Maggie's Diaries Series 3 Chapter 28

NOTHING beats the way you smile like how you touch my soul. Nothing compares to how you stare, the way you catch my breath. But nothing else matter when you held my hand as if you hold my heart. Please take a chance on me, Nikki. Hindi mo kailangang magsinungaling para lang maging “okay” tayo. We can make it happen. Gagawin natin ang lahat ng isinulat mo dito.

---

Alas-singko na ng umaga. Pagkagising ni Nikki ay agad niyang binasa ang mga isinulat ni Chace sa diary ni Maggie. Ang phrase na iyon ay isa sa mga ikinomento ni Chace sa sulat ni Nikki sa diary ni Maggie. Ini-scan lang niya ang diary para hanapin ang mga sulat ni Chace at marami siyang nabasang phrases na hindi niya aakalaing si Chace ang nagsulat.

---

If you find that one person you feel like you’d cross over the world to, no matter how tough it might be, hold onto them and never let go. A feeling that would take over your heart by the second, catch your breath in a minute and hold your soul an hour later—that feeling is rare and most of the times, it stays true ‘til the end. So once you feel like it, keep it because it’s going to be worth it.

When you love someone, especially if they don’t love you back, you got to keep trying. At least, try to make them see you. Let them know you exist, and then you try to make them love you. Don’t worry, everything starts from scratch. And that’s how love usually works. You’d get a little, you’d win some more and before you knew it, you’d have it all. Have faith.

Love could be so twisted sometimes. It could turn you into one hungry beast aching for that one perfect feeling to be finally yours. But you know, it would take time. A lot of time and patience for you to finally have it. And sometimes, you’d be tempted to cheat on love. You’d do things that are beyond your limits because you think it’s the right thing to do, but it’s not. Sometimes, you don’t need the perfect love. You just need to be loved.

It always sucks to be second, especially to the one you love. The feeling of not being their first would put a hole in your chest and it’d feel like someone had poached your heart, beat you down, gone past you to the finish line. But it’s not actually the end. Being second means you have all the chance and opportunity in the world to prove to them that you’re the right one. Being second means you have a shot to be their last, and you have to do everything to be their last.

Loving someone means putting them first above everything else, no matter what. Iyong tipong kahit ikaw ang maghirap huwag lang sila ay gagawin mo. Iyong tipong kahit ikaw ang masaktan sumaya lang sila, okay lang para sa’yo. Because when you love someone, you’d have to love them with all you could give. Even if it costs you dearly.

---

Hindi napuno ni Nikki noon ang buong diary pero ngayon ay punong-puno na iyon dahil sa mga sulat ni Chace. Sa kabilang page ng huling diary entry niya ay simula na ng mahabang sulat ni Chace—nang kwento nito—at naka-address din iyon kay Nikki.

---

I will tell you about the story of my love for Nikki. Huwag dapat tularan dahil torpe ako. Kung may maipagmamalaki man ako sa istoryang ito, ‘yon ay ‘yong pagmamahal ko sa kanya na kahit kailan ay hindi ko pinagsisihan.

Eight years ago, a fierce lion met a little lamb. From the moment the lion met the lamb, he felt as if he should be called the “lamb” because the lamb felt as if she’s the lion. Noong una kong makilala si Nikki, first time kong ma-reject. First time kong makaramdam ng sakit sa puso at first time kong matakot. Pero first time ko ring maging interesadong-interesado sa isang babae noon. First time kong maramdaman ang eratikong pagtibok ng aking puso. And right then, I knew I found my “it”.

---

Pagkabasa doon ni Nikki ay may bigla siyang naalalang eksena. Ang natatandaan niyang first meeting nila ni Chace. Naalala niya iyon dahil tinawag siya noon ni Chace ng “lamb”.

Nasa guidance office si Nikki dahil ipinatawag siya doon ng principal. Alam niyang malalagay siya sa detention dahil malamang ay nai-report na siya ng mga taong nakakita sa kanya kanina nang suntukin niya ang isa niyang kaklase na hindi tumitigil sa pangungulit at pambabastos sa kanya. Worth it naman para kay Nikki ang detention na iyon dahil sigurado siyang hindi na siya guguluhin ngayon ng lalaking iyon.

