“UP ALL night?”
“Dammit, Chace!” naiinis na sigaw ni Nikki sa kanyang ‘asawa’. Pabalibag tuloy niyang naisara ang pintuan ng ref na hawak niya. Kukuha sana siya doon ng natirang ingredients niya kahapin para sa paggawa ng s’mores dahil bigla siyang nagutom nang bigla na lang lumitaw si Chace—na natawa lang sa naging reaksyon ni Nikki. As usual, nakahubad na naman ito. “Really, Chace. Hindi ka man lang ba nilalamig?”
“Hindi naman. I’m warm, you know. Wanna feel me up and see for yourself?” sabi naman ni Chace kasabay ang pagbuka ng mga braso para sa kanya. Naiikot lang ni Nikki ang kanyang mga mata dito at ipinagpatuloy ang pagkuha ng s’mores sa loob ng ref.
Alas-dos na ng madaling-araw pero hindi pa rin siya natutulog dahil inaayos pa niya ang kanyang personal blog na ikokonekta sa magiging website ng Fab Shoes. Katulad nang pagka-hands on niya sa pagpapatayo ng Fab Shoes ay ganoon din ang pagka-hands on niya sa kanyang blog. Tutal naman ay kanya iyon.
Tumikhim si Chace kapagkuwan. Sa dalawang linggo nilang pagsasama ay napansin niyang ganoon ang ginagawa nito kapag nao-“off” niya ito, kapag napapahiya ito sa kanya, kapag hindi niya pinapansin ang mga hirit nito. Pero gusto niyang ganoon lang ang maging relasyon nila ni Chace. Ayaw niyang ma-attach sila sa isa’t isa lalo na’t pansamantala lang naman—limang taon—ang kanilang pagsasama.
“Hanggang kailan mo kaya ako bibigyan ng cold treatment?” anito. Pero hindi pa rin ito pinansin ni Nikki. Tuluyan niyang inilabas ang chocolates, marshmallows at graham crackers mula sa ref at nagsimulang gumawa ng s’mores. Alam niyang pinagmamasdan pa rin siya ni Chace dahil ramdam niya ang titig nito pero hindi na lang ito pinansin ni Nikki. “The woman that he proposed to, she didn’t accept him,” pagkuwa’y sabi ni Chace.
Alam ni Nikki na hindi lang basta kinukuha ni Chace ang atensyon niya ngayon. Alam niyang gusto talaga nitong ipaalam sa kanya ang bagay na iyon—tungkol kay Adrien. Good for him, anang isang bahagi ng isipan ni Nikki dahil iyon naman talaga ang nararapat kay Adrien. Hindi siya katulad nang ibang babaeng lulong sa pagmamahal na kahit na nagkamali na ang taong mahal ng mga ito’y babalikan pa rin ng mga ito ang lalaking iyon. No, Adrien deserved that and she would laugh at him all she want, she has the right, right?
Hindi na niya gusto pang makibalita tungkol kay Adrien dahil ayaw na rin naman niya itong makita pang muli. Hindi katulad ng ibang tao na ang mantra ay kailangan ng “closure” para makapag-move on, para kay Nikki, ang tanging kailangan niya lang ay tanggapin ang lahat ng nangyari para makapag-move on. At hindi na niya dapat pang balikan ang nakaraan.
“Bakit gising ka pa, Chace?” pag-iiba ni Nikki ng usapan.
Bumuntong-hininga si Chace. Like she was taking his hope away from him one piece at a time. “Sumasakit kasi ang ulo ko. I keep having these weird headaches these days. Siguro dahil nanlalabo na ang mga mata ko. O siguro dahil sa sinusitis ko lang.”
“Oh,” iyon lang ang nasabi ni Nikki. Tila may kumudlit na kung ano sa puso niya dahil sa reklamo ni Chace. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay iyong may taong nahihirapan. Ayaw niyang makitang may taong nahihirapan. Weakness talaga niya iyon lalo na’t nakita niya noon kung paano naghirap ang kanyang ina. “Baka mina-migraine ka. Teka, may Tylenol ako sa kwarto. Effective ‘yon na pantanggal ng sakit ng ulo. Gusto mong—“
“Yes, please,” agad na sagot ni Chace.
