Maggie's Diaries Series 3 Chapter 27

Present time

BUT AFTER those sweet moments and kisses, Chace just left. Nagpaalam ito kay Nikki na may isang buwang proyekto sa America pero hindi na ito bumalik pa pagkatapos. Nikki tried to call him. She tried so hard to have contact with him. Pero kahit ang pamilya nito ay naging aloof sa kanya. Hanggang sa pakiramdam niya’y nagmumukha na siyang tanga. Kaya tumigil na siya.

‘Tapos magtataka siya kung bakit hindi ako natututong mag-warm up sa kanya? Ha! I did you, asshole! Kung kailan natuto na akong mahalin ka, saka ka naman umalis! Hindi ko na kasalanan ‘yon. Hindi naman sa naghahanap ako sa kanya pero nangako siya noon. At umasa naman ako, pagkausap ni Nikki sa kanyang sarili matapos alalahanin ang mga importanteng nangyari noon.

Yes, I hate to admit it, pero umasa ako sa sinabi niya. Hindi ko sinabi kay Maggie ang tungkol dito dahil sigurado akong ipu-push niya kaming dalawa ni Chace na magkaroon ng “happy ever after” at ayokong mangyari ‘yon. Ayaw kong mahalin ako ni Chace dahil lang sa pagpu-push ni Maggie. But yes, I’ve given love another chance—back then—because of Chace and his ‘supposed to be love’, but I’d ended up shattered again.

“Ma’am Nikki?”

Nikki snapped at the sound of her name. Saka niya inilibot ang kanyang paningin sa meeting room ng kanilang opisina. Matamang nakatingin sa kanya ang mga tauhan niya. Shit! Nakalimutan niya kung nasaang lugar siya ng mga oras na iyon. At nainis siya dahil hinayaan niya ang kanyang sariling mawala sa huwisyo sa kalagitnaan ng importanteng meeting na iyon.

Pinag-uusapan nila ng team niya ang mga promo at events na dapat nilang bigyan ng sponsorship as a marketing strategy ng kanilang shoe line. Dapat ay doon naka-focus ang atensyon niya pero nag-‘go down the memory lane’ ang takbo ng utak niya. Isama pa ang sumisingit pa rin sa isipan niyang nangyaring eksena sa pagitan nila ni Chace kanina. It was affecting her as much as she hated to admit it.

Bakit kasi bigla na lang ulit bumalik si Chace? naitanong niya sa sarili. Sanay na siyang hindi ito nakikita. Sanay na siyang hindi nararamdaman ang presensiya nito. Sanay na rin ang puso niyang hindi na umasa. Pero heto ngayon at muli na namang bumalik sa dati ang lahat.

“I was just thinking about something…an important thing,” palusot niya sa kanyang mga empleyado kapagkuwan.

So, Chace is ‘important’? tila nanunukso namang tanong ng isang bahagi ng kanyang isipan. She cleared her throat and threw all those ‘wanderings’ away.

“Siguro naman agree tayong lahat na ang soap opera na ‘yon ang bigyan natin ng sponsorship. It’s a win-win situation for us. Mas makikilala pa tayo ng publiko dahil sa media exposure natin sa soap na ‘yon. Kailangan lang nating magkaro’n ng exclusive design para sa kanila na magagamit din naman natin for promos later on, right?” aniya sa mga ito ng makabawi siya.

Kaklase niya noong high school ang direktor ng soap opera—na si Benj Hernandez—na niluluto ng ZBN network ngayon tampok sina Cara Martinez at Camilla Pelaez. Malaking parte sa plot nang bagong soap ang shoe line company ng pamilya ng gaganapang karakter ni Cara at kailangan ng production team ng actual shoe line company na magagamit para doon. Lumapit sa kanya si Benj dahil nalaman nitong nagbukas siya ng sarili niyang shoe line company at hiningi nito ang tulong niya. Pabor naman sa kanila ang proyekto dahil kailangan lang naman nilang ipagamit sa mga ito ang warehouse, opisina at pangalan nila. Hindi daw naman gagambalain ng mga ito ang sarili nilang produksyon ng sapatos.Pero hiningi niya ang opinion ng kanyang team kaya heto sila ngayon.

“Agree. And since tapos na ako sa designs ko, pwede ko na siyang ipakita sa’yo mamaya,” excited na sabi ng beki co-designer niyang si Paula.

“That’s great! Dalhin mo na lang sa office ko mamaya,” nakangiting sabi niya rito.

Nag-report din sa kanya ang financial manager niyang si Laney at ang sales and marketing manager niyang si Brianna tungkol sa kanilang weekly sales report bago tuluyang natapos ang meeting na iyon. Bago mag-lunch mamaya ay may schedule siyang pagbisita sa tatlong branches nila sa Makati, Pasay at Quezon City kasama sina Brianna, Paula at ang secretary-assistant niyang si Gellie.

