SIGURO AY hindi pa handa ng buo ang sarili ni Nikki na magkaroon muli ng tsansa sa pag-ibig sa ikalawang pagkakataon, pero hindi naman siguro masama kung susubukan niya, hindi ba? Lalo na’t pakiramdam niya ngayon ay nagiging maayos na ang lahat sa buhay niya. Nikki felt as if Maggie’s charm bracelet didn’t just work on her love life, it worked on her entire life. Hindi naman siguro mali kung bibigyan niya ng tsansa si Chace. He already suffered too much from his unrequited love.
Iyon ba ang dahilan kaya bibigyan mo siya ng chance, Nikki? Dahil sa awa? You’re giving him false hope and you’d hurt him even more. Paano kung hindi mo siya magawang mahalin sa huli? Itutulad mo lang siya sa sarili mo noon. Dumped in the corner, sabi ng isang bahagi ng isipan ni Nikki.
Susubukan ko. Sinusubukan ko naman, sagot niya sa kanyang sarili. At totoo namang sinusubukan niya.
“Alam mo ba kung ano ang sabi ni Yaya Loring sa’kin? Daig pa daw kita. Ako ang may sakit, ako ang dapat na nahihirapan. Wala kang sakit pero ikaw itong hirap na hirap. I know I’m Chace-biased pero totoo naman na worthy si Chace ng chance mo eh. Kung bibigyang-pansin mo lang siya, I’m sure magugustuhan mo siya,” sabi ni Maggie kay Nikki kanina bago nito ibigay sa kanya ang diary.
Lahat yata ng tao na nakapaligid sa kanya ay Chace-biased. Pati ang mama niya. “May sinabi sa’kin si Chace noon na tumatak talaga sa isipan ko. ‘Loving someone means putting them first above everything else, no matter what.’ Pagkatapos niyang sabihin ‘yon, alam kong makabubuti siya sa’yo. Kung ako nga ikaw, na-in love na ako sa kanya noon pa.”
Ramdam na ramdam ni Nikki ang pagmamahal ni Chace kahit mula sa ibang tao. Pakiramdam niya’y napaka-manhid niya para hindi iyon mapansin noon pa man. Oh, well. Sinadya naman talaga niyang huwag bigyang-pansin noon si Chace. Everybody loves him. Siya na lang yata ang hindi. At least, not yet—wholly—but she does care for him.
Siguro nga ay malaking rason sa pagbabago ng kanyang isipan at pakiramdam ang kaalamang mahal siya ni Chace pero sino ba naman ang hindi matutuwa at gagaan ang pakiramdam sa kaalamang may isang taong nagmamahal sa’yo, hindi ba? Totoo, pagkatapos niyang malaman na mahal siya ni Chace ay nag-iba ang tingin niya rito. Gumaan ang pakiramdam niya rito. Nagkaroon siya ng pakiramdam na dapat niya rin itong mahalin pero hindi naman niya iyon ipinipilit sa kanyang sarili dahil alam niyang masasaktan lang niya si Chace sakaling iyon nga ang mangyari.
But Nikki was trying to get close to him. She was trying to see him. Because her heart swelled with so much tenderness knowing for a fact that Chace did love her enough to marry her. That he married her for love. At sinisisi niya ang kanyang sarili dahil hindi niya nakita iyon nitong mga nakaraang taon, dahil hindi niya hinayaang maramdaman iyon ng kanyang sarili.
“Hi. Kailangan mo ng tulong?” tanong ni Nikki kay Chace pagkalapit niya rito. Abala si Chace sa paghahanda ng kanilang hapunan—as usual, shirtless na naman ito. Alam niyang masarap itong magluto pero hindi niya alam kung saan ito natutong magluto. Hindi pa pala niya iyon naitatanong dito.
Nikki was getting to know Chace on a deeper level—something she was so scared of before. Pero katulad ni Chace, hindi na rin siya takot ngayon—okay, siguro ‘unti-unti na siyang hindi natatakot’ ang tamang sabihin. Dahil mayroon pa rin na parte niyang takot. Takot pa rin siyang ibigay ang buong sarili kay Chace, takot pa rin siyang magtiwala. Pero katulad ng sinabi niya kanina, sinusubukan niya.
