’s amazing what love can overlook.
Matagal nang may galit na nararamdaman si Nikki sa kanyang ama—mula pa noong bata siya. Lumaki siya na malayo ang loob dito. Ito ang dahilan kung bakit kahit walong taong gulang pa lang siya ay matured na siyang mag-isip. She forced herself to grow up fast. She wanted to protect her mother from him, she wanted to take her away from him because he was the biggest existing jerk in the world.
Walong taon siya nang marinig niyang may babae daw ang kanyang ama—dahil na rin sa pagtsi-tsismisan ng mga kasama nila sa bahay. Agad siyang nagsumbong noon sa kanyang ina nang tungkol sa kanyang narinig. It turns out that her mother knew about it, but she didn’t do anything about it. At iyon ang hindi makuha at matanggap ni Nikki.
Nikki grew up with so much love from her mother. Abala kasi sa kanilang negosyo ang kanyang ama. Palagi nitong sinasabi sa kanya na ang pag-ibig ang pinakamahalaga at pinakamagandang bagay sa mundo, na kapag lumaki siya ay dapat niyang maranasan iyon. At alam ni Nikki na mahal na mahal nang kanyang ina ang kanyang ama. Pero bakit hindi nito iyon ipinaglalaban? May karapatan itong lumaban dahil ito ang asawa ng kanyang ama. Bakit hindi ito gumawa ng paraan para pigilan ang kanyang ama sa bisyo nito?
But then, her mother told her this, “When you love someone, you have to be happy with what they can give. No matter how little love that is, as long as you’re loved. It’s already enough.”
Sa tingin ni Nikki ay wala na noon sa sarili ang kanyang ina. Bata pa siguro siya noon pero alam ng puso niya na hindi tama ang rason nito at ang mga nangyayari sa kanyang mga magulang. Sinita niya noon ang kanyang ama. Sinabi niya rito na wala itong karapatang saktan ang mama niya. Nagulat ito dahil alam niya. Humingi ito ng tawad sa kanya noon at sinabing hindi na nito gagawin pa ang nagawang kasalanan. Naniwala si Nikki dito.
Six years later, her parents still stayed together and she somehow felt that she was the one responsible for that. Pinipilit lang ng mga ito na manatiling kasal para sa kanya pero ang totoo ay hindi na masaya ang mga ito. They grew awkward about each other. Naiintindihan niya iyon dahil pagkatapos ng pagtataksil ng kanyang ama ay kahit siya’y nahirapan na ring makitungo dito ng maayos. Pero nagkaroon na naman siya ng hinala na may ibang babae na naman ang kanyang ama at dahil sa personal na pag-i-imbestiga niya ay nalaman niyang tama nga ang hinala niya. Nagalit siya rito. Hindi na niya nagawa pang umiyak noon dahil sa galit nang makita niya mismo na may kasama itong ibang babae.
She told her mother about it, but her mother seemed to be so numb about everything. Hiniling niya ritong makipaghiwalay na sa kanyang ama. Screw having a family. Siya ang nasasaktan at nahihirapan sa lagay ng kanyang ina. Ayaw niyang makita ito sa ganoong lagay na ito pa ang kawawa gayong hindi iyon ang dapat na mangyari. Screw love!
The unexpected plot twist was: her father asked for an annulment—in front of her. She was just too dumb-founded to even breathe.
Nangyari noon nang nagkaharap silang tatlo dahil na rin sa request niya para matapos na ang lahat. Para makapag-move on na silang mag-ina nang wala ang kanyang ama pero hindi niya inasahan na ang kanyang ama pa ang magtatapos ng lahat ng iyon sa ganoong paraan. Bago pa man siya makapag-isip ay tila isa siyang malaking ibon na lumipad palapit sa kanyang ama at sinuntok niya ito sa mukha.
She hit him hard. She just wished it’s harder than he deserved. Heck, she hoped that karma will strike him a million times.
Another six years later, tuluyan nang naghiwalay ang kanyang mga magulang. Tila pareho nang naka-move on ang mga ito dahil may kanya-kanya na muling kinakasama ang dalawa. Pero hindi siya. She stopped believing in the essence of marriage, more of—love. Love was just a myth. It could turn you into a fool. The ‘power of love’ was just created by those lovesick fools who don’t know what they’re talking about, what they’re getting into.