“Okay. Kukunin ko lang sa kwarto,” aniya rito. Nagsimula siyang maglakad patungo sa kanyang kwarto sa itaas nang maramdaman niyang nakasunod sa kanya si Chace.
“Doon ka na lang, Chace. Stay put.”
“I thought you’re inviting me over to your room?” maang na sabi nito pero may pilyong kislap ang mga mata nito. Dahil doon ay tinapik niya ng malakas ang dibdib nito na ikinatawa lang nito. She was ready to beat him down again but then, he caught her hand against his chest so she felt his heartbeat. “Feel my heart, babe? It only beats for you.”
Nanindig ang mga balahibo sa batok ni Nikki. Soft tingles ran through her spine—weird, because she had never felt that before. What’s even weirder was, her heart was thumping like crazy. Iyon ba ang tinatawag nilang eratikong pagtibok ng puso? She had always been unfeeling—except towards her mother and Maggie—so, she had never felt the ‘erratic’ beating of her heart before. At bakit naramdaman niya iyon ngayon dahil kay Chace?
Must be his corny line, pagdi-dismiss at pagtanggi na lang ng isang bahagi ng isipan ni Nikki. The thought of having her heart beat erratically because of Chace even brought more tingles through her skin. Hayaan mo na lang siya. Go back to your comfort zone, Nikki. Shield yourself. Don’t let him know he’s affecting you.
Shit! Chace was affecting her. Adrien affected her before. Iyong tipong hindi siya mapakali tuwing nasa malapit ito at palagian nitong nakukuha ang atensyon niya. Iyong tipong tingin pa lang ni Adrien ay pakiramdam ni Nikki ay natutunaw na ang puso niya—oha! Asar ako sa mga lalaki, but Adrien managed to break my shield of ice. At bakit ko ba iniisip ang mga ito ngayon? Grrr!
So, hindi ‘yon pwedeng magawa sa’yo ni Chace ngayon? kastigo ng isang bahagi ng isipan ni Nikki na may kalakip na panunukso. At bakit ka mag-aaksaya ng oras na kumuha ng gamot para sa kanya kung galit ka sa mga lalaki? Kahit na pa tinulungan ka niya, hayaan mo na siya. Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya. Prove to him that you’re even more cold and unfeeling than before. That even him, can’t touch you. That you don’t care about him.
Ipiniksi niya ang kanyang kamay para makawala siya sa pagkakahawak ni Chace saka ito tiningnan ng masama. “Bahala ka sa buhay mo. Hindi na kita ikukuha ng gamot,” asar na sabi niya rito.
“I don’t need another drug. I just need you,” masuyo namang turan ni Chace.
“Shit ka! Kapag may isang kalandiang salita pa ang lumabas d’yan sa bibig mo, tutusukin ko ng dessert fork ang eyeballs mo,” banta niya kay Chace. Pero nasabi lang iyon ni Nikki dahil hindi niya ma-kontrol ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso—oh, well, kailan pa nga pala nako-kontrol ng isang tao ang pagtibok ng puso?
Chace chuckled at her. Pagkuwa’y minasahe nito ang ulo. Shit, weakness talaga niya ang mahihina at tila alam iyon ni Chace kaya nagpapaawa ito sa harap niya ngayon. “Ikuha mo na ako ng gamot, please? Feeling ko mabibiyak na ang ulo ko sa sakit eh,” pa-cute at paawang sabi ni Chace.
You do have a heart, Nikki. Sinong may sabing matuturuan moa ng pusong maging malamig? Hello? Eh, nagbi-beat nga ‘yon ‘involuntarily’ eh, sarkastikong saad ng makulit na bahagi ng isipan ni Nikki.
“Ikukuha kita, pero ‘wag na ‘wag mo na akong kakausapin pang muli. Pagkatapos nito’y wala na tayong pakialam sa buhay ng isa’t isa. I don’t care about you whoring around town and you won’t care a thing about me. Nagkakaintindihan ba tayo?” mariing sabi ni Nikki kay Chace.
“Geez, Nikki. Daig mo pa si mommy kung magsalita sa’kin. Pero mahirap ang pinapagawa mo sa’kin. Old habits die hard,” ani Chace na diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Biglang nakaramdam ng pagkailang si Nikki dahil sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya dahil kakaiba iyon. Parang may sinasabi, parang may hugot ang mga emosyon na nakikita niya doon. Hindi niya lang mawari kung ano ang mga emosyon na iyon.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“I’ve been caring about you ever since I’ve met you. It can’t be stopped. Trust me, I’ve tried hard before, I just can’t stop caring about you. Heck, everything you do affects the whole of me,” sabi ni Chace.