“Okay lang. Kaya ko na ‘to. Maupo ka na lang d’yan. Just watch me. I like you watching me,” ani Chace na may pilyong ngiti sa mga labi. Kumindat pa ito sa kanya. Naiikot lang ni Nikki ang kanyang mga mata.
“I hate you baby-ing me,” aniya rito. Isa iyon sa mga bagay na ikinaiinis niya rito pero madalas ay ikinakikilig din naman niya. He makes her feel like she’s the most important person on earth. Malinaw pa sa isipan niya ang sinabi sa kanya noon ni Chace nang sabihin niya rito kung ano ang nararamdaman niya sa pagtrato nito sa kanya.
“That’s because you are the most important person in my life. I’d always put you first.”
Right there and then, Nikki knew that Chace truly love her. At oo, kinikilig siya.
“But I like to baby you, baby,” sabi ni Chace. Then, he chuckled. He looked so adorable. Bakit hindi ba niya nakita si Chace nitong mga nakaraang taon? “Nakapagpahinga ka ba ng maayos?”
“Yeah. Sorry kung napahaba ‘yong tulog ko. Pero dapat ginising mo ako para natulungan kita dito,” aniya rito. Mag-a-alas-siete na ng gabi at patapos nang magluto si Chace. Wala man lang siyang naitulong dito. Day-off kasi ni Jelay ngayon.
Weekend ngayon pero buong araw siyang nasa labas kasama si Maggie. Kaninang umaga ay nagliwaliw sila dahil kahit paano ay gusto daw maging normal pa rin ni Maggie. Pero kinahapunan ay pumunta sila sa ospital para isagawa ang treatment nito kasama na sina Yaya Loring, Chace at ang papa ni Maggie. Habang isinasagawa kay Maggie ang treatment at nakikita niyang nahihirapan ito’y nahihirapan din siya. Nare-relay kay Nikki ang sakit na nararamdaman nito. And it was draining her. Kaya pagkauwi nila ay agad siyang nakatulog at ngayon lang siya nagising. Bukas naman ay kailangan niyang samahan ang Papa Nichol niya para sa pre-chemotherapy session nito.
“Hindi na kailangan. Kaya ko naman ‘to. Tulungan mo na lang akong gumawa ng avocado ice candy mamaya. Nanggaling kasi ako sa bahay kanina bago ko kayo pinuntahan sa ospital. Kaya nabigyan ako ni mommy ng avocado galing sa farm nila sa probinsiya. S-in-uggest niya na gumawa daw tayo ng ice candy,” ani Chace.
“Talaga? Sure. Alam mo, madalas kaming gumawa ni mama ng gano’n dati. Lalo na no’ng bata pa ako. Paborito nga namin ‘yon ni papa eh,” kwento niya kay Chace bago pa niya ma-realize kung ano ang sinasabi niya rito. She never talked about the happiness of having a complete family with anyone else except Maggie before.
“I know. Sinabi sa’kin ni Maggie,” ani Chace. “Pwede mo akong kausapin tungkol sa kanya katulad ng ginagawa mo kay Maggie, Nikki. I can be Maggie for you.”
“Hindi ko ma-imagine,” aniya rito.
“Ah, iba nga pala ang ini-imagine mo tungkol sa’kin,” sabi ni Chace na pilyo ang ngiti.
“What?”
“Alam mo ba kung bakit madalas akong nakahubad?”
“No. But I’ve been wondering.”
“Hindi mo talaga alam? Wala kang kaide-ideya?”
“Gusto mo lang i-flaunt ang katawan mo na maraming tattoo?”
“Ouch. I was hoping you’d say ‘your awesome hot body’. I can dream, you know.”
“Ego, Chace.” Pero aminado si Nikki sa kanyang sarili na totoo ang sinabi ni Chace. He really has an ‘awesome hot body’.
“I meant to seduce you. Pero mukhang hindi naman nag-work. Obviously. Damn. Hindi na lang sana ako na-fascinate na magpa-tattoo noon kung alam ko lang na ikate-turn off ‘yon ng babaeng mahal ko.”
‘Mahal ko’. Ikaw ‘yon, Nikki, pagdidiin ni Nikki sa kanyang sarili.