Yes, puro babae ang kanyang staff at karamihan din sa warehouse workers niya ay babae—except for Paula. Hindi pa siguro aabot sa sampu ang mga lalaking empleyado niya. Wala namang malaking rason kung bakit ayaw niya. Mas komportable lang siyang maging katrabaho ang mga babae at gusto niyang tulungan ang mga kapwa niya babae na magkaroon din ng sariling hanap-buhay.

O dahil hirap ka nang magtiwala sa mga lalaki, gagad ng isang bahagi ng isipan ni Nikki. Napapikit na lang siya ng mariin dahil sa mga isipin. Bakit ba nagiging melo-dramatic yata siya nitong mga nakaraang araw? Bakit isip siya ng isip tungkol sa mga bagay-bagay?

Well, siguro ay dahil wala lang akong makausap. I need to talk to Maggie. I miss her, aniya sa sarili. See? Pati ang sarili niya’y kinakausap na rin niya ngayon. Napailing na lang siya habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina.

“Ma’am, nasa loob po si Sir Chace. Kanina pa po niya kayo hinihintay,” sabi kay Nikki ng sekretarya niyang si Gellie nang dumaan siya sa harapan ng desk nito. Bigla tuloy siyang napatigil sa paglalakad. Kasabay niyon ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Shit! Ano’ng ginagawa niya dito? “Bakit daw?” tanong niya kay Gellie.

Sa kanilang opisina ay si Gellie lang ang nakakakilala kay Chace. Hence, ito rin lang ang may alam na may asawa na si Nikki. Minsan kasi ay kinailangan niya itong papuntahin sa kanilang bahay at nagkataong naroon din si Chace nang araw na iyon. Ang hindi alam ni Gellie ay kung ano ang totoong sitwasyon nila ni Chace.

“May dala po siyang pagkain. Hindi ka daw po kasi kumain sa bahay n’yo kanina eh,” sagot ng kanyang sekretarya na halatang kinikilig. Pero si Nikki, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya.

Hindi talaga kami dapat na nagkausap kanina, niya sa sarili. But she knew, deep inside her heart, that Chace came back with a big purpose. At tila alam na niya kung ano iyon, pero ayaw niyang umasa na naman.

“Okay. Sabihin mo sa kanya na may kailangan akong puntahan at hindi na ako bumalik dito kasi urgent ‘yon,” utos niya kay Gellie, just as her office door opened.

“Uh-huh. Are you making lying a hobby now?” bungad sa kanya ni Chace na halos magsalubong na ang dalawang kilay. Nagulat si Nikki. Hindi lang sa biglang pagbukas ng pintuan ng kanyang opisina kundi sa hitsura ngayon ni Chace.

Chace dressed decently—not that he doesn’t before—but in a formal kind of way. Kung pormal na nga bang matatawag ang polo at slacks na suot nito ngayon at hindi niya nakikita ang mga tattoo nito. Sanay kasi siyang makitang naka-t-shirt at maong na pantalon lang si Chace—at madalas ay nakahubad. Pero nakita na niya itong naka-suit and tie noong kanilang kasal. That and never again. Kahit pala dalawang taon na silang ‘nagsasama’ ay masosorpresa pa rin pala siya rito. But then again, she didn’t really know Chace. As in, really know him. At kung nakilala man niya ito noon, sigurado siyang marami nang nagbago dito ngayon. After all, matagal din itong nawala at hindi nagpakita sa kanya.

“Fine. Stare at me all day,” ani Chace.

Shit ka, Nikki! mura ni Nikki sa sarili. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Chace. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nagawa. She had been caught ogling Chace twice in front of him. Nakakahiya!

“Leave. I’m busy,” malamig na sabi niya rito. Pero hindi pa rin iyon sapat para pagtakpan ang kanyang nagawa lalo na’t pakiramdam niya ay nagba-blush siya ngayon. Pumasok si Nikki sa loob ng kanyang opisina at agad namang sumunod doon si Chace. Ini-lock pa nito ang pintuan. “Ano’ng ginagawa mo?”

“Besides, standing and breathing? Looking at you and now that I’m back, I think I’m gonna make it my hobby again,” sagot ni Chace. Diretsong nakatingin sa kanya ang kulay berde nitong mga mata. Agad din naman siyang nagbawi ng tingin dito.

Real stupid but it made her heart thumped like crazy. Not again. Noon na-realize ni Nikki na nasa panganib na naman pala ang puso niya dahil kay Chace.

‘Wag kang maniwala, Nikki. Ganyan din ang naging diskarte niya noon, paalala niya sa sarili.

“Wala ka bang matinong gagawin? Like work? Hindi porke’t marami kang pera ngayon ay magpapa-easy-easy ka na lang, Chace,” ani Nikki na binigyan pa kahit isang sulyap si Chace.