Napabuntong-hininga siya dahil sa inip. Kanina pa siya naghihintay sa principal pero ang sabi ng isang staff doon ay nasa meeting pa daw ito at kailangan pa niyang maghintay. Pagkuwa’y may narinig siyang mahinang tawa sa tabi niya. Nang lumingon siya ay nakita niya ang isang lalaking naka-plain white shirt—na naka-rolyo ang short sleeves hanggang sa kili-kili—kaya kitang-kita niya ang mga tattoo sa braso nito. Pa-V neck din ang cut ng t-shirt nito kaya nakita niyang may tattoo din ito sa dibdib. Pero hindi niya masyadong mabasa kung ano ang mga tattoo nito. Nagtataka rin siya kung bakit hindi niya naramdamang nakatabi na pala ito sa kanya.

“Good girl gone bad?” anang lalaki sa swabeng English.

Napakunot-noo si Nikki hindi dahil sa tinuran nito kundi nang mapagmasdan niya ang mata nitong tila nagkukulay-berde. Sigurado siyang hindi iyon contact lenses. Sigurado rin siyang may lahi ang lalaking ito. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit dirty blonde ang kulay ng buhok nitong medyo kulot.

“I know you are. Every good girl loves a bad boy,” sabi pa ng lalaki. At sa gulat niya’y bigla na lang itong lumapit sa kanya. Sa sobrang bilis ng pagkakalapit nito’y nanlaki na lang ang kanyang mga mata. “And I’m a bad boy, baby,” pabulong nitong sabi sa kanya.

Hindi alam ni Nikki kung alin ang mas naunang nangyari—ang paninindig ng mga balahibo niya sa batok o ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Weird and definitely unacceptable. Nagulat lang ako, aniya sa sarili.Agad na itinulak ni Nikki palayo ang lalaki at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan para mas lalo pang makalayo dito.

“Ah, so you’re a shy lamb. Don’t worry, I’m a gentle lion. I won’t eat you, unless you want me to,” sabi na naman ng lalaki.

Ignore him, anang isang bahagi ng isipan ni Nikki.

But it was weird how this guy could stir up emotions inside her that she didn’t know was there.His voice was…low and sexy. His presence was intimidating. The things he’s saying was obviously distracting—sa ayaw at sa gusto man niyang aminin.

Kinuha ni Nikki ang kanyang cell phone mula sa bulsa ng kanyang hand bag at i-d-in-ial ang numero ni Maggie. Pero ring lang ng ring ang cell phone nito. Lumapit siya sa student assistant na nakausap niya kanina at tinanong kung malapit nang dumating ang principal. Sinabi ng babaeng naglalakad na daw papunta roon ang principal. Pero hindi pa rin siya napanatag dahil muling lumapit sa kanya ang lalaki kanina.

“So, ano’ng kaso mo dito? School uniform violation? Alam mo, dapat nga wala na lang uniform dito eh. So, students could express themselves,” dada pa ng lalaki.

“No. I punched a guy and he’s now in the hospital. Kaya kung pwede lang lumayo ka na sa’kin dahil ayokong malagay na naman sa detention,” half-truth na sabi niya rito.

Natawa si Nikki pagkaalala sa eksenang iyon. Iyon nga pala ang unang pagkikita nila ni Chace. Pagkuwa’y ipinagpatuloy na niya ang pagbabasa sa sulat nito.

---

I spent a two years trying to be friends with her after that, but she never accepted me in her zone. Kahit aling zone, okay ako. But never did she allow me to be near her. Her scowls and death stares would always greet me. At sa tuwina’y palagi akong mato-torpe na lapitan pa siya.