“Okay lang naman. It actually looked…gustong-gusto mo talaga na pinupuri ka ‘no? Hindi pa sapat sa’yo ang pagpuri mo sa sarili mo.”
“Isa lang naman ang gusto kong marinig na papuri eh, ‘yong galing sa’yo. So come on, pagbigyan mo na ako. Say something nice about me.”
“You look nice,” aniya rito. Natawa siya ng ngumuso ito sa kanya. Pagkuwa’y bigla na lang siyang napahinga ng maluwag. Hindi niya alam na ginawa niya iyon, nangyari na lang. Her body was acting weird, but she missed feeling like this—light, cared for and definitely loved.
“I can also do things that are nice,” pilyong sabi ni Chace. That she was sure of.
“I don’t want to talk about it. Anyways, ano nga pala ang story behind your tattooes?” curious na tanong ni Nikki dito.
Itinuro ni Chace ang indigo Aztec tattoo nito sa kanang braso na nagsisimula sa likod ng balikat pababa sa may siko nito. “This was my first tat. I got this when I was eighteen. Nainggit ako sa bully kong kaibigan na may malaking dragon tattoo sa likod niya. I thought it’s cool to have a tattoo so I decided to have one. Pa-cool lang.”
“Hindi ba masakit magpa-tattoo? At permanente na ‘yan, ‘di ba?”
“Masakit sa una at permanent na ang lahat ng tattoo ko. But it’s my way of expressing my self. It’s my way of remembering something or someone,” paliwanag ni Chace. Tumalikod si Chace at nabasa niya ang tattoo phrase na “I believe I can fly” kasama ang isang “W” na mukhang isang angel wing. “Natalo ako sa isang pustahan kaya nagkaro’n ako ng tattoo na ganito. The angel wing only made it worse. Dalawa ang mga kaibigan kong naka-pustahan ko noon kaya may partner ito,” sabi ni Chace. Humarap si Chace kay Nikki pagkatapos at itinuro nito ang five stars tattoo sa may puson nito na hindi natatabunan ng waistband ng boxers ni Chace.
“Ano’ng pustahan?”
“May apat akong naging kaklase at kaibigan no’ng nag-aaral ako sa States. ‘Yong dalawa sa mga ‘yon ang nakapustahan ko, ‘yong isa ang napagpustahanan namin. May nililigawan siyang babae. Sabi no’ng dalawa, hindi daw sasagutin no’ng babae ang kaibigan namin. Sabi ko naman, sasagutin din ‘yon. And you know the result. Mga luko-luko ‘yon! Hindi ko akalain na ganito ang ipapalagay sa katawan ko,” natatawang kwento ni Chace.
Sunod na ipinakita ni Chace kay Nikki ang mga daliri nito sa kaliwang kamay. Maliban sa thumb finger ay naka-spell ang salitang “gran” sa apat na daliri nito. “This is to honor my grandmother. I’ve loved and respected her so much. Siya ang nagturo sa’min ni Race na magmahal ng tunay. Grabe ang paniniwala niya sa love. At namana namin ‘yon sa kanya kasi sa kanya din kami lumaki eh.”
“Talaga? Maybe I should meet her,” sabi naman niya rito.
“You should’ve met her. Pero wala na siya eh. Nagkaro’n siya ng brain cancer noon. The saddest part was, we never had a proper goodbye. Hindi na kasi niya kami nakilala noong bago siya mawala. Kalat na kalat na kasi ang cancer cells sa buong utak niya kaya naapektuhan ang memory niya. Actually, hindi na rin siya nakapagsalita pa afterwards. It was painful. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon dahil kay Maggie at sa papa mo,” malungkot na sabi ni Chace.
“I’m sorry about your grandmother. But remember this, we never actually forget,” pangongonsola ni Nikki kay Chace. Kasabay niyon ang pagbuhos ng takot sa dibdib niya para sa kanyang Papa Nichol.
“Thanks! Ngayon ay may panghahawakan na akong hindi mo talaga ako kailanman malilimutan,” sabi ni Chace saka kumindat sa kanya. Napatanga lang si Nikki dito. Hindi niya akalaing maisisingit pa nito ang pagdiskarte sa ganoong usapin.