“I’ve already had enough, babe. Enough for the both of us, actually,” sabi naman ni Chace. Hindi niya alam kung alin ang uunahin niyang iproseso sa dalawang pangungusap na sinabi nito. Ang pagtawag nito sa kanyang “babe” o ang sinabi nitong marami itong pera.

Alam ni Nikki na mayaman ang mga Owens pero hindi pa rin dapat na magpaka-siguro si Chace na mananatili ang kayamanang iyon sa kamay ng pamilya nito. Ni hindi nga yata nagtatrabaho sa kumpanya ng mga ito si Chace dahil nasa Inked at Bright Lights ang focus nito. A business’ success is rare and every businessman should take good care of theirs.

Pinili na lang niyang huwag nang sagutin pa si Chace. She never should have talked to him earlier. Mas mabuti kasing may limitasyon ang relasyon nilang dalawa. Besides, aalis na naman ito at maghihiwalay din naman sila sa huli. Walang point para magkaintindihan at magkalapit pa silang dalawa.

“Hay, the cold treatment again.” Napabuntong-hininga si Chace pagkatapos. Tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. And she saw a pained expression in his eyes. It somehow mirrored her pain too. “I’m sorry. You might probably hate to hear this but I love you, still. And I’ve missed you so much. I want us to have...another chance. I want to try again.”

Nikki shot him a furious look. Wala itong karapatang magsalita nang ganoon kung aalis na naman ito ng matagal at babalik na para bang hindi ito matagal na nawala.

“Umalis ka na, Chace. Bakit ba kasi bumalik ka pa ulit?” mataray na sabi ni Nikki kay Chace. She knew it was harsh but it was her only way to hide her feelings away. “’Wag ka nang lumapit sa’kin at ‘wag na ‘wag mo na rin akong kakausapin kung wala ka rin namang gagawin kundi ang mangako pagkatapos ay aalis ng walang paalam kinabukasan.”

“I left and stayed away because…I have to,” malungkot na sabi ni Chace. Dama niya sa tinig nito ang hirap.

“You stayed away because you have to? So, sadya ‘yon? Ano’ng nangyari sa ‘I’d stay with you’ mo? Ano’ng nangyari sa ‘I love you’ mo na napako naman? Umasa ako, Chace. Dumating ako sa puntong bigyan ka ng chance noon dahil handa na ako. Pero nasaan ka? Oh, I’ve actually given you a chance. But you blew it. Hindi ko naman hiningi sa’yo ang lahat ng sinabi mo noon, ikaw ang nagsabi ng mga ‘yon. Pero nasaan ka nang mawala si Papa? Nasaan ka habang halos mamatay na ako sa lungkot, hirap at sakit noong mawala siya at nakikita kong naghihirap at nasasaktan si Maggie dahil sa sakit niya? You weren’t there when I needed you the most and you promised,” sumbat niya rito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sinumbatan niya ito.

“Alam mo ‘yong pakiramdam na takot na takot kang mahulog sa sanga ng isang puno? Pero may isang taong nangakong sasambutin ka. Nagtiwala ka naman. Kaya tumalon ka. Dahil umasa kang may sasambot nga sa’yo. Pero may nakita siyang interesanteng bagay o kung anuman na nakakuha ng atensyon niya kaya hindi ka niya nasambot. Alam mo ‘yong feeling na ipinaramdam niya sa’yong importante ka pero hindi naman pala? I’ve looked for you, Chace,” dugtong pa ni Nikki.

And Chace just stood there without knowing what to say. Titig na titig lang ito sa kanya. Kitang-kita ang lungkot at hirap sa mga mata.

“I’m sorry, Nikki. I’m sorry. But please don’t give up on me yet. At least, not yet. Minsan lang akong nawala. And I’d stay this time around, as long as I could,” pagkuwa’y nagsusumamong sabi ni Chace.

Pero napailing lang si Nikki dito. “Don’t ask me something you’re not capable to give in return.”

GUILT. Iyon ang dahilan kaya hindi makatingin ng diretso si Nikki kay Maggie. Dinner had been awkward. Lalo na’t silang tatlo lang nina Chace ang magkasalo sa hapag. Nang imbitahan siya ni Maggie ay hindi niya inakalang inimbitahan din pala nito si Chace. Ngayon ay naiwan silang dalawa ni Maggie sa paborito nitong sofa na nakaharap sa may garden ng mansion ng mga Sanchez. Chace was somewhere inside the house.

“Pinatawad na kita pagkatapos kong ma-realize na ginawa mo ‘yon para sa’kin, Marsh. And I can’t really hate you,” sabi sa kanya ni Maggie. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Nikki. Agad niyang niyakap ang matalik na kaibigan na hindi niya nakita sa loob ng isang linggo.