Pero nagbago ang paniniwalang iyon ni Nikki nang makilala niya si Adrien Castillo—smart, a perfect gentleman, funny and totally swoon-worthy. Akala ni Nikki ay immune na siya sa mga lalaki—well, siguro—maliban kay Adrien. Hindi niya rin alam kung paano nangyaring bigla na lang ay muli siyang naniwala sa pag-ibig—ang pinaka-ayaw niyang bagay sa mundo—pero iba si Adrien. Hindi naging madali ang pagkakalapit nila sa isa’t isa pero naging matiyaga sa kanya si Adrien at ngayon nga ay isang taon na silang magka-relasyon. Alam niyang hindi ito katulad ng kanyang ama. He knows how to value a woman’s feelings—a woman’s heart. His love felt like magic for her. He healed her.
“Love is a tricky feeling, Nikki. You love someone and you’d think that he’s already the one for you. Pero subconsciously, iyon ang gusto nating mangyari tuwing nagmamahal tayo. Minahal ako ng papa mo, naramdaman ko ‘yon. That’s why you’re here. You’re the product of that love. But we’re not ‘it’ for each other. When you finally found the ‘it’ for you, even your subconscious won’t know a thing about it, but your heart would. Darating ang araw na maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin. Basta ang kailangan mong tandaan, hindi mahalaga kung ikaw ang una o pangalawa, ang mahalaga ay ikaw ang magiging huli.”
Natatandaan ni Nikki na sabi sa kanya noon nang kanyang ina. Naniniwala siya ngayon na si Adrien na ang ‘it’ para sa kanya.
Oh, he would be my last.
Tinawagan siya ni Mina dahil nakita daw nito sa drawer ng office desk ni Adrien—ang boyfriend ni Nikki nang isang taon—ang kahita ng isang singsing. Si Mina ang matagal nang sekretarya ni Adrien kaya naging malapit na din dito si Nikki. Alam niyang gustong-gusto siya ni Mina para sa boss nito.
Magpo-propose na siya sa’kin! Hindi akalain ni Nikki na may plano palang mag-propose sa kanya si Adrien. Isang taon pa lang naman kasi silang magkasintahan. But what the heck, who cares? Mahal naman nila pareho ang isa’t isa. Siguro’y sobrang mahal siya ni Adrien at pakiramdam nito’y hindi na ito mabubuhay pa ng hindi siya kasama kaya magpo-propose na ito kay Nikki.
Now, she sounded like Maggie—her best friend, a hopeless romantic. Kasalukuyan niyang tinatawagan si Maggie ngayon. Sigurado siyang matutuwa ito para sa kanya. Isa pa’y buenas na rin siguro iyon sa bagong negosyo na ipapatayo niya.
“Marsh?” sagot nito mula sa kabilang linya.
“Oh my god, Mallow! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko,” aniya rito.
“Bakit? Ano ‘yon?”
“Tumawag sa’kin si Mina at sinabi niyang may nakita siyang singsing sa office desk ni Adrien. Oh my god! Magpo-propose na siya sa’kin!” excited na sabi niya kay Maggie.
“Wow! OMG! I’m so happy for you. See? I knew you’ll have your happy ever after too. Nakaka-inggit ka alam mo ‘yon. Never kang humiling noon ng happy ever after pero heto ngayon at mauuna ka pa sa’king ikasal,” ani Maggie. Iyon ang sinabi nito pero wala naman siyang mahimigang hinanakit sa boses nito.
“’Sus! Sigurado ako na darating din ‘yong sa’yo. Nagpapakabuti lang siya para sa’yo. You only deserve the best man,” sabi naman niya kay Maggie.
“Kahit hindi na ‘yong the best. Dumating na sana siya,” natatawang sabi ni Maggie. “Hoy, dapat ako ang unang makaalam ‘pag official na ha. Then, we’ll start planning everything. I’m so excited for you.”
“Siyempre, ikaw ang unang makakaalam. At, maid of honor ka ha,” aniya rito. Sa bawat minutong iniisip at pinag-uusapan nila ang tungkol sa ‘pagppo-propose’ sa kanya ni Adrien ay mas lalo lang siyang nae-excite.
Naputol lang ang pag-uusap nila ni Maggie nang pumasok sa opisina nito ang ama ni Nikki kasama si Bernard Owens—ang isa sa malalapit na kaibigan ng kanyang ama—at ang anak nitong si Chace na kaibigan naman ni Adrien. Matagal nang kilala ni Nikki si Chace pero dahil mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon ay magkaiba ang circle of friends nila kaya hindi sila ganoon kalapit sa isa’t isa. Nagkalapit lang sila noong naging nobyo niya si Adrien.