Pagkatapos noon ay ipinakita sa kanya ni Chace ang gilid ng rib cage nito na may maliit na cage tattoo kung saan nakapa-loob ang isang puso. Katabi niyon ang may kaliitan ding “N”. “Because you’ve caged my heart,” masuyong sabi ni Chace.
“What?”
“I got this because of you. It comes with this,” ani Chace saka ipinakita sa kanya ang magkabilang wrist nitong may naka-tattoo na chained letters. At kung titingnang mabuti ang mga letrang iyon ay makikitang inverted at cursive na “nikki” ang nakalagay doon. “This is to express and show how much I love you. And even if I forget, I’d always remember you.”
Walang ibang nagawa si Nikki kundi ang mapatanga kay Chace pagkatapos niyon.
“I THINK cookies and coffee match well together. Alam mo kung ano na lang ang kulang?” bungad na tanong ni Chace kay Nikki.
Kagagaling lang nito sa kusina dahil kumuha ito ng makakain nila—cookies and ice cold coffee dahil naubos na nila ang ginawa nilang s’mores kanina. Kasalukuyan silang nanood ng movie sa Star Movies at commercial break pa kaya nagkaroon ito ng oras para kumuha ng makakain.
“Ano?”
“Cream. Cookies ‘n cream, coffee with creamer, gets?” sagot ni Chace nang makaupo ito sa tabi ni Nikki.
“Ah,” tumatangong sambit niya. Pero alam niyang dumi-diskarte lang ito sa kanya.
“We’re like Oreo cookies.”
Napakunot-noo siya dito. “Bakit?”
“We’re ‘better together’,” nakangiti at masuyong sabi nito sa kanya. Pinigilan ni Nikki na mapangisi dahil sa ka-corny-han nito. Naabutan pa pala nito ang commercial ng Oreo na katatapos lang ipalabas sa TV na siyang may tag line na “Better Together”.
“Okay. Ang corny mo talaga!”
She straightened her back and did some stretching. Kanina pa kasi sila nakahiga kaya pakiramdam niya’y ngalay na ang buong katawan niya. Idinipa niya ang kanyang mga braso para i-stretch ang mga iyon.
“You’re teasing me aren’t you?” sabi ni Chace sa likuran niya. Hinarap ni Nikki si Chace habang ibinababa ang kanyang mga kamay.
“Ano’ng sinasabi mo?”
“Ginagawa mo ‘yong sa Titanic pose. Ayie, gusto mo ng back hug ‘no? It’s really popular these days,” nangingiting sabi ni Chace.
Tinaasan lang niya ito ng kilay. “’Kapal mo ha. Hindi ‘no!”
“Tumatanggi ka pa. O, halika na. Gawin na natin,” pangungulit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at muling pinihit paharap sa TV. Pero bahagya siyang lumayo dito at marahan itong itinulak palayo.
Pero dahil makulit si Chace ay umisod pa rin ito palapit sa kanya at bahagya nitong pinauna ang katawan niya. Payakap na inakbayan siya ni Chace mula sa likod pero pakiramdam ni Nikki ay kulang na lang ay kakalungin na siya nito. Hindi man iyon mala-Titanic ay pakiramdam naman niya’y mala-Titanic na lumubog—nahulog—ang puso niya rito. He didn’t give her a breather. Hinalikan pa nito ang buhok niya. Nararamdaman din niya ang tibok ng puso nito sa likuran niya. And somehow, their heartbeats seemed to be in sync.
“I know you weren’t teasing but I was teased and I just have to, need to, been wanting to do it,” pabulong na sabi sa kanya ni Chace. Nanayo ang mga balahibo niya sa kanyang batok at naroon na naman ang kakaibang lukso ng kanyang puso. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Chace. It sent her heart skyrocketing up high. “Gotcha! Tama nga ako.”
Naguguluhang bumaling si Nikki kay Chace dahilan para halos maglapat na ang kanilang mga mukha ngayon. “Huh? Bakit?”
“Hindi si Adrien o ang nakaraan mo ang dahilan kaya takot kang magmahal muli. Not entirely. Ang totoo, takot ka na mawala ulit sa control ang sarili mo. Okay lang ‘yon, ikaw naman ang may control sa’kin eh.”