I felt a bit weird to feel something that powerful towards her. Ni minsan ay hindi kami naging malapit sa isa’t isa hindi katulad ng ibang taong nagmamahalan. Ni minsan ay hindi kami nakapag-usap ng maayos maliban sa occasional greetings sa school. Pero madalas ay kontento na ako na tingnan at panoorin lang siya sa malayo. I’ve witnessed how tough she is and I admired that trait of her. Siguro dahil hindi ako gano’n at hinahangaan ko siya dahil doon. I saw how she becomes beautiful each day and I became more and more attracted to her. But what interests me most is her compassion towards you, Maggie. Nakita ko kung paano ka niya alagaan, protektahan at mahalin. Siguro ay naisip ng subconscious mind ko na magagawa din niya ‘yon sa’kin. (Sigh) I’m such a girl.

Then, I started going to college abroad. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita. Pero nalaman kong naging magkaibigan pala ang mga magulang namin. Naging mag-business associates pa ang mga tatay namin. May umusbong na pag-asa sa puso ko no’n. Na-excite pa akong umuwi pagkaalam ko no’n. Akala ko’y nagkaroon na kami ng major link ni Nikki dahil sa bond na nabuo ng mga magulang namin, pero hindi pala.

Hindi ko alam kung ano ang issue sa family nila noon pero narinig ko ang mommy’t daddy ko na nag-uusap minsan na hindi pala okay ang parents ni Nikki. Alam kong ‘yon ang rason kung bakit masyado siyang malamig sa ibang tao lalo na sa mga lalaki. I wanted to comfort her but whenever I try to, she would always avoid me. Sa’yo lang siya komportableng maglabas ng totoo niyang nararamdaman, Maggie. There was once a time that I actually wanted to be you. Funny, right?

Then, there’s Adrien’s story. Naging ka-flatmate ko si Adrien noong college sa America kaya naging magkaibigan kaming dalawa. Pero matanda siya ng dalawang taon sa’kin kaya mas nauna siyang maka-graduate at makabalik sa Pilipinas. He’s a good guy and a good friend, but I fucking wanted to kill him! I died out of envy, my heart died because it felt betrayed—kahit wala naman akong karapatan noon—nang malaman kong mag-boyfriend na sina Adrien at Nikki. Hindi ako makapaniwalang nagkagusto si Nikki kay Adrien! Ano ba ang mayro’n si Adrien na wala sa’kin? I’m more handsome than that jerk! But I’ve realized that Adrien has something I haven’t—bravery—he did something I didn’t—face and court Nikki. Nasabi ni Adrien kay Nikki ang mga bagay na hindi ko masabi kay Nikki noon dahil wala akong lakas ng loob.

Hindi ko dapat sisihin si Adrien pero hindi ko maiwasang mainggit sa kanya noon. He had the woman I long wanted to have. Pero kasalanan ko naman kung bakit hindi napasa’kin noon si Nikki. Hindi ako lumaban, hindi ako naglakas-loob. I was so pathetic for even thinking that way. Pero hindi ko napigilan ang sarili kong makaramdam ng gano’n lalo na’t madalas ko silang makitang magkasama ni Adrien noon.

Nalaman ng family ko ang tungkol sa tinatago kong sikreto—my love for Nikki—dahil madalas akong maglasing noon. Lahat sila sinabihan ako na maghanap na lang daw ako ng iba noon. But I did the opposite; I’ve watched the two of them closer. Masokista nga yata ako. Pero dahil sa pakikipaglapit ko na ‘yon sa kanilang dalawa ay mas nagustuhan ko lang si Nikki. I would always tease her para kahit paano ay mapansin niya ako—isang bagay na dapat ay matagal ko na sanang ginawa—before Adrien could’ve ever come to her.

Pero na-realize kong mali ang intensyon ko noon. Kinalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya at nag-focus na lang ako sa ibang babae. Sinubukan ko talagang ibaling ang atensyon ko noon sa iba, pero bumabalik at bumabalik pa rin ako kay Nikki—kahit alam kong taken na siya. Pero naghintay pa rin ako ng chance, nagbabaka-sakaling magkamali si Adrien dahil ipinangako ko sa sarili ko noon na mabigyan lang ako ng chance, hindi na ako matatakot pang ipakita kay Nikki na mahal ko siya.