“I’m so glad you could come, sweetheart,” bati sa kanya ni Bernard Owens. Nikki flinched at that. Alam niyang mabait ang ama ni Chace pero dahil kaibigan ito ng kanyang ama ay may pangingilag din siya dito.
“Good morning, Mr. Owens,” pormal na bati niya rito.
“Such a polite young lady,” anitong nakipagkamay pa sa kanya.
Nang bumaling ang tingin niya kay Chace ay tumango lang ito sa kanya. Nagkaroon tuloy siya ng pakiramdam na hindi niya magugustuhan ang pag-uusapan nila ng kanyang ama ngayon. Mula nang maging nobyo niya si Adrien ay nagkaroon si Chace na maging ‘touchy’ sa kanya si Chace tuwing nagkikita sila nito. Tuwing nangyayari iyon ay itinutulak lang niya ito palayo sa kanya. Chace was a manwhore. She doesn’t want anything to do with him.
At bakit nga ba naroon sa opisina ng kanyang ama ang mag-amang Owens?
“Well, since nandito na tayong lahat, I suggest we get down to business,” anang kanyang ama. As usual, ‘business’ pa rin ang paboritong salita nito. Pero napansin niyang pumayat ito ng labis. Hindi siguro ito inaalagaan ng mga babae nito.
Huh! Karma.
“Nicholas and I had been talking,” simula ni Bernard Owens. “We both wanted to make our companies strong. I know our companies would be of great allies but we can both come out strong if we become one, so we decided to merge both.”
Ang kanilang pamilya ang may-ari nang isa sa pinakamalaking engineering and architecture firm sa bansa samantalang ang pamilya Owens naman ang nagmamay-ari sa isa sa pinakamalaki at pinakamagaling na construction company sa Pilipinas.
Oh my god! muling hiyaw ng isipan ni Nikki. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na iyon dahil sa kagustuhan niya o dahil excited siya sa pagme-merge ng dalawang kompanya. Isa lang ang nakikita niyang rason kung bakit parehong naroon sila ni Chace sa pag-uusap na iyon.
“No!” mariing sabi niya sa mga ito. Saka siya bumaling kay Chace. “Do you know anything about this?”
“It rattled the whole of me. Trust me,” ani Chace. Pero hindi niya ito makakitaan ng panic kaya medyo hindi niya iyon pinaniwalaan.
Ano’ng ibig mong sabihin? Na gusto itong mangyari ni Chace? anang isang bahagi ng isipan ni Nikki. Pero imposible iyon dahil alam ni Chace na nobyo niya si Adrien na kaibigan nito. At iyon ang hindi alam nina Nicholas at Bernard.
“There’s a big catch to this, Nikki,” sabi naman ng kanyang ama. Pinukol niya ito ng masamang tingin. How could he be her father? How could he do this to her? Mas tumindi ang naramdaman niyang galit dito ngayon.
“I don’t care about the catch. I won’t marry him,” galit na sabi niya rito. Dahil na naman sa negosyo kaya mas lalo silang mag-aaway nito.
“Nikki, dear, calm down. I know this is all a surprise for you but Chace—“
“Dad!” nanaway namang sigaw ni Chace sa ama nito.
“I can’t and will never marry Chace. I’m marrying someone else and he already proposed to me,” pagsisinungaling niya sa mga ito. Their fathers weren’t swayed with what she said but not Chace. Daig pa nito ang nakakita ng multo sa panlalaki ng mga mata, pagkaawang ng mga labi at pagkagulat dahil sa sinabi niya.
Hindi niya alam na magpo-propose sa’kin si Adrien?
“Nikki—“
“I won’t hear any of this ever again and that goes with I don’t want to see you ever again too,” mariin at puno ng poot na sabi niya sa kanyang ama. Iyon lang at nilisan na niya ang opisina na iyon. Dapat ay hindi na lang siya nagpunta pa doon. Nasira tuloy ang araw niya.
Think of happy thoughts, Nikki. Think about Adrien. Think about your future with him, pagpapakalma ni Nikki sa sarili pagkalabas niya ng building na iyon. Hindi niya hahayaang masira ang buong araw niya dahil lang doon.
