PAGKAUWI ni Nikki sa kanilang bahay ay hindi pa rin mabuti ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya’y parang dala rin niya ang sakit nina Maggie at ng kanyang Papa Nichol. Kaya naman naluluha pa rin siya kapag naalala ang mga sinabi ng doktor at ang naging pag-uusap nila ng kanyang ama. Pagkarating ni Nikki sa sala ng kanilang bahay ay nakita niyang naroon na si Chace at agad itong napakunot-noo pagkakita sa kanya. Kaya agad niyang pinahiran ang basa niyang pisngi.
“Nikki? What’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Chace. Isa iyon sa mga bagay na napansin niya mula nang makasama niya sa iisang bubong si Chace. Gentleman ito at maalalahanin. Kaya siguro maraming babae ang nagkaka-gusto dito. She really couldn’t blame him.
“Kagagaling ko lang sa ospital. Maggie has leukemia,” malungkot na sabi niya rito. Dapat ding malaman ni Chace ang tungkol sa sakit ni Maggie dahil magkaibigan din ang mga ito. And Maggie needed all the love she could have now.
Agad na bumalong ang matinding lungkot na may bahid na pagkabigla sa mukha ni Chace. “Paano nangyari ‘yon? Maggie looked like a little china doll, pero hindi ko akalaing magkakaroon siya ng gano’ng sakit. Kumusta na siya? Nasa ospital pa rin ba siya ngayon? Bakit hindi mo ako tinawagan kanina?”
Nakagat ni Nikki ang pang-ibaba niyang labi. Naging inconsiderate ba siya sa maaaring maramdaman ni Chace at nang iba pang kaibigan ni Maggie sa hindi niya pagtawag sa mga ito para ipaalam agad ang lagay ni Maggie?
“Hindi pa malaman kung ano ang cause ng sakit niya pero baka daw hereditary ‘yon dahil may leukemia din pala noon ang auntie ni Maggie sa mother side. Hindi naman acute ang leukemia niya pero siyempre, kailangan pa ring ma-prevent ang pagkalat ng cancer sa katawan niya. Kailangan lang muna niyang ma-confine sa ospital ngayon. Ang sabi ng mga doktor, susubukan daw nilang bigyan ng espesyal na gamot si Maggie para tingnan kung magiging effective iyon sa kanya. Kung hindi ay kailangan niyang i-chemo. Maggie’s okay. Nagkaayos na rin sila ng papa niya,” paliwanag ni Nikki kay Chace.
“Well, at least, something good happened,” sabi ni Chace. Pagkuwa’y lumapit si Chace kay Nikki at walang anu-anong niyakap siya. Nagulat siya sa ginawa nito pero dahil doon ay tila naging awtomatiko naman ang pagtulo pa ng mga luha ni Nikki. “You should’ve called me. I should’ve been there for you. I’m sorry.”
Nikki’s cold heart felt suddenly warm with what Chace had said and done. She felt comforted and it was what she needed right now—Chace’s warmth, care and comfort. Though she wasn’t ready for this side of Chace, she accepted his comfort.
Dahil doon ay iniiyak pa niya ang lahat ng kinimkim niyang luha at bigat sa harapan ni Maggie kanina. Iniiyak din niya ang kaalamang hindi lang si Maggie ang magsa-suffer ngayon kundi ang kanyang ama. This was the most sorrowful day of her life. Natalo ng araw na ito ang araw kung kailan humingi ng annulment ang Papa Nichol niya sa kanyang ina. Natalo ng araw na iyon ang araw kung kailan nagtapat sa kanya si Adrien nang kataksilan nito, kung kailan napahiya si Nikki sa kanyang sarili at pati na rin kina Chace noon.
“Everything happens for a reason. Don’t worry, Nikki. I’ll be here for you. I promise,” masuyong sabi ni Chace sa kanya habang yakap pa rin siya.
Nang mahalata ni Nikki na parang masyado na yatang matagal at parang nagiging komportable na sila ni Chace sa posisyon nila ngayon ay kumalas na siya sa yakap nito.
Pero muli naman siyang hinapit ni Chace pabalik sa dibdib nito at muling niyakap ng mahigpit. His warmth enveloped the whole of her again. At tila nasasanay na rin siya sa yakap nito—in just a brief moment.
“Feel free to cry on me anytime. Basta ‘wag lang dahil sa’kin ha,” ani Chace. Pero pinili ni Nikki na magpaka-safe ngayon—as always. Muli siyang kumawala mula sa yakap ni Chace. Napangiti lang naman ito sa kanya. Pagkuwa’y walang anu-anong hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi gamit ang dalawa nitong kamay. He wiped away her tears gently, tenderly. “You’re even more beautiful when you cry.”