And Fate must’ve had pitied me. Adrien slipped. Nakita ko siyang may kahalikang isang babae sa Tagaytay noon kung saan pareho kaming may pag-aaring rest house. The sonofabitch was cheating on Nikki right before my very eyes. Hindi na ako nagdalawang-isip pa noon na sugurin siya at saktan. A part of me was glad that Adrien wasn’t the right one for Nikki and that means I still have a chance on her, but a big part of me was really bothered because I know that that will hurt her. Gusto kong sabihin kay Nikki noon ang tungkol sa nakita ko pero ayokong ako mismo ang makasakit sa kanya. Hindi ko na maalala kung ano ang mga sinabi ko noon kay Adrien pero sigurado akong marami roon ay mura, galit at pagbabanta.

Noon naman lumapit sa’kin si daddy at si Tito Nichol tungkol sa “proposal” nang mga ito.

They asked me to marry Nikki and I almost said “yes” immediately. Hindi nila alam na iyon ang pangarap ko. Pero ang hindi ko alam ay alam na din pala nina Tito Nichol na may ibang babae si Adrien dahil pinamanmanan nito si Adrien. Sa totoo lang, no’ng una ay akala ko’y wala nang pakialam si Tito Nichol kay Nikki pero hindi naman pala. He asked me to marry his daughter because my beloved father had told him my feelings for her.

Tito Nichol thought that I could be the right one for Nikki, that I could save her heart because he believed that I won’t hurt her. Or maybe, put Nikki’s heart back together once Adrien shattered her. But no matter how tempting their offer was, hindi ko ‘yon tinanggap. Alam kong hindi magugustuhan ni Nikki ang ideyang ‘yon. Inaasahan ko nang maghihiwalay noon sina Nikki at Adrien pero pinaabot pa ng loko sa pag-aakala ni Nikki na magpo-propose dito si Adrien. Gods, I wanted to beat the hell out of the man!

But I was pretty beat up too, when Nikki had said, “I can’t and will never marry Chace”. She had rejected me again. Higit sa durog kong ego, nakakawasak ng puso ‘yon. Pareho lang kaming nasaktan noon. Gusto ko nang sumuko noon, heck, pagod na pagod na ang isipan at katawan ko sa pagmamahal sa kanya, pero hindi ang puso ko. Never did my heart felt burdened by loving Nikki. And somehow, Fate had given me hope to hold on.

Nagkahiwalay nga sina Nikki at Adrien; pumayag siya sa “kasunduan” na s-in-et up ng mga tatay namin. Nagpakasal kami ni Nikki pero hindi pa rin naging pabor sa’kin ‘yon—in some way. Yes, magkasama kami sa iisang bubong ngayon bilang mag-asawa, pero hindi naman talaga kami ‘mag-asawa’.

Living with her was pure torture. She was near yet she feels so far. I can’t even touch her. I can’t even have a smooth conversation with her not giving me those death stares. But never did I ever regret on marrying her. I’d take whatever she would give me. Even those death stares meant ‘love’ for me. Ha. I must be hallucinating, huh? But there would come a time that she’ll love me too. I have faith and a very powerful weapon that is my heart.

---

Alam ni Nikki na noon pa man ay alam na ni Chace ang tungkol sa pagtataksil sa kanya ni Adrien. She was a little bit touched when she had read that Chace actually fought Adrien because of her. Hindi niya alam kung bakit pero pagkatapos niyang mabasa parteng iyon, pakiramdam niya’y nagtaksil din siya kay Chace. It was a silly feeling because in the first place, she had nothing to do with Chace then.

Hindi niya kasalanan kung hindi umamin sa kanya noon si Chace. Pero malinaw ang inis na naramdaman niya rito. Kung siguro’y naglakas-loob si Chace sa kanya noon, baka hindi siya nasaktan noon dahil kay Adrien. If only she could turn back time. But then, those had happened for a reason. It wasn’t the right time. It wasn’t Chace’s big break—yet.

Nang buklatin at basahin ni Nikki ang mga sumunod na pahina ay nawasak ang puso niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.