She still has a proposal to prepare for.
Later that night, Adrien asked Nikki for a date. At hindi na nakaapekto pa sa excitement at sayang nararamdaman ni Nikki ang nangyaring pag-uusap kanina sa opisina ng kanyang ama. Sa ngayon ay puro si Adrien ang laman ng isip niya at wala na siyang pakialam pa sa iba. She made sure that she looked perfect for tonight. Para mas ma-entice pa sa kanya si Adrien.
Pero napansin niyang medyo kulay ube ang gilid ng panga ng kanyang nobyo. “Ano’ng nangyari d’yan?” nag-aalalang tanong niya rito.
“Uh, wala naman. May nangyari lang kanina,” simpleng saad nito.
“Ano’ng nangyari, Adrien?”
“Let’s not talk about it. Nikki...” pag-iwas ni Adrien sa kanyang tanong. Nagbago ang tono ng boses nito sa pagtawag sa kanyang pangalan.
This is it! Oh my gosh! hiyaw ng isipan ni Nikki. Bakit nga ba siya tanong nang tanong gayong si Adrien ang may pinakamalaking tanong sa kanya ngayong gabi?
“Yes, Adrien?”
Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita. Halatang kinakabahan ito at tila hindi pa nito alam kung paano siya tatanungin. Nikki grew more eager than before. Gusto na niyang mag-“yes” dito kahit hindi pa ito nagtatanong.
“Nikki, I’m so sorry. I don’t know how to...I’m sorry,” ani Adrien. Mataman niya itong tiningnan sa mga mata. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito pati na ang mga mata nito. Bakit ito nagso-‘sorry’ sa kanya?
“What are you saying ‘sorry’ for?” kunot-noong tanong ni Nikki dito.
“I’m in love with...someone else, Nikki.”
What? Bakit wala yata akong narinig na question mark doon? May hearing defects na ba ako? Mali kasi yata ang dinig ko sa sinabi ni Adrien, ani Nikki sa sarili.
“Hindi ko sinasadya, Nikki. N-nangyari na lang kasi,” ani Adrien.
“Ano bang sinasabi mo?” maang na tanong niya rito.
Muling nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Adrien. “Nikki, I’m breaking up with you.”
Unimaginable pain rushed through her system like a virus. It penetrated her heart and killed it. Mataman niyang tiningnan si Adrien, naghahanap ng rason para hindi maniwala dito. But everything about his reaction screamed the truth. He had betrayed her. At ang pinakamasakit sa lahat ay naniwala siyang mahal siya nito.
Galit siya rito, pero mas matindi ang sakit na nararamdaman niya kaysa galit. Pero hindi niya ibibigay kay Adrien ang pribelehiyong makita siyang nasasaktan. Kaya walang lingon-likod at walang ibang salitang iniwan ni Nikki si Adrien sa lugar na iyon nang gabing iyon. Hindi siya nagtanong kung kailan at paano nangyaring pinagtaksilan siya nito. Hindi niya itinanong kung sino ang babae dahil para saan pa? Sa hiwalayan din naman ang tuloy nila.
Pakiramdam niya ay nawala ang isang parte ng sarili niya. Pakiramdam niya’y nalubog ang isang paa niya sa quick sand kung saan hindi na siya makakaahon pa. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi sa kanyang bahay nang buhay. Wala kasi siya sa huwisyo habang nagmamaneho. But someone might be watching over her for her to stay that alive. Kahit pakiramdam niya’y nawalan siya ng puso.
She was so wrong about Adrien. He was just like the others. Betrayal is such a bitch. But fuck love. Like, forever. If it’s ever that powerful, why did this happen to them? Did she not love or try enough? Namamana ba ang sakit at pagtataksil? Bakit nangyari din sa kanya ang nangyari sa kanyang ina noon?
Hindi binigyan ni Nikki ang kanyang sarili ng panahon at pagkakataong makaramdam pa ng sakit. Ayaw niyang matulad sa nangyari sa kanyang ina na tila naging manhid na sa mga nangyayari sa paligid nito nang pagtaksilan ito ng kanyang ama. She had to redeem herself and she will do anything to save her pride and ego—even if that means marrying Chace Owens.