Tiningnan ito ni Nikki ng masama pagkatapos. Pakiramdam kasi niya’y niloloko na naman siya nito. “Kung inaakala mo’y mapapabilang ako sa mga babae mo, mangarap ka na lang dahil hindi mangyayari ‘yon!”
“Geez! I thought we’re okay one moment and then, you’d go berserk on me again,” napapailing na sabi ni Chace. “Gusto mo ng ice cream? Bumili ako kanina. O gumawa na lang kaya tayo ng s’mores? Comfort food mo ‘yon, ‘di ba?” pagkuwa’y sabi nito.
“Ako na lang ang gagawa,” sabi ni Nikki. It was her way of saying “thank you”. Pagkatapos ay naalala niyang may kailangan nga pala siyang itanong kay Chace. “Nakita ko si papa kanina sa ospital at nagkausap kami.”
Tinatantiya niya kung ano ang magiging reaksyon nito. Kung kukumpirmahin ba nito ang mga nalaman niya kanina mula sa kanyang ama tungkol sa totoong rason ng kanilang “kasal”.
Nikki’s father sold his company to Chace’s dad. Kaya na-acquire na ng Shield Builders ang kompanya ngayon. Dahil kailangan ng papa niya ang pera sa pagpapagamot at dahil naloko pala ito ng isang babae nito na nagtatrabaho sa kompanya. Nagdispalko ng malaking pera ang babaeng iyon at kumabit lang ito sa papa ni Nikki para magawa ang misyon. Her father made the wrong move to trust that woman.
Dahil magkaibigan ang papa ni Nikki at ang daddy ni Chace, gumawa ng paraan si Bernard Owens para kahit papaano’y maging sa kanila pa rin ang kompanya ng kanyang ama. Hence, her and Chace’s marriage. At hindi niya iyon nagustuhan.
Kung dati’y hindi nakaramdam ng kahit anong guilt si Nikki sa pagpapakasal nila ni Chace, ngayon ay punong-puno na ng guilt ang puso niya. Naging instant liability pa siya ni Chace dahil sa ginawa ng kanilang mga ama. May rason siya kung bakit ginusto niyang magpakasal kay Chace—to save her pride. Pero ano naman kaya ang nagtulak kay Chace para pumayag na pakasalan siya? Ano ang kasunduan ni Chace sa daddy nito?
“Bakit ka pumayag na magpakasal sa’kin, Chace? What’s in it for you?” tanong ni Nikki kay Chace.
“Hindi ba pwedeng gusto ko lang?”
“I’m serious.”
“Hindi ka naniniwalang dahil gusto ko kaya kita pinakasalan?”
“Fine. Ginusto mo na akong pakasalan. Alam mo, kung ayaw mong pag-usapan natin ang rason kung bakit mo nga ako pinakasalan, sabihin mo ng maayos. Madali naman akong kausap. And for whatever your reasons are, thank you for saying ‘yes’,” inis na sabi ni Nikki kay Chace pagkuwa’y walang lingon-likod na umalis doon. Pero narinig pa niya ang huling sinabi ni Chace.
“You’re still hurting, Nikki. I don’t want you to believe something you didn’t want to believe in. Kung anuman ang rason ko kung bakit ako pumayag na magpakasal sa’yo, know that it all led to where we are right now. I chose this to happen, Nikki and I’m good with everything we have right now.”
Several months later...
“DON’T BE cynic about love, Nikki,” paulit-ulit na nagri-ring sa isipan ni Nikki ang sinabing iyon kanina ni Maggie habang nakatitig siya sa diary at charm bracelet na ibinigay ng kaibigan sa kanya. Ayon kay Maggie ay makakatulong daw sa kanyang love life ang charm bracelet na iyon.
Pero paano kung ayaw niyang maging maayos ang kanyang love life? How couldn’t she be cynic about love when she felt like she had the worst experience? Pero ayaw niyang sabihin iyon ng diretso kay Maggie dahil iniiwasan niyang ma-frustrate ito. Maggie looks more fragile than ever now and she should do everything to protect her—even from misery and worries.
Napabuntong-hininga na lang si Nikki saka binuksan ang diary. Alam niyang wala pa iyong laman at gusto lang sana niya iyong damhin para pag-isipan kung magsusulat ba siya roon o kung ano ang mga isusulat niya roon nang manlaki ang kanyang mga mata sa mga katagang nakasulat doon.
Dearest Marsh,
Forgiveness is a choice and so are second chances. Chace loves you. Sa tingin ko ay dapat mo nang malaman ‘yon. Nakaka-frustrate na kasi kayong makita na walang ibang nangyayari. He loved you way before Adrien loved you.