“Shit ka talaga! Kung akala mo’y maisasama mo ako sa harem mo dahil sa malanding dila mo, nagkakamali ka. I won’t ever like you!” Sa totoo lang ay sumasakit na din ang ulo ni Nikki dahil sa mga sinasabi ni Chace. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito dahil alam niya kung gaano ka-babaero si Chace—sabi ng isipan niya—pero iba ang pinapaniwalaan ng puso’t katawan niya. Asar!
“There you go again hurting me,” tila may hinanakit namang sabi pa ni Chace.
“You know what…whatever. Bahala ka na sa buhay mo,” inis na sabi ni Nikki dito.
Kung inaakala ni Chace ay madadala siya sa paawa effect, pa-cute at panlalandi nito, nagkakamali ito. Hinding-hindi na siya magtitiwala pa sa sinasabi ng kahit na sinong lalaki. She already had too much painful experience trusting, caring and loving them. Kaya sa halip na maawa pa siya kay Chace at ikuha ito ng gamot ay hindi na niya ginawa—malay ba niya kung umaarte lang pala ito para akitin siya.
At bakit ka naman niya gugustuhing akitin, aber?
That’s Chace. Kahit sinong naka-palda yata ay papatulan niya, bitter na sagot ni Nikki sa sarili. All men should rot in hell—especially, her father and Adrien.
NIKKI FELT as if she looked like a dramatic actress that moment. Na para bang nasa eksena siya ng isang teleserye kung saan nalaman niyang malapit nang mamatay ang isang mahal niya sa buhay—anak, magulang o asawa. Ganoon pala ang pakiramdam nang mga taong humaharap sa ganoon—pakiramdam mo’y wala nang bukas. Hindi ka makahinga, mabigat ang balikat at dibdib mo, at hindi ka makagalaw ng maayos.
Memories of your time with that loved one would come rushing back in, regrets most especially felt. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Pero hindi dapat siya makaramdam ng ganoon dahil hindi pa naman mamamatay si Maggie. It’s just that the thought of losing her best friend—the one she cared for and protected the most—pained her big time.
Kaninang nagsa-shopping sila ni Maggie ay bigla na lang itong nag-collapse sa harapan ni Nikki. Katatapos lang nilang kumain noon at bibili sana sila ng mga damit. Mabuti na lang at malapit sa kanila ang driver nina Maggie kaya natulungan siya nitong agad na dalhin sa ospital ang kanyang kaibigan. Inisip niyang nahilo lang si Maggie sa kakaikot nila sa mall pero mas malala pa pala doon ang sakit nito.
Maggie was diagnosed with leukemia. Hindi naman iyon acute at may pag-asa pang magamot si Maggie pero natatakot si Nikki para sa kanyang kaibigan. Alam niyang hindi basta-basta ang sakit na leukemia at kahit na sinabi nang doktor na ninety-percent ang tsansa na magamot si Maggie ay hindi niya maialis sa sarili na matakot at mag-alala. Paano kung lumala iyon? Paano kung kumalat pa ang cancer nito? Paano kung hindi mag-respond sa mga gamot ang katawan ni Maggie?
Pero siyempre ay hindi nagpapakita ng pagkamahina si Nikki kay Maggie. She had to be strong in front of her. Kaya kahit na naiiyak na siya kanina pa ay pinigil niya ang sarili. Pulos galit ang lumabas sa kanya. Dumating ang daddy ni Maggie at ibinuhos niya ang lungkot at pag-aalala sa paninisi dito. Maging ang mga doktor ay napagbuntunan din niya. Dalawang ulit niyang pinaulit ang tests sa mga ito para masiguro na tama nga ang sinasabi ng resulta ng lab tests ni Maggie.
Ngunit kahit paano—mga one percent lang—ay natuwa siya dahil nagkausap at nagkaayos na si Maggie at ang daddy nito. Gising na si Maggie at iniwan niya itong kausap ang ama sa hospital suite nito. Naroon din si Yaya Loring—ang ever loving na yaya ni Maggie—na ayaw iwan ang alaga sa loob. Gusto sana ni Nikki na hilahin palabas ng kwarto si Yaya Loring dahil iyak ito ng iyak pero ayaw talaga nitong iwan si Maggie doon.