Nicholas and Bernard’s plan was to marry them—Chace and Nikki—to secure both the merging and allegiance of their companies. They should stay married for five years to have both of their “catch” in that agreement. Pero pumayag si Nicholas na makuha ni Nikki ang kalahati sa kanyang mana para sa itatayo niyang negosyo. Both Nicholas and Bernard wanted them to have a child, pero matindi iyong tinutulan ni Nikki. Nagtataka siyang pumayag sa mga whims niya ang dalawang businessmen pero sa tingin niya’y papayag ang mga ito sa kung anuman ang gugustuhin niyang kondisyon basta maikasal lang silang dalawa ni Chace para sa ikabubuti ng negosyo ng mga ito. Kaya naman hiniling din niyang maging pribado ang magaganap na kasalan.
Pumayag si Nikki na pakasalan si Chace hindi dahil iyon ang gusto ng kanilang mga ama kundi dahil iyon ang nakita niyang paraan para i-redeem ang pride at ego niya. Bonus na lang ang mana na hihingin na sana niya noon sa kanyang ama at siyang kailangan niya para sa itatayo niyang negosyo. Iyon ang “catch” na ibinigay sa kanya ni Nicholas Eusebio para pumayag siya sa kasunduang iyon. Wala naman kasi siyang interes sa kompanya ng kanyang ama o kung ano pa man ang gagawin nito roon.
Pumayag din si Chace sa huli pero alam ni Nikki na may kinalaman doon si Maggie. Sinabi kasi niya kay Maggie ang kanyang plano, alam nito ang nararamdaman niya at malamang ay nai-convey nito iyon kay Chace. Hindi narinig ni Nikki kung ano ang “catch” ng mag-amang Owens pero sa tingin niya’y may kinalaman din iyon sa mana ni Chace. Bakit pa papayag si Chace kung hindi lang dahil doon? Pero para makasiguro ay nag-usap mismo sina Nikki at Chace sa personal nilang kasunduan noon.
Nilinaw ni Nikki kay Chace na purely platonic lang ang magiging married life nilang dalawa. Magsasama sila sa iisang bubong at magse-share sa gastusin pero iyon lang at wala nang iba. Wala silang magiging pakialam sa desisyon ng isa’t isa pagkatapos. As long as they will stay married upon the terms and conditions of their fathers, they’re okay. Kilala ni Nikki si Chace at ang ‘manwhore’ capabilities nito kaya sinabi niya ritong maaari itong makipag-date sa ibang babae basta huwag lang itong makikita ng mga nakakakilala sa kanila.
“I’m sorry about Adrien, Nikki,” sabi ni Chace sa kanya. Noon lang na-realize ni Nikki na baka may alam si Chace sa ‘pagtataksil’ ni Adrien kaya ganoon na lang ang gulat nito nang sabihin niya dating nag-propose na si Adrien sa kanya.
“Alam mo ba?” walang emosyong tanong niya rito. Or rather, she was trying to not show her emotions. Siyempre ay kakampi si Chace sa kauri nito lalo na’t kaibigan pa nito si Adrien. At hindi niya kailangan ng “sorry” nito.
Tumango si Chace. “Pero—“
“That’s another thing, let’s not talk about it for the rest of our marriage,” iyon lang at tinapos na Nikki ang usapang iyon.
Some of their friends might be laughing at her now. Siguro ay hindi rin magandang ideya na si Chace ang pakasalan niya, but he was her only ticket out of her self-imposed humiliation. Selfish na kung selfish, pero may makukuha rin naman si Chace sa kasunduang iyon kaya hindi masyadong bothered si Nikki.
Later that month, Nikki and Chace got married. Pinili niyang gawin iyon nang ganoon kaaga para hindi siya lalong magmukhang tanga kapag kumalat na ang balitang magpapakasal sa ibang babae si Adrien. Hindi magandang tingnan na nagpakasal si Nikki sa iba gayong ang alam ng lahat ay si Adrien ang nobyo niya, pero kahit paano’y gumaan ang pakiramdam niya sa kaalamang mas nauna siyang ikasal kaysa dito.
Pride or ego maybe. I do not care. What matters most is that I showed Adrien that I’m doing fine without him.
---
Love could be so twisted sometimes. It could turn you into one hungry beast aching for that one perfect feeling to be finally yours. But you know, it would take time. A lot of time and patience for you to finally have it. And sometimes, you’d be tempted to cheat on love. You’d do things that are beyond your limits because you think it’s the right thing to do, but it’s not. Sometimes, you don’t need the perfect love. You just need to be loved.