“I’ve missed you, Mallow,” masuyong sabi niya rito. Nikki was teary-eyed. Akala niya’y matatagalan pa bago siya nito mapatawad.

“Marsh” ang tawag nito sa kanya galing sa “marshmallow”. Ito naman ay si “Mallow”. May rason kung bakit iyon ang naging endearment nilang dalawa sa isa’t isa maliban sa naging magkaibigan sila dahil binigyan niya ito ng marshmallows noon. “Marsh” was a term for her being tough and harsh; “Mallow” for Maggie, her being soft and mellow.

“You know, forgiveness is a choice and so are second chances,” makahulugang sabi nito sa kanya nang magkalas sila sa pagyayakapan.

“Galing ba sa’yo ‘yan o sa mga diaries mo?”

“A little from both. At least, may natutunan ako, ‘di ba? Besides, malaki talaga ang naging tulong nila sa’kin,” ani Maggie. Happiness, faith and hope all together were visible in her eyes.

“I’m glad.”

“At natutunan ko rin na hindi dapat kita pinu-push na gawin ang isang bagay na hindi mo pa handang gawin. Pero please lang, choose to be happy. Work for it. Ayokong nakikita kang masaya lang dahil nakikita mo akong masaya o ang ibang tao. Be happy, Nikki. Give yourself another chance because you owe it to yourself. Stop sulking. Let go of the past, like really.”

“Hindi mo ba talaga ako pinipilit ng lagay na ‘yan?” natatawang sabi ni Nikki kay Maggie.

“Hindi. Kung pinipilit kita, kanina ka pa sana nakadikit kay Chace,” sabi naman ni Maggie. Pinanlakihan niya ito ng mata na ikinatawa lang naman ni Maggie. “Kailangan mong mabasa kung ano ang mga nilagay niya sa diary mo,” pagkuwa’y sabi ni Maggie na mukhang nadulas lang sa nasabi.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” kastigo niya rito. Napangiwi si Maggie pero ito iyong tipo na hindi magsisinungaling sa kanya.

“Fine. Nang bisitahin niya ako pagkauwi niya, ibinigay ko sa kanya ang diary mo. I’m sorry, Marsh. Hindi ko alam na gano’n ang nararamdaman mo noon. But you have to read his diary entries. Maiintindihan mo siya kung bakit kinailangan niyang manatili at magtiis noon na malayo sa’yo. I understand how he felt, what he’s feeling right now. Dahil gano’n din ang nararamdaman ko. I really hope na magkaayos kayo dahil may pag-asa pa. Never lose hope,” makahulugang sabi ni Maggie.

“Maggie, ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya sa kaibigan.

Pero sa halip na sagutin siya ni Maggie ay tumawag ito ng isang kasambahay ng mga ito at may pinakuha na kung ano sa kwarto ni Maggie. Pagbalik ng kasambahay ay may dala na itong kulay brown na notebook. At pamilyar na pamilyar kay Nikki ang notebook na iyon.

“Here. Chace made commentaries on some of the things you’ve written here. Give him a chance, Nikki. Give your love a chance again. Alam kong natutuhan mo na rin siyang mahalin noon,” ani Maggie kasabay ng pagbigay nito kay Nikki ng diary—o pagbalik nito sa kanya ng diary na halos dalawang taon na niyang hawak.

Sa halip na makaramdam ng relief ay natakot pa si Nikki paghawak ng diary na iyon. Pakiramdam niya ay sampung kilo ang naging bigat ng diary na iyon sa kanyang mga kamay. Pakiramdam niya’y hindi pa siya handa. Pero kailan pa siya magiging handa? Oras na para malaman niya ang rason ni Chace. Kung hindi nito iyon sasabihin ng diretso dito, sa diary ni Maggie niya malalaman ang lahat.

“I can’t believe na ginawa mo rin sa’kin ang ginawa natin sa walong babaeng kaibigan mo noon,” hindi makapaniwalang sabi ni Nikki kay Maggie.

Maggie was playing Cupid again. Tuwing may bumabalik kasi ditong diary noon ay ipinapadala nila iyon sa mga taong kailangang malaman ang totoo para magkaroon ng “happy ever after” ang mga ito. Hindi akalain ni Nikki na mangyayari din iyon sa kanya.

“Palalampasin ko ba naman ang chance na sumaya ka?” sabi naman ni Maggie.

“I’m scared, Maggie. Baka mangyari na naman ang nangyari noon. Kasi alam mo, uso ang pain-repeat sa’kin.”

“It’s only normal to feel scared. I did once. But don’t let it eat you.”

---

Life goes on and on. Complications and problems would always arise. You have to continue fighting and it’s amazing if you have someone you’d fight with. Someone you’d fight for. I’ve realized that now.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.