Si Nikki naman ay kinailangang lumabas dahil pakiramdam niyang sasabog na ang dibdib niya kapag hindi pa siya nakaiyak. Kaya paglabas na paglabas niya ng kwarto ni Maggie ay agad siyang humagulhol. She really looked like a dramatic actress that moment, habang naglalakad siya patungo sa hospital chapel para magdasal.
I can’t lose her, paulit-ulit na sabi niya sarili.
“Wala ka bang pamilya para makasama sa check-ups at chemo mo, Mr. Eusebio? I’m sorry. I just have to ask. Baka kasi mangyari na naman ang katulad nang dati na hindi namin alam kung sino ang kakausapin tuwing nasa kritikal na lagay ka,” anang isang tinig na nanggagaling sa isang hallway na nadaanan ni Nikki.
Nakuha niyon ang atensyon niya dahil sa narinig niyang apelyido na ginamit ng boses na marahil ay nang isang doktor—“Eusebio”. Kaya napatigil si Nikki sa paglalakad. Pero hindi niya napaghandaan ang sinabi ng sunod na nagsalita—lalo na ng makilala niya ang tinig nito.
“Well, I have my driver Tonyo. I trust him and I trust you with all my life, Doc.”
Papa. Ano’ng ibig niyang sabihin? tanong ni Nikki sa sarili nang makilala ang tinig ng kanyang ama. Hindi na siya nagdalawang-isip pang tingnan kung totoo bang boses nito ang narinig niya kaya tsinek niya ang hallway na iyon. Noon niya nakita ang kanyang amang kausap ang isang matandang doktor.
“Papa?” tawag niya rito. Tila naman nakakita ng multo ang kanyang ama nang makita siya. Gulat na gulat ang hitsura ng mukha nito.
“Nikki! Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong nito sa kanya. Pero hindi niya muna pinansin ang tanong nito. Tuluyan na siyang lumapit sa dalawang lalaki. Binalingan agad niya ang doktor. Puno ng pag-aalala ang dibdib ni Nikki.
“Ano po’ng sinasabi n’yong tuwing nasa kritikal na lagay ang papa ko?”
“Nikki…”
“Well, your father has cancer. At pangalawang beses na ito sa kanya,” tapat na sabi ng doktor. Kaya pala payat ang papa niya ngayon. “You’d do all of us a favor kung magiging regular ang pag-inom niya ng mga gamot, kung pupunta siya sa regular check-ups at chemotherapy niya. Kailangang maging healthy at stable ng katawan niya habang ginagawa namin ang chemo niya. Kailangang maalagaan siya. Pero walang sumasama sa kanya. Siguro ay hindi siya napu-push at ngayon ay nakumpirma ko na kung bakit. Hindi n’yo alam ang tungkol sa sakit niya. Family is essential to a patient’s condition. So, please be there for your father,” mahabang litanya ng doktor.
Nikki looked at her father and unexpectedly, her heart went out for him. Kung ano ang naramdaman niya nang malaman niya ang tungkol sa sakit ni Maggie kanina ay ganoon din ang nararamdaman niya ngayon. Hirap na hirap siyang huminga. It’s as if some thing was sucking her soul out of her. Bakit naman dalawang magkasunod na pagkakataong ganito pa ang nangyari ngayon? Hindi siya handa.
“B-bumalik ang cancer niya?” nauutal na tanong ni Nikki sa doktor.
“Yes. Katatapos lang naming isagawa ang CT-scan, MRI at ultrasound, at ayon sa mga resulta ay kumalat na sa liver at brain niya ngayon ang cancer cells kaya kailangan na niya agad na ma-chemo,” paliwanag ng doktor. Marami pa itong ipinaliwanag sa kanya pagkatapos pero hindi na niya masyadong maintindihan ang mga iyon.
Ganoon pala iyon. No matter how much you hate a person, there would come an instance when you’d totally forget all the hate you’ve felt for them. Ganoon ang naramdaman niya sa kanyang mga nang mga oras na iyon. Malaki ang kasalanan sa kanya ng papa niya pero tila ba parang bulang naglaho na lang iyon sa alaala ni Nikki. Seeing his father in a state like that, hearing about his illness made her sick and weak too. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagsisisi ng oras na iyon. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit kailangang pagdaanang mag-isa ng kanyang ama ang sakit nito.