Love,
Maggie
Oh my fucking heart! hiyaw ng isipan ni Nikki. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapa-tanga lang sa diary ng mga oras na iyon. Bahagya pang napaawang ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala sa nakasulat doon. Lalo na ang puso niyang hindi naging handa sa rebelasyong iyon.
Siguro ay nagsisinungaling lang si Maggie. Pero kilala niya si Maggie. Hindi ito magsisinungaling sa kanya at hindi nito gagawing biro ang ganoong bagay. Alam nito kung gaano ka-sensitive na topic para sa kanya ang pag-ibig.
It’s Chace. He’s…
Your husband, anang isang bahagi ng isipan niya.
But Chace was Adrien’s friend. He wouldn’t…love me.
“He loved you way before Adrien loved you,” sabi ni Maggie sa diary na lalo lang nakapagpa-windang sa buong sistema niya. Kaya ba palagi na lang nag-aalala sa kanya si Chace?
Hindi alam ni Nikki kung anong emosyon ang kanyang bibigyan ng atensyon. Ang inis na nararamdaman niya kay Chace dahil minahal siya nito—wala itong karapatang makaramdam ng pagmamahal sa kanya lalo na’t hindi niya matutugunan ang nararamdaman nito—o guilt na naramdaman niya dahil pinakasalan pala siya ni Chace dahil mahal siya nito at hindi lang dahil sa makukuha nitong mana? The latter dawned on her.
Guilt flooded inside her. Pinakasalan siya nito dahil mahal siya nito! Ibig sabihin ay hindi lang mga banat at panlalandi ang mga sinasabi nito sa kanya noon? At wala siyang ibang ginawa kundi ang magdulot dito ng sakit dahil hindi niya ito pinapansin. She had chosen to ignore him when all he’d done was love her. She had used him for her own benefit, and that feeling sucked hard. Mahirap tanggapin na nakakasakit ka ng isang tao.
Pero hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mong gustuhin siya dahil lang mahal ka niya. Hindi mo kailangang baguhin ang pagtingin mo sa kanya dahil lang do’n, anang isang bahagi ng isipan niya.
Fan-fucking-tastic! My ‘husband’ loves me and I was such a bitch to him. Paano nakatagal si Chace sa ugali niya? Sa kanya?
“Okay ka lang?” Napapitlag si Nikki dahil sa gulat nang marinig ang tinig na iyon ni Chace. Hindi niya namalayan ang presensiya nito. “Kanina pa kita pinagmamasdan. May problema ka ba? What’s wrong?”
“Do you love me?” seryosong tanong niya rito. He looked taken aback but he smiled slowly at her as he scratched the back of his head. He looked so cute. Malayo sa tattooed demigod na palagi niyang nakikita dito.
“Yes, Nikki. I love you,” amin nito sa kanya.
“Bakit hindi mo sinabi sa’kin?” naninitang tanong niya rito.
“Would you want me to love you? Mula nang makilala kita, wala kang ginawa kundi ang itaboy ako palayo sa’yo. I guess I’m scared to be thrown out from your life this time. Kaya sinusulit ko na lang na makasama ka sa iisang bubong hanggang handa ka na. Dahil alam kong kapag nalaman mo kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo, hindi ka magda-dalawang-isip na makipaghiwalay sa’kin. I don’t want to risk the chance I only have with you. I did try though, but it wasn’t enough. Right now, I’m not scared anymore,” ani Chace.
Tinawid nito ang distansiya sa pagitan nilang dalawa, pero agad niyang nahulaan ang gagawin nito kaya bago pa man magkalapit ang kanilang mga mukha ay umiwas na siya rito.
“I’m sorry, Chace. I...You’re not supposed to love me. Dapat platonic lang ang relasyon nating dalawa. Nagpakasal lang tayo dahil sa isang kasunduan...para mai-save ang papa ko at para...para makawala ako sa nakaraan. Hindi dapat ganito ang mangyayari,” aniya rito.
Si Chace naman ang napabuntong-hininga ngayon. “Fine. I’ll give you time and space to think about all of this. But it doesn’t mean that I’m backing down on you. I’ll be waiting for you, Nikki.”
“I don’t want to love again, Chace. You know that. Ayaw kitang saktan kaya ayokong sagutin ang tanong mo. Ayokong maging unfair sa’yo. Baka kapag binigyan kita ng chance, hindi pa rin magbago ang isip ko. You’re a good guy, Chace. There are a lot of women out there who deserve you more than I do. You deserve someone better than me. You know, someone who’s not cold and unfeeling. I’m so fucked up. My family’s a mess, pati puso ko.”
“You have to try something else, Nikki. You won’t push me away with that. I’d stay with you. I know how fucked up you are and I’ve dealt with it. No matter how cold and unfeeling you’ve been. I know you. I know about your family, I know about how much you’re hurt about Adrien. But I loved you, nonetheless. Did you hear that? I love you.”