As Nikki looked into Chace’s eyes, mischief was written all over it but there’s something more to it—love. “You really love me, don’t you?”
“Yes, Nikki. I do. All of me loves you,” masuyong sabi ni Chace.
A whole lot of nice feelings blossomed inside Nikki—especially in her heart. Pakiramdam niya ay siya ang pinakamaswerteng babae sa mundo dahil may isang lalaking nagmamahal sa kanya higit pa sa pagmamahal nito sa sarili. Pakiramdam niya ay gusto niyang maiyak sa pagka-overwhelm dahil kay Chace. Pero natatakot din siya para kay Chace. Paano kung mawala nito ang sarili dahil sa pagmamahal nito sa kanya? Paano kung hindi niya ito mahalin katulad ng pagmamahal nito sa kanya? Ayaw niya itong masaktan kahit wala naman siyang balak na saktan ito.
“Alam ko ang iniisip mo. Na masyado kitang mahal at baka kalimutan ko na ang sarili ko,” ani Chace. “Hindi naman problema ‘yon. I chose to love you that way. You just have to live with it or you could love me too. Pero siyempre, hindi ko naman ‘yon ipagpipilitan sa’yo. Just a piece of advice, the latter’s the best choice,” ani Chace saka kumindat sa kanya.
Mind-reader ba ito? Pero binigyan niya si Chace ng isang masuyong ngiti. “I think I’m beginning to like you.”
“’Like’ as in, fifty percent close to love?”
Umiling siya rito. “No, about twenty.” Iyon ang isang bagay na gusto niya sa relasyon nila ni Chace. Walang pretensions, hanggang maaari ay tapat sila sa isa’t isa.
“Fuck—oh, sorry. Oh, wow,” tila hindi makapaniwalang sabi ni Chace. May pakiramdam siya na gusto siya nitong halikan pero pino-proseso pa ng utak nito ang sinabi niya.
“’Wow’?” Hindi naman talaga nasusukat ang pagmamahal o kung ilang porsiyento mo gusto ang isang tao. Pero iyon ang paraan niya para sabihin kay Chace na “I’m getting there”.
“Yeah, wow. Hindi ko in-expect ‘yon. Damn. Twenty percent? Heck, I’d beg for even one.”
Nakagat ni Nikki ang kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling maiyak sa mga oras na iyon. “I hate you, you know. You make me feel like I’m the best person to love when we both know I’m not. Alam mo kung ano ang feeling ko noon? Feeling ko ginamit lang kita and you’re so unfair for not telling me the real reason of why you married me then. But yeah, I get you.”
“Gusto kitang itaboy. Gusto kitang sermonan dahil bakit ako pa ang napili mong mahalin gayong marami naman d’yang ibang babae na mas okay kaysa sa’kin. Pero alam ko namang pagsisisihan ko kapag hinayaan kitang lumayo. I’m so lucky to have you. So, I know I’m gonna sound selfish but please hold onto me, Chace. I’m getting there—loving you.”
“You don’t have to ask me that. I’d stay with you even if you ask me to leave. Kahit ipahila mo pa ako sa sampung tow truck. You didn’t use me, Nikki. But if you want to, use me anytime you want. I’d stick with you, because this love I’m feeling for you, it’s a forever kind of love. So, kahit one percent love lang ang nararamdaman mo para sa’kin, okay na ‘yon. Didiligan ko na lang para tumubo pa.”
Pakiramdam ni Nikki ay umabot ang kanyang ngiti hanggang sa tainga niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Chace. Kaya hindi na niya hinintay pa na ito ang humalik sa kanya. Agad niya itong kinabig at siya na mismo ang humalik dito. She smiled at the back of her head. Nakaka-overwhelm din pala na minsan ay siya naman ang gumulat kay Chace.
The first kiss she initiated led to something more. Ironic and very surprising.
---
Loving someone means putting them first above everything else, no matter what. Iyong tipong kahit ikaw ang maghirap huwag lang sila ay gagawin mo. Iyong tipong kahit ikaw ang masaktan sumaya lang sila, okay lang para sa’yo. Because when you love someone, you’d have to love them with all you could give. Even if it costs you dearly.