“I didn’t want you to know,” anang Papa Nichol ni Nikki nang silang dalawa na lang habang nakaupo sa isang bench sa hallway ng ospital.
“Obviously,” sarkastikong sabi niya rito.
“Karma ko na yata ito dahil sa ginawa ko sa inyo ng mama mo.”
Napabuntong-hininga si Nikki. Tila hindi na big deal sa kanya ang tungkol sa kasalanan nito. Sa totoo lang, wala na siyang pakialam doon ngayon. Parang ang mahalaga na lang sa kanya ngayon ay ang kalagayan nito.
“Kailan pa? I mean, ‘yong una?” tanong niya rito. Pakiramdam ni Nikki ay napakasama niyang anak. Oo at galit siya sa kanyang ama dahil sa ginawa nitong pagtataksil sa kanyang ina noon, sa ora-orada nitong pagdedesisyon sa future niya na pinayagan din naman niya, pero ama niya ito. And he was sick.
“Natatandaan mo ba no’ng humingi ako ng annulment sa mama mo noon? This was almost a decade late but I’m really sorry for that. Hindi ko dapat ‘yon sinabi sa harapan mo pa. No’ng nakikipag-annul ako sa mama mo, noon ako unang na-diagnose. At maliban sa lungkot ay guilt ang naramdaman ko ng mga panahong ‘yon. Naisip ko na hindi na kayo dapat pang mag-suffer dahil sa sakit ko. Labis na kayong nahirapan at nasaktan dahil sa pambababae ko. Naisip kong ‘yon na ang karma ko kaya hindi na kayo dapat pang madamay. I’ve battled with cancer for almost two years. Gumaling na ako pagkatapos. Eight years na akong cancer survivor. Pero heto ngayon at bumalik na naman siya. Na-miss yata ng cancer ang katawan ko,” kwento ng Papa Nichol ni Nikki. Hindi siya natawa sa huling hirit nito.
Guilt and regret were the feelings Nikki feel the most now—although she knew she had nothing to be regretful for. May kasalanan talaga ang kanyang ama noon. But there was that nagging feeling inside her that’s telling her to be guilty. Siguro ay dahil sinuntok at iniwan talaga niya noon ang papa niya kung kailan kailangang-kailangan pala siya nito. Hindi kasi niya alam. And maybe that very same reason was her guilt. She didn’t know, and all this time, she’d been doing nothing but hate him.
“I’m so sorry, papa,” umiiyak na sabi ni Nikki sa kanyang ama. Hindi na niya napigilan pa ang mga luha para sa sinapit nito. Agad naman siyang niyakap nito at hinagod ang kanyang likod para patahanin siya. Nikki remembered those times—when she’s still a kid and she didn’t know anything about his crime—when he used to do that everytime she cries. She missed those times.
Minsan talaga, mas mabuting hindi mo alam.
“Hindi ka dapat nagso-‘sorry’ sa’kin. Ako ang dapat na mag-‘sorry’ sa’yo habang ako’y nabubuhay. Malaki ang kasalanan ko sa inyo ng mama mo,” anang Papa Nichol niya.
“Did you love her?” pagkuwa’y tanong niya rito.
“Of course, I loved her. Kaya ko nga siya pinakasalan at kaya nga nandito ka ngayon. But we’re just not the—“
“’It’ for each other. Yeah. Ganyan din ang sinabi ni mama sa’kin,” putol ni Nikki sa iba pang sasabihin ng kanyang ama dahil pamilyar na siya sa litanyang iyon. Ngumiti ito sa kanya pagkatapos.
“Masaya ako dahil nakahanap na siya ng isang lalaking mag-aalaga at magmamahal sa kanya habang-buhay. She deserved it. At gano’n din dapat ang mangyari sa’yo. Teka, kumusta na nga pala kayo ni Chace?”
“We’re okay.”
---
It always sucks to be second, especially to the one you love. The feeling of not being their first would put a hole in your chest and it’d feel like someone had poached your heart, beat you down, gone past you to the finish line. But it’s not actually the end. Being second means you have all the chance and opportunity in the world to prove to them that you’re the right one. Being second means you have a shot to be their last, and you have to do everything to be their last.