“See, ‘yan ang hindi ko maintindihan. Bakit ba ako pa kasi ang pinili mo? Bakit hindi na lang isang tao na nagmamahal din sa’yo ang minahal mo?”
“I’ll ask you the same question, Nikki. Bakit hindi ako ang mahalin mo? I love you.” Hindi alam ni Nikki kung paano iyon sasagutin. Actually, wala siyang maisip na isagot doon. “Sometimes, I just want to give up on you but I’d see you and you’d always make me fall for you all over again, even deeper than I did the last time. I’m willing to wait and I’ll wait for you,” seryosong sabi ni Chace.
Hindi na naman gumana ang isipan ni Nikki para sagutin ang sinabing iyon ni Chace. But her heart did—she felt like her heart went out for him as if Chace had knocked down all the ice surrounding it. But she didn’t know what to do about it. One thing’s for sure though, being loved by someone and knowing about it sure felt great.
Ito na ba ang effect nang charm bracelet na bigay ni Maggie? It’s real?
NAG-ANGAT nang tingin si Nikki dahil bigla na lang may nag-landing na tasa ng umuusok na kape sa mesang inookupa niya. Bigla kasi niyang naramdaman na feel niya ang lugar na iyon para makapag-design siya ng sapatos para sa susunod na collection ng pinapatayo niyang shoe line.
Noong una ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita pero sa huli ay napakunot-noo lang din siya sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Hindi siya makapaniwalang makikita pa niya itong muli. Lalong hindi siya makapaniwalang magpapakita itong muli sa kanya.
“Hi, Nikki,” kaswal na bati kay Nikki ni Adrien na para bang walang masamang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Sa halip na batiin ito’y itinulak lang niya pabalik sa gawi nito ang tasa ng kape, saka muli niyang hinarap ang diary ni Maggie at doon ipinokus ang buong atensyon. “Still cold, huh. Hindi pa rin pala nagtagumpay si Chace na paamuin ka.”
Lalong kumunot ang noo ni Nikki dahil sa huling sinabi nito. Anger instantly rose in her chest. “Hindi ako tupa na dapat paamuin. ‘Wag mo akong kausapin dahil ayaw kitang makausap. Ni ayaw kitang makita, Adrien,” malamig na sabi niya rito.
Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Adrien bago umupo sa tapat niya. Mataman siya nitong tiningnan, may paghingi ng tawad sa mga mata. “I’m really sorry about what I’ve done, Nikki. Wala akong excuse para do’n at hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako dahil alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko. Gusto ko lang na paulit-ulit na humingi ng tawad sa’yo.”
“Okay,” pagdi-dismiss ni Nikki sa dating nobyo. Nagtataka siya kung bakit bigla na lang niya itong nakita ngayon? Is this a sign?
“Nikki, gusto ko lang sabihin sa’yo na seryoso ako sa’yo noon. I loved you. Pero nang makita ko si Rica noon, nag-iba ang pakiramdam ko. Alam kong mahal kita pero matindi ‘yong naging impact niya sa’kin noon na hindi ko nabale-wala. Niloko ko din siya noon, Nikki. Hindi ko sinabi sa kanyang may girlfriend ako, katulad nang pagsisinungaling ko sa’yo noon. Hindi naging madali ang consequence ng mga ginawa ko. If it would make you feel better, hindi rin ako tinanggap ni Rica. I guess that pretty much paid all the pain I’ve caused you.”
Naalala ni Nikki ang sinabi ng mama niya noon tungkol sa “it” ng bawat tao. She and Adrien surely weren’t the “it” for each other.
“Honestly, good for you,” walang emosyong sabi niya rito.
“Congratulations sa wedding n’yo ni Chace. He loves you and I know he’s the right one for you. He’s going to make you happy,” sabi pa ni Adrien.
“You know what? I owe you something,” sabi ni Nikki kay Adrien habang tumatayo at inaayos ang mga gamit niya.
“Ano?” agad namang tanong ni Adrien.
Lumapit dito si Nikki at mataman itong tiningnan. Pagkuwa’y walang anu-anong sinuntok niya ito sa mukha. Sumakit ang kanyang kamay pero worth it naman ang sakit na iyon. “Now we’re even. ‘Wag ka nang magpapakita sa’kin sa susunod dahil hindi lang ‘yan ang aabutin mo sa’kin.”
Iyon lang at lumabas na siya na kuha ang atensyon ng buong coffee shop. But honestly, she didn’t give a damn.
---
Nothing beats the way you smile like how you touch my soul. Nothing compares to how you stare, the way you catch my breath. But nothing else matter when you held my hand as if you hold my heart.